"May parcel ka na naman, Danielle. Ano iyan? Libro?"Napabuntong-hininga ako nang marinig ko si mama. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin."Sana itinatabi mo na lang ang pera para makabili tayo ng bahay."Katulad ng nakasanayan, pasok-labas lang sa tainga ko ang naririnig ko. Nag-iinhale exhale na lang ako dahil ayokong magsalita. Pero sa totoo lang, naiinis ako kapag binabanggit niya iyon dahil nadadagdagan ako ng isipin at responsibilidad sa buhay na siyang matagal na namang nakapasan sa balikat ko.Simula siguro nang ipanganak ako, iyon na ang nakatadhana sa akin—ang bumili ng lupa at bahay. Bilang panganay, napatutunayan kong ako lang talaga ang sasagip sa buhay namin sa kahirapan. Pero napapagod din ako kaya naman idinadaan ko na lang sa pagbili ng libro ang lahat ng sama ng loob ko. At least kahit papaano ay hindi ko nararamdamang lahat ng perang pinaghihirapan ko ay sa kanila lang napupunta, kung hindi meron din ako.Kinuha ko na lamang ang parcel na ibinigay sa akin n
PILIT AKONG NGUMITI kay mama. Gusto kong pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Tama, hindi pa ba ako sanay sa mga pagpaparinig niya? Ang tagal-tagal niya na itong ginagawa sa akin. At akala niya hindi ko siya naririnig. Naririndi na nga ako, eh, pero pinipilit ko na lang magbingi-bingihan kaya siguro akala niya wala akong ginagawa."Belinda, kain na. May dala akong ulam," pagtawag ko na lang sa nakababata kong kapatid na babae. Lumabas naman siya sa kwarto niya at sinalubong ako ng ngiti tsaka kinuha sa akin ang dala kong inihaw na manok."Wow ang sarap, Ate Dani! Ngayon na lang ulit ako makakakain nito!"Naghanda na siya ng pagkain, pero ako, tila ba nawalan na ng gana kaya umakyat na lamang ako sa kwarto ko at doon sinarili ang lahat. Gusto kong umiyak pero tila yata umatras na itong lahat. Humugot na lang ako ng malalim na hininga tsaka nagpalit ng damit at naligo. Pagkalabas ko ng banyo, saktong tumunog ang cellphone ko. Mabait talaga ang Dios dahil binigyan niya kaagad ako ng
NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation fee ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”“Ah, eh di maganda.”“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green
"Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya."Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba."Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building."Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."Sinamaan ko siya ng tingin. "At
NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang n*******d at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still yo
PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba
Of all people... why him?NAPUTOL ang pagprotesta ko nang umusap si Boulevard. Narito nga pala kami sa opisina ng manager naming si Lei para magsama sa isang project ngayong araw."Dani, shall we?" tanong pa ni Boulevard.Para akong hina-highblood sa mga nangyayari. Kanina lang nang may gawin at sabihin akong kahiya-hiya, pero ngayon wala yata akong choice kung hindi harapin ang kahihiyan na iyon.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Boulevard palabas ng opisina ni Lei. Lumilipad nga ang utak ko kanina at hinagaan ko na lang na siya ang makinig kay Lei. Wala talaga ako sa hulog, kahit ngayon na panay lang ang pindot sa mouse habang nagbibisi-bisihang nakatutok ang mga mata sa computer screen.Ganito pa naman akong klase ng tao—I have to get things out of my mind para makapag-focus ako."What are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Boulevard na inilalapit ang mukha niya sa balikat ko."A-anong ginagawa mo?" nata
"Hey, why are you crying like I am dying?" singhal ni Boulevard. Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin at tapos na pala siyang gamutin ng nurse. Iniwan na rin pala siya roon sa kama kaya tumayo na ako para lapitan siya at makita nang harapan ang nangyari sa katawan niya."Nangingitim na, ih," komento ko habang nakatuto sa mga lapnos niya sa balat. "Tapos kanina dumudugo."Natawa naman siya. "Ano naman? Bakit ka umiiyak? Hindi mo naman ako kaano-ano.""Kailangan ba maging kaano-ano kita para maawa ako sa iyo? Eh, nag-aalala nga ako di ba? Paano nga kung mamatay ka?""Aren't you overreacting? These are just burns.""Anong burns lang? Baliw ka ba o wala ka lang pakialam sa katawan mo? Paano ka pa pakakasalan ng girlfriend mo kapag nakita iyan?"Natawa naman siya pero saglit lang iyon dahil ininda niya ang kirot sa tiyan at dibdib niya. "Now you're making it your concern too?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. Parang siraulo itong kausap ko. Kanina lang ay sinusumbat niy