Parang tumigil ang mundo ni Roland sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita, tila pinoproseso pa ang bigat ng pag-amin ni Rowena.
"Rowena... ano ‘to? Hindi ko ito inaasahan," sabi ni Roland, nag-aalinlangan.
Tumingin si Rowena diretso sa mga mata ni Roland, pilit na hindi magpapakita ng kahinaan. "Oo, alam ko. Alam kong hindi mo ito inasahan. Pero totoo ito, Roland. Mahal kita. At hindi na ako makakapagpanggap na wala akong nararamdaman. Alam kong masakit para kay Maria, pero kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko."
Umiling si Roland, tila hindi makapaniwala sa naririnig. "Rowena, kaibigan kita. Alam mong mahal ko si Maria. Paano mo nagawa ito?"
"Roland, hindi mo ba ako nakikita?" tanong ni Rowena, ngayon ay may halong poot ang kanyang tono. "Hindi mo ba nararamdaman na palagi akong nandito para sa’yo? Lahat ng ginagawa ko, lahat ng pagpapakita ko ng concern-, lahat ng pagsuporta ko—para sa'yo ‘yon, Roland. Hindi ba sapat na makita mo na mahal kita?"
Nagpatuloy si Roland na umiwas sa tingin ni Rowena, tila hindi sigurado kung paano sasagutin ang biglaang pag-amin na ito. "Rowena... hindi ko alam kung paano kita sasagutin. Kaibigan kita, pero mahal ko si Maria. Ayokong masaktan ka, pero hindi kita kayang mahalin pabalik."
"Roland..Alam ko mahal mo si Maria at alam ko balang araw makakapasok ako diyan sa puso mo, hinding-hindi ako susuko sa iyo"hikbing sambit ni Maria
Ngunit hindi sumuko si Rowena. Determinado siya, kahit na ramdam niyang hindi sang-ayon si Roland sa kanyang nararamdaman.
"Roland," patuloy ni Rowena, "hindi ako humihingi na sagutin mo ako ngayon. Hindi ko naman inaasahan na bigla mo akong mamahalin pabalik. Pero sana lang, bigyan mo ako ng pagkakataon. Bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita na kaya kitang mahalin, na kaya kong higit pa sa mga inaakala mo."
Napatingin si Roland kay Rowena, kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Rowena, hindi ganoon kadali. Mahal ko si Maria. Mahal ko siya nang buong-buo, at hindi ko magagawa sa kanya ang bagay na ito."
"Mahal mo siya, pero mahal din kita," mariing sagot ni Rowena. "At gagawin ko ang lahat para patunayan iyon."
Ngunit umiling lamang si Roland. "Hindi mo kailangang patunayan sa akin ang kahit ano, Rowena. Kaibigan kita, at nandito ako para sa’yo bilang kaibigan. Pero hindi ko kayang lokohin si Maria, at hindi ko kayang lokohin ang sarili ko."
Bumagsak ang mga balikat ni Rowena, ngunit hindi siya tuluyang sumuko. Alam niyang mali, alam niyang masakit para kay Maria, pero sa isip niya, ang pag-ibig ay laban, at minsan, kailangan ng sakripisyo.
"Kung ganon," sabi ni Rowena, "hihintayin ko na lang. Hihintayin ko ang pagkakataon, Roland. Dahil naniniwala ako na darating ang araw na mamahalin mo rin ako."
Hindi sumagot si Roland, at sa puntong iyon, alam ni Rowena na kailangan niyang tanggapin na ang laban na ito ay malayo sa inaasahan niyang magiging madali. Ngunit hindi siya susuko.
Napaluha na lang si Maria nakatingin sa papalayong hakbang ni Roland papasok sa classroom-. "Balang-araw magiging akin ka rin" sambit sa sarili ni Rowena habang pinapahid ang mga luha sa kanyang pisngi at inayos ang sarili at papasok na rin ng classroom-.
Pagbalik nila sa loob ng paaralan, nagkibit-balikat si Rowena, pilit na pinapakita sa lahat na walang nangyari. Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi na siya makakabawi. Nagsimula na ang laro, at kahit na mahirap ang kalagayan, handa siyang ipaglaban ang kanyang damdamin.Pagdating ng oras na muli silang magkita ni Maria, nakangiti si Rowena, parang walang mabigat na nangyari. "Oh, Maria! Kanina ka pa ba rito? Sorry, may kinausap lang akong kaklase."
Hindi nagduda si Maria, at patuloy na inabutan si Rowena ng notebook para sa kanilang project. "Okay lang, Rowena! Salamat sa tulong, ha?"
Ngiti lang ang isinagot ni Rowena. Walang kamalay-malay si Maria sa lihim ng kanyang kaibigan, at habang patuloy silang magkakasama, alam ni Rowena na hindi niya titigilan ang paghahanap ng tamang pagkakataon.
Habang si Roland ay nananatiling tapat kay Maria, hindi naman titigil si Rowena sa pangarap na balang araw, sila ni Roland ang magkasama—kahit pa masaktan si Maria sa katotohanan.
Patuloy pa rin ang lihim na plano ni Rowena. Sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Roland nang wala si Maria, sinisikap niyang ipahiwatig ang kanyang nararamdaman sa pinakamatimpiing paraan. Hindi siya lantaran—hindi pa, ngunit sa mga maliliit na kilos, alam niyang nararamdaman ni Roland ang kanyang damdamin.
Isang hapon, matapos ang kanilang klase, inabutan ni Rowena si Roland sa library. Tahimik siyang umupo sa tabi nito, dinama ang katahimikan habang nagtatrabaho si Roland sa kanilang group project. Si Maria ay nasa kabilang dako ng paaralan, abala sa isang extracurricular activity, kaya’t alam ni Rowena na ito ang perpektong pagkakataon para maging malapit kay Roland.
"Roland, napagod ka na ba?" malambing na tanong ni Rowena habang marahang nilalagay ang kamay sa braso ni Roland. "Baka kailangan mo na ng pahinga. Kaya ko namang tapusin 'to."
Tumigil si Roland sa pagsusulat at tumingin kay Rowena, nagtataka. "Ayos lang ako, Rowena. Kaya ko pa," sagot niya nang walang malisya. Tila walang pakialam sa malapit na posisyon ng kanilang mga katawan, at ang paghawak ni Rowena ay di niya binigyang kahulugan. Para kay Roland, simpleng lambing iyon ng isang kaibigan.
Ngunit hindi si Rowena. Sa isip niya, unti-unti siyang gumagawa ng hakbang papalapit sa kanya. Hindi siya nawawala ng pag-asa.
"Alam mo, Roland," nagsimula si Rowena, ngayon ay mas banayad ang kanyang boses. "Masaya ako kapag kasama kita. Alam mo ba iyon? Iba ang pakiramdam ko kapag magkasama tayo."
Hindi na ito basta lambing. Hindi na ito simpleng pagkakaibigan lamang. May mga bagay sa tono ng boses ni Rowena na hindi kayang itago.
Tumingin si Roland sa kanya, ngunit ngumiti lang ito ng bahagya. "Rowena, kaibigan mo rin ako. Natural lang na maging komportable ka."
Napayuko si Rowena, pilit na tinatago ang pagkadismaya. Bakit hindi niya ito nakikita? Bakit tila bulag si Roland sa nararamdaman niya?
"Oo, kaibigan kita," sagot ni Rowena, ngunit sa loob-loob niya ay parang lason ang mga salitang iyon. "Pero... alam mo bang minsan may mga kaibigan na nagiging higit pa?"
Tumigil si Roland, ngayon ay tila napansin na ang pagbabago sa tono ni Rowena. Bumalik siya sa pagsusulat, tila iniwasan ang usapang iyon.
"Rowena, alam mo naman na mahal ko si Maria, 'di ba?" malamig niyang sagot, nagiging direkta na upang maiwasan ang anumang kalituhan.
Kibit-balikat lang si Rowena. Tapat si Roland, oo, ngunit hindi siya basta susuko. "Oo nga. Alam ko iyon," sagot niya na may hint ng kalungkutan, ngunit sa loob niya ay patuloy na umaasa. "Pero hindi mo ako masisisi kung minsan, naiisip ko... paano kaya kung tayo na lang?"
Tahimik na binasag ng huling salita ni Rowena ang espasyo sa pagitan nila. Huminga ng malalim si Roland, halatang hindi komportable sa direksyon ng usapan. Tumingin siya kay Rowena, ngunit ngayon ay mas seryoso na ang kanyang tono.
"Rowena, hindi ako maglalaro ng apoy. Mahal ko si Maria, at tapat ako sa kanya. Alam kong magkaibigan tayo, at ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil dito. Alam kong mabuti kang tao, pero hindi ko kayang sagutin ang nararamdaman mo."
May pilit na ngiti si Rowena sa kanyang labi, ngunit sa loob-loob niya ay sumisigaw ang sakit ng rejection-. "Hindi ko naman sinasabi na sagutin mo ako ngayon," mabilis niyang sinabi, pinipilit ang sarili na hindi maiyak. "Gusto ko lang na malaman mo... kung sakaling magbago ang isip mo."
Ngumiti ng bahagya si Roland, tila bumabalik sa pagiging mahinahon. "Huwag na tayong pumunta doon, Rowena. Alam mong hindi ako magbabago ng isip pagdating kay Maria."
Sa bawat salita ni Roland, ramdam ni Rowena ang lalim ng pagmamahal nito kay Maria. Alam niyang hindi siya kailanman magiging Maria sa mga mata ni Roland, ngunit hindi iyon naging sapat para siya'y sumuko.
Sa kabila ng malinaw na sagot ni Roland, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Rowena. Patuloy siyang nagpapakita ng "lambing," sinusubukang makahanap ng puwang sa pagitan ng relasyon nina Roland at Maria. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginagawa, ngunit ang puso niya'y bulag na sa tama at mali.Isang hapon, nagkayayaan ang tatlo—si Maria, Rowena, at Roland—na magpunta sa isang coffee shop matapos ang klase. Habang nag-uusap ang tatlo, napansin ni Rowena na naka-focus si Roland kay Maria, at habang nagtatawanan ang dalawa, hindi maiwasang sumingit ang selos sa kanyang puso."Ang sweet n'yo naman," bati ni Rowena, na may halong lungkot sa kanyang boses na pilit niyang tinatago sa ngiti."Talaga?" tanong ni Maria, ngumiti at tumingin kay Roland. "Mahal ko talaga 'tong si Roland, eh. Sobrang bait at maalaga."Napansin ni Roland ang kakaibang tono sa boses ni Rowena, pero nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap kay Maria. Hindi nito binigyang pansin ang mga subtle- na pagkilos ni Rowena,
Matagal na silang magnobyo ni Maria—mahigit tatlong taon na. Mula pa noong sila ay nasa unang taon ng high school, magkasama na sila. Mahal na mahal niya si Maria; hindi iyon kailanman nabura sa kanyang puso. Pero si Maria ay tahimik at mahinhin, hindi katulad ni Rowena. Wala itong mga ginagawang mapusok o mga kilos na nagbubukas ng mga damdaming tila matagal nang natutulog sa loob niya. Si Rowena, iba.Nang una nilang makilala si Rowena, kaibigan agad ito ni Maria. Naging malapit sila sa isa’t isa dahil magkaklase sila at madalas na magkakasama sa mga group projects at extracurricular activities. Ngunit sa kabila ng pagiging kaibigan ni Rowena kay Maria, nararamdaman ni Roland ang kakaibang tensiyon tuwing magkasama silang dalawa. May mga sandaling tila lumalalim ang tingin ni Rowena. At may mga oras na nahuhuli niya ang kanyang sarili na napapaisip tungkol dito.Ngunit pinipigilan niya ang mga damdaming ito. Mahal niya si Maria, at ayaw niyang sirain ang kanilang relasyon. Subalit,
Sa mga sumunod na araw, naging mas mabigat ang pakiramdam ni Roland. Ang bawat sandali na nagkakaroon sila ng pagkakataong magkasama ni Rowena ay nagiging mas mapang-akit. Ramdam na ramdam niya ang paghila ng tukso, habang si Rowena naman ay tila walang balak tigilan ang ginagawang paglalapit sa kanya. Isang mali—isang hakbang lamang—at posibleng magiba ang lahat ng itinayo niyang relasyon kay Maria. Nasa harap siya ng isang mahirap na desisyon. Mahal niya si Maria, matagal na silang magkasama, at sa bawat oras na tinitingnan niya ito, hindi niya maisip na saktan siya. Ngunit sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Rowena, nararamdaman niyang ang kanyang mga katawan at isip ay sinisilaban ng tukso. Tila binubuhay ni Rowena ang isang damdaming matagal nang patay sa kanya—isang bagay na hindi niya kailanman naramdaman kay Maria.Isang araw, nagkaroon muli sila ng pagkakataong magkasama ni Rowena. Pagkatapos ng klase, naiwang mag-isa si Roland sa silid-aralan, abala sa paggawa ng repor
Si Roland ay tila nasa gitna ng isang nag-uumpugang bato. Alam niyang mahal niya si Maria—ang babaeng minahal niya ng matagal, ngunit nitong mga nakaraang linggo, unti-unting bumibigat ang distansya sa pagitan nila. Hindi iyon dahil sa paglamlam ng pagmamahal niya sa kanya, kundi dahil sa mga pangyayaring hindi niya kontrolado. Si Maria, ang kanyang matagal nang nobya, ay abala sa pangangalaga sa kanyang ina-inahan, si Sister Teresa, na nagkasakit.Dahil sa pagkakasakit ni Sister Teresa, halos lahat ng oras ni Maria ay nauubos sa ospital. Kailangan niya ang suporta ni Maria, ngunit tila unti-unting nawawala ang kanilang koneksyon. Mas madalas nilang kanselahin ang kanilang mga date at hindi na rin sila madalas magkita. Sa bawat pagkakataong magkita sila, may hinanakit sa pagitan nila, bagama't walang direktang salita na binibitiwan. Mahal pa rin siya ni Maria—iyan ang alam ni Roland—ngunit ramdam niyang may kulang na, may nawawala.At doon nagsimulang pumasok si Rowena—ang mapang-akit
Simula noon nagiging patago na ang relasyon nila ni Rowena na sila lang nakakaalam. Ang pagtataksil ni Roland ay 'di na mapipigilan pa bugso ng init ng laman at natutunan na rin niyang mahalin si Rowena. Sa tuwing anjan si Maria mga lihim na pasulyap ang gingawa nila .Lihim sila nagkikita ni Rowena hanggang sa di nila napigilan ang sarili naganap ang di dapat maganap.Rowena: [nakangiti habang hinahaplos ang braso ni Roland, tila nagpapahiwatig ng malalim na damdamin] "Roland, may sasabihin ako sa'yo."Roland: [umiiwas ng tingin ngunit ramdam ang tensyon sa kanilang paligid] "Ano na naman ba, Rowena? Hindi ba’t sinabi ko na sa'yo na hindi dapat tayo nagkikita nang ganito?"Rowena: [malambing na bumulong sa kanya habang ang mga daliri niya ay banayad na naglalaro sa kamay ni Roland] "Alam mo naman na hindi ko kayang hindi ka makita. Lalo na ngayon... mas kailangan mo ako. Hindi ba?"Roland: [napatingin sa kanya, dama ang pang-aakit sa bawat salita ni Rowena, ngunit pinipilit pigilan an
Ang Kaarawan ni Rowena ay ginanap sa malalayong bahagi ng resort, sa isang nakatagong silid na tahimik at walang ibang tao, nandoon sina Rowena at Roland. Ang paligid ay puno ng mga bulaklak at mga ilaw na nagliliwanag, tila sadyang inihanda para sa espesyal na araw na ito. Subalit, sa likod ng saya ng selebrasyon, nandoon ang isang lihim—ang kanilang pagnanasa sa isa’t isa na hindi na kayang ipagkaila pa.Rowena: [nakangiti habang nakatayo sa harap ng salamin, isinuot ang kanyang gown na tila lumulutang] "Roland, tingnan mo ako. Maganda ba ako?"Roland: [nakatayo sa likuran, tiningnan siya nang may pagkamangha] "Sobrang ganda, Rowena. Para kang diwata sa gown na iyan."Rowena: [lumingon sa kanya, ang mga mata ay nagliliyab sa saya] "Sana nga nandiyan si Maria para makita ito. Pero sa totoo lang, mas gusto kong makita ang reaksyon mo kaysa sa kanya."Roland: [napangiti ngunit nag-alinlangan] "Mali ito, Rowena. Ibang usapan na naman kapag nandiyan si Maria. Alam mo naman na siya ang ma
Si Sister Teresa, ang kanyang inang-ampon, ay lumala ang kondisyon. Isang araw, habang nag-aaral si Maria sa kanyang kwarto, tumunog ang kanyang cellphone. Ang tawag mula sa mga madre ay nagbukas ng pinto ng isang masakit na katotohanan.“Maria, kailangan naming makausap ka. Si Sister Teresa… pumanaw na siya,” sabi ng madre sa kabilang linya.Dahil sa balitang ito, nagdilim ang kanyang paningin. Parang bumagsak ang mundo niya sa mga salitang iyon. “Hindi… hindi maaaring totoo ito!” umiiyak na sabi ni Maria.“Pumunta ka na sa Cebu, Maria. Kailangan namin ang iyong tulong sa mga dapat asikasuhin,” patuloy ng madre, ngunit hindi na narinig ni Maria ang iba pang mga salita.Habang nasa gitna ng mga damdaming magulo, dumating ang isang malungkot na balita. Pumanaw si Sister Teresa, ang ina-inahan ni Maria, dahil sa malubhang karamdaman. Ang mundo ni Maria ay tila gumuho. Mula pagkabata, si Sister Teresa ang nagsilbing sandigan niya, at ngayong wala na ito, pakiramdam ni Maria ay nag-iisa s
Pagdating niya sa opisina, nakita niya ang kanyang ama, si Don Leonardo, nakaupo sa sulok ng silid. Laging matapang at masigla ang ama niya, pero ngayon, tila ibang tao ang nasa harap niya—parang naglaho ang dating sigla nito. Nakatitig ito sa bintana, walang imik."Ama..." mahinang tawag ni Roland.Lumingon si Don Leonardo. Puno ng lungkot at pagkatalo ang mga mata nito. "Anak... hindi ko alam kung paano tayo makakabangon mula rito."Nagpatuloy ang usapan, at narinig ni Roland ang lahat ng detalye—ang mga gusaling bumagsak dahil sa kakulangan ng maintenance, ang mga partner nilang nag-pull out ng kanilang mga investment, at ang mga taong nawalan ng tiwala sa kanila. Ang masakit pa, may mga nakabinbin pang kaso na isasampa laban sa kompanya."Paano nangyari 'to? Paano tayo umabot sa ganito, Ama?" Halos pabulong na tanong ni Roland habang pilit niyang sinasapantaha ang mga nangyayari.Tumayo si Don Leonardo, nagsalita ng mabigat. "Masyado tayong naging kampante, Roland. Naisip kong hab