Jade's POVMatapos makipag argyumento ni Jade sa asawa ay nagpunta siya sa lugar na palagi niyang pinuntahan kapag may problema siya katulad ngayon. Isa iyong bar kung saan puwedeng magbasag ng mga plato para mailabas mo ang lahat ng sama ng loob mo.Doon ibinuhos ni Jade ang lahat ng galit at matinding sama ng loob niya sa asawa, matapos niyang basagin ang lahat ng mga platong hawak niya ay dumiretcho siya sa bar counter at nag-order ng pinakamatapang na alak, gusto niyang maglasing at makalimutan pansamantala ang problema niya sa asawa. Hindi niya matanggap sa sarili na kahit na anong gawin niya ay hindi man lang siya nito magawang mahalin, palagi siya nitong ipinagtatabuyan at ipinapamukha sa kaniya na mahal na mahal pa din nito ang nobya nito kahit na niloko na ito ng huli. Ang buong akala niya ay mawawalan na ito ng pagmamahal sa kabit nito kapag nalaman nitong may iba ng karelasyon ang babae pero hindi pa din pala! Dahil halos lunurin nito ang sarili sa alak dahil sa nalaman ni
Joy's POVTatlong araw na mula nang magpa-alam si Simone sa kaniya na kailangan muna nitong lumuwas ng Maynila para asikasuhin ang trabaho nito at tatlong araw na ding hindi makapag-isip ng maayos si Joy, naroon siya sa kwarto habang nakahiga at nag-iisip.Nahihiya na siya sa lalaki, napakadami na nitong ginawa para sa kaniya. Kinuhaan pa siya nito ng katulong para may makasama siya sa bahay at masiguro nitong magiging ligtas at maayos ang lagay niya bago siya nito iniwan, dinaig pa nito ang concern na asawa. Sandaling natigilan si Joy sa huling naisip. Inalala niya kung paano siya asikasuhin at alagaan ni Simone, damang-dama niya ang concern nito sa kaniya. Naisip niya kung ganito din ba ito sa ibang babae o sa kaniya lang dahil noon namang magkasama pa sila sa trabaho nito sa Mall ay napakasungit nito sa ibang babae at walang pinapansin sa mga iyon, siya lang ang bukod tanging empleyado na naka-close nito. Ayaw man niyang isipin ay paano pala kung may pagtingin ito sa kaniya kaya
Kinabukasan ay maagang nagising si Joy, alas singko pa lang ng umaga ay bumangon na siya sa kama, gusto kasi niyang maglakad-lakad muna sa labas dahil pakiramdam niya ay lalo lang nananakit ang buong katawan niya sa maghapong paghiga niya sa loob ng bahay at saka gusto din niyang magpa-araw, nakita kasi niya sa internet na maganda ang sinag ng pang umagang araw sa mga buntis. Hindi na siya nagpa-alam pa sa mga kasama niya sa bahay dahil alam niyang tulog pa ang mga ito.Dinala niya ang cellphone at headset na ibinigay sa kaniya ni Simone, gusto kasi niyang makinig ng music habang naglalakad-lakad, kaagad niyang isinalpak sa tainga niya ang headset at nagpatugtog ng Christian song. Nilakasan pa niya ang volume ng cellphone niya dahil napakaganda ng music, isa pa ay gusto niyang mag relax muna pansamantala at kalimutan ang nobyo niyang si Ricks. Buong magdamag na naman kasi niyang iniyakan ang lalaki dahil naikwento niya kay Emelia ang tungkol dito. Napapikit pa siya paglabas niya ng ba
Maximo's POVHalos paliparin na niya ang kotse niya papunta sa kinaroroonan ng kapatid niya dahil tinawagan siya ng mga tauhang inutusan niya na magbantay dito at sinabing sinadya daw itong banggain ng mga naka-bonet na lalaki at itinapon sa bangin.Halos madurog ang puso niya nang makarating siya sa bangin na kinaroroonan ng kapatid niya at makita niyang buhat na ito ng mga tauhan niya-- duguan ito, sugatan at halos wala ng buhay.Nagsisisi tuloy siya kung bakit pinigilan niya ang mga tauhan niya na tulungan kaagad ang kapatid niya noong nagsabi pa lang ang mga ito kung tutulungan ba ng mga ito ang kapatid niya dahil binangga ito ng kotse, ang buong akala niya ay ganoon lang ang gagawin ng mga tauhan ni Jade sa kapatid niya pero hindi pa nakuntento ang mga ito at inihulog pa ang kapatid niya sa bangin.Ang gusto lang naman niyang mangyari ay kamuhian din ng kapatid niya ang taong nagtangkang magpapatay dito para madali niyang makuha ang loob nito at mapapayag niya itong sumama sa kan
Simone's POV Isang linggo ng nawawala si Joy at hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita sa babae. Tatlong araw pa lang siya sa Maynila noong makatanggap siya ng tawag sa katulong na kinuha niya para kay Joy at sinabi nitong maghapon ng nawawala ang babae kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na bumalik ng Bataan para hanapin si Joy, hindi na rin niya nagawang sunduin ang mommy niya sa airport kahit na alam niya na magtatampo ito sa kaniya. Tanging ang kuha lang nito ng CCTV sa tapat ng bahay niya ang huli niyang kita dito, panigurado siya na may kumuha dito dahil kitang-kita niya ang itim na kotse na bigla na lamang sumunod dito paglabas nito ng bahay niya pero hanggang doon lang ang kuha ng CCTV niya kay Joy kaya hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Halos tanungin niya ang lahat ng mga kapit bahay nila kung nakita ba ng mga ito si Joy o may CCTV din ba ang mga ito na puwede niyang tingnan noong araw na bigla na lang itong nawala pero ang sagot ng mga it
Naunang pumasok si Simone sa hospital room ng kapatid niya at naiwang nakatulala si Ricks sa labas niyon. Pero maya maya lang ay muling lumabas si Simone at sinabi nitong gusto daw siyang makausap ng kapatid niyang si Rhiya kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa at pumasok na sa loob ng kwarto kung nasaan ito nagpapahinga.Pinakatitigan ni Ricks ang kapatid habang nakahiga ito sa hospital bed at nakita niya ang matinding pag-aalala nito sa para kaniya kahit na dapat ay siya ang mag-alala dito dahil sa nagawa niya."I'm sorry kuya.." unang namutawi sa mga labi nito, garalgal din ang boses nito."I'm sorry kung nagtago ako sa inyo at hindi ipina-alam ang kalagayan ko.. kasal na kami ni Simone kuya, asawa ko na siya at kaya ko ito itinago sa inyo ay dahil alam kong hindi ninyo siya matatanggap lalong-lalo ka na dahil sa nakaraan n'yo, mahal na mahal ko ang asawa ko kuya kaya hinihiling ko sa iyo na sana ay mapatawad mo na siya." umiiyak na paki-usap nito."Pero Rhiya inagaw niya s
5 YEARS LATER..Isang linggo na mahigit mula nang magbalik si Joy at Maximo sa Pilipinas para sa plano nilang paghihiganti. Naroon si Joy sa opisina niya habang nakaupo at pinag-aaralan kung paano nila mapapabagsak ang kompanya ng mga Isavedra, ginawa siya nitong presidente ng Makenzie Realty Corporation na siyang pinamamahalaan nito. Mabilis siya nitong pinagkatiwalaan dahil sa mga abilidad niya.Laking pasasalamat niya dahil tinulungan siya ni Maximo para makabangon, pinag-aral siya nito sa America at tinuruan ng iba't-ibang pamamaraan kung paano magpalago ng negosyo. Ito rin ang nagturo sa kaniya kung paano maging isang class and sophisticated woman.Masasabi niya na malaki na ang ipinagbago ng buhay niya dahil isa na siya ngayong successful businesswoman at maging ang paraan ng pag-aayos at pananamit niya ay nagbago na din, naging isa na siyang moderna at sopistikadang babae at lahat ng iyon ay dahil sa tulong ni Maximo Makenzie.Kasalukuyang humihigop si Joy ng mainit na espress
Jade's POVNaroon sila sa isang auction house sa Makati kasama ang daddy niya at ang asawa niya na si Ricks para muling mabawi ang dating hacienda nila na ibinenta ng kaniyang ama noong namatay ang mommy niya dahil sa sobrang depressed nito. Kinailangan pa nilang dumalo sa auction na iyon dahil ayaw ng ibenta ulit sa kanila ng tusong may-ari ang hacienda nila noon, ang gusto nito ay idaan sa bidding ang lupa at dahil gustung-gusto ng daddy niya na muling mabawi ang lupa ay kinailangan nilang sumali sa bidding.Kakaunti lamang ang mga taong naroon sa auction house at halos kasosyo ng daddy niya ang mga negosyanteng naroon kaya naman nakakasiguro si Jade na mababawi ulit nila ang hacienda.Hanggang sa magsimula na ang bidding at magbigay na ng unang bid price ang bidder, 5 million ang unang presyo na ibinigay nito.Nagtaas ng kamay si Jade at nagsalita."6 million!" sabi niya."7 million!" sabi naman ng isang katunggali ng daddy niya sa negosyo."8 million!" sabi ulit ni Jade habang na
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon