"Anong nangyari dyan sa kamay mo babes?" takang tanong ni Ricks sa nobya nang sunduin niya ito sa trabaho. Nakita kasi niya na may band aid ang palad mga nito."Ah wala ito babes.." sagot ni Joy habang iniiwas dito ang palad niyang nahiwa ng bubog kanina, medyo mahapdi pa kasi iyon."Eh ano naman iyang nasa paa mo?" nag-aalalang tanong ulit ni Ricks, hindi rin nakaligtas sa paningin niya pati ang mga paa nitong may benda.At dahil hindi na makahanap pa ng idadahilan si Joy ay sinabi na niya sa nobyo ang totoo-- na may isang babaeng customer kanina na parang sinadya siyang bagsakan ng bote sa mga paa."Kanina kasi babes, may customer ako na nagtatanong ng presyo ng wine ang kaso lang noong i-aabot na niya sa akin ang bote ay nabitawan niya kaya iyon nabasag sa paanan ko." paliwanag niya sa nobyo. Nangunot muna ang noo nito bago muling nagsalita."Napakatanga naman pala ng customer na iyon!" sabi nito."Eh kumusta na pala 'yang mga sugat mo? Masakit pa ba babes?" hindi nawawala ang pag-
"Wala ka talagang alam tungkol sa akin dad.." naghihinakit na sabi ni Jade sa daddy niya."Ang alam mo lang ay ang pagpapalago diyan sa lintik na negosyo mo! Ni hindi mo man lang tinanong kung ano ang mga bagay na gusto ko, palagi na lang ang gusto mo ang nasusunod tapos ngayon ay tatanungin mo sa akin kung ano ba ang problema ko? Bakit dad, kapag sinabi ko ba sa'yo ang problema ko ay matutulungan mo ba ako? Maibibigay mo ba sa akin ang kaligayahan na gusto ko?" tanong pa niya dito.Mataman lang na nakatitig sa kaniya ang ama na wari'y natamaan sa mga sinasabi niya."You know I can give you everything hija, lahat ng pangangailangan mo.." sagot ni Don Julio sa anak."Yes dad binibigay mo nga sa akin ang mga bagay na kailangan ko pero hindi ang talagang gusto ko, you don't care about me dad, you only care for yourself and your company!" hindi niya mapigilang isumbat sa daddy niya?Bigla namang natigilan si Don Julio sa mga rebelasyon ng kaniyang anak, napakarami na pala nitong hinanakit
Malapit na ang kasal nila Ricks at Joy kaya naman napakasaya nila habang naghahanda sa nalalapit nilang kasal. Subalit isang umaga ay isang masamang balita ang dumating sa kanila. Sinugod ang nanay ni Ricks sa hospital dahil bigla na lamang daw itong bumagsak mula sa ginagawang pagluluto."Ano Rhiya?! Nasa hospital si inay at isang linggo na?! Bakit hindi ni'yo man lang ipina-alam sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Ricks sa kapatid habang kausap ito sa cellphone.Naroon sila ni Joy sa botique dahil nagsusukat ito ng gown na isusuot nito para sa kasal nila sa susunod na linggo nang biglang tumunog ang cellphone niya at pakiramdam niya ay para siyang sinabugan ng bomba sa mga narinig mula sa kapatid. May colon cancer daw ang kaniyang ina at isang linggo na itong nasa hospital. Ayaw nitong ipasabi sa kaniya ang kalagayan nito dahil alam nitong abala sila ni Joy sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal pero hindi na nakatiis ang kapatid niya at tinawagan siya dahil wala daw pera ang mga
Ricks POV Habang nasa byahe ay madaming iniisip si Ricks, papunta siya ngayon sa hospital para palitan doon ang nobya niyang si Joy, ito kasi ang bantay sa inay niya ngayon.Nahiraman na niya lahat ng mga kakilala at kaibigan niya pero kulang pa din ang perang nalilikom niya para sa operasyon ng kaniyang ina.Ilang araw na din siyang hindi nakakapasok sa trabaho. Siya kasi ang palaging nasa hospital para magbantay sa nanay niya dahil ang dalawa niyang kapatid ay nag-aaral at malapit na ang exam ng mga ito. Ang tatay naman niya ay matanda na at ayaw na niya itong nagpupuyat sa pagbabantay sa hospital at si Joy naman ay pa minsan-minsan lang humahalili sa hospital dahil pumapasok ito sa trabaho.Hindi ito makaliban ng matagal sa trabaho dahil may mga naka-abang pa silang bayarin sa upa ng bahay, tubig at kuryente. Kung tutuusin ay nahihiya na siya sa nobya dahil mas malaki ang perang naibigay nito kaysa sa kaniya. Marami ang mga nagbigay ng tulong dito para sa operasyon ng kaniyang ina
Matamang tinitigan ni Ricks ang napakalaking gusali na nasa kaniyang harapan. Naroon siya ngayon para pumunta sa opisina ng lalaking tumawag sa kaniya kahapon. Susugal na siya at magtitiwala sa sinabi nitong matutulungan siya nito. Tinapat na kasi siya ng doktor kaninang umaga na kung hindi pa maisasagawa ang operasiyon ng kaniyang ina sa lalong madaling panahon ay baka hindi na kayanin ng katawan nito kaya wala na siyang ibang choice kung hindi ang magbakasakali sa inaalok ng lalaking tumawag sa kaniya. Tinawagan muna niya ito at sinugurong naroon ito bago siya tuluyang pumasok sa gusali. Pagpasok pa lang niya sa loob ng gusali ay namangha na siya sa laki at ganda niyon at ang mga taong nasa loob noon ay mukhang mga kagalang-galang at talagang may mga sinabi sa buhay. Bigla ay nakaramdam siya ng panliliit sa sarili pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya dahil biglang nahagip ng paningin niya si Jade! Naka-corporate attire ito habang taas noong naglalakad sa pasilyo n
-- SPG --"Mabuti naman at nakahanap ka na ng pera para sa operasyon ni inay babes." natutuwang sabi ni Joy ng sabihin ni Ricks dito na maipapa-opera na nila ang inay nito.Pilit na ngiti ang isinukli ni Ricks sa nobya. Nasasaktan siya habang nakikita niya ang kasiyahan sa mukha nito."Sa wakas ay maipapa-opera na natin si inay." dagdag pa nito sabay yakap sa kaniya."Saan ka nga pala nakahiram ng ganoon kalaking pera babes?" tanong pa nito habang nakatitig sa kan'ya.Biglang naging mailap ang mga mata ni Ricks sa tanong ng nobya. Ayaw niyang salubungin ang titig nito dahil nasasaktan siya sa isipang ilang buwan na lang ay iiwan na niya ito."Ah.. iyon ba babes? Nakahiram ako sa boss ko, huwag kang mag-alala at ako na ang bahalang magbayad doon kapag nakaluwag tayo." parang may bikig sa lalamunang sagot niya sa nobya."Ano ka ba babes! Tutulungan kitang makabayad sa mga utang mo. Para saan pa na naging future wife mo ako kung hindi tayo magtutulungan." sabi pa nito na lalong ikinaduro
"Saan ba tayo pupunta babes? Bakit kailangan nating mag empake ng mga gamit natin?" naguguluhang tanong ni Joy sa nobyong si Ricks habang nagmamadali ito sa pagliligpit ng mga gamit nila."Basta babes malalaman mo na lang kapag nakalipat na tayo." sagot nito na hindi man lang siya nililingon kaya wala ng nagawa pa si Joy kun'di ang tulungan na lang din ito sa ginagawa.Mahabang biyahe din ang ginugol nila bago nakarating sa lugar na sinasabi nito. Batid ni Joy na nasa probinsiya sila dahil na rin sa naamoy niyang sariwang hangin at natatanaw na mga puno."Nandito na tayo babes." saad ni Ricks habang ipinapasok sa loob ng two storey house ang kanilang mga maleta pero sa loob niya ay sobrang nasasaktan siya dahil ito na ang umpisa na mawawalay siya sa pinakamamahal niyang si Joy.Nagtataka namang nakasunod lang si Joy sa nobyo, ni hindi man lang niya nahalata ang kalungkutan sa tinig ng nobyo."Nasaan pala tayo babes? At saka kaninong bahay ito?" takang tanong niya dito, hindi naman kas
Abala si Joy ngayon sa pag-aayos ng mga gamit sa bagong bahay nila ni Ricks. Maagang umalis ang nobyo dahil ang sabi nito ay dadaan muna ito sa trabaho bago pumunta ng hospital.Tuwang-tuwa siya ng sa wakas ay natapos na niya ang pagliligpit at pag-aayos sa buong kabahayan. Habang inilalagay niya ang litrato nilang dalawa ni Ricks sa ibabaw ng tokador ay biglang bumagsak iyon at nabasag-- biglang kinabahan si Joy na hindi niya mawari kaya kaagad niyang tinawagan ang nobyo para sana kamustahin ito pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil un-attended ang number nito at labis siyang nagtaka dahil hindi naman ito nago-off ng cellphone nito at wala rin itong text sa kaniya mula pa kaninang umalis ito kaya labis-labis ang pag-aalala niya sa nobyo dahil baka kung ano na ang nangyari dito.At dahil hindi niya ma-contact ang nobyo ay ang kapatid nitong si Rhiya ang tinawagan niya pero nag-riring lang ang cellphone nito, naka-ilang dial na siya ay hindi pa din nito sinasagot ang tawag ni
6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon