Pagod na pagod si Ricks na umuwi kinagabihan galing sa trabaho subalit nang makita niya ang nobya na nakangiting sumalubong sa kan'ya ay kaagad napawi ang pagod niya.
"Hi babes kumusta sa trabaho? Mukhang pagod ka ah." malambing na salubong ni Joy sa kan'ya.Kahit pagod na pagod siya sa trabaho ay nginitian niya ito ng ubod ng tamis at saka niyakap ito ng buong higpit."Medyo lang babes pero dahil nakita na kita ay nawala na ang pagod ko, pa kiss nga!" at saka niya ito dinampian ng masuyong halik sa labi."Okay na, nawala na agad ang pagod ko! Ikaw kaya ang gamot ko." paglalambing pa niya dito."Hmm.. napakabolero talaga nitong future husband ko!" biro naman nito."Hindi naman ako nagbibiro babes eh dahil ikaw talaga ang gamot ko, makita lang kita ay ayos na ayos na ako." seryosong sabi niya sa nobya."O' siya sige na nga! Naniniwala na po ako sayo babes kaya tara na at pumasok na tayo sa loob at baka lumamig na ang mga pagkaing inihanda ko sa'yo." pag-aaya nito sa kan'ya."Teka meron nga pala akong pasalubong sa'yo babes." biglang sabi niya dito nang may maalala."Ano naman iyon?" tanong ni Joy sa nobyo."Ito oh nag-uwi ako ng maraming pagkain galing sa trabaho ko." nakangiti n'yang itinaas ang dalang supot ng pagkain na kanina pa niya hawak.Nagningning ang mga mata nito, alam kasi n'yang mahilig itong kumain pero kahit na matakaw ito ay hindi naman ito tumataba, medyo chubby lang ito at mabilog ang katawan kaya palagi s'yang gigil na gigil dito dahil maumbok ang lahat dito at napaka-sexy nito sa kan'yang paningin."Sana pala ay hindi na ako nagluto, marami ka pa lang dalang pagkain." nanlulumong sabi nito."Ano ka ba babes, kakainin nating lahat ang mga pagkain na iyan. Ako ang kakain ng mga niluto mo at ikaw naman ang kakain nitong dala ko." natatawang sabi niya dito para pagaanin ang loob nito. Ayaw na ayaw kasi nitong may nasasayang na pagkain at isa pa ay wala din naman silang ref upang paglagyan ng mga tirang pagkain."Sigurado ka bang mauubos mong lahat ang mga niluto ko?" paninigurong tanong nito."Oo naman! Hindi kaya ako kumain! Tara na nga babes at magkainan na tayo este kumain na pala." biro pa niya sabay akbay dito."Ang pilyo mo talaga!" At kinurot siya nito sa tagiliran.Tawa naman siya ng tawa sa ginawa nito. Ito ang pinaka-gusto n'yang bagay dito dahil sa tuwing babanggit siya dito ng tungkol sa mga kapilyuhan ay agad na pinamumulahan ito ng mukha na para bang na-eeskandalo ito dahil napaka conservative nito kung hindi nga lamang sa kan'ya ay baka hanggang ngayon ay wala pa din itong nobyo at malamang ay virgin pa din ito.Napaka-swerte niya at nakilala niya ito dahil hindi ito katulad ng ibang babaeng nakilala niya na basta na lang lumulundag sa kama pakitaan lang niya ng kaunting interes ang mga ito.Pinaghirapan din niya ang panliligaw niya dito at napakasaya niya nang sagutin nito dahil sa dami ng lalaking nanligaw dito ay siya ang pinili nito kaya ipinangako niya sa kan'yang sarili na pakamamahalin niya ito ng wagas at kailanman ay hinding-hindi sasaktan dahil siya na lang ang natitirang pamilya nito."Babes say ah--Naputol ang kan'yang pagmumuni-muni nang subuan siya nito ng pagkain, awtomatikong naibuka niya ang bibig para kainin ang pastang isinusubo nito sa kan'ya.Masaya nilang pinagsaluhan ang hapag at busog na busog sila pareho pagkatapos kumain.Kasalukuyan silang nakahiga sa kama ng mag-offer itong hilutin siya.Nakadapa siya habang minamasahe siya nito, nakaupo naman ito sa kan'yang likuran."Babes?" sabi nito."Hmm..?" paungol na sagot niya dito, nasasarapan kasi siya sa pagmamasahe nito."Wala ka namang na-encounter na mga babaeng nagpapansin sa'yo sa restaurant at doon sa venue na pinuntahan mo?" curious na tanong nito.Saglit s'yang natigilan sa tanong nito. Sa totoo lang ay napakadami pero hindi na niya alintana ang bagay na iyon dahil ang puso't isip niya ay nakatuon lamang dito at wala ng iba."Wala naman babes at kung mayroon man ay wala akong paki-alam." sagot niya sa nobya.Kahit na ang totoo ay may isang babaeng gustong kunin ang number niya at tinanong pa nito kung may girlfriend na siya pero ayaw na n'yang banggitin pa dito ang tungkol sa bagay na iyon dahil ayaw niya itong bigyan ng rason para magselos at isa pa ay wala naman itong dapat ikaselos dahil wala naman talaga s'yang tinitingnang ibang babae bukod dito."Talaga?" nasisiyahang tanong nito."Oo naman babes!" sagot niya habang humaharap dito."Wala kang dapat ipangamba babes dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko at pakamamahalin hanggang sa pagtanda natin." madamdamin pang sabi niya dito."Hindi pa man tayo kasal ay pag-aari mo na ako, sa'yo lang itong puso ko, sabay kuha n'ya sa kamay nito at iginiya iyon sa tapat ng dibdib niya."Sa'yo lang din itong kaluluwa ko, ginaya pa niya ang sinabi nito sa kan'ya noong nakaraang araw."At lalong sa'yong-sa'yo lang din itong alaga ko." sabay hawak n'ya ulit sa kamay nito at iginiya naman n'ya iyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.Pinanlakihan ito ng mga mata pagkuwa'y pinamulahan ng mukha.Tawang-tawa naman siya sa naging reaksiyon nito, talagang napaka-cute nito kapag namumula kaya gustung-gusto n'yang lagi itong binibiro ng ganoon eh.Nang makabawi ito ay pinaghahampas siya nito."Ikaw talaga babes! Kotang-kota ka na sa kapilyuhan mo sa akin!" namumulang sabi nito.Natatawa lang na niyakap niya ito sabay pabagsak na inihiga sa kama at dinaganan. Pinakatitigan niya ang magandang mukha nito at kinabisado iyon.Mula sa makakapal nitong mga kilay, sa malalantik nitong mga pilik mata, sa kulay tsokolate at mapang-hipnotismo nitong mga mata, sa matangos nitong ilong, sa cute nitong dimple sa pisngi at sa manipis nitong labi na kay pula at kay sarap halikan.Inangat niya ang kan'yang palad para hawakan ang mukha nito at masuyo niyang dinampian ng halik ang mapang-akit na labi nito."Mahal na mahal kita babes, palagi mong tatandaan iyan." bulong niya dito."Mahal na mahal din kita babes." sagot ni Joy na buong pagmamahal ding nakatitig sa kan'ya.Sa isip ni Joy ay sana palagi silang ganoon at walang magbago sa pag-ibig nila sa isat-isa.Maagang nagpunta si Jade sa restaurant na pinapasukan ng waiter na nakilala n'yang si Ricks, hindi niya alam kung bakit parang gusto niya ulit makita ang binata.Nagsuot pa siya ng pinaka-sexy niyang damit para kaagad na mapansin nito.Pagpasok pa lang niya sa restaurant ay marami na agad na mga waiter ang nagkakandarapang pagsilbihan siya pero wala man lang sa mga ito ang hinahanap niya."I will order later." maarteng sagot niya sa isang waiter na unang lumapit sa kan'ya.Matagal tagal din siyang nakaupo bago niya nakita ang pakay, mukhang kadarating lang nito dahil fresh na fresh pa ito-- lalo tuloy siyang naglaway dito.Pinakatitigan niya ito kahit sa malayo ay napakaguwapo talaga nito at nang mapadako ito malapit sa gawi niya ay kaagad na kinawayan niya ito."Waiter!" Agad naman itong lumapit sa kan'ya. Mas guwapo talaga ito sa malapitan. Napakakinis ng natural na kutis nito, sobrang tangos ng ilong at mapula ang labi-- na parang ang sarap lamukusin ng halik. Hindi bagay dito ang
Nagmamadaling nagtungo si Ricks sa opisina dahil bigla siyang ipatawag ng kanilang manager.Sa isip niya ay ano kaya ang nagawa niya at kailangan s'yang ipatawag nito? Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang customer complain ngayong araw at kahit na kailan ay wala pang customer ang nag-complain sa kaniya at sa serbisyo niya pero maya-maya din ay bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay nangungulit sa kanya.“Posible kayang ito ang nagreklamo sa kanya?” Sa isip niya.Nakatatlong katok muna siya sa pinto bago niya narinig na nagsalita ang manager niya."You may come in." narinig n'yang sabi nito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa loob ng opisina. Pagpasok pa lang niya doon ay tinanong agad niya ito."May customer complain po ba sa akin ngayong araw ma'am?" kinakabahang tanong niya dito. Kadalasan kasi ng mga ipinapatawag nito sa opisina ay ang mga crew na may mga customer complain at palpak ang trabaho.Saglit na tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita."Wala naman kaya
Ricks POV"Babes, ang aga mo naman yatang nagsundo ngayon? Hindi ba dapat ay mamaya pang 7pm ang out mo?"Nagulat pa si Ricks nang makitang nasa harapan na pala niya ang nobyang si Joy, sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayang nasa harap na pala niya ito.Tiningnan niya ang relong pambisig-- alas singko pa lang ng hapon, hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari kung bakit maaga siyang nag out sa trabaho kaya naman ay nagdahilan na lang siya dito."Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina babes kaya maaga akong nagpa-alam na umuwi sa manager ko." pagdadahilan niya dito.Nakita naman niya ang pagrehistro ng pag-aalala sa magandang mukha nito."Masama pala ang pakiramdam mo babes eh bakit sinundo mo pa ako? Dapat ay nauna ka ng umuwi sa bahay at doon mo na lang ako hinintay." nag-aalalang sabi nito habang sinasalat ang noo niya.Bahagya naman siyang nakonsensiya sa ginawang rason pero mas okay na iyon kaysa magselos pa ito."Okay na ako babes, naki
-- SPG --Pagpasok ni Ricks sa loob ng bahay ay kaagad niyang hinanap ang nobya, nakita niya itong nakahiga sa kama kaya tinabihan niya ito at niyakap ng buong higpit."Akala ko ba ay bibili ka ng snacks babes? Nakabili ka ba?" pagod na tanong nito sa kan'ya."Wala ng bukas na tindahan babes kaya hindi na ako naghanap." sagot niya dito habang dinadampian ng masuyong halik ang ulo nito.Lalo naman itong nagsumiksik mga bisig niya."Babes? Magpakasal na tayo.." maya-maya ay bulong niya dito.Gulat itong napatingala sa kaniya habang nagniningning ang mga mata."Hindi ka naman nagmamadali niyan babes?" nagtatakang tanong nito.Dati kasi ay gustong-gusto muna niyang makaipon at magkaroon sila ng sariling bahay bago magpakasal pero ngayon ay desidido na siyang maikasal sila dahil inaalala niya na baka guluhin pa sila ni Jade-- ang babaeng desperada na makuha siya. Baka kapag nalaman nitong kasal na siya ay tigilan na siya nito at hindi na guluhin pa."Hmm.. hindi naman babes, gusto ko lang
Ricks POV Linggo ng umaga, naghanda si Ricks ng sorpresa para sa nobya niyang si Joy. Ngayon kasi ang araw na magpo-propose siya dito kaya naman ay nag-request siya sa nobya na sabay na silang mag day off. Wala itong kaalam-alam sa binabalak niya at kinontiyaba din niya ang manager ng paborito nilang restaurant para sa gagawin niyang proposal mamaya-- nagpapasalamat siya at napapayag niya ito.Sa totoo lang ay isang simpleng restaurant lang ang paborito nilang puntahan na magkasintahan sa tuwing yayayain niya itong magkipag date at ito ang restaurant na pinuntahan nila ngayon-- may live band din ang restaurant dahil paborito nila ang makinig sa banda.Hindi ito maluho at wala din itong hilig sa mga mamahaling restaurant at pasyalan bagay na nagustuhan niya dito. Ang kasimplehan nito ang lalong minahal niya.Ang tanging alam lang ng nobya niya ngayon ay kakain lang sila kaya hindi na siya makapaghintay na mag propose dito at makamit ang matamis nitong oo.Nakangiti si Ricks habang pin
Samantalang labis ang inggit na nadama ni Jade habang pinapanuod niya ang video ng proposal ni Ricks sa nobya nito. Naroon siya sa loob ng kaniyang opisina nang hindi sinasadyang marinig niya ang ilang empleyado na kinikilig habang pinag-uusapan ang viral na video ngayon sa social media kaya naman na curious siya at pinanuod niya ang nasabing video at ganoon na lang ang galit at inggit na nadama niya para sa babae dahil kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang labis na pagmamahal sa isat-isa. Bigla ay nawalan siya ng ganang magtrabaho. Ang init ng ulo niya ay naibuntong niya sa mga empleyado. Naisip niyang kung hindi rin naman niya makukuha si Ricks ay pahihirapan na lang niya ang mga ito. At dahil sa napanuod niyang video ay hindi na siya makapag-focus sa trabaho kaya naman tinawag niya ang kaniyang sekretarya para magpa-alam dito pagkatapos niyon ay tinungo niya ang daan palabas ng opisina. Naabutan pa niya ang daddy niya sa elevator habang palabas ito. "And where are you go
Jade's POVNagngingitngit ang kalooban ni Jade kay Joy habang nakatingin dito na masayang nag-aassist ng mga customers, kulang na lang ay patayin niya ito sa mga titig niya.Naroon kasi siya sa Mall na pinapasukan nito. Sinadya niyang pumunta doon dahil mayroon siyang balak gawin dito. Bigla ay napangisi siya sa naisip.Nang makita niyang mag-isa na lang ito sa kinatatayuan nito ay kaagad siyang kumuha ng pinakamamahaling wine at saka niya ito nilapitan. "Hey!" mataray na tawag niya dito.Nakangiti naman itong lumapit sa kaniya."Yes ma'am, ano pong hanap ni'yo?" magiliw na tanong nito.Lalo lang siyang nagngitngit dito dahil kahit pakitaan na niya ito ng katarayan ay nakangiti pa din ito sa kaniya. Bagay na lalong ikinaganda nito at naiinis siya sa isipang iyon."Can you check how much is this?" tanong niya sa babae habang inaabot dito ang bote ng wine pero hindi pa nito nahahawakan ang bote ng wine ay binitawan na niya iyon kaya basag na bumagsak iyon sa paanan nito. Nagulat naman
"Anong nangyari dyan sa kamay mo babes?" takang tanong ni Ricks sa nobya nang sunduin niya ito sa trabaho. Nakita kasi niya na may band aid ang palad mga nito."Ah wala ito babes.." sagot ni Joy habang iniiwas dito ang palad niyang nahiwa ng bubog kanina, medyo mahapdi pa kasi iyon."Eh ano naman iyang nasa paa mo?" nag-aalalang tanong ulit ni Ricks, hindi rin nakaligtas sa paningin niya pati ang mga paa nitong may benda.At dahil hindi na makahanap pa ng idadahilan si Joy ay sinabi na niya sa nobyo ang totoo-- na may isang babaeng customer kanina na parang sinadya siyang bagsakan ng bote sa mga paa."Kanina kasi babes, may customer ako na nagtatanong ng presyo ng wine ang kaso lang noong i-aabot na niya sa akin ang bote ay nabitawan niya kaya iyon nabasag sa paanan ko." paliwanag niya sa nobyo. Nangunot muna ang noo nito bago muling nagsalita."Napakatanga naman pala ng customer na iyon!" sabi nito."Eh kumusta na pala 'yang mga sugat mo? Masakit pa ba babes?" hindi nawawala ang pag-