"Buntis ako," sabi niya, sabay hawak sa kanyang tiyan. Ang sitwasyon ay tila nagbago ng tuluyan."So who's the father?" tanong ni Quen sa dalaga, "Sorry, Quen I can't say it, " sabi ni Amy sa kay Quen dali-dali naman nagligpit si Amy ng gamit niya at ng paalam na kay Quen.
"Quen I have to go," sabi niya at nag paalam din si Quen sa kanya, bakas sa boses niya ang kaba ng makalabas siya sa loob at nakita niya si Zack sa labas na nakaupo. Tumingin si Zack kay Amy handang lapitan siya, ngunit biglang umiwas si Amy at naglakad sa kabilang direksyon. Ang puso ni Amy ay naguguluhan, hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang buntis siya. Isang gabing pagkakamali, isang sandaling pangyayari na nagdulot ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hapon na nang makauwi si Amy sa bahay na ipinamana sa kanya ng kanyang mga magulang. "Manang, naka-uwi na po ako," mahina niyang sabi sa matandang kasama nila sa kanilang pribadong mansyon. Kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pagod, tila ba pasan niya ang mabibigat na alalahanin. Hinawakan niya ang kanyang tiyan at maingat na kinausap ang sanggol na nasa sinapupunan niya. "Baby, pasensya ka na, hindi kita maipapakilala sa tatay mo," bulong niya habang pinapadaanan ng kanyang mga daliri ang kanyang tiyan. Bagama’t pagod, may isang nag-aalab na pag-asa sa kanyang puso. Alam niyang marami pang pagsubok ang darating, ngunit handa siyang harapin ang lahat para sa kanila ng kanyang anak. Kinagabihan, nag-ring ang telepono. Ang matandang kasambahay ang sumagot. "Hello, is Amy available?" tanong ng boses sa kabilang linya—si Zack. "Nako, iho, kakatulog lang niya," sagot ng matanda. Habang ibinababa ang telepono, hindi mawala sa isip ni Zack ang naging kilos ni Amy nang magkita sila kanina sa labas ng klinika ng kapatid niyang si Quen. Muling sumagi sa isip niya ang mga tanong. Ano nga ba ang ginagawa ni Amy doon? Napagpasyahan niyang tanungin si Quen tungkol dito, ngunit tumanggi ang kapatid. "Sorry, Kuya, pero hindi ko pwedeng ibahagi ang impormasyon ng mga kliyente ko. Confidential lahat iyon," sagot ni Quen, seryoso at propesyonal. Lumalim lalo ang mga tanong sa isipan ni Zack—mga tanong na tila walang madaling kasagutan. Kinabukasan, nagpasya si Amy na maghanap ng trabaho. Pagkatapos niyang maligo at magbihis, lumapit siya sa matanda. "Manang, aalis lang po ako. Maghahanap ng trabaho," sabi niya bago tuluyang lumabas ng bahay. Habang naglalakad-lakad sa lungsod, napadpad si Amy sa isang matayog na gusali—ang *Dilgado Building Inc.*. Hindi niya alam na si Zack, ang taong laman ng kanyang isip kagabi, ang may-ari ng kumpanyang iyon. Determinado siyang makahanap ng trabaho, kaya’t pumasok siya sa loob at lumapit sa receptionist. "Hello po, mag-a-apply po sana ako bilang secretary," mahinahon ngunit puno ng pag-asa niyang sabi. Ngumiti ang receptionist at agad siyang sinagot. "Ah, sa ika-15th floor po gaganapin ang interview," tugon nito sabay abot ng instructions. Hindi pa rin alam ni Amy na sa mismong gusaling iyon, magsasanga ang mga daan nila ni Zack. Habang nag-aantay si Amy sa labas ng opisina, hindi niya mapigilan ang kaba na tila bumibigat sa kanyang dibdib. Naguguluhan siya kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman, ngunit pinilit niyang magpakatatag. Umupo siya ng ilang oras, hanggang sa marinig ang tawag ng isang secretarya. "Miss Amethysts Quizon," tawag ng secretarya ng CEO. Napabuntong-hininga si Amy, nagdasal ng tahimik, at pagkatapos ay pumasok sa loob ng opisina. Hindi niya nakita agad kung sino ang magiging boss niya, kaya’t pinilit niyang manatiling kalmado. "Good morning, sir. I'm Amethysts Quizon," sabi ni Amy, nakatayo at maingat sa kanyang mga galaw. Dahan-dahang humarap ang taong nakaupo sa harap ng mesa. Nang makita niya kung sino ito, nanlaki ang kanyang mga mata. "Zack," sambit niya nang hindi inaasahan. "I mean... sir," mabilis niyang binawi ang kanyang sinabi, nauutal at halatang nagulat. Hindi niya inaasahan na ang taong magiging boss niya ay ang mismong taong matagal nang gumugulo sa kanyang isipan. Nakatitig si Zack kay Amy, hindi naitago ang gulat sa kanyang mga mata. Bagama’t matagal na silang hindi nagkikita, sa isang iglap ay bumalik lahat ng alaala—mga bagay na hindi pa nila napag-uusapan. "Amy..." professional na sabi ni Zack. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago muling bumalik sa pormal na tono. "Miss Quizon, please take a seat." Umupo si Amy, nanginginig pa ang kanyang mga kamay, pilit pinipigilan ang kaba. Hindi siya makatingin nang diretsyo kay Zack, pareho silang nababalot ng tensyon—ang kanilang nakaraan ay tila isang aninong hindi nila matakasan. "So, you’re applying as my secretary?" tanong ni Zack, habang malamig ang tono ng kanyang boses. "Yes, sir," sagot ni Amy, pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit sa loob, para siyang nasusunog sa nerbiyos. Tahimik si Zack, pinag-aaralan si Amy. Nakatitig siya sa kanya na parang may hinahanap na sagot sa mga mata niya. Alam nilang may mga bagay na hindi pa nasasabi, mga tanong na nananatiling nakabitin sa pagitan nila. Nagsalubong ang mga mata nila, at doon, para bang may hindi sinasadyang nagsimula muli ang hindi nila natapos na kwento. Nagpakawala ng isang malamig na ngiti si Zack. "You do realize, this is not going to be easy for either of us, right?" may halong babala ang kanyang boses, na para bang hindi lang trabaho ang tinutukoy. Napalunok si Amy. "I understand, sir." Sagot niya kahit na alam niyang hindi pa siya handa para sa magiging komplikasyon ng sitwasyong ito. Pero kailangan niya ng trabaho, at higit sa lahat, kailangan niyang maging matatag para sa kanyang anak. "Very well," tugon ni Zack, habang muling iniayos ang kanyang postura, parang walang nangyari. "Let’s proceed with the interview." Habang nagpapatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa trabaho, may mga pahiwatig ng nakaraan na bumabalik. Alam ni Amy na hindi ito magiging simpleng trabaho at alam din ni Zack na ang bawat desisyon ay magkakaroon ng mga komplikasyon. Hindi maiwasan ni Amy ang nararamdaman ang kaba, ang tensyon, at ang damdaming matagal nang naipon pero hindi naipahayag. Pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap, tinawag ni Zack ang kanyang dating secretary. "Inform the others that the search for my new secretary is over," sabi niya, ang mga mata ay tumigil kay Amy. Pakiramdam ni Amy ay bumibigat ang paligid. Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang isang magandang babae na agad na lumapit kay Zack. Walang pasintabi, hinalikan siya nito sa harap ni Amy. "Babe, I missed you," sabi ng babae, puno ng lambing at kaswal na kilos, para bang walang ibang tao sa paligid. Napatigil si Amy. Ramdam niya ang biglaang pagpitik ng sakit sa kanyang dibdib, isang kirot na hindi niya inasahan. Pigil ang kanyang hininga, at hindi niya maiwasang tumingin palayo. Hindi niya gusto ang kanyang nasaksihan, ngunit hindi rin niya ito maaaring baguhin. Ang kalungkutan ay unti-unting bumabalot sa kanya. Hinawakan ni Amy ang kanyang tiyan, tila humihingi ng paumanhin sa batang dinadala niya. 'I’m sorry, baby. I’m sorry,' bulong niya , pilit tibayan at di ma saktan. Alam niyang hindi tama ang nararamdaman niyang selos, ngunit hindi niya maiwasang masaktan sa eksenang kanyang nasaksihan. Nagulat si Zack sa hindi inaasahang pagbabalik ng kanyang nobya, si Vanessa na inakala niyang nasa amerika pa. Agad nitong naramdaman ang tensyon sa loob ng opisina. Hindi pa man siya nakakapag react nang husto, biglang nagsalita si Vanessa. "Ow, who is she?" mataray na tanong ni Vanessa, hindi maitago ang selos sa kanyang tinig habang masama ang tingin kay Amy. Agad naman sinagot ni Zack, pilit pinapanatili ang kanyang tono na pormal. "She will be my new secretary." Sa kabila ng malamig na hangin na bumalot sa opisina, nagpakita si Amy ng propesyonalismo. "Nice to meet you ma'am," sabi niya, kahit na dama niya ang bigat ng titig ni Vanessa. Ngunit sa halip na sagutin ang kanyang pagbati, iniwasan siya ni Vanessa at diretsong inirap sa kanya, walang pagtatangkang itago ang nararamdamang paninibugho. Ramdam ni Amy ang bigat ng sitwasyon, pero pinilit niyang manatiling kalmado, kahit na may kurot sa kanyang dibdib. "Vanessa, hindi mo sinabi na uuwi ka na," sinubukan ni Zack gawing mas magaan ang sitwasyon, pero wala ring kasiguraduhan ang kanyang mga mata. Nakita niyang pinisil ni Amy ang kanyang tiyan nang bahagya, at doon, tila may nasilip na sagot sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya. "Vanessa, hindi mo sinabi na uuwi ka na," sinubukan ni Zack na gawing mas magaan ang sitwasyon, ngunit malamig pa rin ang boses ng kanyang nobya."Surprise," sagot ni Vanessa, isang ngiti niya ng sabihin kay Zack. Tila may subtext ang kanyang sinabi—parang may mga bagay na naglalaro sa isip niya na hindi niya sinasabi nang direkta. Tumingin siyang muli kay Amy, na parang nagtataka kung bakit naroon parin ang babae. Sa ilalim ng kanyang propesyonal pakikitungo, nagulat si Amy sa damdaming tumama sa kanya isang halo ng discomfort at sakit. Alam niyang wala siyang karapatang magselos, ngunit hindi niya maipaliwanag ang kirot na naramdaman niya sa kanyang puso. Sa mga saglit na iyon, parang mas tumindi ang bigat ng lihim na dala niya, ang lihim tungkol sa batang dinadala niya. "Amy, you can go now. Alexandra will discuss your role further tomorrow," sabi ni Zack, pilit na inaayos ang sitwasyon. Kitang-kita sa kanya ang tensyon, ngunit pilit niyang binabalik sa kontrol ang sitwasyon. Tumango si Amy, marahang ngumiti, ngunit sa loob-loob niya, ramdam ang gulo ng damdamin. Habang papalabas siya ng opisina, narinig niya ang mabab
Mabilis na nagtungo si Amy sa ospital, bitbit ang takot at kaba matapos ang hindi inaasahang tawag mula kay Quen. Hindi malinaw ang sinabi nito sa telepono, ngunit ramdam ni Amy na may mahalagang bagay siyang kailangang malaman. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng ospital, hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pagdating sa lugar kung saan siya tinawag, nakita niya si Quen na nakatayo sa labas ng isang silid, seryoso ang ekspresyon ng mukha. Agad na nilapitan ni Amy ang binata. "Amy, salamat sa pagdating mo kaagad," ani Quen bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Ano'ng nangyari? Bakit mo ako pinatawag?" tanong ni Amy pigil ang kaba sa kanyang dibdib. Sumagot si Quen ng malalim na hininga bago nagsalita. "May nakita kami sa mga tests mo. As you can see nong last check up mo may komplikasyon sa pagbubuntis mo na kailangang tutukan." Napakunot ang noo ni Amy. "Anong ibig mong sabihin?" Si Quen ay nag-ayos ng kanyang salamin, tila nag-iisip ng tamang mga salita
Pagkatapos ng usapan nila ni Zack, lumabas si Amy ng opisina. Hindi mapakali ang kanyang kalooban, pinipilit niyang kontrolin ang emosyon. Alam niyang hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan, ngunit ang tanong ay kailan niya ito sasabihin. Habang naglalakad siya papunta sa pantry, naririnig pa rin niya ang tinig ni Zack, ang mga salitang binitiwan nito kanina: "I'm worried about you." Pakiramdam ni Amy ay lalong bumibigat ang bawat hakbang. Nasa loob pa rin ng isip niya ang huling tagpo sa ospital kasama si Quen. "May komplikasyon sa pagbubuntis mo," paulit-ulit na tumatakbo ang sinabi ni Quen. Hindi niya lubos maisip kung paano haharapin ito nang mag-isa. Lalo na ngayon, kailangang malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang anak. Ngunit paano niya sasabihin ito sa isang lalaking nasa isang masalimuot na relasyon kay Vanessa? Biglang pumasok si Quen sa pantry. Nang makita siya ni Amy, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Amy, okay ka lang ba?" tanong ni Quen haba
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang sumagi sa isip ni Amy ang isang ideya—ang umalis. Lisanin ang lugar na puno ng alaala ng kanilang nakaraan ni Zack at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi niya nais lumaki ang bata sa isang mundo ng pagkalito at kawalan ng ama. Gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na lumaking masaya, kahit pa wala si Zack sa kanilang buhay. Isang gabi, habang nakahiga si Amy sa kanyang kama, malalim niyang pinag-isipan ang posibilidad ng pag-alis. Ang pagbubuntis niya ay hindi na magtatagal bago mapansin ng mga tao sa kanilang opisina. At kahit na professional siyang kumilos, hindi niya maitatangging masakit na makita si Zack araw-araw na tila walang pakialam. Kinabukasan, hindi na nag-atubiling kausapin ni Amy si Quen tungkol sa kanyang plano. "Quen, gusto kong magsimula ng panibagong buhay. Gusto kong umalis dito at maghanap ng lugar kung saan makakapagsimula ako ulit kasama ang anak ko," sabi ni Amy, puno ng determi
Dahil dito, nagpasya si Zack na hanapin si Amy. Tumawag siya ng mga kilalang tao sa kanilang circle—mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, pati na rin ang ilang tauhan ng kumpanya—upang malaman kung saan maaaring naroon si Amy. Alam niyang hindi niya maaaring pabayaan na lamang ang responsibilidad bilang ama. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang ayusin ang gulo sa pagitan nila at ipakita kay Amy na seryoso siya sa kanyang papel bilang isang ama. Pagkaraan ng ilang araw na paghahanap, natunton ni Zack ang isang maliit na bahay sa isang malayong baryo sa probinsya. Sa harap ng bahay na iyon, nakatayo si Amy, nagdidilig ng mga halaman habang hinihintay ang paglubog ng araw. Sa kabila ng payak na pamumuhay, bakas sa mukha ni Amy ang kapayapaan at kaligayahan. Huminto ang sasakyan ni Zack sa harap ng maliit na bahay ni Amy. Nang bumaba siya, kinabahan siya, hindi alam kung paano haharapin si Amy. Tila napansin ni Amy ang pamilyar na porma ng lalaki, kaya’t bumaling siya at namutla nang mak
Samantala, si Amy, na nananatili sa kanyang maliit na tahanan, ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Hindi lang ito tungkol sa isang gabing nagdaan—ito ay tungkol sa kanilang anak. Si Zack ang ama ng dinadala niya, ngunit hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito, lalo pa't may ibang babae sa buhay ng lalaki. Habang nagdidilig ng mga halaman, biglang may nakita si Amy na di pamilyar na lalaki sa malayo. Nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis siyang pumasok sa bahay, isinara ang pinto, at sinisilip ang labas kong nan doon paba ang nakita niyang lalaki. Nang gabing iyon, habang nakatingin sa mga bituin, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Zack: “I'll take care of you two.” Ngunit paano nga ba niya mapagkakatiwalaan si Zack? Hindi lang ito tungkol sa kanya ngayon, kundi tungkol sa bata sa kanyang sinapupunan. Sa kabila ng lahat ng emosyon, nagpasya si Amy na subukang matulog ng maaga. Ngunit bago pa man siya makatulog, may kumatok sa kanyan
Paglabas ni Amy sa kanilang bahay, hindi niya mapigilan ang hindi mapakali sa nakita niya. "Asan na siya?" bulong niya sa sarili, malinaw ang kaba sa kanyang boses. Alam niya, sa kaibuturan ng kanyang puso, na ang taong nakita niya ay walang iba kundi ang kanyang ama. Pagpasok niyang muli sa loob ng bahay, naupo siya sa sofa, patuloy na iniisip ang tagpo. Hindi napigilan ni Amy ang mapaluha habang iniisip ang mga posibilidad. Sa mga sandaling iyon, dumating si Zack, nadatnan siyang umiiyak. "Hey, anong nangyari?" tanong ni Zack, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Amy at marahang hinawakan ang kamay nito, tila sinisikap aluin siya. "I-I saw him," nauutal na sabi ni Amy, saka dahan-dahang ikinuwento ang lahat ng kanyang nakita. Tahimik na nakikinig si Zack, buong atensyon na ibinuhos kay Amy habang nagsasalaysay ito. Nang mapansin niyang nakatulog na si Amy sa kanyang balikat, maingat niya itong binuhat at dinala sa kwarto upang makapagpahinga. Habang mahimbi
Kinabukasan, tila mabigat pa rin ang pakiramdam ni Amy, ngunit sinubukan niyang magpatuloy sa normal na gawain. Naguguluhan pa rin siya sa nakita niya—ang imahe ng kanyang ama, isang taong matagal nang wala sa kanilang buhay, ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan. Habang nakatingin si Amy sa bintana ng kanilang sala, naramdaman niyang may kakaiba. Bumalik ang alaala ng mga araw kung saan wala siyang ibang naiisip kundi ang pagkamatay ng magulang niya. Muli siyang nakaramdam ng sakit ngunit kasabay nito, naroon din ang pangungulila. Hindi lubos ma isip ni Amy na buhay ang ama niya. Walang anu-ano, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Napatingin siya sa screen at nakita ang pangalan ni Zack. Agad niyang sinagot ang tawag. “Amy, I need to talk to you,” seryoso ang boses ni Zack sa kabilang linya. “Pumunta ka sa opisina ngayong hapon.” “Bakit, may nangyari ba?” tanong ni Amy, kinabahan sa tono ng boses ni Zack. “This is an important matter. Ipapasundo kita sa driver ko,”
Habang patungo si Zack sa kanyang opisina, nagmamaneho siya nang maingat sa kabila ng pagod mula sa mga nangyari noong nakaraang araw. Tila normal ang lahat—ang traffic, ang tahimik na tunog ng radyo, at ang mahinang ugong ng makina. Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nang may sunud-sunod na putok ng baril na dumapo sa kanyang sasakyan. "Shit!" mura ni Zack, mabilis na pumihit sa manibela upang maiwasang matamaan. Pumutok ang mga salamin ng kanyang sasakyan, at ramdam niya ang pag-aray ng katawan ng sasakyan sa mga tama ng bala. Mabuti na lang at ang sasakyan niya ay bulletproof, ngunit alam niyang hindi ito ganap na ligtas sa ganoong uri ng ambush. Binilisan niya ang pagmamaneho, sinusubukang tumakas mula sa mga humahabol sa kanya. Nakita niya ang isang itim na SUV na bumubuntot sa kanya, at tila armado ang mga sakay nito. "Who the hell sent these people?!" bulong ni Zack sa sarili habang sinusubukang alamin kung sino ang posibleng may galit sa kanya. Samantala, si Amy
Matapos ang mga nangyari, muling bumalik ang tahimik na takbo ng buhay nina Amy at Zack. Magdadalawang buwan na ang ipinagbubuntis ni Amy, ngunit hindi pa masyadong halata na mayroon siyang dinadala. Sa kabila ng lahat, hindi maipaliwanag ni Amy ang kakaibang init na nararamdaman niya sa bawat pagdaan ng araw. "Hon, alis muna ako. May meeting ako mamaya," sabi ni Zack habang papasok sa kanilang kwarto, suot ang pormal niyang damit. Nakatingin lang si Amy sa asawa, at tila nagliyab ang nararamdaman niya habang tinititigan ito. Hindi niya maiwasang isiping baka epekto ito ng pagbubuntis niya—pero iba ang dating ngayon. Mas matindi, mas buo, mas hindi niya kayang pigilan. "Hon," bulong niya sa asawa, ang tinig niya'y may halong lambing at pang-aakit. Nagbago ang ekspresyon ni Zack, ang mga mata nito'y lumambot, at mabilis siyang lumapit sa asawa. "Amy..." Mahina ang boses ni Zack, halatang apektado rin sa galaw at titig ni Amy. Ngunit bago pa siya makapagsalita ng iba, yumakap na
Ang araw ay nagsimula nang tahimik para kay Amy at Zack. Matapos ang ilang araw ng pagpapalakas ng kanilang seguridad, nagsimula nang maging normal ang buhay nila. Gayunpaman, hindi nila alam na may mga hindi nakikitang pwersa na patuloy na nagmamasid sa kanila.Habang si Zack ay abala sa mga usaping negosyo, si Amy naman ay nag-aalaga ng kanilang mga anak at nag-aayos ng mga detalye para sa pamilya na tinulungan nila. Ang buhay nila ay tila bumalik sa tamang landas, ngunit ang patuloy na banta ay nagsisimula na namang magparamdam.Isang hapon, habang naglalakad si Amy sa kanilang bakuran kasama si Aliah at Josh, napansin niya ang isang itim na kotse na dumaan sa harap ng kanilang bahay. Walang anuman sa itsura ng kotse na magpapahiwatig ng banta, ngunit ang pakiramdam ni Amy ay kakaiba. May tila nagmamasid mula sa loob ng kotse, at ang kislap ng mata ng driver ay nagbigay ng hindi komportableng pakiramdam kay Amy."Amy, ano'ng nangyari?" tanong ni Zack na lumabas mula sa bahay at nap
Kinabukasan matapos ang libing, bumalik sa normal ang mga gawain ng pamilya nina Amy. Ang tahanang puno ng kalungkutan ay unti-unting nagkakaroon ng buhay sa presensya ng mga bata. Bagama’t may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata ni Amy, nagsusumikap siyang maging masaya para sa kanyang pamilya.Habang abala si Zack sa pag-aalaga kay Josh at Aliah, si Amy naman ay nagliligpit ng mga gamit ng kanyang ama sa kwarto nito. Nakita niya ang lumang relo ng kanyang ama na iniwan nito sa lamesita. Pinulot niya ito at idinikit sa kanyang dibdib, pilit na pinapalakas ang loob.Ilang saglit pa’y narinig niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa labas. Hindi inaasahang may mga bisitang darating, bumaba si Amy para alamin kung sino iyon. Nagulat siya nang makitang si Juan, ang half-brother ng ama ni Zack, ay nakatayo sa harap ng pintuan kasama ang ilang mga lalaking hindi pamilyar sa kanya.“Juan? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Amy, pilit na tinatago ang kaba sa kanyang boses.Ngumisi si Juan, ha
Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamatay ang ama ni Amy, ngunit sa araw ng libing nito, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang taong sobrang mahal niya—ang unang nagparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga.“Hon, come, it’s time,” tawag ni Zack. Lumapit si Amy habang iniisip kung paano haharapin ang realidad na ito. Sa bawat hakbang papunta sa huling hantungan ng kanyang ama, pakiramdam niya’y mas lalong bumibigat ang bawat galaw niya. Mahigpit ang hawak niya kay Zack—ang tanging nagbibigay sa kanya ng lakas ngayong pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay.Habang papalapit sila, napapaligiran sila ng mga mahal sa buhay, kaibigan, at mga taong nagbigay respeto sa kanyang ama. Si Aliah, na karga ni Zack, ay umiiyak din, kahit hindi lubos na nauunawaan ang nangyayari. Ang inosente niyang luha ay tila salamin ng sakit na nararamdaman ni Amy.Pagdating sa tabi ng kabaong, dahan-dahang hinaplos ni Amy ang malamig nitong ibabaw. “Pa, I miss you so much... Salamat sa lahat ng gina
Maagang tumunog ang telepono ni Amy habang mahimbing pang natutulog si Zack. Kinuha niya ito mula sa bedside table, bahagyang nababahala kung sino ang tumatawag nang ganoong oras.“Hello?” mahina niyang sagot, baka magising si Zack.“Amy...” Basag ang boses sa kabilang linya. “Si Papa mo... naaksidente...”Biglang bumangon si Amy mula sa kama, ang kaba ay tila piniga ang puso niya. “Anong ibig mong sabihin, Tita Mel? Anong nangyari kay Papa?”“May nangyari sa daan pauwi siya kagabi... binaril siya, Amy...” Halos hindi makapagsalita si Tita Mel sa pagtangis. “Wala na siya...”Tumigil ang mundo ni Amy. Napahawak siya sa dibdib, pilit hinihila ang hininga ngunit parang hindi ito sapat. “Hindi... hindi totoo ‘yan, Tita. Paano nangyari ito?” nanginginig niyang tanong.Nagising si Zack sa pagkilos ni Amy. “Hon, ano’ng nangyayari?” tanong niya, halatang nag-aalala.Napatingin si Amy sa asawa, ngunit hindi na niya kayang magsalita. Ang telepono ay nahulog sa kamay niya, at bumuhos na ang kany
Umaga na nang magising si Amy na wala sa tabi niya si Zack, kaya bumangon na siya. Pero papatayo palang siya ay bigla na lang siyang nahilo, kaya napahawak siya sa ulo niya. Sakto naman at pumasok si Zack na kakalabas lang sa Cr. “Hon, are you ok?” nagaalalang tanong sa kanya ng asawa, tumingin naman siya rito at ngumiti lang kay Zack. “Yeah, I guess baka na subraan lang sa tulog,” sabi niya pa.“Sigurado ka ba?” tanong ulit ni Zack, halatang nag-aalala habang lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya para alalayan siya paupo.“Sigurado, hon. Wag kang mag-alala,” sagot ni Amy, pero sa loob-loob niya ay may kung anong kaba ang bumabalot sa kanya. Hindi naman siya madalas mahilo, kaya nagtataka rin siya.“Baka kailangan mo nang magpacheck-up. Ayoko nang balewalain natin 'to, Amy,” mariing sabi ni Zack habang pinupunasan ang pawis sa noo niya.Napangiti si Amy sa pagiging maalaga ng asawa. “Huwag kang OA, Zack. Normal lang 'to. Maybe stress or baka gutom lang ako,” sagot niya, per
Pagkalipas ng ilang araw mula sa nakakakilig nilang date night, bumalik sa normal ang buhay nina Zack at Amy. Pareho silang abala sa kanilang mga responsibilidad—si Zack sa kanyang kompanya at si Amy sa pagbabantay sa kambal. Pero sa likod ng kanilang masayang pamilya, may panganib na paparating na hindi nila inaasahan.Isang gabi, habang natutulog sina Josh at Aliah sa kanilang nursery, may narinig na kakaibang tunog si Amy mula sa ibaba ng bahay. Nagising siya mula sa mahimbing na tulog at bahagyang inalog si Zack.“Hon, narinig mo ba iyon?” tanong niya, ang boses ay puno ng kaba.Bahagyang dumilat si Zack, napakunot-noo. “Ano? Ano'ng narinig mo?”“Parang may nabasag sa kusina,” sagot ni Amy, bumaba ang boses na tila natatakot na baka may makarinig.Agad na bumangon si Zack at kinuha ang baseball bat na lagi niyang tinatago sa ilalim ng kama. “Stay here. I’ll check it out.”“Zack, huwag kang mag-isa!” pilit ni Amy, pero tumanggi si Zack.“Don’t worry, Hon. Lock the door and don’t op
Habang abala si Amy sa pagbabantay sa kambal, bigla niyang naramdaman ang malambot na halik sa kanyang pisngi. Paglingon niya, nakita niya si Zack na may hawak na bouquet ng rosas at may ngiting tila may binabalak.“Hon, ano naman ito?” tanong ni Amy, bahagyang namumula sa hiya.“Get dressed, Mrs. Delgado,” sabi ni Zack habang inilalapag ang mga bulaklak sa mesa. “We’re going out tonight.”“Out? Zack, paano ang kambal? At saka—”Tumigil si Zack sa harap niya at inilagay ang hintuturo sa labi ni Amy. “Relax, Hon. Sinigurado kong may mag-aalaga sa kambal. Si Quen ang magbabantay kasama ang yaya. Tonight, it’s just you and me.”Napatitig si Amy sa asawa. Hindi niya inaasahan ito dahil sa nakaraang linggo, masyado silang abala sa mga bata at sa trabaho ni Zack. “Sigurado ka? Hindi mo na kailangang gawin ito.”“Of course, I have to,” sagot ni Zack na tila nagtatampo. “Lately, masyado na tayong naging busy. I want to remind you that you’re still the most important woman in my life.”Napalun