Home / Romance / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 4

Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 4

Sa kabila ng malinaw na sagot ni Roland, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Rowena. Patuloy siyang nagpapakita ng "lambing," sinusubukang makahanap ng puwang sa pagitan ng relasyon nina Roland at Maria. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginagawa, ngunit ang puso niya'y bulag na sa tama at mali.

Isang hapon, nagkayayaan ang tatlo—si Maria, Rowena, at Roland—na magpunta sa isang coffee shop matapos ang klase. Habang nag-uusap ang tatlo, napansin ni Rowena na naka-focus si Roland kay Maria, at habang nagtatawanan ang dalawa, hindi maiwasang sumingit ang selos sa kanyang puso.

"Ang sweet n'yo naman," bati ni Rowena, na may halong lungkot sa kanyang boses na pilit niyang tinatago sa ngiti.

"Talaga?" tanong ni Maria, ngumiti at tumingin kay Roland. "Mahal ko talaga 'tong si Roland, eh. Sobrang bait at maalaga."

Napansin ni Roland ang kakaibang tono sa boses ni Rowena, pero nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap kay Maria. Hindi nito binigyang pansin ang mga subtle- na pagkilos ni Rowena, ngunit sa ilalim ng kanyang mapagkakatiwalaang facade-, palaging naroon ang inaasam niyang sandali na maging sila ni Roland.

Habang tumatagal, patuloy lang si Rowena sa paghahanap ng pagkakataon, umaasa pa rin sa imposible. Patuloy siyang umaasa na darating ang araw na magigising si Roland at mapagtatanto nito na siya ang tunay na nararapat para sa kanya.

Ngunit sa bawat araw na lumilipas, lalo lamang lumalalim ang pag-ibig ni Roland kay Maria, at sa bawat oras na kasama niya ang mga ito, alam niyang ang kanyang pangarap ay tila mas nagiging malabo.

Hindi niya kayang sumuko, ngunit sa bawat tangkang lumapit kay Roland, nararamdaman niya ang bigat ng katotohanan—ang katotohanang hindi siya kailanman magiging bahagi ng mundo nila.

Makalipas ng isang linggo, Isang hapon sa kanilang camping activity-, nagkaroon ng pagkakataon si Rowena na mapalapit kay Roland. Si Maria, na sana’y makakasama, ay hindi nakarating dahil kailangan nitong alagaan ang kanyang inang si Madre Teresa, na maysakit. Alam ni Rowena na ito ang sandali niyang matagal nang hinihintay. Hindi niya na kayang itago ang kanyang nararamdaman at naging mas mapusok siya sa bawat galaw.

Habang abala ang kanilang mga kaklase sa paghahanda ng kampo at pagsasaayos ng mga gamit, sinadyang lapitan ni Rowena si Roland. Naupo siya malapit sa kanya, pinagmamasdan ang paligid, at hinanap ang perpektong oras para maging sila lang dalawa.

"Roland, kailangan mo ba ng tulong sa pag-set up ng tent-?" malambing na tanong ni Rowena habang nakangiti.

Tumingin si Roland sa kanya at tumango, walang malisya sa kanyang kilos. "Oo, mukhang hindi ko ito mabubuo mag-isa."

Sabay silang nagtulungan sa pag-aayos ng tent. Habang ginagawa ito, sinisikap ni Rowena na maging mas malapit kay Roland. Hinahawakan niya ang kanyang braso nang walang dahilan, idinidikit ang kanyang balikat sa katawan nito tuwing nagkakaroon ng pagkakataon. Ngunit tila hindi pansin ni Roland ang mga subtle na kilos ni Rowena. Para kay Roland, kaibigan lamang ito.

Nang matapos nilang ayusin ang tent, napansin ni Rowena na malayo na ang ibang mga kaklase, abala sa kanilang mga gawain. Nakahanap siya ng pagkakataon, at may halong kaba at pananabik ang kanyang dibdib.

"Roland..." simula ni Rowena, bahagyang nanginginig ang kanyang boses, ngunit puno ng determinasyon. "May gusto sana akong sabihin sa'yo."

Tumingin si Roland sa kanya, tila nagtataka. "Ano iyon, Rowena?"

Hinila ni Rowena ang hininga, pinipilit ang sarili na maging matapang. "Pansinin mo ko Roland..Kaya kong ibigay lahat ng bagay para sayo at mga bagay na di kayang ibigay ni Maria! Simula nung una kitang makita, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Mahal kita, Roland.

"Biglang nanahimik ang paligid. Nagulat si Roland sa mga salitang iyon, at bago pa man siya makapagsalita, biglang humakbang si Rowena papalapit. Sa isang iglap, hinalikan niya si Roland sa mga labi—isang halik na puno ng pananabik at pagnanasa, hindi na iniisip ang magiging resulta ng kanyang ginagawa.

Si Roland, sa sobrang gulat, hindi agad nakagalaw. Para bang biglang tumigil ang oras sa pagitan nila. Nang mapagtanto niya ang nangyayari, mabilis siyang kumalas mula kay Rowena, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at kalituhan.

"Rowena, anong ginagawa mo?" tanong ni Roland, malalim ang kanyang hininga at halatang hindi makapaniwala sa nangyari.

Ngumiti si Rowena, tila walang pagsisisi sa kanyang ginawa. "Roland, hindi mo ba nararamdaman? Mahal na mahal kita. Alam kong mahal mo si Maria, pero... hindi ko na kayang itago 'to. Hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Umiling si Roland, kita sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Hindi, Rowena. Hindi tama 'to. Alam mong mahal ko si Maria. Kaibigan kita, pero hindi ko magagawa 'to kay Maria. Hindi ko magagawa 'to sa sarili ko."

Nabura ang ngiti sa labi ni Rowena. Hindi niya inasahan ang pagtanggi, hindi matapos ang ginawa niyang hakbang. "Pero Roland... hindi ba't naramdaman mo rin 'yun? Alam kong may espesyal kang nararamdaman para sa akin na di mo lang maamin."

Mariing umiling si Roland, ngayon ay mas seryoso na. "Rowena, wala. Wala akong nararamdaman para sa'yo maliban sa pagiging kaibigan. Mahal ko si Maria, at wala nang iba." akmang yayakapin si Roland at napabalikwas ito at dumistansiya sa kanya

Nanatiling tahimik si Rowena, tila binuhusan ng malamig na tubig. Ang buong plano niya, ang matagal niyang inaasam na pagkakataon, ay nauwi sa wala. Tumalikod si Roland, hinahabol ang kanyang hininga at iniwan si Rowena na nag-iisa, nilalamon ng pagsisisi at kahihiyan.

Habang papalayo si Roland, biglang naramdaman ni Rowena ang bigat ng kanyang ginawa. Sa isang saglit, sinira niya ang tiwala ni Roland, pati na rin ang pagkakaibigan nila ni Maria.

Bagaman pinilit ni Roland na itanggi ang nararamdaman niya, hindi maikakaila na ang halik na iyon mula kay Rowena ay pumukaw sa isang bahagi ng kanyang damdamin na matagal na niyang itinatago. May atraksiyon nga siyang nararamdaman kay Rowena, ngunit sa kabila ng mga damdaming ito, pinipigilan niya ang sarili alang-alang sa kanyang pagmamahal kay Maria. Matagal na silang magnobyo, at mahal na mahal niya ang kasintahan. Ngunit hindi niya maitatanggi sa sarili na sa ilang pagkakataon, napansin niyang may kakaiba rin kay Rowena—ang kanyang mga mata, ang kanyang mga ngiti, ang simpleng kilos nito na minsang nagdulot ng kuryente sa kanya.

Habang naglalakad palayo mula kay Rowena, malalim ang kanyang iniisip. Ang bigat ng kanilang tagpo ay tila nakabalandra sa kanyang dibdib. Bakit nga ba nagising ang damdaming ito? Alam niyang mali, ngunit hindi niya maialis sa isipan ang init ng halik na iyon, ang pagnanasa sa mga mata ni Rowena. Matagal na silang magnobyo ni Maria, at ang kanilang relasyon ay palaging maayos—puno ng pag-ibig at respeto. Ngunit sa loob ng mahabang panahon nilang magkasama, minsan ay nararamdaman ni Roland na may mga pagkakataong nawawala ang excitement at nagiging boring- na ang kanilang relasyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status