Habang nakatingin si Maria sa mga mata ni Kean, ramdam niya ang pag-aalinlangan at tensyon sa pagitan nila. Parang may higanteng pader na humaharang sa pagitan ng kanilang nakaraan at kasalukuyan, ngunit alam niyang oras na para sirain ang pader na iyon. Hindi na niya kayang magtago, hindi na niya kayang magpanggap.Nakatitig si Maria kay Kean, ramdam ang bigat ng sitwasyon at ang tensyon na bumabalot sa kanilang dalawa. Minsan na niyang inisip na hindi na siya aabot sa ganitong punto—na pilit niyang maiiwasan ang araw na haharapin niya ang katotohanan. Ngunit eto na, hindi na siya pwedeng umatras.Huminga siya nang malalim, pilit binibigyang lakas ang sarili para sabihin ang isang bagay na matagal na niyang ikinukubli."Kean..este sir. ako po 'yung babae," halos pabulong ang kanyang pagsasalita, ngunit sapat na ang lakas para marinig ito ni Kean. "Ako 'yung babaeng pinagkamalan mong bayarang babae at nakasama mo sa Blue Sangria Hotel sa Makati. Ako ang naka-one night stand mo."Tila
Hindi parin mawala sa isip niya ang engkwentro na nangyari sa pagitan niya at ni Kean nang makita ni Maria ang matalim na tingin nito bago ito umalis, parang nadurog ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala sa bigat ng sitwasyon na kanyang kinasasadlakan. Alam niyang hindi niya kayang harapin si Kean ng ganito at lalo na, hindi pa siya handang sabihin ang totoo. Ramdam niya ang pamimigat ng kanyang damdamin, ngunit pilit niya itong nilulunod sa kanyang isipan.“Hindi ko ito pwedeng sabihin... lalo na kay Kean,” bulong niya sa sarili, hinawakan ang tiyan niyang nagsisimula nang magpahiwatig ng bagong buhay. “Kukunin nila ang anak ko. Wala na akong ibang pamilya, ito na lang ang natitira sa akin.”Palala nang palala ang mga sintomas ng kanyang pagbubuntis. Tuwing umaga, magigising siya ng masama ang pakiramdam, nagsusuka, at halos wala siyang lakas para bumangon. Sa kabila ng lahat ng ito, ipinilit niyang magtrabaho, ipinilit niyang magpakatatag. Hindi niya maaring ipakita sa kahit sino
Makalipas ang ilang linggo, nakahanap siya ng bagong trabaho. Dito, nagkaroon siya ng pagkakataon na magsimula muli.Nakapagtrabaho si Maria bilang tindera sa isang maliit na botika. Simple lang ang trabaho, ngunit sapat na upang maitawid ang pang-araw-araw na gastusin. Masaya siya na kahit paano, nagagawa niyang kumita para sa kanilang dalawa ng anak niya. Ang pagbubuntis niya ay nagiging mas mahirap, lalo na’t lumalaki na ang kanyang tiyan, ngunit ipinagpapatuloy niya ito nang buong tapang.Isang araw, habang siya ay naglalakad pauwi, may isang batang lalaki na nagtitinda ng gulay sa kalye ang humarang sa kanya."Ate, bili ka na po ng gulay! Bagong pitas po!" masiglang alok ng bata.Napangiti si Maria. "Sige, kuya. Magkano itong mga talong?"Habang iniabot ng bata ang bayad, naramdaman niyang sumipa ang kanyang anak sa loob ng tiyan niya. Napatigil siya saglit, at isang malalim na hinga ang pinakawalan."Malakas ka na, anak," bulong niya sa kanyang sarili habang kinakausap ang sangg
Napakunot-noo si Kean, tila ba may biglang pumasok sa kanyang isipan. Naging seryoso ang kanyang mukha, at nagtataka siyang tumingin kay Maria. “Maria... bakit parang... may itinatago ka?” tanong ni Kean, ang kanyang mga mata'y puno ng pagsusuri, tila binabasa ang kanyang kaluluwa.Napalunok si Maria, at kahit na gusto niyang ipaliwanag ang sarili, parang natuyo ang kanyang lalamunan. Alam niyang oras na para sabihin ang totoo, ngunit sa bawat paghinga, nararamdaman niyang lumalalim ang takot. Ano nga ba ang iisipin ni Kean kapag nalaman niya? Paano niya tatanggapin ang katotohanang pilit niyang itinatago?"Maria?" mababa ngunit mariing tawag ni Kean. Hindi iyon isang tanong; tila iyon ay isang pahiwatig na gusto nitong marinig ang kanyang paliwanag. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagtataka at pag-aalala.Hindi alam ni Maria kung ano ang gagawin. Pilit niyang hinahakbang ang mga paa upang makalayo, ngunit parang mabigat ang bawat hakbang na para bang may humihila sa kanya pabalik."
Saglit na namayani ang katahimikan. Parang tumigil ang oras, at ang tanging naririnig ni Kean ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi niya akalaing sa isang iglap, magbabago ang lahat ng plano niya. Isang malaking dagok ang malaman na may anak siya—isang anak na hindi niya alam na umiiral. Halos magliyab ang kanyang damdamin, na tila sinasakal ng matinding pagkagulat, galit, at pagtataka."Maria…" halos hindi lumalabas ang boses ni Kean. Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang namumuong galit sa kanyang dibdib. "Bakit mo itinago sa akin? Paano mo nagawang ilihim ang lahat ng ito?"Ramdam ni Maria ang galit at sakit sa boses ni Kean. Nagsisimulang manikip ang kanyang dibdib, ngunit pinilit niyang magpakalakas. Ayaw niyang magpatalo sa emosyon niya, lalo na’t hawak niya ang kinabukasan ng anak nila."Kean, hindi ko ito ginusto," sagot ni Maria, nanginginig ang kanyang tinig habang pilit na itinatago ang mga luha. "Natatakot ako… sa'yo, sa magiging reaksyon mo. At… nat
Habang nakikinig si Doña Loida sa pinag-uusapan nina Kean at Maria, isang malalim na ngiti ang namuo sa kanyang mga labi. Sa wakas, magkakaroon na siya ng apo sa tuhod, isang bagay na matagal na niyang pinangarap. Bagama't puno ng tensyon ang pagitan ng dalawa, dama ni Doña Loida ang kaligayahan sa posibilidad ng bagong buhay sa kanilang pamilya.Hindi na mapigilan ni Kean ang paghalo ng emosyon—galit, pagtataka, at kalituhan. Ngunit isang bagay ang malinaw: mayroon siyang karapatan sa batang iyon."Maria," muli siyang bumaling sa kanya, habang si Doña Loida ay tahimik na nagmamasid sa isang sulok. "Anak ko rin siya. Hindi mo pwedeng itago sa akin 'to. Hindi lang ikaw ang may karapatan sa batang ito. Kailangan nating harapin 'to, at hinding-hindi kita hahayaang itago siya sa akin."Napatingin si Maria kay Kean, halata ang kaba at pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Alam niyang hindi na niya kayang ilihim ang lahat, ngunit paano nga ba siya magpapatuloy sa mundong ito? Sa harap ng isang
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila Maria at Kean tungkol sa kasal at sa kanilang anak, nagpasya si Kean na magmungkahi kay Maria na magsama sila habang hinihintay ang kanilang kasal sa munisipyo ng Cebu. Isang bagay na simple para kay Kean, isang desisyon na para sa ikabubuti ng kanilang anak—walang halong pag-ibig, walang komplikasyon. Para kay Kean, ginagawa niya ito upang masiguradong magiging maayos ang kinabukasan ng kanilang supling."Maria, para sa anak natin," seryosong sambit ni Kean nang muling mag-usap sila tungkol sa kanilang plano. "Mas mabuti na magkasama na tayo ngayon. Para mapanatag ang loob mo, at para maging handa na rin tayo sa kung anuman ang haharapin natin sa hinaharap."Napatingin si Maria kay Kean, may halong kaba at ligaya. Sa kabila ng malamig na tunog ng mga salita ni Kean, alam niyang hindi ito nagbibiro. Hindi naman niya inaasahan ang pagmamahal mula rito, pero hindi niya rin maiwasang masaktan nang kaunti sa pagka-prangka ng mga sinabi nito."Para
Nang huminto sila sa harap ng altar, binati sila ng pari at nagsimulang basahin ang mga panalangin. Habang umaalingawngaw ang boses ng pari, pakiramdam ni Maria ay tila lumulutang siya sa ere. Hindi niya inasahan na ganito kaganda ang kasalang ito. Alam niyang hindi siya dapat umasa ng engrande, dahil sa kasunduan nila ni Kean, pero hindi niya mapigilan ang mapaluha. Hindi dahil sa kalungkutan, kundi dahil sa pagkamangha sa nangyayari.Si Donya Loida, nakaupo sa unahan kasama ang mga kaibigan at piling bisita, ay hindi mapigil ang ngiti. Para sa kanya, ito ang pinakaperpektong araw na kanyang pinlano—isang kasalang magpapakita ng yaman at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Ngunit higit pa roon, nais niyang ipadama kay Kean at Maria na kahit hindi pa sila handa sa pagmamahalan, may magandang pagsisimula sila bilang magulang at mag-asawa.Habang tahimik na nakikinig si Kean sa mga salita ng pari, napatingin siya kay Maria. Hindi niya maalis ang mga mata mula sa mukha nito. Ang tahimik n