Home / Romance / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO / A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 117

Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 117

Makalipas ang ilang buwan ng pagiging magkasama sa iisang bubong, naging mas agresibo si Mirasol sa kanyang mga paraan upang mas mapaibig si Kean at mas mapalapit pa sa kanya. Sa bawat pagkakataon, tila walang paltos na sinusubukan ni Mirasol na akitin si Kean. Sa kanya, ang pagkakaroon ng anak nila ni Kean ay isang pangarap na magpapatibay ng kanilang samahan at mas mag-uugat ng koneksyon sa kanila. Higit pa sa kasal, ang magkaroon ng anak ay tila ang pinakapangarap na kanyang ninanais.

Isang gabi, habang si Kean ay abala sa pagbubukas ng mga dokumento at pagsusuri ng mga papeles sa kanilang sala, palihim na lumapit si Mirasol sa kanya. Suot ang isang simpleng damit na sadyang dinisenyo upang magmukha siyang mas kaakit-akit, siya ay tahimik na pumuwesto sa tabi ni Kean at inilagay ang kanyang kamay sa balikat nito.

"Kean, hindi ba napapagod ka na? Baka naman pwedeng magpahinga ka muna?" Lambing ni Mirasol habang ang mga daliri niya ay marahang hinihimas ang balikat ng lalaki.

Napatin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status