Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 32

Isang linggo bago ang engrandeng anibersaryo ng Klean RTW, abala ang lahat sa paghahanda para sa malaking kaganapan. Ang buong staff ay tila mga langgam sa pag-aayos ng mga produktong damit, ensuring na ang bawat sulok ng tindahan ay maayos at presentable. Si Maria, bagama't hirap na hirap sa kanyang nararamdaman dulot ng kanyang pagbubuntis, ay pilit na hindi pinapakita ang bigat na dala ng kanyang sitwasyon. Abala siya sa pag-aayos ng mga bagong labas na damit nang biglang maramdaman niyang bumukas ang pinto ng tindahan.

Pag-angat niya ng kanyang paningin, biglang natulala si Maria. Isang pamilyar na pigura ang pumasok sa tindahan — si Kean. Si Kean, ang lalaking ama ng dinadala niya, ay nakatayo sa harapan niya. Hindi niya inasahan na sa isang ordinaryong araw tulad nito, muli silang magtatagpo. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, para bang malalaglag ito sa kanyang dibdib. Napahawak siya sa kanyang tiyan, tila hinahanap ang lakas na ipagpapatuloy ang araw na iyon.

"Paano kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status