PILIT AKONG NGUMITI kay mama. Gusto kong pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Tama, hindi pa ba ako sanay sa mga pagpaparinig niya? Ang tagal-tagal niya na itong ginagawa sa akin. At akala niya hindi ko siya naririnig. Naririndi na nga ako, eh, pero pinipilit ko na lang magbingi-bingihan kaya siguro akala niya wala akong ginagawa.
"Belinda, kain na. May dala akong ulam," pagtawag ko na lang sa nakababata kong kapatid na babae. Lumabas naman siya sa kwarto niya at sinalubong ako ng ngiti tsaka kinuha sa akin ang dala kong inihaw na manok.
"Wow ang sarap, Ate Dani! Ngayon na lang ulit ako makakakain nito!"
Naghanda na siya ng pagkain, pero ako, tila ba nawalan na ng gana kaya umakyat na lamang ako sa kwarto ko at doon sinarili ang lahat. Gusto kong umiyak pero tila yata umatras na itong lahat. Humugot na lang ako ng malalim na hininga tsaka nagpalit ng damit at naligo. Pagkalabas ko ng banyo, saktong tumunog ang cellphone ko. Mabait talaga ang Dios dahil binigyan niya kaagad ako ng pampalubag-loob at ngayon ay nakangiti na ako. Nag-text na naman kasi si Maia, ang agent ng bahay at lupang kinukuhanan ko.
Sure, Elle! Free ako this weekend. Wait kita sa Cama Heights, doon na lang tayo magkita. Then, i-tour kita.
19:45 Seen"Elle ang tawag niya sa akin. Pwede naman. Palagi na lang akong tinatawag na Dani," komento ko tsaka nagtipa ng reply para sa kaniya. Nabanggit ko kasi na libre ako sa Sabado ng umaga dahil wala akong pasok.
May kailangan na ba akong ihanda?
19:47 SeenIf decided ka nang kunin, prepare ka na lang ng dalawang valid IDs then reservation f*e, para makuha mo na ang slot. Last na kasi iyon kaysa makuha pa ng iba. Though, may iba pa naman akong pwedeng i-offer sa iyong unit pero itong sa Cama Heights 'yong best option.
19:50 SeenMagkano nga pala ulit 'yong reservation f*e?
19:51 SeenTen Thousand. Pwede mo siyang i-cash or i-bank transfer. And may ise-send nga pala ako sa iyong sample computation para aware ka sa total amount ng lot na kukunin mo. Don't worry, kapag may hindi ka naiintindihan, ask mo lang ako. I will help you.
19:55 SeenMaraming salamat, Maia! Sige, ihanda ko 'yong reservation f*e para kapag nakita kong okay naman ang unit ay makapagpa-reserve na ako.
19:57 SeenSure, sure. Walang problema! Kitakits sa Saturday! 😉
19:58 SeenHindi ko maiwasang mapangiti pero at the same time ay kabahan. 'Yong kaba ko ay hindi dahil sa kung anong negative kung hindi dahil masyadong malaki itong kahaharapin ko pero sa totoo lang, nae-excite ako. Pakiramdam ko, kaya ko pero natatakot ako. Naroon ako sa gitna ng tulay na kailangan kong tawirin na hindi ko kita ang daan. Pero kahit na ganoon, gusto kong suungin.
KINABUKASAN, agad kong ibinalita kay Lei ang lahat ng napag-usapan namin ni Maia kagabi. Tuwang-tuwa naman siya habang pinakikinggan ang mga hinaing ko sa buhay.
"Mabuti naman at napagdesisyunan mo nang kumuha ng bahay. Parang kahapon lang ay magkausap tayo tungkol diyan, ah. Ang bilis mong gumawa ng aksyon," wika niya.
"Eh ikaw, eh. Kung hindi naman dahil sa pagpapalakas mo ng loob ko ay hindi ko rin kayang harapin 'to. Although kinakabahan."
"Ano ka ba? Normal iyan! Ibig sabihin, may ginagawa kang bago sa buhay mo. At alam mo, naniniwala akong makukuha mo ang bahay na iyan. Maganda naman ang records mo sa Pagibig, hindi ba?"
"Chineck ko ang records ko kagabi. Nasa thirty-nine months contributions na ako," sagot ko. Kasalukuuyan akong nasa opisina niya habang breaktime dahil hindi na ako makapaghintay na ikuwento sa kaniya ang lahat. Dito kasi sa trabaho, siya lang ang nakakausap ko nang ganito kagaan dahil nga siguro kaklase ko siya noon.
"Oh, eh di maganda? Wala ka namang pending loans?"
Umiling ako. "Wala. First time ko lang kukuha ngayon."
"Maganda 'yan, kasi ang minimum requirements sa Pagibig, dapat may twenty-four months contributions ka. Ang kailangan mo na lang ay co-borrower. Tutal okay naman din ang salary mo rito."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Sandali, anong co-borrower?"
"Oh, bakit? Hindi ba nabanggit sa iyo ng agent?"
"W-wala pa siyang nabanggit sa akin kasi hindi pa rin naman ako totally nakakapagpa-reserve. Bibisitahin ko pa 'yong bahay."
"Really?"
"Oo, actually kaya nga rin ako pumunta rito ay para magpasama sa iyo kasi wala akong alam sa mga bahay-bahay. Tutal, Engineer ang boyfriend mo, baka pwede akong magpasama sa iyo."
Natawa naman siya tsaka tumayo mula sa table niya para tabihan ako sa couch.
"Alam mo, tama. Sasamahan kita kasi wala akong tiwala sa iyo. Baka umoo ka lang nang umoo roon kapag kinausap ka na ng agent. Lalo pa ngayong mukhang hindi mo alam ang co-borrower. Maganda mai-orient kita para kapag i-orient ka nila roon, may alam ka na."
"Ayan, ayan! Tama 'yan, Lei! I-explain mo sa akin!"
"Ang co-borrower kasi iyan ang magiging kahati mo sa pagbabayad ng bahay."
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. "Kailangan ba talaga no'n? Pwede bang ako na lang?"
"Uhmm... mas mataas ang chance na maaprubahan ang application mo kung may co-borrower ka o kaya naman guarantor."
"Ano naman 'yong guarantor, Lei?"
"Halatang hindi ka nangungutang, ah. Anyway ang guarantor naman, sila 'yong sisingilin kapag hindi ka nakabayad."
"Hala, nakakahiya naman iyon."
"Eh di i-sure mo na makakabayad ka. Pero sa tingin ko, mas mataas talaga ang chance kapag co-borrower ang nasa papel mo kaysa guarantor. Sasabihin naman sa iyo iyan ng agent mo. Pwede mo ring sabihin sa akin kung sakaling may hindi ka maintindihan sa sinasabi nila, para maipaliwanag ko sa iyo. May ibinigay na ba sa iyong computation?"
Inilabas ko naman ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang picture na sinend sa akin ni Maia.
"Aba, ayos, ah. 1.5 million ang bahay mo. Ang yaman mo, ah," pangangantiyaw niya sa akin. Kunwari pa ang isang ito. For all I know, barya lang ito sa kaniya. "Sige, sa Sabado, ieexplain ko sa iyo ang lahat pagkatapos nating mag-ocular sa bahay mo. Basta ngayon, i-chill mo lang ang iyong sarili at kumain na tayo."
MABILIS na dumating ang araw ng Sabado, at nagkita nga kami ni Lei sa Cama Heights Residence. Para kaming mga bata na namamasyal sa loob habang hinihintay si Maia na male-late lang daw nang kaunti.
"Alam mo, Dani, matutuwa ang nanay mo kapag nalaman niyang magkakaroon na kayo ng bahay," sambit niya na nagpanguso sa akin.
"Iyan ang hindi ko alam. Kaya gusto ko munang ilihim hangga't hindi pa naaaprubahan. Tsaka bibisitahin pa lang natin kaya wala pa akong sinasabihan kung hindi ikaw lang. Ayoko rin namang mahadalangan."
"Ano ka ba? I-claim mo na. Mukhang maganda naman ang area. May mga hindi lang ako gusto, pero okay siya kasi malapit sa mall at sa palengke. Very convenient sa inyo. Then nakita ko may linya ng internet sa labas. Hindi rin naman mahina ang signal. I-check na lang natin later kung okay ba ang pagkaka-build ng bahay mo."
"Kine-claim mo na talaga na magiging bahay ko, ah?"
"Bakit, ayaw mo ba? Alam mo, maganda rin kasing investment ang bahay. Kung hindi mo siya gusto, pwede mo siyang pang-starting lang tapos bili ka ng mas maganda in the near future. Para hindi ka naman palaging pinaparinggan ng mama mo. Tapos ang problema, di ba? Walang stress."
Natawa ako kung gaano siya kakomportableng magsalita sa akin. Sa totoo lang, magkaklase nga kami noon, pero ngayon lang kami naging ganito ka-close dahil kailan lang namin nalaman na pareho pala kaming mahilig magbasa ng mga libro. At simula nga ng nakasama ko si Lei ay parang nahahawa na rin ako sa lakas ng confidence at positivity niya sa buhay.
"At saka, dala mo na rin naman ang pambayad mo sa reservation f*e, hindi ba?"
"Oo, pero gusto ko munang makasigurado kung okay ba sa iyo 'yong unit bago ko kunin."
"Bakit naman ako ang magdedesisyon? Bahay ko ba iyon?" natatawa niyang tanong.
"Eh kasi mas palagay ako sa desisyon mo kaysa sa desisyon ko sa buhay."
Lalo siyang natawa. Tinapik niya naman ang balikat ko.
"Ano ka ba? Una sa lahat, magtiwala ka sa sarili mo. Kaya mo naman, eh. Ako, taga-push lang at taga-remind, pero dapat ikaw, maniwala ka na hindi mo kailangan ng opinyon ng iba kasi buhay mo iyan, ikaw ang masusunod at ikaw ang may kontrol. Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi ng iba. Itong bahay na ito, kukunin mo lang ba dahil gusto ng nanay mo o dahil gusto mo?"
Napaisip naman ako roon pero alam kong may depenido akong sagot.
"Gusto ko talaga. Nape-pressure lang siguro ako dahil palaging sinasabi ni mama gayong alam ko naman."
"Biruin mong ang inis mo pala sa kaniya ang magpupush sa iyong gumalaw. May maganda ring epekto pala sa iyo ang pambubwisit sa iyo ng mama mo. Baka kaya ka niya ginaganiyan kasi alam niyang ganito ang ire-react mo."
Napairap naman ako. "Nakakaasar naman."
Ilang sandali pa kaming naghintay nang dumating na nga si Maia para dalhin kami sa unit na naka-allot para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ng mga sandaling iyon ay para akong nasa kalawakan na walang nakikita kung hindi ang bahay lang. Parang hindi ko kasama si Lei at si Maia na bumibisita sa loob. Naiimagine ko na kaagad kung ano-ano ang mga ilalagay ko sa bawat sulok ng bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti sa labis-labis na kasiyahan at tuluyan na ngang tumulo ang butil ng luha ko sa sahig.
"Dani, umiiyak ka ba?"
NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation fee ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”“Ah, eh di maganda.”“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green
"Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya."Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba."Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building."Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."Sinamaan ko siya ng tingin. "At
NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang n*******d at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still yo
PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba
Of all people... why him?NAPUTOL ang pagprotesta ko nang umusap si Boulevard. Narito nga pala kami sa opisina ng manager naming si Lei para magsama sa isang project ngayong araw."Dani, shall we?" tanong pa ni Boulevard.Para akong hina-highblood sa mga nangyayari. Kanina lang nang may gawin at sabihin akong kahiya-hiya, pero ngayon wala yata akong choice kung hindi harapin ang kahihiyan na iyon.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Boulevard palabas ng opisina ni Lei. Lumilipad nga ang utak ko kanina at hinagaan ko na lang na siya ang makinig kay Lei. Wala talaga ako sa hulog, kahit ngayon na panay lang ang pindot sa mouse habang nagbibisi-bisihang nakatutok ang mga mata sa computer screen.Ganito pa naman akong klase ng tao—I have to get things out of my mind para makapag-focus ako."What are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Boulevard na inilalapit ang mukha niya sa balikat ko."A-anong ginagawa mo?" nata
"Hey, why are you crying like I am dying?" singhal ni Boulevard. Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin at tapos na pala siyang gamutin ng nurse. Iniwan na rin pala siya roon sa kama kaya tumayo na ako para lapitan siya at makita nang harapan ang nangyari sa katawan niya."Nangingitim na, ih," komento ko habang nakatuto sa mga lapnos niya sa balat. "Tapos kanina dumudugo."Natawa naman siya. "Ano naman? Bakit ka umiiyak? Hindi mo naman ako kaano-ano.""Kailangan ba maging kaano-ano kita para maawa ako sa iyo? Eh, nag-aalala nga ako di ba? Paano nga kung mamatay ka?""Aren't you overreacting? These are just burns.""Anong burns lang? Baliw ka ba o wala ka lang pakialam sa katawan mo? Paano ka pa pakakasalan ng girlfriend mo kapag nakita iyan?"Natawa naman siya pero saglit lang iyon dahil ininda niya ang kirot sa tiyan at dibdib niya. "Now you're making it your concern too?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. Parang siraulo itong kausap ko. Kanina lang ay sinusumbat niy
I SAT down... still processing that he's really considering it. Kasalukuyan kaming nasa malapit na coffee shop at pilit ko pa ring tinatanong sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kaniya. Ngayon, nasa harap ko na siya, kaswal na humihigop ng kape at para bang hinihintay akong magsalita.Pero ni ang mag-react nga ay hindi ko magawa.He cleared his throat before speaking towards me. "So... were you serious, Dani?"Hindi ko alam kung bakit may ibang dulot ang pagtawag niya sa akin sa pangalan ko. Ganoon din naman ang tawag sa akin ng ibang tao, pero bakit parang may ibang epekto iyon sa akin kapag siya na?"You're really considering it?" hindi makapaniwalang tanong ko."Well, if it solves both of our problems."Muli, wala na namang nakatakas na salita mula sa bibig ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kaharap ko siya at pag-uusapan ko ang kasal na aksidente lang namang lumabas sa bibig.I wanted to take it back, but now that he's interested, should I? Marrying for convenience, kaya ko ba
Boulevard Nixon...IBINIGAY ko na ang pangalan niya kay Maia bilang co-borrower ko. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon kaagad ng ganitong relief sa dibdib ko nang magkasundo kami ni Boulevard last night. It feels surreal and sometimes napapaisip ako kung nangyayari ba itong lahat.Boulevard also gave me his number in any case that I need some details of him, I can message him right away. Sobrang hands on niya at madalas akong nahihiwagaan bakit ganito siya kabait. Talaga bang ganito siya kadesperado na magkaasawa?I typed a message for him.Vard, can I ask for your monthly salary? Kailangan daw pati 'yong payslip.20:02 Delivered.
Leading Innovations in Commerce Engineering and Automation Company—that's what LICEA means, pero parang gusto ko nang sumuko!Actually, hindi ako napapagod sa trabaho ko. Napapagod akong kasama si Boulevard! Ganito ba talaga siyang tao?"Hey, that's not what I mean, Dani. I told you I like your initial designs but I don't think it would be efficient for the clients and even the users will be confused," sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa opisina at may sariling mundo dahil nga sa project na pinagagawa sa amin ni Lei. Hindi ko naman ba kasi maintindihan sa lalaking ito at ayaw na lang akong deretsuhin kung anong gusto niya sa hindi para natatapos na kami. It's been two weeks at bukod sa naiistress ako sa trabaho naming dalawa, hinahabol ko rin ang pagko-comply sa requirements ko sa housing loan