Naunang pumasok si Simone sa hospital room ng kapatid niya at naiwang nakatulala si Ricks sa labas niyon. Pero maya maya lang ay muling lumabas si Simone at sinabi nitong gusto daw siyang makausap ng kapatid niyang si Rhiya kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa at pumasok na sa loob ng kwarto kung nasaan ito nagpapahinga.Pinakatitigan ni Ricks ang kapatid habang nakahiga ito sa hospital bed at nakita niya ang matinding pag-aalala nito sa para kaniya kahit na dapat ay siya ang mag-alala dito dahil sa nagawa niya."I'm sorry kuya.." unang namutawi sa mga labi nito, garalgal din ang boses nito."I'm sorry kung nagtago ako sa inyo at hindi ipina-alam ang kalagayan ko.. kasal na kami ni Simone kuya, asawa ko na siya at kaya ko ito itinago sa inyo ay dahil alam kong hindi ninyo siya matatanggap lalong-lalo ka na dahil sa nakaraan n'yo, mahal na mahal ko ang asawa ko kuya kaya hinihiling ko sa iyo na sana ay mapatawad mo na siya." umiiyak na paki-usap nito."Pero Rhiya inagaw niya s
5 YEARS LATER..Isang linggo na mahigit mula nang magbalik si Joy at Maximo sa Pilipinas para sa plano nilang paghihiganti. Naroon si Joy sa opisina niya habang nakaupo at pinag-aaralan kung paano nila mapapabagsak ang kompanya ng mga Isavedra, ginawa siya nitong presidente ng Makenzie Realty Corporation na siyang pinamamahalaan nito. Mabilis siya nitong pinagkatiwalaan dahil sa mga abilidad niya.Laking pasasalamat niya dahil tinulungan siya ni Maximo para makabangon, pinag-aral siya nito sa America at tinuruan ng iba't-ibang pamamaraan kung paano magpalago ng negosyo. Ito rin ang nagturo sa kaniya kung paano maging isang class and sophisticated woman.Masasabi niya na malaki na ang ipinagbago ng buhay niya dahil isa na siya ngayong successful businesswoman at maging ang paraan ng pag-aayos at pananamit niya ay nagbago na din, naging isa na siyang moderna at sopistikadang babae at lahat ng iyon ay dahil sa tulong ni Maximo Makenzie.Kasalukuyang humihigop si Joy ng mainit na espress
Jade's POVNaroon sila sa isang auction house sa Makati kasama ang daddy niya at ang asawa niya na si Ricks para muling mabawi ang dating hacienda nila na ibinenta ng kaniyang ama noong namatay ang mommy niya dahil sa sobrang depressed nito. Kinailangan pa nilang dumalo sa auction na iyon dahil ayaw ng ibenta ulit sa kanila ng tusong may-ari ang hacienda nila noon, ang gusto nito ay idaan sa bidding ang lupa at dahil gustung-gusto ng daddy niya na muling mabawi ang lupa ay kinailangan nilang sumali sa bidding.Kakaunti lamang ang mga taong naroon sa auction house at halos kasosyo ng daddy niya ang mga negosyanteng naroon kaya naman nakakasiguro si Jade na mababawi ulit nila ang hacienda.Hanggang sa magsimula na ang bidding at magbigay na ng unang bid price ang bidder, 5 million ang unang presyo na ibinigay nito.Nagtaas ng kamay si Jade at nagsalita."6 million!" sabi niya."7 million!" sabi naman ng isang katunggali ng daddy niya sa negosyo."8 million!" sabi ulit ni Jade habang na
"Why is that woman still alive?! Akala ko ba ay dinispatsa mo na ang babaeng iyon hija?" galit na tanong ni Don Julio sa anak niyang si Jade matapos niya itong puntahan kinabukasan sa opisina nito."I'm sorry dad, hindi ko rin alam dahil ang sabi sa akin ng mga tauhan ko noon ay patay na ang babaeng iyon at saka limang taon na din ang nakalipas kaya ang akala ko ay talagang patay na siya." balisang sagot ni Jade sa ama."Bakit hindi mo man lang siniguro at tiningnan sa sarili mong mga mata na talaga nga'ng patay na ang Joy na iyon? Baka magkaroon pa tayo ng problema sa kaniya! You see her? She changed a lot! Paano kung malaman niya na ikaw ang nasa likod nang nangyari sa kaniya noon? How can you face that, huh?" tanong pa ng daddy niya.Nahintakot si Jade sa mga sinabi ng ama, paano nga kung alam nitong siya ang nasa likod ng mga nangyari dito noon? At paano kung nagbalik pala ito para paghigantihan siya. Kasalanan ito ng mga bobong tauhan niya, matapos niyang bayaran ang mga ito ay h
Ricks POVNaroon siya sa harap ng building ng Makenzie Realty Corporation dahil gusto niyang makausap ang ex-girlfriend niya na si Joy. Marami siyang katanungan dito na alam niyang ito lang ang makakasagot kaya naman lingid sa kaalaman ng asawa niya ay narito siya ngayon para maka-usap ang babae at tanungin ito kung ano ang nangyari dito 5 years ago at bakit nito nagawang itago sa kaniya ang anak nila sa napakahabang panahon.Pagpasok pa lang ni Ricks sa information area ay halos malula siya sa laki ang ganda ng loob niyon. Triple kasi ang laki niyon sa building na pagmamay-ari ng asawa niya. Hindi siya makapaniwala na malayo na nga ang narating ng ex-girlfriend niya para maging presidente ito ng kompanyang pag-aari ng isang kilalang business tycoon na si Maximo Makenzie, kung paano nakilala ng lalaki ang ex-girlfriend niya ay hindi niya alam pero isa lang ang nasa isip niya kailangan niya ng explanation mula dito."Sir, pasensiya na po pero kailangan po muna ninyong magpa-schedule ng
"Are you okay?" tanong kaagad ni Maximo sa kapatid niyang si Joy pagkalabas ng opisina ng ex-boyfriend nito. Kanina pa siya naroon sa tapat ng pinto ng opisina nito, papasok sana siya doon nang mapahinto siya dahil narinig niya ang palitan ng mga masasakit na salita nito at ng ex-boyfriend nito mula sa naka-awang na pinto.Kitang-kita ni Maximo ang sakit sa mga mata ng kapatid niya habang sinisigawan nito ang ex-boyfriend nito at kahit na itanggi pa nito ay ramdam niya na mahal pa din nito ang lalaki katunayan ay wala man lang itong pinansin ni isa man sa mga naging suitors nito sa America sa loob ng limang taon. Katulad niya noon ay ginugol din nito sa pag-aaral at negosyo ang mga taong inilagi nito sa America."Yes, I'm okay." sabi nito habang pinupunasan ang mga luha nito."You sure?" paninigurong tanong niya."Yes please.. iwan mo muna ako." paki-usap pa nito."Okay." pabuntong hiningang sagot ni Maximo bago niya iniwan ang kapatid sa opisina nito.Samantalang hindi mapigilan ni
Pansamantalang pinalitan ulit ni Don Julio ang posisyon ng anak niyang si Jade dahil sa maselan nitong pagbubuntis. Pinagpahinga muna niya ang anak sa bahay para maiwasan nito ang miscarriage.Sumasakit ang ulo niya dahil unang balik pa lang niya sa kompanya ay malalaman niyang madaming investors ang nag pull out ng shares sa company nila at ang isa pang ikinasasakit ng ulo niya ay ang nalaman niyang ninakawan sila ng napakalaking halaga na pera ng pinagkatiwalaan niyang kumpare na tinalaga niya bilang chief financial officer na si Dominic Erese. Ang paalam nito sa kaniya ay magbabakasyon lamang ito ng isang linggo subalit mag-iisang buwan na ay hindi pa ito bumabalik iyon pala ay tinangay na nito ang pera ng kompanya kaya naman ang mga investors nila ay pinagduduhan na siya at isa-isa na nga'ng nag pull out ng mga shares ang mga ito sa kompanya nila. Maya maya ay dumating ang investigator na inutusan niya para hanapin ang kumpare niyang si Dominic Erese at sinabi nitong wala ng baka
Naroon ulit si Ricks sa labas ng opisina ng dating nobya at nagdadalawang-isip pa kung tutuloy ba siya na pumasok sa loob o hindi dahil alam niyang galit ito sa kaniya.Kung hindi nga lamang dahil sa pagbabanta ulit ng tuso niyang father in law ay hindi na siya babalik pa doon dahil alam niyang magdaramdam sa kaniya ang asawa kapag nalaman nito ang pinaplano niya at isa pa ay alam niyang may boyfriend na ang dating nobya at ito ay ang mismong may ari pa ng Makenzie Realty Corporation. Baka ngayon pa lang ay mabugbog na siya nito."You may come in, sir." sabi ng sekretarya nito, hindi namalayan ni Ricks na nasa harap na pala niya ito dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya.Kinakabahan man ay mabilis ng pumasok si Ricks sa opisina ng dating nobya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya itong nakaupo sa table nito habang umiinom ng wine at napaka daring ng itsura nito.Nakasuot ito ng red tube at luwang luwa ang malulusog nitong mga dibdib at kitang-kita din niy
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon