Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 31

Dalawang buwan na ang lumipas mula nang iwan ni Maria ang Maynila. Sa mga unang araw ng kanyang pananatili sa Cebu, unti-unti niyang sinisikap na kalimutan ang mga sakit ng nakaraan, lalo na ang gabing iyon na hindi niya malilimutan—ang gabing nawala ang kanyang dangal sa isang estranghero. Pero kahit paano ay masaya siyang nakaalis sa kamay ni Roland, ang lalaking nagtaksil sa kanya at ipinagpalit siya sa pera.

Ngunit ngayon, tila may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan. Tuwing umaga, madalas siyang naduduwal at nahihilo, isang sintomas na hindi niya mawari. Sa una, inisip niyang baka dahil lang ito sa kinakain o sa stress na nararanasan niya sa kanyang bagong trabaho sa Klean RTW, isang sikat na clothing retail store sa SM Cebu. Ngunit habang tumatagal, napagtanto niyang may mas malalim na dahilan.

"Hindi ako dinatnan last month," biglang sumagi sa isip niya habang nag-aalmusal isang umaga. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. Halos mabitiwan niya ang kutsara at tinido
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status