Share

Chapter 2: His Home

Nagising si Amy sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya. "Asan ako?" ang nag-aalalang tanong niya sa sarili habang nililibot ang kanyang paningin. Napansin niya si Zack, na mahimbing ang tulog. Mabilis na bumalik sa kanyang ala-ala ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan.

Tumayo siya at kinuha ang mga saplot sa sahig. Nagmadaling umalis dala ang mga ala-ala nila ni Zack. Samantalang si Zack naman ay nagising na. Hinanap ni Zack si Amy pero pagtingin niya wala na ang dalaga.

Bumangon si Zack at mabilis na bumaba ng hagdan. Tinawag niya ang mayordoma ng mansion upang tanungin kung may nakitang ba siyang dalaga na lumabas.

"Naku sir, wala po," ang sagot ng mayordoma, kaya't tumango na lamang si Zack at nagpasya na magpaluto ng pagkain. Subalit, hindi nagtagal ay lumapit ang isang katulong sa kanya, at sinabi na nakita niya si Amy. "Sir, may lumabas po na dalaga kanina, kilala mo ba iyon?" tanong nito. Agad na tumingin si Zack sa katulong.

"What time?" ang tanong niya, ngunit nagdalawang isip ang katulong, halatang naguguluhan sa tinanong ni Zack. Sa kanyang isip, nais sanang magbigay ng detalye ngunit tila nahirapan siya intindihin ang sinabi ng amo.

Bigla namang dumating ang driver ni Zack. "Alas 6 ng umaga po, sir," saad nito, nag-aayos ng mga gamit sa sasakyan.

"Is that so," tugon ni Zack, habang hinigop ang natitirang kape sa tasa. Ang kanyang isipan ay abala sa mga nangyari noong nakaraang gabi—ang mga halik, at ang hindi inaasahang pangyayari sa kanila ni Amy.

Pagkapasok sa sasakyan, sumandal siya at kinuha ang kanyang telepono, sinuri ang mga mensahe at email na kailangan niyang asikasuhin pagkarating sa opisina.

"Sir, ready na po tayo," sabi ng driver, na bumalik sa kanyang posisyon.

"Okay, let's go," sagot ni Zack, kahit na ang isip niya ay tila naglalakbay pa rin pabalik sa nakaraan. Habang bumabyahe, sinubukan niyang mag-focus at panandaling kalimutan ang naganap sa kanila ni Amy.

Habang naglalakad si Amy, hindi pa rin niya maisip na nawala na ang kanyang pagkababae at binigay ito sa lalaki na nong araw palang niya nakilala. Ang bawat hakbang ay tila nagdadala ng bigat ng kanyang desisyon. “Ang tanga-tanga mo, Amy,” bulong niya sa sarili, iniisip ang mga alaala ng kanilang nagdaang gabi.

Ang init ng mga halik at ang malalim na koneksyon na nabuo nila ay patuloy na bumabalik sa kanyang isipan. Sa isang iglap, naisip niyang nagpadala siya sa isang sandali ng kahangalan, isang pag-aakalang wala itong magiging epekto. Pero narito siya ngayon, naguguluhan at puno ng panghihinayang.

Bawat detalye ng kanilang karanasan ay tila umaabot sa kanyang puso—ang paraan ng paghawak ni Zack sa kanyang kamay, ang mga salitang binitiwan niya na nagbigay ng seguridad. Pero sa likod ng lahat ng iyon, may pangamba na lumalabas.

Biglang namang tumigil ang isang sasakyan sa harap ni Amy, at nagulat siya ng lumabas si Zack, ang lalaki na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan. Lumapit si Zack sa kanya, at inalok na sumakay sa sasakyan.

"Ride on, ihahatid kita," sabi ni Zack, ang ngiti nito ay puno ng tiyansa at pagmamalasakit.

"Wag na po, okay lang ako dito," sagot ni Amy, na nagpatuloy sa paglalakad. Sa kabila ng tawag ng puso, pinili niyang iwasan ang alok. Sa isip niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero ang pagbabalik kay Zack ay tila hindi tamang desisyon.

Habang naglalakad siya, ramdam niya ang pagsunod pa rin ng sasakyan ng lalaki sa kanya . Kaya ng desisyon si Amy na pumasok sa sasakyan ni Zack. Naisip niyang bababa na lang siya sa kanto, malapit sa private property ng pamilya niya na tinago ng kanyang magulang at di ito alam ng kanyang tiyuhin.

"Jan na lang ako sa may kanto," sabi ni Amy, subalit sa gitna ng kanyang pag-aalala, nakalimutan niya ang pangalan ni Zack.

"Anong pangalan mo ulit?" tanong niya, halatang nahihiya.

"Zack," sagot ni Zack, na may ngiti sa kanyang mga labi. Ang sagot nito ay tila nagbigay sa kanya ng kaunting ginhawa.

Makalipas ang ang ilang buwan na di na sila nagkita ni Zack sa pagkaalala ni Amy ay noong hinatid siya ng binata sa labas ng private property nila. Dahil do'n unti-unti may nararamdamang kakaiba si Amy sa katawa niya.

Naghihirapan si Amy sa pinagdadaanan niya, sa mga nakaraang araw, tila nagiging mas madalas ang kanyang pagkahilo at pagsusuka, na nagpapaisip sa kanya kung ano ang nagiging sanhi nito. Kaya di na siya nagdalawang-isip at ng pa check up na, nang tawagin siya ng nurse, tumayo siya at naglakad patungo sa opisina ng doktor, umaasang makakakuha ng kasagutan sa ngyayari sa kanya.

Pumasok si Amy sa opisina ni Doctora Dilgado at nagulat nang makita si Angelie. “Amy, ikaw ba yan?” tanong ni Angelie na may ngiti. “Quen Angelie Dilgado, ikaw ba yan?” tugon ni Amy, masaya. Nagyakapan sila, ngunit sa likod ng ngiti, ramdam ni Angelie ang lungkot. “How are you? I'm sorry for your loss,” sabi niya, puno ng sempatiya.

Habang nagkukwentuhan sila agad naman nagpa-check up si Amy, ibinahagi niya ang mga nararamdaman nitong mga nakaraang araw. Bigla, na susuka ulit si Amy at nagmadali siyang tumakbo sa banyo. Paglabas niya, nakita niya si Zack, at bigla siyang kinabahan bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napansin na man ni Quen si Amy ang kanyang paglabas sa banyo, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagdilim ang kanyang paningin at nahimatay.

Mabuti na lang at nasalo siya ni Zack bago siya mahulog. Dahan-dahan niyang hiniga si Amy sa kama sa loob ng clinic. “Kuya, what are you doing here?” tanong ng kapatid ni Zack.

“Mom just got home, pinapauwi ka..Sinabi ko I'll fetch you,” sagot ni Zack sa kanya.

Tumingin naman si Zack kay Amy na mahimbing nang natutulog

"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Zack sa kapatid, puno ng pag-aalinlangan. Sumagot si Quen, "Nagpa-check up siya kasi may nararamdaman siyang kakaiba nitong mga nakaraang araw,"sagot niya kay Zack lumabas naman ang kapatid upang kunin ang mga resulta, iniwan silang dalawa sa silid.

Unti-unting nagising si Amy, at sa kanyang paningin nasa malapit na ang mukha ni Zack, aninag ang lalaking matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan. Sa bawat tibok ng kanyang puso, naghalo ang takot at pag-asa, na tila may mga tanong na nais niyang ipahayag ngunit nanatiling nakatago sa kanyang isipan.

"Ah, hello ulit Zack," sabi ni Amy, umayos siya ng upo, nag-usap lang sila saglit ni Zack at lumabas muna ang binata. Dumating naman si Quen na may dalang magandang balitsa kay Amy. "Amy, congrats!" masayang bati ni Quen sa kanya, sabay abot ng papel.

"Your two months pregnant,"nabigla si Amy sa narinig. Para bang huminto ang mundo sa kanya, at unti-unting humina ang kanyang katawan. Napaluhod siya, nag-iisa sa kanyang mga saloobin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status