"May parcel ka na naman, Danielle. Ano iyan? Libro?"
Napabuntong-hininga ako nang marinig ko si mama. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin.
"Sana itinatabi mo na lang ang pera para makabili tayo ng bahay."
Katulad ng nakasanayan, pasok-labas lang sa tainga ko ang naririnig ko. Nag-iinhale exhale na lang ako dahil ayokong magsalita. Pero sa totoo lang, naiinis ako kapag binabanggit niya iyon dahil nadadagdagan ako ng isipin at responsibilidad sa buhay na siyang matagal na namang nakapasan sa balikat ko.
Simula siguro nang ipanganak ako, iyon na ang nakatadhana sa akin—ang bumili ng lupa at bahay. Bilang panganay, napatutunayan kong ako lang talaga ang sasagip sa buhay namin sa kahirapan. Pero napapagod din ako kaya naman idinadaan ko na lang sa pagbili ng libro ang lahat ng sama ng loob ko. At least kahit papaano ay hindi ko nararamdamang lahat ng perang pinaghihirapan ko ay sa kanila lang napupunta, kung hindi meron din ako.
Kinuha ko na lamang ang parcel na ibinigay sa akin ng delivery guy, at walang imik-imik na pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ang parcel at tila ba parang nabura ang bigat sa dibdib ko nang makita ang librong binili ko—bagong published book ng paborito kong author na si Heather Jean Duerre, ang Yours Forever. Hinihintay ko ngang marelease na rin ang pangatlo at panghuling libro ng Forever Series na ang title ay Forever Exists. Sobrang fan talaga ako ng author na iyon kaya kahit may kamahalan ay binibili ko pa rin at pinag-iipunan.
“Isa na lang, makukumpleto ko na,” bigkas ko nang mailagay ko na ang hard bound copy sa shelf ko malapit sa study table. At napabuntong-hininga na lang muli ako nang makita kung gaano karami na ang mga librong naipon ko. Ibig sabihin ba ay ganito ako ka-stress sa buhay?
Pinili ko na lamang magbasa ng libro buong rest day ko at magkulong sa kwarto. Ayokong lumabas dahil ayokong makarinig na naman ng kung ano-ano. Mabuti pang dumito na lang at hintayin ang kinabukasan na papasok na ako sa trabaho.
“Oh, Elle! Agang-aga, nakabusangot iyang mukha mo. May pinagdadaanan ka?”
Iyon ang salubong sa akin ni Lei-ann, manager ko na siyang kaklase ko noong college kaya naman malapit kami sa isa’t isa. Sinabayan niya akong maglakad papunta sa elevator.
“As usual, ganoon pa rin. Sa tuwing uuwi ako sa bahay, hindi ako nakakapagpahinga nang maayos. Pakiramdam ko, doon pa ako mas napapagod,” litanya ko.
“Bakit? Dahil na naman ba sa mama mo? Pinariringgan ka na naman?”
“Oo, nakita niya kasing may binili na naman akong libro, na binili ko lang naman para reward sa sarili ko kaso pinupuna niya na naman na sana iniipon ko na lang para makapundar na kami ng bahay at lupa. Naririndi na ako.” Napabuntong-hininga ako. Kapag naaalala ko ang nangyari, naiinis na naman ako. Nasisiraan ng araw.
“Hays, iyan yata talaga ang problema ng lahat ng panganay na breadwinner sa mundo.”
Sinubukan kong kumalma at sabayan na lang sa pagbilang ang screen sa gilid na naglalabas ng floor number. Umagang-umaga kasi ay negative na agad ako. Nadadala ko sa trabaho ang dapat iniiwan ko lang sa bahay.
“Pasensya ka na, Lei, sana hindi ko nasisira ang araw mo.”
“Naku, para ka namang others! Ganoon talaga, wala ka namang ibang mapagsasabihan ng hinanaing mo sa buhay kung hindi ako lang. At handa naman akong makinig sa iyo.”
“Maraming salamat. Napakabait mo talaga. Kaya deserve na deserve mong maging manager namin. Bukod sa maunawain ka, humble ka rin. Salamat at hindi ka nagbabago na nakakausap pa rin kita nang ganito.”
Tinapik niya naman ang balikat ko.
“Ano ka ba? Wala iyon! Parang hindi naman tayo magkaibigan! Pasasaan ba’t makakaraos ka rin at alam ko, someday, lahat din ng pangarap mo ay matutupad. Malay mo one of these days, makakuha ka na talaga ng bahay at lupa.”
Natawa naman ako. Naalala ko na naman kung gaano siya ka-positive sa buhay, kaya siguro ang gaganda rin ng mga nangyayari sa buhay niya. Katulad niya rin naman akong mataas mangarap ang kaso sa akin, masyado akong sinasampal ng katotohanan na mahirap lang ako at marami akong responsibilidad na humihila sa akin para huminto sa pagkamit ng nga pangarap ko.
Bumukas na ang elevator at sabay kaming bumaba. Nagsalita naman ulit siya bago ako iwan.
“Subukan mo lang. Para matapos na rin ang mama mo sa pagkukulit sa iyo tungkol sa bahay ninyo. Try mo lang maghanap ng available na pwedeng bilhin. Pwede ka namang mag-loan sa Pag-ibig. Alam kong kayang-kaya mo nang maka-afford ng ganoon. Ikaw pa ba? Mas madiskarte ka kaya sa akin.”
Nakatulala lang ako sa may hallway habang paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Lei. Siguro nga makakalimutin ako at nawawala sa isip ko kung ano ang kakayahan ko. Oo nga pala, kaya ako nakapasok sa kumpanyang ito ay dahil sa diskarte. Wala naman kasi akong koneksyon katulad ng iba, pero narito ako ngayon na pinagtatrabahuhan ng mga bigating top students sa iba’t ibang prestigious universities. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang bagay na iyon?
Buong working hours kong pinag-iisipang mabuti ang sinabi sa akin ni Lei. Hindi nga ako mapakali na kahit sa gitna ng pagtatrabaho ko ay nasisingit ko pang magtuos ng mga posibilidad kapag kumuha ako ng bahay.
Sandali nga…
Naalala kong may pinuntahan kami ni Lei noong nakaraan. Magkasama naming binisita ang bahay ng bagong kasal naming kaklase. At napagkuwentuhan namin ang tungkol sa bahay.
Lumawak ang ngiti sa mga labi ko. Sa totoo lang kasi, gusto ko na rin namang kumuha ng bahay at lupa dahil sawang-sawa na ako sa maliligalig naming kapitbahay na lahat na lang ay sinita sa amin. Na kesyo ang ingay daw namin sa gabi. Tinatamaan kasi ako ng allergic rhinitis kaya panay ang ubo ko. At ayon, nabubulahaw daw sila sa pagtulog. Palibhasa kasi, nakatira lang kami sa squatters area na nirerentahan namin sa mababang halaga. Ilang taon na rin kami roon, simula college student pa yata ako.
“Sa pagkakaalala ko may nabanggit siyang pangalan kung sinong agent ang kinausap nila ng asawa niya. Ano ngang pangalan?”
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger app para hanapin ang taong matagal ko na ring pinagtatanungan noon.
“Naalala ko na! Maia! Maia ang pangalan ng agent! Tama pala, noong college student ako ay minessage niya na ako para mag-alok ng lupa at bahay sa akin kaso wala naman akong alam sa mga sinasabi niya kasi bata pa ako.”
Malakas ang tibok ng puso ko nang magsimula akong magtipa ng message kay Maia.
Hello po! Ask ko lang po kung may available pang unit sa Cama Heights and Residence? Nakausap ko kasi ’yong kaklase ko last time na doon nakatira at naalala kong ikaw ang agent na nabanggit niya.
14:09 SeenNanlaki naman ang mata ko nang makita kong nagta-type na siya.
Hi! Thank you for messaging me! Yes, agent rin ako sa Cama Heights Residence. Upon checking, wala nang available slot sa single unit. Townhouse na lang ang mayroon at isa na lang. Wait, magsend ako ng pictures para makita mo. ☺️
14:13 SeenHalos mapanganga naman ako sa ganda ng bahay na sinend niya. Hindi ko inaasahang mararamdaman ko ang ganitong galak ngayong nakikita ko pa lang sa pictures ang bahay. Para akong may ginagawang tama sa buhay ko. Hindi na nga mapakali ang puwet ko sa sobrang excitement. Shocks. Kaya ko ba ito? Pictures palang ang nakikita ko pero kinikilig na ako. Paano pa kaya kapag personal na?
Muli akong nakatanggap ng mensahe mula kay Maia at pakiramdam ko, may mangyayaring kakaiba sa buhat ko gayong nag-inquire pa lang naman ako.
Kailan ka free? Pwede nating bisitahin ang bahay para makita mo. ❤️
14:25 SeenNapahugot ako ng malalim na hininga. Magwawakas na ba ang pangungulit sa akin ng nanay ko tungkol sa bahay at lupa?
Masaya akong umuwi sa bahay, dala-dala ang inihaw na manok na nabili ko sa kanto. Simula nang magkausap kami ni Lei pati na rin ni Maia, parang nagkaroon ng kulay ang mundo ko. Pakiramdam ko, may direksyon na ulit ang buhay ko.
Kumatok ako sa pinto at sinalubong ko si mama ng may ngiti sa mga labi. Sasabihin ko na sa kaniya ang plano ko kasabay ng pag-abot ng ulam nang simangutan niya ako. Nakasalubong ang mga kilay niya nang magsalita.
“Bumili ka na naman ng mamahaling ulam. Kung hindi ka puro gastos, sana nakakabili na tayo ng bahay.”
PILIT AKONG NGUMITI kay mama. Gusto kong pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Tama, hindi pa ba ako sanay sa mga pagpaparinig niya? Ang tagal-tagal niya na itong ginagawa sa akin. At akala niya hindi ko siya naririnig. Naririndi na nga ako, eh, pero pinipilit ko na lang magbingi-bingihan kaya siguro akala niya wala akong ginagawa."Belinda, kain na. May dala akong ulam," pagtawag ko na lang sa nakababata kong kapatid na babae. Lumabas naman siya sa kwarto niya at sinalubong ako ng ngiti tsaka kinuha sa akin ang dala kong inihaw na manok."Wow ang sarap, Ate Dani! Ngayon na lang ulit ako makakakain nito!"Naghanda na siya ng pagkain, pero ako, tila ba nawalan na ng gana kaya umakyat na lamang ako sa kwarto ko at doon sinarili ang lahat. Gusto kong umiyak pero tila yata umatras na itong lahat. Humugot na lang ako ng malalim na hininga tsaka nagpalit ng damit at naligo. Pagkalabas ko ng banyo, saktong tumunog ang cellphone ko. Mabait talaga ang Dios dahil binigyan niya kaagad ako ng
NAPASINGHAP ako nang marinig ang tanong na iyon mula kay Lei. Hinipo ko ang pisngi ko at doon ko nga napagtanto na may luha na mula sa mga mata ko.“Anong nangyari? May problema ba, Elle?” tanong sa akin ni Maia tsaka ako nilapitan.“Naku, masyado lang siyang overwhelmed. Don’t worry, okay lang siya.” Si Lei na ang sumagot para sa akin. “Anyway, ’yong reservation fee ba, saan ibabawas, Miss Maia? Sa equity ba?”“Yes, yes, sa equity siya ibabawas.”“Ah, eh di maganda.”“Yes, nakalagay roon sa sample computation na for three years mong babayaran ’yong equity, pero dito sa Cama Heights, ipagsasabay na ang pag-ibig at equity kapag na-approve na. So monthly iyon na babayaran mo. Pwede kang mamili ng term. May five years, ten, fifteen and thirty years. Well, ang maganda nga rin dito. Hindi na si Elle ang mag-aasikaso ng mga papeles niya para pumunta sa Pagibig. Dahil ang developer na ang mismong maglalakad nito.”Napangiti naman nang pagkatamis-tamis si Lei tsaka ako tiningnan. “Very green
"Kumusta? Nakahanap ka na ba ng co-borrower mo?" tanong sa akin ni Lei. Narito na naman kasi ako sa opisina niya para kulitin siya."Wala pa. Ayoko naman ding magtanong kay mama dahil hindi ko gustong malaman niya kaagad hangga't hindi pa kumprimado. Iniisip ko nga kung may mga kamag-anak ba kami na pwede kong gawing co-borrower, pero kapag nagtanong kasi ako sa kanila, siguradong iisipin nila na marami akong pera. Ayokong makahatak ng problema, hindi naman sa pagiging maramot," mahaba kong paliwanag habang nakapangalumbaba."Well, naiintindihan naman kita d'yan. Mas okay nang isipin nang iba na mahirap tayo kaysa naman utangan palagi. Ang goal natin is to be rich, not to look rich."Tumango-tango ako at muling ipinadpad ang paningin sa bintana ng opisina niya na tanaw ang kalangitan at iba-iba pang company building."Mukhang wala ka na talagang choice kung hindi ang mag-asawa. Maghanap ka na ng pakakasalan ka, para pwede mo siyang gawing co-borrower."Sinamaan ko siya ng tingin. "At
NAPALUNOK ako ng laway nang marinig iyon mula sa kaniya. Ni hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya nang ilang sandali."H-hindi ko nga sinasadya sabi! Wala naman sa isip ko kung anong mahawakan ko kasi mas inaalala ko 'yong paso sa katawan mo. Siyempre, gagamutin ko kasi ako ang may kasalanan niyan! Kaya sorry kung nahawakan ko ang a-ano m-mo tsaka sorry din kung nakita kitang nakahubad at sorry kung magkakapeklat ka dahil sa akin."Napayuko ako at pinili na lamang na ipagpatuloy ang pagpahid ng ointment sa natitirang bahagi ng kaniyang katawan. May sapak na nga siguro ako sa utak para gawin ko ito, pero anong magagawa ko? Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya dahil ang tanda-tanda ko na, galit ko pa rin ang pinaiiral ko. Ewan, marahil ay napuno na lang din ako."In any case, did you hear everything earlier?"Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin na para bang kanina niya pa pinanonood ang ginawa ko sa kaniya.Tumango ako."But still y
PAULIT-ULIT kong sinasabunutan ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang lalabas iyon mismo sa bibig ko."Impakta ka, Dani! Bakit ka naman nag-propose doon sa tao? Alam mo nang na-reject kanina tapos babanatan mo ng will you marry me? Nahihibang ka na ba? At sinong matinong babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaki? Ang matindi, hindi mo pa kilala!"Tinampal-tampal ko pa ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Kanina, nang itanong ko iyon kay Boulevard, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Kung hindi nga siguro ako tumakbo paalis ay maririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Gusto ko na ngang lamunin ako ng lupa dahil sa malaking kahihiyan. Bakit ba puro kahihiyan yata ang nangyayari sa akin ngayong araw?"Oh, Dani, nakabalik ka na. Kumusta? Nasaan si Boulevard? Okay na ba siya? Nadala mo ba siya sa clinic?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mga katrabaho ko."H-ha? A-ano kasi... tingin ko, okay na siya. Nagamot na rin ang paso niya. Hindi ko siya nadala sa clinic. Ba

"May parcel ka na naman, Danielle. Ano iyan? Libro?"Napabuntong-hininga ako nang marinig ko si mama. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin."Sana itinatabi mo na lang ang pera para makabili tayo ng bahay."Katulad ng nakasanayan, pasok-labas lang sa tainga ko ang naririnig ko. Nag-iinhale exhale na lang ako dahil ayokong magsalita. Pero sa totoo lang, naiinis ako kapag binabanggit niya iyon dahil nadadagdagan ako ng isipin at responsibilidad sa buhay na siyang matagal na namang nakapasan sa balikat ko.Simula siguro nang ipanganak ako, iyon na ang nakatadhana sa akin—ang bumili ng lupa at bahay. Bilang panganay, napatutunayan kong ako lang talaga ang sasagip sa buhay namin sa kahirapan. Pero napapagod din ako kaya naman idinadaan ko na lang sa pagbili ng libro ang lahat ng sama ng loob ko. At least kahit papaano ay hindi ko nararamdamang lahat ng perang pinaghihirapan ko ay sa kanila lang napupunta, kung hindi meron din ako.Kinuha ko na lamang ang parcel na ibinigay sa akin n