Home / Romance / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 2

Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 2

Isang gabi, matapos ang isang group study session sa bahay ni Maria, nagpaiwan si Rowena para tumulong mag-ayos ng mga gamit.

"Salamat, Rowena," sabi ni Maria habang pinupunasan ang mesa. "Hindi ko alam kung paano ko magagawa ang lahat ng ito nang mag-isa."

"Walang anuman, Maria," sagot ni Rowena habang inaayos ang mga libro. "Alam mo namang lagi akong nandito para sa'yo."

Napansin ni Maria ang mga mata ni Rowena na tila may nais ipahiwatig, ngunit hindi niya alam kung ano iyon. Sinubukan niyang maging kaswal at itanong ang isang bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya.

"Rowena, may tanong ako. Napansin ko lang kasi... parang lately, masyado kayong madalas magkasama ni Roland. Alam mo naman, nobyo ko siya, pero parang kayo na ang laging magkasama."

Nagulat si Rowena sa sinabi ni Maria, ngunit mabilis siyang bumalik sa kanyang dating ekspresyon. "Talaga? Hindi ko napansin. Siguro nagkakataon lang."

Napangiti si Maria, ngunit sa kalooban niya, alam niyang hindi lang basta "nagkakataon." May kakaiba sa mga kilos ni Rowena, at iyon ay hindi maikakaila.

Isang linggo ang lumipas, at habang lumalapit ang finals, naging mas abala sila sa mga proyekto. Isang gabi, pagkatapos ng huling meeting para sa kanilang group presentation, nagpasya si Maria na tanungin si Rowena nang masinsinan.

"Rowena, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Maria habang naglalakad sila pauwi mula sa library.

"Sige, ano yun?" tanong ni Rowena, tila walang kaalam-alam sa bigat ng katanungang bumabagabag kay Maria.

Nagpakawala si Maria ng isang malalim na buntong-hininga. "Matagal na kitang gustong tanungin. Rowena... may gusto ka ba kay Roland?"

Biglang natigil si Rowena sa paglalakad. Kitang-kita sa kanyang mukha ang gulat, ngunit mabilis niyang binawi ang reaksyon at ngumiti ng pilit.

"Bakit mo naman natanong yan, Maria? Siyempre, kaibigan lang kami ni Roland. Alam mong kayo ang magkasama."

"Oo, pero hindi ko maiwasang isipin. Palagi kayong magkasama, masyadong malapit. Nakikita ko kung paano ka tumingin sa kanya." Huminto si Maria at hinarap si Rowena. "Mahal ko si Roland, at kaibigan kita. Pero pakiramdam ko, may hindi ka sinasabi sa akin."

Napayuko si Rowena, halatang iniwasan ang direktang sagot at biglang ngumiti at sinabing "Ano ka ba magagawa ko ba agawing ang iyong nobyo,ganun lang talaga ako malambing,kahit naman sayo diba?

Napayuko si Rowena, halatang iniwasan ang direktang sagot. Mabilis siyang ngumiti at sinabing, "Ano ka ba? Magagawa ko ba agawin ang iyong nobyo? Ganun lang talaga ako, malambing, kahit naman sa'yo, di ba?" Sa isip ni Rowena, "Bakit ako aamin? Aamin lang ako kay Roland, at nakipagkaibigan ako sa'yo dahil kay Roland."

Muling tumingin si Rowena kay Maria, at sa kanyang tinig, may bahid ng pagkabahala, "Ano ka ba, Maria? Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ko kayang agawin si Roland sa'yo. Magkaibigan lang ang turing ko sa kanya, at wag ka masyadong mag-isip."

Naging kampante naman si Maria sa mga sagot ni Rowena, bagaman hindi niya maiwasang magduda. Pero sa kabila ng kanyang takot, ang kanyang tiwala kay Rowena ay muling bumalik. "Sige, Rowena. Magkakaibigan tayo, pero sana maging totoo tayo sa isa't isa. Ayokong may masaktan sa atin," sagot niya, tila nagpapakatatag sa kanyang desisyon.

Ngunit sa likod ng ngiti ni Rowena, may iba pang balak. May nais siyang ipagtapat kay Roland. Palihim, sinimulan niyang balakin ang kanyang mga saloobin habang unti-unting lumalalim ang kanilang pagkakaibigan.

Pagkatapos ng klase, masayang nag-bonding ang tatlo. Nagtawanan sila habang nag-uusap tungkol sa mga guro at mga nangyari sa eskwela. Ang mga kwentuhan ay puno ng saya at tawanan, isang magandang pahinga mula sa mga alalahanin at lihim.

"Alam mo, ang saya-saya natin kapag nandito tayong tatlo," sabi ni Roland, ngiti sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang mga kaibigan. "Sana laging ganito. Walang stress, walang problema."

"Oo nga! Wala na akong ibang hihilingin kundi ang ganitong masayang samahan," sabi ni Maria, sabay tingin kay Rowena. "Walang dapat alalahanin."

Ngunit sa likod ng mga ngiti at tawanan, may ibang sitwasyon na bumabalot kay Rowena. Habang nagkakasiyahan sila, patuloy ang kanyang pag-iisip sa kanyang nararamdaman para kay Roland. Ang puso niya ay tumitibok sa tuwing nakikita niya ito—sa kanyang mga ngiti, sa kanyang boses, at sa bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi. 

Habang patuloy na lumilipas ang mga araw, lalo lamang nagiging masidhi ang nararamdaman ni Rowena para kay Roland. Para bang sa bawat oras na nakikita niyang magkasama ang magkasintahan—si Maria at si Roland—ay parang may humihigpit na bigkis sa kanyang puso, isang kirot na hindi maipaliwanag. Nagsimula ito bilang simpleng paghanga, ngunit habang lumalalim ang kanilang samahan, nagiging malinaw na ang kanyang nararamdaman ay higit pa roon. Mahal niya si Roland, at walang sino man, kahit si Maria, ang makakapigil sa kanya na ipahayag ito.

“Bakit ko pa ba itinatago?” sabi ni Rowena sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin isang gabi. "Alam kong mali, pero hindi ko na kayang magpanggap. Mahal ko siya, at gusto ko siya para sa akin."

Wala nang puwang para sa guilt o pag-aalala. Nagpapanggap lang siya na kaibigan ni Maria para mapalapit kay Roland—iyon ang katotohanan. Hindi na mahalaga kung masaktan si Maria; ang mahalaga ngayon ay maipahayag niya ang kanyang nararamdaman, kahit na alam niyang magiging masalimuot ang resulta.

Sa tuwing magkakasama sila ni Maria at Roland, palaging naghahanap si Rowena ng paraan para silang dalawa lang ni Roland ang magkasama. Ngunit palaging nandoon si Maria, at tila ba hindi ito nawawalan ng enerhiya na laging kasama si Roland. Magkatambal sila sa lahat ng bagay, mula sa mga proyekto hanggang sa mga simpleng gawain.

Ngunit si Rowena ay hindi sumusuko. Sa isip-isip niya, darating ang oras. Kailangan lang niya ng tamang tiyempo.

Isang umaga, habang papasok sa eskwelahan, nakita ni Rowena na nag-aabang si Roland sa may gate, naglalakad mag-isa.

"Ngayon na," bulong ni Rowena sa sarili. Ito na ang pagkakataon.

Nilapitan niya si Roland, ang kanyang puso’y kumakabog sa kaba at excitement. "Roland," tawag niya, "pwede ba tayong mag-usap?"

Tumingin si Roland sa kanya, kita ang pagkalito sa mukha. "Oo naman, Rowena. Ano 'yon?"

Tumingin si Rowena sa paligid, siniguradong walang ibang tao sa malapit bago siya nagsalita. "Roland... matagal ko na itong gustong sabihin sa’yo, pero hindi ko magawa. Alam kong kaibigan mo ako, at kaibigan ko rin si Maria, pero hindi ko na kayang itago."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Roland. "Ano bang ibig mong sabihin?"

Huminga nang malalim si Rowena, pinilit ang sarili na magpakatatag. Ito na ang oras. "Roland... mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan. Simula pa noong una kitang nakita, alam kong iba ang nararamdaman ko para sa’yo. At kahit na kaibigan ko si Maria, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Mahal kita. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong sweet- ni Maria" Akmang lalapitan Si Roland at napaatras ito.

Nasasaktan si Rowena sa reaksyon ni Roland at naiintindihan niya iyon at handa siya lunukin ang kanyang pride bilang babae para makuha lang si Roland, kauna- unahang  pagkakataon niya ito ginawa sa tanang buhay niya nasanay siya ang mga lalake ang humahabol sakanya, pero kakaiba si Roland sobrang nahulog ang loob niya dito at hinding hindi siya susuko para makuha ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status