Maagang nagpunta si Jade sa restaurant na pinapasukan ng waiter na nakilala n'yang si Ricks, hindi niya alam kung bakit parang gusto niya ulit makita ang binata.
Nagsuot pa siya ng pinaka-sexy niyang damit para kaagad na mapansin nito.Pagpasok pa lang niya sa restaurant ay marami na agad na mga waiter ang nagkakandarapang pagsilbihan siya pero wala man lang sa mga ito ang hinahanap niya."I will order later." maarteng sagot niya sa isang waiter na unang lumapit sa kan'ya.Matagal tagal din siyang nakaupo bago niya nakita ang pakay, mukhang kadarating lang nito dahil fresh na fresh pa ito-- lalo tuloy siyang naglaway dito.Pinakatitigan niya ito kahit sa malayo ay napakaguwapo talaga nito at nang mapadako ito malapit sa gawi niya ay kaagad na kinawayan niya ito."Waiter!"Agad naman itong lumapit sa kan'ya. Mas guwapo talaga ito sa malapitan. Napakakinis ng natural na kutis nito, sobrang tangos ng ilong at mapula ang labi-- na parang ang sarap lamukusin ng halik. Hindi bagay dito ang maging isang waiter lang."Yes ma'am, can I have your order?" tanong agad nito paglapit sa kan'ya.Biglang natigil ang pagpapantasiya niya dito nang bigla itong magsalita.Pagkuwa'y nginitian niya ito ng napakatamis at nagpa-cute pa siya dito.Napakunot-noo naman ito-- mukhang ni hindi man lang siya namukhaan nito. Bigla tuloy nawala ang mga ngiti na kanina lang ay nakapaskil sa labi niya.Siya si Jade Isavedra na kinababaliwan ng lahat ay parang balewala lang sa lalaking kaharap niya. Nainsulto siya pero hindi niya iyon ipinahalata dito."Don't you remember me?" sa halip ay tanong niya dito.Lalong namang nangunot ang noo nito."I'm sorry ma'am pero hindi po eh." magalang na sagot nito.Nagngitngit siya sa sinabi nito, wala pang lalaki ang hindi nakakatanda sa kan'ya sa unang kita pa lang ng mga ito sa kan'ya kun'di ito lang."I saw you at the party the other day, natapunan mo nga ako ng wine eh remember?" maarteng paliwanag niya dito.Nakita n'yang napa-isip ito at tila may inalala."Ah.. naalala ko na po kayo ma'am, pasensiya na po ulit sa nangyari noong araw na iyon." hinging paumanhin ulit nito nang maalala siya."At last! You remember me! By the way it's okay, apology accepted again." matamis ang ngiting sagot niya dito."Thank you ma'am but can I have your order now?" tanong ulit nito na tila ba naiinip na at hindi gustong makapag-usap sa kaniya."Oh sure but I want you to accompany me here." mapang-akit na sagot niya dito na parang wala lang sa kaniya ang ipinakita nito."I'm sorry ma'am pero bawal po kaming makipagkwentuhan sa customer while on duty hope you understand." sagot nito sa mapagpasensiyang tono."Okay let's talk outside na lang." pangungulit pa niya dito."Pasensiya na po talaga ma'am pero hindi po ako nakikipag-usap sa ibang tao kung hindi importante lalo na at hindi ko naman po talagang kilala, now kung hindi po kayo o-order ay aalis na po ako." magalang na paalam nito bago mabilis na tinalikuran siya at naglakad palayo.Naiwan s'yang natitigilan at nagngingitngit ang kalooban sa pag-alis nito."Shit ang lalaking iyon! In-snob ang beauty ko!" nagngingitngit na bulong niya sa sarili.Pero hindi siya basta-basta susuko rito. Para saan pa na naging anak siya ng isang bilyonaryo kung hindi niya makukuha ang gusto niya.Napangisi siya sa sarili ng biglang may maisip.Tumutunog ang takong ng kaniyang sapatos habang naglalakad siya patungong manager's office ng restaurant na iyon."Pasensiya na ma'am pero bawal po kayong pumasok dyan." pigil sa kaniya ng isang babaeng crew nang makita siya nito na akmang papasok sa manager's office.Tinaasan n'ya ito ng kilay."Don't you know me?" mataray na bulyaw niya dito.Agad naman itong natigilan."Ako lang naman ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng restaurant na ito! And I want to talk to your manager now!" pasigaw pa na utos niya dito.Bahagya namang napa-atras ang crew sa biglang pagsigaw niya pero agad din itong tumalima."Sorry ma'am hindi ko po alam, wait lang po at tatawagin ko si madam manager." at nagmamadali na itong pumasok sa loob ng manager's office.Maya-maya din ay lumabas na ito at tinawag siya."Pasok na daw po kayo ma'am." magalang pang sabi nito at saka nagpa-alam ng umalis.Taas noo s'yang pumasok sa loob ng opisina at nakita niya doon ang nakaupong babae na mukhang ka edad lang niya."So ito pala ang manager dito?" sa isip niya.Maganda ito pero alam n'yang mas maganda siya dito."Good morning ma'am, do you have any complain sa food service namin or sa mga crew?" magalang na bati nito sa kan'ya."No, I don't have but I want your waiter name Ricks Gregorio to accompany me outside this restaurant." diretso at walang ligoy na sagot niya dito.Bigla naman itong natigilan at nakita pa niya ang pagtaas ng isang kilay nito."Pasensiya na po kayo ma'am pero hindi ko po ina-allow ang mga customer's ng restaurant na ito na basta na lang ipag-paalam ang mga empleyado ko habang naka duty and besides ngayon ko lang po kayo nakita at imposibleng girlfriend ka ni Ricks dahil kilala ko ang kinakasama niya." mataray na sagot nito."Ako nga ay hindi pumasa kay Ricks ikaw pa kaya?" bulong pa nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Jade kaya naman napa-ismid siya dito."So ang babaeng ito ay may gusto rin kay Ricks?" sa isip niya."So what?!" mataray ding sagot niya dito.Nakita niya ang pagtitimpi sa mukha nito."Kung wala na po kayong ibang complain ma'am ay maari na po kayong lumabas at doon n'yo na lang po hintayin si Ricks-- at kung talagang gusto mo s'yang makausap ay hintayin mo hanggang matapos ang duty niya." pagkuwa'y pagtataboy nito sa kan'ya at binalewala lang ang mga sinabi niya.Kaya naman kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito."Hindi mo ba ako nakikilala?" namumula sa galit na biglang tanong niya dito."Sorry ma'am pero hindi po." naka-ismid na sagot nito.Nainis na naman siya dahil ganitong ganito din ang sinabi ni Ricks at ng babaeng crew sa kaniya kanina."Ako lang naman ang anak ng may-ari ng kinatitirikan ng restaurant na ito!" inulit pa niya dito ang sinabi niya sa crew kanina bago siya pumasok sa loob ng opisinang ito."And know what?" naka-ismid na tanong pa niya dito."Ninong ko ang amo mo at kayang-kaya kitang ipatanggal dito ngayon din mismo!" pagbabanta pa niya.Nakita naman niya ang biglang pagrehistro ng takot sa mukha nito at nawala din ang kanina lang na katarayan nito.Napangisi siya, walang ibang pwedeng magtaray sa kaniya kun'di siya lang."Ano, papayagan mo bang pasamahin si Ricks sa akin ngayon o ipatatanggal pa kita dito?" pag-uulit na tanong niya sa babae."I will talk to him first--"No!" putol niya sa iba pang sasabihin nito."Hindi ko kailangan ng permiso niya! Palabasin mo na siya, I'll wait him outside and don't worry babayaran ko ang araw niya ngayon sa'yo ng triple!" sarkastikong sabi niya dito bago tinalikuran ito at lumabas ng opisinang iyon.Taas noo ulit siyang naglakad palabas ng restaurant na iyon at natutuwa siyang pinagtitinginan siya ng mga taong nadaraanan niya.Nagmamadaling nagtungo si Ricks sa opisina dahil bigla siyang ipatawag ng kanilang manager.Sa isip niya ay ano kaya ang nagawa niya at kailangan s'yang ipatawag nito? Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang customer complain ngayong araw at kahit na kailan ay wala pang customer ang nag-complain sa kaniya at sa serbisyo niya pero maya-maya din ay bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay nangungulit sa kanya.“Posible kayang ito ang nagreklamo sa kanya?” Sa isip niya.Nakatatlong katok muna siya sa pinto bago niya narinig na nagsalita ang manager niya."You may come in." narinig n'yang sabi nito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa loob ng opisina. Pagpasok pa lang niya doon ay tinanong agad niya ito."May customer complain po ba sa akin ngayong araw ma'am?" kinakabahang tanong niya dito. Kadalasan kasi ng mga ipinapatawag nito sa opisina ay ang mga crew na may mga customer complain at palpak ang trabaho.Saglit na tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita."Wala naman kaya
Ricks POV"Babes, ang aga mo naman yatang nagsundo ngayon? Hindi ba dapat ay mamaya pang 7pm ang out mo?"Nagulat pa si Ricks nang makitang nasa harapan na pala niya ang nobyang si Joy, sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayang nasa harap na pala niya ito.Tiningnan niya ang relong pambisig-- alas singko pa lang ng hapon, hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari kung bakit maaga siyang nag out sa trabaho kaya naman ay nagdahilan na lang siya dito."Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina babes kaya maaga akong nagpa-alam na umuwi sa manager ko." pagdadahilan niya dito.Nakita naman niya ang pagrehistro ng pag-aalala sa magandang mukha nito."Masama pala ang pakiramdam mo babes eh bakit sinundo mo pa ako? Dapat ay nauna ka ng umuwi sa bahay at doon mo na lang ako hinintay." nag-aalalang sabi nito habang sinasalat ang noo niya.Bahagya naman siyang nakonsensiya sa ginawang rason pero mas okay na iyon kaysa magselos pa ito."Okay na ako babes, naki
-- SPG --Pagpasok ni Ricks sa loob ng bahay ay kaagad niyang hinanap ang nobya, nakita niya itong nakahiga sa kama kaya tinabihan niya ito at niyakap ng buong higpit."Akala ko ba ay bibili ka ng snacks babes? Nakabili ka ba?" pagod na tanong nito sa kan'ya."Wala ng bukas na tindahan babes kaya hindi na ako naghanap." sagot niya dito habang dinadampian ng masuyong halik ang ulo nito.Lalo naman itong nagsumiksik mga bisig niya."Babes? Magpakasal na tayo.." maya-maya ay bulong niya dito.Gulat itong napatingala sa kaniya habang nagniningning ang mga mata."Hindi ka naman nagmamadali niyan babes?" nagtatakang tanong nito.Dati kasi ay gustong-gusto muna niyang makaipon at magkaroon sila ng sariling bahay bago magpakasal pero ngayon ay desidido na siyang maikasal sila dahil inaalala niya na baka guluhin pa sila ni Jade-- ang babaeng desperada na makuha siya. Baka kapag nalaman nitong kasal na siya ay tigilan na siya nito at hindi na guluhin pa."Hmm.. hindi naman babes, gusto ko lang
Ricks POV Linggo ng umaga, naghanda si Ricks ng sorpresa para sa nobya niyang si Joy. Ngayon kasi ang araw na magpo-propose siya dito kaya naman ay nag-request siya sa nobya na sabay na silang mag day off. Wala itong kaalam-alam sa binabalak niya at kinontiyaba din niya ang manager ng paborito nilang restaurant para sa gagawin niyang proposal mamaya-- nagpapasalamat siya at napapayag niya ito.Sa totoo lang ay isang simpleng restaurant lang ang paborito nilang puntahan na magkasintahan sa tuwing yayayain niya itong magkipag date at ito ang restaurant na pinuntahan nila ngayon-- may live band din ang restaurant dahil paborito nila ang makinig sa banda.Hindi ito maluho at wala din itong hilig sa mga mamahaling restaurant at pasyalan bagay na nagustuhan niya dito. Ang kasimplehan nito ang lalong minahal niya.Ang tanging alam lang ng nobya niya ngayon ay kakain lang sila kaya hindi na siya makapaghintay na mag propose dito at makamit ang matamis nitong oo.Nakangiti si Ricks habang pin
Samantalang labis ang inggit na nadama ni Jade habang pinapanuod niya ang video ng proposal ni Ricks sa nobya nito. Naroon siya sa loob ng kaniyang opisina nang hindi sinasadyang marinig niya ang ilang empleyado na kinikilig habang pinag-uusapan ang viral na video ngayon sa social media kaya naman na curious siya at pinanuod niya ang nasabing video at ganoon na lang ang galit at inggit na nadama niya para sa babae dahil kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang labis na pagmamahal sa isat-isa. Bigla ay nawalan siya ng ganang magtrabaho. Ang init ng ulo niya ay naibuntong niya sa mga empleyado. Naisip niyang kung hindi rin naman niya makukuha si Ricks ay pahihirapan na lang niya ang mga ito. At dahil sa napanuod niyang video ay hindi na siya makapag-focus sa trabaho kaya naman tinawag niya ang kaniyang sekretarya para magpa-alam dito pagkatapos niyon ay tinungo niya ang daan palabas ng opisina. Naabutan pa niya ang daddy niya sa elevator habang palabas ito. "And where are you go
Jade's POVNagngingitngit ang kalooban ni Jade kay Joy habang nakatingin dito na masayang nag-aassist ng mga customers, kulang na lang ay patayin niya ito sa mga titig niya.Naroon kasi siya sa Mall na pinapasukan nito. Sinadya niyang pumunta doon dahil mayroon siyang balak gawin dito. Bigla ay napangisi siya sa naisip.Nang makita niyang mag-isa na lang ito sa kinatatayuan nito ay kaagad siyang kumuha ng pinakamamahaling wine at saka niya ito nilapitan. "Hey!" mataray na tawag niya dito.Nakangiti naman itong lumapit sa kaniya."Yes ma'am, ano pong hanap ni'yo?" magiliw na tanong nito.Lalo lang siyang nagngitngit dito dahil kahit pakitaan na niya ito ng katarayan ay nakangiti pa din ito sa kaniya. Bagay na lalong ikinaganda nito at naiinis siya sa isipang iyon."Can you check how much is this?" tanong niya sa babae habang inaabot dito ang bote ng wine pero hindi pa nito nahahawakan ang bote ng wine ay binitawan na niya iyon kaya basag na bumagsak iyon sa paanan nito. Nagulat naman
"Anong nangyari dyan sa kamay mo babes?" takang tanong ni Ricks sa nobya nang sunduin niya ito sa trabaho. Nakita kasi niya na may band aid ang palad mga nito."Ah wala ito babes.." sagot ni Joy habang iniiwas dito ang palad niyang nahiwa ng bubog kanina, medyo mahapdi pa kasi iyon."Eh ano naman iyang nasa paa mo?" nag-aalalang tanong ulit ni Ricks, hindi rin nakaligtas sa paningin niya pati ang mga paa nitong may benda.At dahil hindi na makahanap pa ng idadahilan si Joy ay sinabi na niya sa nobyo ang totoo-- na may isang babaeng customer kanina na parang sinadya siyang bagsakan ng bote sa mga paa."Kanina kasi babes, may customer ako na nagtatanong ng presyo ng wine ang kaso lang noong i-aabot na niya sa akin ang bote ay nabitawan niya kaya iyon nabasag sa paanan ko." paliwanag niya sa nobyo. Nangunot muna ang noo nito bago muling nagsalita."Napakatanga naman pala ng customer na iyon!" sabi nito."Eh kumusta na pala 'yang mga sugat mo? Masakit pa ba babes?" hindi nawawala ang pag-
"Wala ka talagang alam tungkol sa akin dad.." naghihinakit na sabi ni Jade sa daddy niya."Ang alam mo lang ay ang pagpapalago diyan sa lintik na negosyo mo! Ni hindi mo man lang tinanong kung ano ang mga bagay na gusto ko, palagi na lang ang gusto mo ang nasusunod tapos ngayon ay tatanungin mo sa akin kung ano ba ang problema ko? Bakit dad, kapag sinabi ko ba sa'yo ang problema ko ay matutulungan mo ba ako? Maibibigay mo ba sa akin ang kaligayahan na gusto ko?" tanong pa niya dito.Mataman lang na nakatitig sa kaniya ang ama na wari'y natamaan sa mga sinasabi niya."You know I can give you everything hija, lahat ng pangangailangan mo.." sagot ni Don Julio sa anak."Yes dad binibigay mo nga sa akin ang mga bagay na kailangan ko pero hindi ang talagang gusto ko, you don't care about me dad, you only care for yourself and your company!" hindi niya mapigilang isumbat sa daddy niya?Bigla namang natigilan si Don Julio sa mga rebelasyon ng kaniyang anak, napakarami na pala nitong hinanakit
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon