"Why is that woman still alive?! Akala ko ba ay dinispatsa mo na ang babaeng iyon hija?" galit na tanong ni Don Julio sa anak niyang si Jade matapos niya itong puntahan kinabukasan sa opisina nito."I'm sorry dad, hindi ko rin alam dahil ang sabi sa akin ng mga tauhan ko noon ay patay na ang babaeng iyon at saka limang taon na din ang nakalipas kaya ang akala ko ay talagang patay na siya." balisang sagot ni Jade sa ama."Bakit hindi mo man lang siniguro at tiningnan sa sarili mong mga mata na talaga nga'ng patay na ang Joy na iyon? Baka magkaroon pa tayo ng problema sa kaniya! You see her? She changed a lot! Paano kung malaman niya na ikaw ang nasa likod nang nangyari sa kaniya noon? How can you face that, huh?" tanong pa ng daddy niya.Nahintakot si Jade sa mga sinabi ng ama, paano nga kung alam nitong siya ang nasa likod ng mga nangyari dito noon? At paano kung nagbalik pala ito para paghigantihan siya. Kasalanan ito ng mga bobong tauhan niya, matapos niyang bayaran ang mga ito ay h
Ricks POVNaroon siya sa harap ng building ng Makenzie Realty Corporation dahil gusto niyang makausap ang ex-girlfriend niya na si Joy. Marami siyang katanungan dito na alam niyang ito lang ang makakasagot kaya naman lingid sa kaalaman ng asawa niya ay narito siya ngayon para maka-usap ang babae at tanungin ito kung ano ang nangyari dito 5 years ago at bakit nito nagawang itago sa kaniya ang anak nila sa napakahabang panahon.Pagpasok pa lang ni Ricks sa information area ay halos malula siya sa laki ang ganda ng loob niyon. Triple kasi ang laki niyon sa building na pagmamay-ari ng asawa niya. Hindi siya makapaniwala na malayo na nga ang narating ng ex-girlfriend niya para maging presidente ito ng kompanyang pag-aari ng isang kilalang business tycoon na si Maximo Makenzie, kung paano nakilala ng lalaki ang ex-girlfriend niya ay hindi niya alam pero isa lang ang nasa isip niya kailangan niya ng explanation mula dito."Sir, pasensiya na po pero kailangan po muna ninyong magpa-schedule ng
"Are you okay?" tanong kaagad ni Maximo sa kapatid niyang si Joy pagkalabas ng opisina ng ex-boyfriend nito. Kanina pa siya naroon sa tapat ng pinto ng opisina nito, papasok sana siya doon nang mapahinto siya dahil narinig niya ang palitan ng mga masasakit na salita nito at ng ex-boyfriend nito mula sa naka-awang na pinto.Kitang-kita ni Maximo ang sakit sa mga mata ng kapatid niya habang sinisigawan nito ang ex-boyfriend nito at kahit na itanggi pa nito ay ramdam niya na mahal pa din nito ang lalaki katunayan ay wala man lang itong pinansin ni isa man sa mga naging suitors nito sa America sa loob ng limang taon. Katulad niya noon ay ginugol din nito sa pag-aaral at negosyo ang mga taong inilagi nito sa America."Yes, I'm okay." sabi nito habang pinupunasan ang mga luha nito."You sure?" paninigurong tanong niya."Yes please.. iwan mo muna ako." paki-usap pa nito."Okay." pabuntong hiningang sagot ni Maximo bago niya iniwan ang kapatid sa opisina nito.Samantalang hindi mapigilan ni
Pansamantalang pinalitan ulit ni Don Julio ang posisyon ng anak niyang si Jade dahil sa maselan nitong pagbubuntis. Pinagpahinga muna niya ang anak sa bahay para maiwasan nito ang miscarriage.Sumasakit ang ulo niya dahil unang balik pa lang niya sa kompanya ay malalaman niyang madaming investors ang nag pull out ng shares sa company nila at ang isa pang ikinasasakit ng ulo niya ay ang nalaman niyang ninakawan sila ng napakalaking halaga na pera ng pinagkatiwalaan niyang kumpare na tinalaga niya bilang chief financial officer na si Dominic Erese. Ang paalam nito sa kaniya ay magbabakasyon lamang ito ng isang linggo subalit mag-iisang buwan na ay hindi pa ito bumabalik iyon pala ay tinangay na nito ang pera ng kompanya kaya naman ang mga investors nila ay pinagduduhan na siya at isa-isa na nga'ng nag pull out ng mga shares ang mga ito sa kompanya nila. Maya maya ay dumating ang investigator na inutusan niya para hanapin ang kumpare niyang si Dominic Erese at sinabi nitong wala ng baka
Naroon ulit si Ricks sa labas ng opisina ng dating nobya at nagdadalawang-isip pa kung tutuloy ba siya na pumasok sa loob o hindi dahil alam niyang galit ito sa kaniya.Kung hindi nga lamang dahil sa pagbabanta ulit ng tuso niyang father in law ay hindi na siya babalik pa doon dahil alam niyang magdaramdam sa kaniya ang asawa kapag nalaman nito ang pinaplano niya at isa pa ay alam niyang may boyfriend na ang dating nobya at ito ay ang mismong may ari pa ng Makenzie Realty Corporation. Baka ngayon pa lang ay mabugbog na siya nito."You may come in, sir." sabi ng sekretarya nito, hindi namalayan ni Ricks na nasa harap na pala niya ito dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya.Kinakabahan man ay mabilis ng pumasok si Ricks sa opisina ng dating nobya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya itong nakaupo sa table nito habang umiinom ng wine at napaka daring ng itsura nito.Nakasuot ito ng red tube at luwang luwa ang malulusog nitong mga dibdib at kitang-kita din niy
Pag-uwi ni Ricks ng bahay nila ng asawa ay nakita niya itong naghahanda na ng hapunan, sa loob ng limang taon ay natuto na din itong magluto ng mga pagkaing gusto niya.Pinagmasdan niya ito at kinapa ang sariling damdamin, alam niyang kahit papaano ay minahal na niya ito pero hindi katulad ng pagmamahal na naramdaman niya kay Joy noon. Ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan sa sariling damdamin para sa asawa. Naalala niya kung paano sila nagsimula nito, kung paano nito ipinagpilitan ang sarili nito sa kaniya at ang pagmamakaawa nitong mahalin niya ito. Natigil lang siya sa pag-iisip nang bigla siyang tawagin ng asawa. Napansin na pala siya nitong dumating."Hon nandiyan ka na pala, halika na at kumain na tayo." nakangiting sabi nito sa kaniya."Ha? S--ige hon.." nautal na sagot niya dito baka kasi mabasa nito ang nasa isip niya.Paglapit niya dito ay bigla itong natigilan at inamoy-amoy pa siya."Bakit hon?" takang tanong niya sa asawa."Ah, para kasing may naamoy lang a
Kinabukasan ay tinupad nga ni Joy ang sinabi nitong mag-iinvest sa Isavedra Real Estate Company at tuwang-tuwa si Don Julio sa manugang niyang si Ricks dahil hindi siya nito binigo kaya nga lang ang gusto ng babae ay palitan nito ang ilang empleyado nila katulad ng sekretarya nila ng manugang niya pero hindi naman tinutulan iyon ni Don Julio. Sa isip niya ay kung gusto nito ng laro ay ibibigay niya at kapag muling nakabangon ang kompanya niya ay saka niya ididispatsa ang babae, sa ngayon ay kailangan pa niya ito.Hanggang isang araw ay nagulat na lang si Don Julio nang biglang sumulpot sa kompanya niya ang CEO ng Makenzie Realty Corporation na si Maximo Makenzie. Bukas palad niya itong tinanggap sa opisina niya pero sa likod ng isip niya ay nanggagalaiti siya dahil sa pagtulong nito sa Joy Fuego na iyon at ito ang huling taong ayaw niyang makita, kung hindi nga lamang ito nag-invest sa kompanya niya."It's nice to meet you again, Don Julio." nakangising bati ni Maximo sa matanda. "It
Gulat na gulat si Ricks sa mga narinig niyang pag-uusap ng father in law niya at ni Maximo Makenzie. Hindi siya makapaniwalang ipinapatay ng biyenan niya ang mga magulang nito kaya ito naghihiganti ngayon. Hindi na magtataka pa si Ricks na nagawa iyon ng father in law niya dahil alam niyang wala itong kasing sama.Natigil lang sa pag-iisip si Ricks nang makita niya ang father in law niya na nakahawak sa dibdib nito at tila nahihirapang huminga kaya mabilis niya itong dinaluhan."Dad! Are you okay?" tanong niya dito."Get my medicine!" utos nito sa kaniya sa hinihingal na tono.Dali dali namang tumalima si Ricks para kunin ang gamot na palaging nakalagay sa drawer nito at iniabot iyon dito.Maya maya pa ay nakita niyang umaayos na ang itsura nito pero nanatili lang itong walang kibo na tila ba may malalim na iniisip. "Iwan mo muna ako." pagkuwa'y utos nito sa kaniya na kaagad sinunod ni Ricks at lumabas na siya ng opisina nito.Nanlalambot na napa-upo si Don Julio sa swivel chair niya