แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: DickBrain
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-28 22:04:09

"Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya.

"Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba.

"Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."

Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building.

"Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."

Sinamaan ko siya ng tingin. "At sino namang papayag sa gano'n? Isa pa, sagrado ang pagpapakasal. Ayoko namang madamay siya sa miserable kong buhay."

"Well, ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat. Malay mo naman, biglang may dumating na solusyon d'yan sa problema mo. Huwag mo nang masyadong isipin. Ang isipin mo, kapag hindi mo pa kinuha ang unit na iyon, mapupunta pa iyon sa iba. Magkakaroon ka kaya ulit ng chance na makakuha ng ganoon kagandang unit na hindi gano'n kamahalan?"

Bumagsak ang mga balikat ko at isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Isa pa 'yan. Kausap ko si Maia kagabi at nag-bank transfer na ako ng reservation f*e. Meaning, hindi na ako makakaatras."

Natawa naman si Lei sa akin. "Hanga naman ako sa pagiging risky mo. Hayaan mo, tiwala talaga akong makukuha mo 'yan. Ganiyang-ganiyan ako, eh. Nagdedesisyon base sa lakas ng instinct. Huwag kang mag-alala. Samahan mo lang palagi ng panalangin at ibibigay Niya ang nasa ng iyong puso."

Napangiti ako sa winika niya. Kahit kailan talaga, ang lakas mag-motivate ni Lei. Pagdating sa mga ganitong bagay, naiibsan niya ang mga pagkabalisa ko dahil sa mga words of wisdom niya at pagiging maka-Diyos. Sabagay, tama naman siya kung iisipin. Kung ano mang mangyari, ma-approve man o hindi, kung anong kalooban ng Diyos ay ipagpapasalamat ko pa rin.

KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa opisina dahil naisip kong habang naghihintay ako ng sagot sa panalangin ko, dapat gumagawa rin ako. Kailangan kong magtrabaho, para may ipambayad ako sa bahay kung sakaling maaprubahan!

Kinuha ko muna ang tasa ko tsaka ako pumunta sa pantry para magtimpla ng kape. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang may marinig ako.

"Cailah... I know this is so sudden to ask, at hindi pa natin ito napag-uusapan nang maayos, pero limang taon na rin naman tayo sa relasyon natin."

Sinilip ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon at nakita ko sa loob ang isang lalaki. Pamilyar siya sa akin at tila ba katrabaho ko siya. Hindi siya mag-isa dahil may kasama siyang babae na hindi ko mamukhaan kung sino.

"Anong ibig mong sabihin, Boulevard? Saan patungo itong pag-uusap natin? Bakit mo ako dinala rito? Oras na ng trabaho."

"Gusto kong yayain kang magpakasal. Payag ka bang magpakasal sa akin?"

Napasinghap ako sa narinig. Nanlalaki ang mga mata ko nang muli ko silang silipin. Hindi ako makapaniwala na sa tanang buhay ko ay makakasaksi ako ng isang private proposal. Kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend, tila ba parang naramdaman ko ang sincerity niya at kinikilig ako dahil sa tuwa na maging witness ng ganitong pag-iibigan.

"Anong sabi mo? Kasal? Boulevard, hindi pa ako ready na magpakasal!"

Nawala ang ngiti ko nang marinig iyon. Ako yata ang nawarakan ng puso at nahiya para sa lalaki.

"Pero, mahal naman natin ang isa't isa, Cailah. Hindi naman ako magiging abala sa iyo. Ayoko lang na palagi akong kinakantyawan sa opisina dahil wala pa akong asawa. Hindi ba't doon din naman tayo patungo? Why not marry me now?"

Napabuga ang babae tsaka sumagot. "Boulevard, lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para tanggihan ka. Anong klaseng dahilan iyan para magpakasal? At isa pa, alam mo namang mahalaga sa akin ang career ko at hindi ko pwedeng unahin ang pag-aasawa ngayong gumaganda pa lang ang takbo ng buhay ko. May gusto pa akong mangyari! Hindi ko matatanggap ang proposal mo!"

Hindi ko nagawang makahinga lalo na nang makitang papalabas ang babae. Agad akong napaatras para magtago, pero huli na dahil nakita niya ako. Maging ang lalaki ay nakita na ring narinig ko sila.

Doon ay nakilala ko kung sino siya. Siya si Boulevard Nixon, ang Web Designer ng team namin. Hindi ko siya madalas kausapin dahil una sa lahat, hindi naman ako nakikipag-usap sa mga lalaki.

Nilampasan niya ako kaya naman naiwan ako sa may gilid ng pantry na pasan ang bigat ng mundo. Bakit parang sa akin napunta lahat ng tensyon sa pagitan nilang dalawa? Kasalanan ko bang aksidente ko silang narinig? Malay ko ba na ire-reject siya? Kung tinanggap lang sana siya ay isa ako sa malakas na palalakpak.

Napakagat ako sa labi ko habang pinipilit na iwaksi ang nangyari.

"Tama, hindi ko naman iyon problema. Magtitimpla lang naman ako ng kape. Bakit bakit kasi dito nila napiling mag-usap? At ako naman, bakit pinili kong manatili at makinig sa kanila? Dala-dala ko tuloy 'yong kahihiyan!"

Pailing-iling ako habang nagtitimpla ng kape at pilit na isinasantabi sa isip ang nasaksihan ko kanina. Nang makabalik ako sa opisina namin ay nakita ko nga roon si Boulevard na tila ba parang pinagsakluban din ng langit at lupa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa. Idagdag pa ang mga pang-aasar sa kaniya ng kapwa lalaking katrabaho namin.

"Ano, Vard? Parang sasayad na sa lupa 'yang mukha mo, ah. Ganiyan ba kapag walang asawa?" pangangantiyaw ng isa.

"Grabe ka naman kay Vard. Hinahanapan mo kaagad ng asawa, eh, wala ngang girlfriend!"

Napataas ang kilay ko. Anong walang girlfriend? Meron! Nakita ko kanina! Pero, hindi ko rin masabi kung girlfriend niya pa ba iyon.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, Vard, tumatanda na tayo. Kailangan natin ng mag-aalaga sa atin. Magiging makakalimutin din tayo kaya kailangan natin ng magpapaalala. Alam mo ba na ang mga may asawang tulad ko ay mas lalong gumagaling sa trabaho dahil palaging inspired?"

Napabuga ako. Mga sira ulo 'tong mga 'to, ah. Kung ibuhos ko kaya sa kanila 'tong hawak kong kape? Bakit ba nila dinadamay 'yong pag-aasawa dito sa trabaho namin?

At bakit ba ngayon ko lang napansin na palagi nga siyang inaasar ng mga katrabaho namin, pero hindi ko iniitindi dahil focus lang ako sa ginagawa ko. Akala ko rin kasi noon ay magkakaibigan sila na naglolokohan lang. Pero base sa mukha ni Boulevard, hindi niya nagugustuhan ang naririnig niya.

"Ayan, si Danielle. Pwede mo 'yang asawahin, Vard. Balita ko, hindi pa 'yan nagkaka-boyfriend kaya panigurado, virgin pa 'yan!"

"Aba! Bastos ka, ah!"

Naglakad ako patungo sa table ko na malapit din sa kanila. Mali, hindi lang lakad dahil sumugod ako. At bubuhusan ko sana ng kape ang matabil na bibig ng lalaking nang-alipusta sa akin nang maibuhos ko iyon sa iba.

"Ahh!" sigaw ni Boulevard nang matalsikan ng kape sa kaniyang damit. Agad akong nataranta at nilapitan siya. Maging ang mga nang-aasar sa kaniya ay kinabahan at napaatras dala ng takot sa akin. Makita ba naman nila kung gaano ako kasutil, eh.

Pero hindi ito ang oras para isipin ko sila. Ibinaba ko ang tasa na hawak ko tsaka ako lumuhod para humingi ng tawad.

"S-sorry. H-hindi ko sinasadya. I'm sorry."

Sumigaw naman ang isang babae sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Kumuha ka na ng first aid kit, Dani!"

Agad akong tumakbo paalis para kumuha ng first aid kita. Dahil din sa pagkatuliro sa nangyari ay hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi naisipan kong isaboy sa mga mokong na iyon ang kapeng katitimpla ko lang? At ang ending si Boulevard pa ang nakatanggap!

Na-reject na nga siya ng girlfriend niya, tapos nasabuyan ko pa siya ng mainit na kape. Hindi ba talaga ako nag-iisip? Bakit ko ginawa iyon?!

Dala ko ang first aid kit nang bumalik ako sa office. Hinahanap kaagad ng mata ko si Boulevard.

"Wala na siya rito, Dani! Pumunta sa cr!"

"O-okay."

"Bakit mo ba kasi-?"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng iba at tumakbo na ako papunta sa restroom. Hindi ko na nga alintana na panglalaki ang pinasukan kong banyo dahil sa kamamadali. Narinig ko ba naman ang ungol ng namimilipit na lalaki sa sakit, hindi ko na maiisip ang iba pang bagay.

Binuksan ko ang pinto at nakita kong naroon nga si Boulevard. Agad akong pumasok para lapitan siya at halos mapamura ako sa sarili ko nang makita ang lapnos na natamo niya sa kaniyang dibdib.

Ibinaba ko ang first aid kit sa lababo kung saan siya nakasandal. Hindi ko na siya tinanong pa kung gaano kasakit dahil nakikita ko pa lang ang reaksyon niya ay alam ko nang grabe talaga ang nagawa ko.

Sinimulan ko iyong gamutin at pahiran ng ointment.

"Ah!" pag-inda pa niya. He even flinched kapag dumadampi ang daliri ko sa paso niya sa buong dibdib at tiyan.

"I'm sorry... I swear, hindi ko sinasadya. Para iyon doon sa isa, eh. Hindi ko alam na ikaw pala ang mabubuhusan ko. Pasensya ka na talaga."

Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Sandali, hindi pa tapos," giit ko habang binabawi ang kamay ko.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin bago bumulong.

"Your other hand... sa iba nakahawak."

Napatingin ako sa tinutukoy niya at napaatras nang mapagtanto kung saan nakapatong ang kamay ko.

"I-I'm s-sorry! Hindi ko alam!"

Napalunok ako habang naaalala ang pakiramdam ng matigas na nahawakan ko kanina. Sandali namang namagitan sa amin ang katahimikan at doon ay nagkaroon ako ng oras na maalala ang lahat ng nangyari. Maging ang pagpasok ko sa Male's comfort room kahit na hindi ako lalaki.

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang atensyon sa taong nasa harap ko. Umangat ang kilay ko nang makita siyang nakatingin.

"Bakit? Bakit ka nakatitig?"

"You..." matigas niyang salita. "You have seen and touched more of me than my own girlfriend did."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทที่เกี่ยวข้อง

  • A Husband For Convenience   Chapter 5

    NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang n*******d at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still yo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-07
  • A Husband For Convenience   Chapter 6

    PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-07
  • A Husband For Convenience   Chapter 7

    Of all people... why him?NAPUTOL ang pagprotesta ko nang umusap si Boulevard. Narito nga pala kami sa opisina ng manager naming si Lei para magsama sa isang project ngayong araw."Dani, shall we?" tanong pa ni Boulevard.Para akong hina-highblood sa mga nangyayari. Kanina lang nang may gawin at sabihin akong kahiya-hiya, pero ngayon wala yata akong choice kung hindi harapin ang kahihiyan na iyon.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Boulevard palabas ng opisina ni Lei. Lumilipad nga ang utak ko kanina at hinagaan ko na lang na siya ang makinig kay Lei. Wala talaga ako sa hulog, kahit ngayon na panay lang ang pindot sa mouse habang nagbibisi-bisihang nakatutok ang mga mata sa computer screen.Ganito pa naman akong klase ng tao—I have to get things out of my mind para makapag-focus ako."What are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Boulevard na inilalapit ang mukha niya sa balikat ko."A-anong ginagawa mo?" nata

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-10
  • A Husband For Convenience   Chapter 8

    "Hey, why are you crying like I am dying?" singhal ni Boulevard. Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin at tapos na pala siyang gamutin ng nurse. Iniwan na rin pala siya roon sa kama kaya tumayo na ako para lapitan siya at makita nang harapan ang nangyari sa katawan niya."Nangingitim na, ih," komento ko habang nakatuto sa mga lapnos niya sa balat. "Tapos kanina dumudugo."Natawa naman siya. "Ano naman? Bakit ka umiiyak? Hindi mo naman ako kaano-ano.""Kailangan ba maging kaano-ano kita para maawa ako sa iyo? Eh, nag-aalala nga ako di ba? Paano nga kung mamatay ka?""Aren't you overreacting? These are just burns.""Anong burns lang? Baliw ka ba o wala ka lang pakialam sa katawan mo? Paano ka pa pakakasalan ng girlfriend mo kapag nakita iyan?"Natawa naman siya pero saglit lang iyon dahil ininda niya ang kirot sa tiyan at dibdib niya. "Now you're making it your concern too?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. Parang siraulo itong kausap ko. Kanina lang ay sinusumbat niy

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-10
  • A Husband For Convenience   Chapter 9

    I SAT down... still processing that he's really considering it. Kasalukuyan kaming nasa malapit na coffee shop at pilit ko pa ring tinatanong sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kaniya. Ngayon, nasa harap ko na siya, kaswal na humihigop ng kape at para bang hinihintay akong magsalita.Pero ni ang mag-react nga ay hindi ko magawa.He cleared his throat before speaking towards me. "So... were you serious, Dani?"Hindi ko alam kung bakit may ibang dulot ang pagtawag niya sa akin sa pangalan ko. Ganoon din naman ang tawag sa akin ng ibang tao, pero bakit parang may ibang epekto iyon sa akin kapag siya na?"You're really considering it?" hindi makapaniwalang tanong ko."Well, if it solves both of our problems."Muli, wala na namang nakatakas na salita mula sa bibig ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kaharap ko siya at pag-uusapan ko ang kasal na aksidente lang namang lumabas sa bibig.I wanted to take it back, but now that he's interested, should I? Marrying for convenience, kaya ko ba

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-02
  • A Husband For Convenience   Chapter 10

    Boulevard Nixon...IBINIGAY ko na ang pangalan niya kay Maia bilang co-borrower ko. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon kaagad ng ganitong relief sa dibdib ko nang magkasundo kami ni Boulevard last night. It feels surreal and sometimes napapaisip ako kung nangyayari ba itong lahat.Boulevard also gave me his number in any case that I need some details of him, I can message him right away. Sobrang hands on niya at madalas akong nahihiwagaan bakit ganito siya kabait. Talaga bang ganito siya kadesperado na magkaasawa?I typed a message for him.Vard, can I ask for your monthly salary? Kailangan daw pati 'yong payslip.20:02 Delivered.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-03
  • A Husband For Convenience   Chapter 11

    Leading Innovations in Commerce Engineering and Automation Company—that's what LICEA means, pero parang gusto ko nang sumuko!Actually, hindi ako napapagod sa trabaho ko. Napapagod akong kasama si Boulevard! Ganito ba talaga siyang tao?"Hey, that's not what I mean, Dani. I told you I like your initial designs but I don't think it would be efficient for the clients and even the users will be confused," sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa opisina at may sariling mundo dahil nga sa project na pinagagawa sa amin ni Lei. Hindi ko naman ba kasi maintindihan sa lalaking ito at ayaw na lang akong deretsuhin kung anong gusto niya sa hindi para natatapos na kami. It's been two weeks at bukod sa naiistress ako sa trabaho naming dalawa, hinahabol ko rin ang pagko-comply sa requirements ko sa housing loan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-04
  • A Husband For Convenience   Chapter 1

    "May parcel ka na naman, Danielle. Ano iyan? Libro?"Napabuntong-hininga ako nang marinig ko si mama. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin."Sana itinatabi mo na lang ang pera para makabili tayo ng bahay."Katulad ng nakasanayan, pasok-labas lang sa tainga ko ang naririnig ko. Nag-iinhale exhale na lang ako dahil ayokong magsalita. Pero sa totoo lang, naiinis ako kapag binabanggit niya iyon dahil nadadagdagan ako ng isipin at responsibilidad sa buhay na siyang matagal na namang nakapasan sa balikat ko.Simula siguro nang ipanganak ako, iyon na ang nakatadhana sa akin—ang bumili ng lupa at bahay. Bilang panganay, napatutunayan kong ako lang talaga ang sasagip sa buhay namin sa kahirapan. Pero napapagod din ako kaya naman idinadaan ko na lang sa pagbili ng libro ang lahat ng sama ng loob ko. At least kahit papaano ay hindi ko nararamdamang lahat ng perang pinaghihirapan ko ay sa kanila lang napupunta, kung hindi meron din ako.Kinuha ko na lamang ang parcel na ibinigay sa akin n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-28

บทล่าสุด

  • A Husband For Convenience   Chapter 11

    Leading Innovations in Commerce Engineering and Automation Company—that's what LICEA means, pero parang gusto ko nang sumuko!Actually, hindi ako napapagod sa trabaho ko. Napapagod akong kasama si Boulevard! Ganito ba talaga siyang tao?"Hey, that's not what I mean, Dani. I told you I like your initial designs but I don't think it would be efficient for the clients and even the users will be confused," sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa opisina at may sariling mundo dahil nga sa project na pinagagawa sa amin ni Lei. Hindi ko naman ba kasi maintindihan sa lalaking ito at ayaw na lang akong deretsuhin kung anong gusto niya sa hindi para natatapos na kami. It's been two weeks at bukod sa naiistress ako sa trabaho naming dalawa, hinahabol ko rin ang pagko-comply sa requirements ko sa housing loan

  • A Husband For Convenience   Chapter 10

    Boulevard Nixon...IBINIGAY ko na ang pangalan niya kay Maia bilang co-borrower ko. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon kaagad ng ganitong relief sa dibdib ko nang magkasundo kami ni Boulevard last night. It feels surreal and sometimes napapaisip ako kung nangyayari ba itong lahat.Boulevard also gave me his number in any case that I need some details of him, I can message him right away. Sobrang hands on niya at madalas akong nahihiwagaan bakit ganito siya kabait. Talaga bang ganito siya kadesperado na magkaasawa?I typed a message for him.Vard, can I ask for your monthly salary? Kailangan daw pati 'yong payslip.20:02 Delivered.

  • A Husband For Convenience   Chapter 9

    I SAT down... still processing that he's really considering it. Kasalukuyan kaming nasa malapit na coffee shop at pilit ko pa ring tinatanong sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kaniya. Ngayon, nasa harap ko na siya, kaswal na humihigop ng kape at para bang hinihintay akong magsalita.Pero ni ang mag-react nga ay hindi ko magawa.He cleared his throat before speaking towards me. "So... were you serious, Dani?"Hindi ko alam kung bakit may ibang dulot ang pagtawag niya sa akin sa pangalan ko. Ganoon din naman ang tawag sa akin ng ibang tao, pero bakit parang may ibang epekto iyon sa akin kapag siya na?"You're really considering it?" hindi makapaniwalang tanong ko."Well, if it solves both of our problems."Muli, wala na namang nakatakas na salita mula sa bibig ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kaharap ko siya at pag-uusapan ko ang kasal na aksidente lang namang lumabas sa bibig.I wanted to take it back, but now that he's interested, should I? Marrying for convenience, kaya ko ba

  • A Husband For Convenience   Chapter 8

    "Hey, why are you crying like I am dying?" singhal ni Boulevard. Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin at tapos na pala siyang gamutin ng nurse. Iniwan na rin pala siya roon sa kama kaya tumayo na ako para lapitan siya at makita nang harapan ang nangyari sa katawan niya."Nangingitim na, ih," komento ko habang nakatuto sa mga lapnos niya sa balat. "Tapos kanina dumudugo."Natawa naman siya. "Ano naman? Bakit ka umiiyak? Hindi mo naman ako kaano-ano.""Kailangan ba maging kaano-ano kita para maawa ako sa iyo? Eh, nag-aalala nga ako di ba? Paano nga kung mamatay ka?""Aren't you overreacting? These are just burns.""Anong burns lang? Baliw ka ba o wala ka lang pakialam sa katawan mo? Paano ka pa pakakasalan ng girlfriend mo kapag nakita iyan?"Natawa naman siya pero saglit lang iyon dahil ininda niya ang kirot sa tiyan at dibdib niya. "Now you're making it your concern too?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. Parang siraulo itong kausap ko. Kanina lang ay sinusumbat niy

  • A Husband For Convenience   Chapter 7

    Of all people... why him?NAPUTOL ang pagprotesta ko nang umusap si Boulevard. Narito nga pala kami sa opisina ng manager naming si Lei para magsama sa isang project ngayong araw."Dani, shall we?" tanong pa ni Boulevard.Para akong hina-highblood sa mga nangyayari. Kanina lang nang may gawin at sabihin akong kahiya-hiya, pero ngayon wala yata akong choice kung hindi harapin ang kahihiyan na iyon.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Boulevard palabas ng opisina ni Lei. Lumilipad nga ang utak ko kanina at hinagaan ko na lang na siya ang makinig kay Lei. Wala talaga ako sa hulog, kahit ngayon na panay lang ang pindot sa mouse habang nagbibisi-bisihang nakatutok ang mga mata sa computer screen.Ganito pa naman akong klase ng tao—I have to get things out of my mind para makapag-focus ako."What are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Boulevard na inilalapit ang mukha niya sa balikat ko."A-anong ginagawa mo?" nata

  • A Husband For Convenience   Chapter 6

    PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba

  • A Husband For Convenience   Chapter 5

    NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang n*******d at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still yo

  • A Husband For Convenience   Chapter 4

    "Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya."Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba."Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building."Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."Sinamaan ko siya ng tingin. "At

  • A Husband For Convenience   Chapter 3

    NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation fee ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”“Ah, eh di maganda.”“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status