Share

Chapter 3

Author: DickBrain
last update Last Updated: 2025-02-28 22:03:51

NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.

“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.

“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation f*e ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”

“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”

“Ah, eh di maganda.”

“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”

Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green flag. Wala na palang masyadong aasikasuhin ang kaibigan ko.”

“Yes, magpapasa na lang siya ng requirements. Later sa office, ibibigay ko yong list ng documents na kailangan. Within a month naman upon reservation pwedeng ipasa ang requirements. So kung okay naman kay Elle ang unit, pwede na tayong mag-proceed office.”

Nabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko iyon. Napatingin ako kay Lei at maging siya ay parang sinisigurado kung bakit ako nakatingin sa kaniya.

“Ahh… Maia, okay lang ba kung bumalik na lang ako mamayang hapon? May ididiscuss lang kami ni Lei sa isa’t isa tungkol dito. Tsaka regarding sa co-borrower? Kailangan no’n, tama?” pag-uusisa ko.

“Oo, hindi ko pa pala nabanggit. Later ko sana sasabihin, pero yes, kailangan ng co-borrower. Iche-check natin ’yong gross monthly income ninyo pareho at doon natin titingnan kung pasok siya sa tinatanggap ni Pagibig.”

“Sige, doon yata kasi ako magkakaroon ng problema. Wala akong co-borrower.”

“Ooh, si mama mo or papa mo? Pwede sila o kaya naman asawa kung meron ka na.”

Natawa naman ako. Boyfriend nga wala ako, eh. “Ahh… hindi ko kasi sigurado kung okay yong benefits contribution sa company ni papa. Last time parang nabanggit niyang hindi sila nahuhulugan.”

“I see, pero baka may iba ka pang kilala. Kahit sino naman pwede mong maging co-borrower, pero mas maganda kung kamag-anak mo dahil ilalagay rin ang pangalan niya sa titulo.”

“Ah, ganoon ba? Sige, pag-iisipan ko muna then babalik ako.”

“Okay, walang problema. Chat mo lang ako anytime. I-aassist kita. Isesend ko na lang din sa iyo sa chat ’yong requirements para makita mo,” nakangiting sagot sa akin ni Maia. Bumaba na kami mula sa two-storey townhouse na nag-iisang bakanteng unit na lang rito sa Cama Heights na panghihinayangan ko nang malaki kung hindi ko makukuha, kaso ang problema, sino naman ang gagawin kong co-borrower?

Iyon ang tanong sa isip ko hanggang sa makarating kami ni Lei sa park. Dito namin napagdesisyunang tumambay habang kumakain ng Magnum Ice Cream na siyang inilibre niya sa akin. Nakaupo kami sa bench habang pinagmamasdan ang mga tao sa parke na may kani-kaniyang mundo. Hindi naman ganoon kataas ang araw dahil alas onse na ng umaga at narito naman kami sa ilalim ng puno nakasilong.

“So, ano? Kukunin mo ba o hindi?” tanong ni Lei sa akin.

“Ikaw ba? Okay ba sa iyo?”

“Honestly speaking, Dani, oo. Super okay ng lupa na iyon para sa akin. Ang catch pa, hindi ikaw ang maglalakad sa Pagibig. Alam mo bang napakahirap gawin no’n dahil may interview pa. At least, hindi ka na gagastos sa pamasahe kung pabalik-balikin ka. Kasi dito, sila na ang mag-aasikaso. Kailangan mo na lang ibigay ang mga requirements na hinihingi nila.”

Napabuntong-hininga ako at tsaka siya sinulyapan sandali. “Ang problema ko na nga lang ay kung sino ang gagawin kong co-borrower. Kung guarantor lang sana, okay pa, dahil sigurado naman akong hindi ko siya maabala pagka’t gagawin ko ang lahat makabayad lang ako.”

“Pero katulad ng sinabi ko, mas mataas ang chance kapag co-borrower ang meron ka. Sigurado ka bang wala kang naiisip na pwede mong gawing co-borrower mo?”

“Wala. Sino namang papayag na makaltasan kada buwan para sa akin?”

Natahimik naman din si Lei dahil da tanong kong iyan.

“Wait. Bago nga natin pag-usapan iyan, hindi ko sure kung naiintindihan mo na ba ang lahat so katulad ng pangako ko sa iyo, ipapaliwanag ko ang sample computation na ibinigay sa iyo ni Miss Maia. Patingin ulit ako.”

Ibinigay ko ang phone ko sa kaniya kung nasaan ang picture ng sample computation. Tinitigan niya naman iyon sandali bago nagsimulang magpaliwanag.

“So ganito, Dani, tutal sabi mo ako ang nag-push sa iyo na kumuha ng bahay. Tutulungan kitang maintindihan ang lahat at sasamahan kita sa pagkuha mo ng requirements. For now, ito. Ang nakalagay dito, total cost lupa at bahay ay 1.5 million. At nakalagay din rito na ang loanable amount sa Pagibig ay 1.3 million. Meaning, sa 1.5 million, 1.3 million lang ang mahihiram mo sa Pagibig. Iyon naman ang babayaran mo sa kanila depende sa term na gusto mo. Pwede ka rito sa thirty years para hindi ka mabigatan, but I'm telling you, mataas ang interest kapag mahaba ang term,” mahabang paliwanag niya.

Nanatili akong nakatuon sa pag-eexplain niya at nakakagulat na ang dating hirap na hirap akong intindihin kaya hindi ko ma-entertain si Maia noon ay madali lang palang maintindihan.

“Ito naman ang total cash needed. Sa ibang developer, may nirerequire sila na downpayment para mapasaiyo ang bahay. Naitanong ko naman kay Maia ang tungkol dito kanina at sinabi niyang wala. Ito kasi ang tumatayong equity. Katulad sa procedure nila, kailangan mo itong bayaran sa loob ng tatlong taon. Dito ibabawas ang reservation f*e mo na ten thousand. So, kung ang total cash needed slash equity mo ay two hundred thousand, kapag nagbayad ka ng ten thousand, magiging one hundred ninety thousand na lang ang babayaran mo sa equity. Na babayaran mo nang tatlong taon. Bakit nga ba kailangang bayaran ang equity? Iyan ang market value at ang part ng owner sa property na kapag nabayaran mo na, pwede mo nang lipatan ang bahay. Nagegets?”

Tumango-tango ako. Mabuti na nga lang din at may dala akong ballpen at notebook para nakakapagsulat siya at naipapaliwanag sa akin nang maayos ang lahat-lahat.

“So pupunta naman tayo sa Pagibig. Ang sabi kanina, sabay mong babayaran ang Pagibig at equity. So kung ang babayaran mo sa equity kada buwan ay for example seven thousand. Madadagdagan ang babayaran mo dahil babayaran mo pa si Pagibig. Kung seven thousand din sa kanila per month so ang total na kailangan mo kada buwan ay fourteen thousand. Kasi nga, sabay mong babayaran ang equity at Pagibig. Pero… tandaan, sinabi niya kanina na babayaran mo lang ang Pagibig once approved na. Mostly three to six months nag-aapprove ang Pagibig kaya makakabuwelo ka pa. Ang mauuna mo talagang bayaran ay ang equity nang mga ilang buwan dahil kapag nagpareserve ka na, siguradong next month na ang simula ng pagbayad mo ng equity. Any questions so far?”

Natawa ako. Para akong nasa isang klase na siya ang nagtuturo pero ang pinagkaiba lang ay ako lang ang estudyante niya. Siguro kung wala siya, basta oo na lang talaga ako kay Maia. Ngayon, mas lumalawak ang tingin ko sa bagay na pinapasukan ko.

“Wala. Wala naman akong tanong so far.”

“Good. Dahil babalik tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Ang problema mo—ang co-borrower.”

Napakagat ako sa labi. Naging seryoso na ang mukha ni Lei at kahit ako ay lakong mas nakinig sa kaniya nang taimtim.

“Tama ka naman sa tanong mo, sino ang papayag na makalatasan kada buwan para sa bahay at lupa na ikaw ang magmamay-ari? Kaya dapat itanong mo iyan kay Miss Maia kung pwede ba ang guarantor, para kahit sino d'yan ay pumayag. Pero dapat mapagkakatiwalaan mo dahil sa tingin ko, ilalagay din sa titulo ang pangalan. Meaning, pwede mo rin ’yong maging kahati sa rights.”

Hindi ko alam na ganito pala kasalimuot ang pagbili ng bahay at lupa. Sigurado akong walang ideya ang nanay ko sa ganito kaya ganoon na lang kadali sa kaniyang mag-request. Hindi nga request, dahil halos isakal niya sa akin ang pagtabi ng pera para makabili ng bahay na akala mo sa paso lang ang bibilhin.

“Ano? Bakit ka bumubuntong hininga? Suko na?” tanong sa akin ni Lei. Sinulyapan ko siya ng may pag-aalinlangan.

“Kaya ko ba?” Nginitian niya ako.

“Oo naman. Sa simula lang mahirap, pero kapag sinimulan mo na, mari-realize mo na kaya mo naman pala. Ganoon talaga. Tsaka laging ang pagtitiwala ay sa Diyos. Ang swerte mo na nga kasi ang bait ng agent mo, green flag pa ’yong developer. Parang binibigyan ka na ng magandang sign na i-push mo na. Kailangan mo lang maging matapang...”

Tinapik niya ang likod ko tsaka hinagod-hagod na para bang inaalis niya sa akin ang mag-isip. Hindi ako makapaniwalang kaibigan ko talaga ang isang ito. Napakasuwerte ko."

“...at ng co-borrower.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • A Husband For Convenience   Chapter 4

    "Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya."Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba."Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building."Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."Sinamaan ko siya ng tingin. "At

    Last Updated : 2025-02-28
  • A Husband For Convenience   Chapter 5

    NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang n*******d at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still yo

    Last Updated : 2025-03-07
  • A Husband For Convenience   Chapter 6

    PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba

    Last Updated : 2025-03-07
  • A Husband For Convenience   Chapter 7

    Of all people... why him?NAPUTOL ang pagprotesta ko nang umusap si Boulevard. Narito nga pala kami sa opisina ng manager naming si Lei para magsama sa isang project ngayong araw."Dani, shall we?" tanong pa ni Boulevard.Para akong hina-highblood sa mga nangyayari. Kanina lang nang may gawin at sabihin akong kahiya-hiya, pero ngayon wala yata akong choice kung hindi harapin ang kahihiyan na iyon.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Boulevard palabas ng opisina ni Lei. Lumilipad nga ang utak ko kanina at hinagaan ko na lang na siya ang makinig kay Lei. Wala talaga ako sa hulog, kahit ngayon na panay lang ang pindot sa mouse habang nagbibisi-bisihang nakatutok ang mga mata sa computer screen.Ganito pa naman akong klase ng tao—I have to get things out of my mind para makapag-focus ako."What are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Boulevard na inilalapit ang mukha niya sa balikat ko."A-anong ginagawa mo?" nata

    Last Updated : 2025-03-10
  • A Husband For Convenience   Chapter 8

    "Hey, why are you crying like I am dying?" singhal ni Boulevard. Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin at tapos na pala siyang gamutin ng nurse. Iniwan na rin pala siya roon sa kama kaya tumayo na ako para lapitan siya at makita nang harapan ang nangyari sa katawan niya."Nangingitim na, ih," komento ko habang nakatuto sa mga lapnos niya sa balat. "Tapos kanina dumudugo."Natawa naman siya. "Ano naman? Bakit ka umiiyak? Hindi mo naman ako kaano-ano.""Kailangan ba maging kaano-ano kita para maawa ako sa iyo? Eh, nag-aalala nga ako di ba? Paano nga kung mamatay ka?""Aren't you overreacting? These are just burns.""Anong burns lang? Baliw ka ba o wala ka lang pakialam sa katawan mo? Paano ka pa pakakasalan ng girlfriend mo kapag nakita iyan?"Natawa naman siya pero saglit lang iyon dahil ininda niya ang kirot sa tiyan at dibdib niya. "Now you're making it your concern too?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. Parang siraulo itong kausap ko. Kanina lang ay sinusumbat niy

    Last Updated : 2025-03-10
  • A Husband For Convenience   Chapter 9

    I SAT down... still processing that he's really considering it. Kasalukuyan kaming nasa malapit na coffee shop at pilit ko pa ring tinatanong sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kaniya. Ngayon, nasa harap ko na siya, kaswal na humihigop ng kape at para bang hinihintay akong magsalita.Pero ni ang mag-react nga ay hindi ko magawa.He cleared his throat before speaking towards me. "So... were you serious, Dani?"Hindi ko alam kung bakit may ibang dulot ang pagtawag niya sa akin sa pangalan ko. Ganoon din naman ang tawag sa akin ng ibang tao, pero bakit parang may ibang epekto iyon sa akin kapag siya na?"You're really considering it?" hindi makapaniwalang tanong ko."Well, if it solves both of our problems."Muli, wala na namang nakatakas na salita mula sa bibig ko. Hindi talaga ako makapaniwala na kaharap ko siya at pag-uusapan ko ang kasal na aksidente lang namang lumabas sa bibig.I wanted to take it back, but now that he's interested, should I? Marrying for convenience, kaya ko ba

    Last Updated : 2025-04-02
  • A Husband For Convenience   Chapter 10

    Boulevard Nixon...IBINIGAY ko na ang pangalan niya kay Maia bilang co-borrower ko. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon kaagad ng ganitong relief sa dibdib ko nang magkasundo kami ni Boulevard last night. It feels surreal and sometimes napapaisip ako kung nangyayari ba itong lahat.Boulevard also gave me his number in any case that I need some details of him, I can message him right away. Sobrang hands on niya at madalas akong nahihiwagaan bakit ganito siya kabait. Talaga bang ganito siya kadesperado na magkaasawa?I typed a message for him.Vard, can I ask for your monthly salary? Kailangan daw pati 'yong payslip.20:02 Delivered.

    Last Updated : 2025-04-03
  • A Husband For Convenience   Chapter 11

    Leading Innovations in Commerce Engineering and Automation Company—that's what LICEA means, pero parang gusto ko nang sumuko!Actually, hindi ako napapagod sa trabaho ko. Napapagod akong kasama si Boulevard! Ganito ba talaga siyang tao?"Hey, that's not what I mean, Dani. I told you I like your initial designs but I don't think it would be efficient for the clients and even the users will be confused," sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa opisina at may sariling mundo dahil nga sa project na pinagagawa sa amin ni Lei. Hindi ko naman ba kasi maintindihan sa lalaking ito at ayaw na lang akong deretsuhin kung anong gusto niya sa hindi para natatapos na kami. It's been two weeks at bukod sa naiistress ako sa trabaho naming dalawa, hinahabol ko rin ang pagko-comply sa requirements ko sa housing loan

    Last Updated : 2025-04-04

Latest chapter

  • A Husband For Convenience   Chapter 3

    NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation fee ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”“Ah, eh di maganda.”“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status