Cambridge, Massachusetts
Kanina pa naghihintay si Gilliane sa bar na iyon. Doon nila napagkasunduang magkita nang nobyo niya. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang nobyo kahit na nakatira sila sa iisang apartment. He had been busy with his studies. Minsan ay halos sa library na ito nakatira. Patapos na si Stefan sa med school kaya naman masyado na itong abala na pati siya ay di na minsan naaalalang tawagan.
Nais niyang mag-relax naman ang nobyo kaya niyaya niya itong lumabas nang gabing iyon. Nakalimutan yata nitong may usapan silang magkikita. Kung hindi pa siya nag-text ay hindi pa aalis ng library si Stefan para puntahan siya.
Gilliane loved Stefan so much. Sinundan niya hanggang sa Vancouver ang binata kahit na ayaw sana ng mga magulang na mawalay siya sa mga ito. Hindi niya pinagsisihan ang naging pasya. Kahit na walang panahon si Stefan sa kanya dahil sa pagiging busy ng binata, alam niya na mahal siya nito. Mananatiling mahal habang buhay.
Hindi lamang niya maiwasan na bahagyang mairita tuwing nakakalimutan siya ni Stefan. Naiintindihan naman niya ang kaabalahan ng nobyo ngunit sana ay maintindihan din nitong babae siya. Ayaw na ayaw ng mga babae na hindi pinapansin. Ngunit hindi magrereklamo si Gilliane, hindi magde-demmand. Ayaw niya rin kasi na madagdagan ang stress ni Stefan sa pag-aaral nito. Alam niya na lilipas din ang pagiging busy nito at siya naman ang aasikasuhin nito araw-araw. Matiyaga na lamang siyang maghihintay sa bar.
Kaka-order lang niya ng ikalawang white wine nang maramdamang may tumabi sa kanya. Halos wala sa loob na nilingon niya ito. Isang Pinoy, agad niya itong nabatid dahil sa itsura at simpleng pananamit nito. Isang napakaguwapong Pinoy. Kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang matanto ang daloy ng kanyang isipan. Ayaw niyang makaramdam ng paghanga sa ibang lalaki, lalo na kung lalaki sa isang bar. Kahit pa Pinoy at guwapo ito.
Ibinaling ni Gilliane sa ibang direksiyon ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang hawak na inumin. Narinig niyang humingi ng beer ang lalaki sa bartender. Pinakiramdaman niya kung aalis na ang lalaki pagkakuha nito ng beer ngunit nanatili ito.
"Pinay?"
Alam niya na siya ang kausap ng lalaki. Ang sabi niya ay hindi siya lilingon. Kapag hindi niya ito pinansin, lulubayan din siya nito kagaya ng ginagawa niya sa ibang lalaki na nagpapapansin sa kanya. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay lumingon siya. Tila may pwersang nagpapagalaw sa kanyang ulo para lamang lingunin at tingnan ito.
Nakangiti na kay Gilliane ang lalaki. Bakas sa mga mata nito ang interes at paghanga. Waring may pumitlag sa kanyang puso nang matitigan ang guwapo nitong mukha.
"Is this seat taken?"
Bahagya siyang natauhan sa narinig niyang pagsalita nito. Hindi niya mapaniwalaan na humahanga siya sa isang lalaki na hindi niya nobyo. Nasobrahan lang marahil siya sa caffeine kaya ganoon na lang ang reaksiyon ng puso niya. Hindi iyon pumipitlag sa lalaking hindi si Stefan. Kay Stefan lamang dapat ang kanyang mga mata lalo na ang kanyang puso kaya mali na tumingin pa siya sa iba dahil may nobyo na siya.
"I'm taken." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Gilliane at iniwan ang nagtatakang lalaki.
Nagmamadali siyang lumabas ng bar. Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kanyang puso. Hindi pa rin nagnonormal ang pagtibok ng kanyang puso. Nais takaga niyang pagtakhan ang naging reaksiyon sa estranghero. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may lalaking lumapit sa kanya sa bar at sinubukang makipagkilala. Minsan ay may mga lalaking biglang lumalapit sa kanya at hinihingi ang number niya o kaya ay nagpapapansin sa kanya. Ngunit iyon ang unang pagkakataon na labis na napukaw ang kanyang atensiyon at damdamin. Parang may iba sa lalaking iyon.
Nang makita ni Gilliane si Stefan na palapit sa kanyang direksiyon ay napagpasyahan na lang niyang huwag nang gaanong pakaisipin ang nangyari. Hindi iyon importante. Buburahin na rin niya sa kanyang isipan ang lalaking doon niya lamang naman nakita.
Hamburg, Germany"I'm very sorry, Gilliane, but I really can't do this. This is not right. I can't. I can't marry you. You're not the one. I'm so sorry for hurting you but I'm in love with someone else."Tulala si Gilliane habang hinuhubad ni Phoebe, ang matalik niyang kaibigan, ang wedding gown sa kanyang katawan. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Stefan, ang lalaking dapat ay pakakasalan niya sa araw na iyon.Paano nangyaring sa ganito nauwi ang lahat? The day started out great. Nagising siyang puno ng enerhiya at sabik na sabik na marating ang simabahan na pagdadausan ng kasal. Napakaganda niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili nang matapos na ang make-up artist sa kanya. It had been perfect, walang nangyaring mga aberya. Stefan was waiting at the altar when Gilliane walk down the isle. There was no indication that something catastrophic was a
Nakilala ni Gilliane si Stefan sa unang araw bilang high school student kung saan siya nag-transfer sa Hamburg. She was a sophomore, he was a senior. He had been every girl's dream man. He was the football team's quarterback and the smartest in his class. He was tall ang blonde---a blue-eyed gorgeous. Tandang-tanda ni Gilliane ang nararamdaman niya habang papasok sa bagong eskwelahan. She had been scared to death. She knew she would be a freak to her new school. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang mga bagong magiging kaklase na iba ang lahi.Ipinanganak si Gilliane sa Pilipinas. Parehong doktor ang kanyang mga magulang, ngunit nang magtungo sa Amerika ay naging nurse na ang mga ito. Hindi alintana ng mag-asawa ang trabaho. Higit na mas malaki ang sweldo sa pagiging nurse sa Amerika kaysa sa pagiging doktor sa Pilipinas. Noong una ay ama lang ni Gilliane ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dalawang taon lamang siya nang umalis din ang kanyang i
Simula nang magtungo si Gilliane sa Hamburg, minsan na lang siya makauwi ng Pilipinas. Iyon ay noong pumanaw ang kanyang Lola Dianna. Wala nang naging dahilan upang umuwi dahil halos lahat ng kanyang kapamilya ay nasa iba't-ibang dako na ng Amerika. Wala na silang naiwang malalapit na kamag-anak sa bansa. Maging ang mga labi ng kanyang lola ay ipina-cremate ng kanyang mga magulang at dinala sa Germany kung saan sila lumipat. Alam niya na magbabalik siya sa sa bansang sinilangan at kinalakhan. Plano na rin naman talaga niya noon pa na magbakasyon sila ni Stefan kung nakaluwag-luwag na ang schedule nila parehas. Hindi niya inakala na magbabalik siya sa ganitong sirkumstansiya. Hindi niya inakala na uuwi siya sa Pilipinas upang tumakbo palayo sa lalaking inakala niyang makakasama sa pag-uwi roon. Siyempre ay nanalo si Gilliane nang ipaggiitan ni Phoebe na isama siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas. Hindi siya sumama kahit na anong pilit nito s
She should move on with her life. Alam niyang baka matagalan. Alam niyang mahabang proseso ang kanyang pagdaraanan. Healing was a long process. Kagaya ng mga pasyente sa ospital na sumailalim s aisang kritikal na operasyon. Wala na siya sa bingit ng alanganin ngunit crucial pa rin ang mga susunod na araw. Pagkatapos niyon ay kailangan na niya ng rehabilitasyon. She had to undergo some therapy to restore the function of his heart. Hindi magagawa ni Gilliane ang lahat ng iyon sa Hamburg, alam niya. She had to go to a place wjere she had not shared it with Stefan. Isang lugar na walang makapagpapaalala sa kanya sa kahit na anong masasayang sandali na pinagsaluhan nila. Kailangan niya ng lugar na hindi niya makikita si Stefan sa kahit anong sulok. Ganap na siyang nagbitiw sa trabaho. Anim na buwan bago ang kasal nila ni Stefan ay pinatigil na siya ng nobyo sa pagtatrabaho. Ayaw na nito na nagtatrabaho pa siya once na kasal na sila. Ngunit may silent agreement sila ng chi
Gilliane honestly thought everything would be easy for her if she was in an unfamiliar place. Na hindi niya na maiisip pa si Stefan. Hindi niya babalikan ng babalikan sa kanyang isipan ang mga bangungot na nangyari. Hindi niya paulit-ulit na itatanong sa kanyang sarili kung bakit hindi siya para kay Stefan at hindi na sasagi sa isip niya ang tanong kung bakit nagawa nitong maghanap pa ng iba kahit na ibinigay naman niya ang lahat dito at hindi siya nagkulang kahit kailanman bilang partner nito. Inakala niya na hindi na siya iiyak ng iiyak kada gabi at hindi na maiisip ang malaking kahihiyang nangyari sa kasal niya. Ang kahihiyan ng pamilya niya na alam niyang apektado din dahil sa pagtalikod nito sa kanya sa mismong araw pa na pinaghandaan din ng mga magulang niya. Hindi siya pinabayaan ng matalik na kaibigang si Phoebe. She had always been with her. Sinikap siya nitong aliwin at ibaling sa ibang bagay ang atensiyon niya. She and her boyfriend Jerome brought he
Nagkibit ng mga balikat ang lalaki habang pinaparaan ang hintuturo sa rim ng braso nito. "Not much. I came here for dinner. And I didn't intend to pick any girl up tonight. I actually wanted a peaceful and quiet night, I don't think picking up a girl is one of my options to find silence." "But then you walked in. You look a little familiar. Like I've seen you before or anything. Hindi ko lang matandaan or 'di ko alam kung saan at kailan tayo unang nangkita. But, really. You just look familiar that's why curiosity hits me back and throw me in front of you. " mahabang eksplanasyon nito na tila bigla siyang naguluhan. Dadalhin na sana ni Gilliane sa bibig ang wineglass ngunit nabatid niyang wala na iyong laman. Bago pa nito maisip na kunin ang wine bottle ay naunahan na siya ng lalaking kunin ito. Sinalinan nito ang kanyang baso. Kapagkuwan ay isinandal ang sarili sa upuan at nagpakumportable bago bumalik sa kanya ang mga
Lumawak ang ngiti sa labi ni Gilliane. "Ayoko namang sabihin mo na harsh ako. Or I'm a rude and a most heartless girl you've met so..." "Nice meeting you, Stranger." Hindi siya magsisinungaling. It had been nice meeting someone like him. Like a guy like him that make her smile again and forget her nightmare. Tila gumaan kahit paano ang mabigat niyang pakiramdam at nabaling sa iba ang kanyang atensiyon. Hindi rin niya sigurado kung madadama niya iyon sa sinumang lalaki o sadyang espesyal lang ang lalaking ito. Na tanging ito lamang ang nakagawa niyon sa kanya ulit, ang mapangiti siya sa mababaw na dahilan. Ang muling nakapagpangiti sa kanya at nakapagpalabas ng isang normal na tawa. Tawa na hindi kinunwari.  
"Hey, Gi. Are you going out or something? You look... Gorgeous." Nilingon ni Gilliane si Phoebe na kunot ang noo at nagmamasid sa kanyang bawat galaw sa loob ng silid. Parang kanina pa ata ito nakasunod sa kanya dahil tuwing nililingon niya ito ay nakatingin ang kaibigan niya sa mga kilos niya, tila nagtataka kung ano ang ginagawa niya. "Ahm... Yep. I saw this place when I was browsing last night. I think this place is amazing. I want to check it out." Pinagmasdan niyang muli ang kanyang mukha sa salamin at dahan-dahang nagspray ng kanyang cologne bago inabot ang makinang na purse niya na nasa ibabaw ng kama. "What place? What kind of place at saan 'yan? I can go with you. Wala naman na akong gagawin, natapos ko na 'yong pinapaayos sa akin ni Doctor Samaniego. I'll join you, mag-aayos lang din muna ako." Akma na itong tatalikod ng itinaas ni Gilliane ang kaliwang kamay. Inilingan ni Gilliane ang kaibigan. "I know you're tired, Phoebe. Ha