Jade's POVLinggo ng umaga, walang pasok ang asawa niyang si Ricks kaya naman abala silang mag-asawa sa munting garden nila. Nagdidilig siya ng halaman habang ito naman ay inaayos ang mga halamang nakasabit sa labas ng gate nila.Napahinto sa ginagawa si Jade nang may makita siyang isang lalaking naka-helmet na huminto sa tapat ng gate nila at kinawayan ang asawa niyang si Ricks at saka may inabot dito.Hindi sana papansinin ni Jade ang lalaki dahil naisip niyang baka delivery man lang ito at nag-recieved lang ng parcel ang asawa niya pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang nagtanggal ito ng helmet at lumingon sa gawi niya dahilan kung bakit muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan, mabuti na lang at nakahawak kaagad siya sa pader ng bahay nila. Si Ramon kasi ang nakita niya! Isa sa mga dating tauhan na binayaran niya para ipapatay ang ex-girlfriend ng asawa niya! Biglang dinagundong ng matinding kaba ang dibdib ni Jade dahil bakit ngayon lang ito nagp
Ricks POVIsang linggo pa ang lumipas ay hindi na naman nagpakita si Joy sa kaniya at aaminin ni Ricks na talagang miss na miss na niya ang babae. Walang araw na hindi niya ito inisip at kahit sa pagtulog niya ay ito ang laman ng panaginip niya.Hindi na rin sila okay ng asawa niya mula noong bumalik siya sa bahay nila matapos niya itong komprontahin. Palagi siya nitong inaaway pero iniiwasan na lang niya ito dahil baka madamay pa ang anak nila sa galit nito. Ipinangako niya sa sarili na sa oras na makapanganak ang asawa ay makikipag-divorce na siya dito.Ilang ulit pinag-isipan ni Ricks kung pupuntahan ba niya si Joy sa opisina nito o hindi dahil gusto niyang makita ang babae. Aaminin niya mula nang bumalik ito ay mas lalo siyang nabaliw dito at alam niyang kahit papaano ay may nararamdaman pa din sa kaniya ang dating nobya dahil hindi naman nito ibibigay sa kaniya ulit ang sarili nito kung talagang wala na itong nararamdaman para sa kaniya kaya naman nakapag-desisyon na siyang punta
Kinaumagahan ay maagang nagtungo si Rhiya sa opisina ng ex-girlfriend ng kuya niya at labis siyang nalula sa ganda ng building na pinagtatrabahuhan nito. Hindi niya akalaing isa na ngayong matagumpay na business woman ang noon ay itinuturing niyang ate at kapatid.Nang makarating siya sa opisina nito ay pinapasok kaagad siya ng sekretarya nito.Pagpasok ng opisina ay napatitig si Rhiya sa ex-girlfriend ng kuya niya at napansin niya na mas lalo itong gumanda at nagmukhang bata sa nakalipas na mga taon kaya pala mas lalong nabaliw ang kuya niya dito ngayon."May sasabihin ka ba, Mrs. Lance?" tanong nito sa kaniya at binigyang diin nito ang apelyido ng asawa niyang si Simone. Alam na pala nito na asawa niya si Simone."My time is precious kung wala kang sasabihin ay makakaalis ka na." pagkuwa'y sabi nito sa kaniya dahil natameme siya dito. Hindi kasi niya inaasahan na sa ganitong paraan siya itatrato ng dati ay itinuring niyang kapatid."Nagbago ka na nga ate.." sa halip ay nasabi na lan
Jade's POVHalos manlambot ang mga tuhod niya habang tintitigan niya ang ipinadala sa kaniyang dokumento ng hindi niya kilalang tao. Dokumento iyon na nagpapatunay na hindi sila totoong kasal ng asawa niya at hindi siya makapaniwala sa bagay na iyon dahil ikinasal sila noon sa simbahan."H--indi ito totoo!" sigaw niya sa sarili habang pinagpupunit ang hawak niyang dokumento.Nanghihina siyang napasandal sa pinto. Sunud-sunod na ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay niya, noong una ay ang muling pagbabalik ng ex-girlfriend ng asawa niya na akala niya noon ay naipapatay na niya, pangalawa ay ang pagkakalabuan nilang mag-asawa dahil pa rin sa babae tapos ngayon ay heto ang pinakamasakit-- inari niyang kaniya si Ricks sa loob ng mahigit limang taon pagkatapos ay malalaman niyang hindi naman pala totoo ang naging kasal nila noon kung kailan magkakaroon na sila ng anak ngayon. Napakasakit!Maya maya ay biglang naalala ni Jade ang daddy niya, ito ang nag-asikaso ng kasal nila ni Ricks noon
Iyak ng iyak si Jade habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Ayaw niyang lumaki ang anak niya ng wala itong kikilalaning ama at kumpletong pamilya, isa na lang ang natitirang alas niya para hindi siya tuluyang iwan ng lalaki-- papaki-usapan niya ang ex-girlfriend nito at kung kinakailangan na magmaka-awa siya dito huwag lang nitong tuluyang bawiin sa kaniya ang asawa niyang si Ricks ay gagawin niya, oo, asawa pa din ang turing niya dito sa kabila ng nalaman niyang peke lang ang kasal nila.Pagkatapos niyang makapag-isip ay nag-drive na siya at tinahak ang daan patungo sa Makenzie Realty Corporation kung saan nagtatrabaho ang babae.Nang makarating si Jade sa mismong opisina ni Joy ay kaagad siyang pinapasok ng sekretarya nito."Himalang naligaw ka sa opisina ko Mrs. Gregorio? Or should I say.. Ms. Isavedra dahil hindi naman pala kayo totoong kasal ni Ricks at niloko n'yo lang siyang mag-ama? Niloko ninyo kami." sarkastikong bungad nito sa kaniya nang makita siya.Nakaramdam ng galit s
Naiwang parang nauupos na kandila si Joy sa opisina niya matapos paniwalaan ng dating nobyo niya si Jade. Siya na naman ang nagmukhang masama sa paningin nito at natatakot siya sa kaisipang baka siya naman ang kamuhian nito kapag may nangyaring masama sa anak nito at ni Jade kahit na wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari sa babae.Panay ang iyak niya pag-alis ng dalawa. Hindi niya akalaing makakaramdam na naman siya ng ganito katinding sakit sa pangalawang pagkakataon at sa sobrang pag-iyak niya ay nakaramdam siya ng matinding hilo, maya maya lang ay nawalan na siya ng malay.Nagising siya na kulay puti na ang paligid at batid niyang nasa hospital siya."Gising ka na pala." boses ni Maximo na nakapagpalingon kay Joy sa lalaki."What happened? Ang natatandaan ko lang ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay." sabi niya dito pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nakadarama siya ng kaba dahil two weeks mahigit na siyang delay at baka tama ang hinala niya.Nakita ni Joy ang ba
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil