Share

Kabanata 106: THE END

6 MONTHS LATER..

Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.

Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.

Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila.

"Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom.

"Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status