She should move on with her life. Alam niyang baka matagalan. Alam niyang mahabang proseso ang kanyang pagdaraanan. Healing was a long process. Kagaya ng mga pasyente sa ospital na sumailalim s aisang kritikal na operasyon. Wala na siya sa bingit ng alanganin ngunit crucial pa rin ang mga susunod na araw. Pagkatapos niyon ay kailangan na niya ng rehabilitasyon. She had to undergo some therapy to restore the function of his heart.
Hindi magagawa ni Gilliane ang lahat ng iyon sa Hamburg, alam niya. She had to go to a place wjere she had not shared it with Stefan. Isang lugar na walang makapagpapaalala sa kanya sa kahit na anong masasayang sandali na pinagsaluhan nila. Kailangan niya ng lugar na hindi niya makikita si Stefan sa kahit anong sulok.
Ganap na siyang nagbitiw sa trabaho. Anim na buwan bago ang kasal nila ni Stefan ay pinatigil na siya ng nobyo sa pagtatrabaho. Ayaw na nito na nagtatrabaho pa siya once na kasal na sila. Ngunit may silent agreement sila ng chief of surgery na makakabalik pa rin siya sa kanyang trabaho. Naniniwala kasi ang chief na hindi dapat masayang ang kanyang talento. Plano niyang kumbinsihin si Stefan na pabalikin siya sa trabaho. Kanyang napagtanto na hindi niya kayang mabuhay na lubos na umaasa lamang dito. Ngayon ay nag-iba na ang lahat ng plano niya sa buhay.
Masinop siya sa pera kagaya ng kanyang mga magulang kaya kakayanin niyang mawalan ng trabaho sa loob ng isa o dalawang taon. It had been a religion for her to save. Istrikto siya pagdating sa payday. Kailangang naitatabi niya palagi ang kuwrenta porsyento ng kanyang sahod kahit na noong estudyante pa lamang siya. Hindi rin siya gaanong maluho at magastos. Pelikula lang ang naging luho niya sa katawan. Pagsapit ng kokehiyo, hindi na sila nahilig ni Stefan sa pagkain sa labas dahil nagluluto na lamang siya na isa din sa hilig niya.
Wala nang malapit na kamag-anak si Gilliane sa Pilipinas na kukupkop sa kanya kaya makikipanuluyan siya kay Phoebe. Maaari raw siyang manatili sa ina nito sa Tagaytay kung nais niya ng katahimikan. Kung mas gusto naman niyang manatili sa siyudad ay mayroon ding condo unit ang kanyang kaibigan.
Si Phoebe ang sumundo sa kanya sa airport. Kaagad silang nagyakap nang magkita. "Are you okay?" tanong kaagad nito, mahihimigan ang pag-aalala sa tinig.
"Yep. Getting there," ang matamlay niyang tugon habang kumakalas mula sa pagkakayakap nito.
Ilang sandali na mataman siyang pinagmasdan ni Phoebe, kapagkuwan ay nagpakawala ng buntong-hininga. "Listen, can we stop by the hospital first? I recieved a text before your plane landed. A VIP patient requested for me and I needed to go there. Sandali lamang naman siguro ako kakailanganin doon. Ang sabi ni Chief ay hindi naman life-threatening ang kaso."
"Cool, let's go." Nais din naman niyang makita ang ospital na pinagtatrabahuhan nito ngayon.
Iniwan si Gilliane ni Phoebe sa doctor's lounge. She was impressed with the hospital. Ilang Filipino nurses na ang nakasama niya sa Hamburg at marami na siyang kwento tungkol sa kahambal-hambal na kalagayan ng mga ospital sa Pilipinas. Narinig na rin niya ang tungkol sa Dr. Amadeo Dizon Memorial Hospital, ang ospital ng mga mayayaman sa bansa. Totoo nga ang bagay na iyon dahil nakikita sa bawat sulok ng ospital ang modernisasyon at rangya na hindi makikita sa ibang pribadong ospital sa bansa.
Nagmamadali si Phoebe kaya hindi na nakapasok ang kanyang kaibigan sa lounge. Habang papalayo ay sinabi nitong kunin niya ang mga nais na pagkain o inumin sa refrigerator, ang kaibigan na raw ang bahala. Kumportable at maluwag ang doctor's lounge. Tumuloy siya sa looob habang hila-hila ang maleta. Walang tao roon kaya inisip niyang baka nga abala ang lahat ng doktor na naka-duty. Naupo siya sa isang malapad na sofa. Wlaang magazine sa ilalim ng coffee table ngunit napakaraming makakapal na libro sa shelves. Napansin din niya ang ilang tablets na nagkalat sa paligid.
Gilliane needed to visit the restroom. Tumayo siya sa kinatatayuan upang hanapin ang banyo. Locker room ang kanyang unang nabuksan. Pagbukas niya ng sumunod na pinto ay kaagad niyang pinagsisihan ang pagpihit ng doorknob. Nahiling niyang sana ay nanatili na lamang sana siya sa kinauupuan kanina kahit na nagsisimula nang mamigat ang kanyang pantog. Kaagad kasing nanuot sa kanyang pandinig ang mga ungol ng lalaki at babae. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit alam na niya ang kasalukuyang nangyayari. They were having fun.
"God... Oh, God... Oohhh... Goooooood..."
Gilliane heard a rather sexy growl from the man.
"Oh, God..."
She could tell the girl was on the blink already, ready to dive and fall.
"Sebastian, baby. Not God, Sebastian."
"Yes, yes, yes! Sebastian..."
Naitirik ni Gilliane ang mga mata. Hindi niya gaanong namamalayan na nakangiti na siya. Maingat niyang isinara ang pinto. Lalong namang lumalakas ang halinghing ng dalawa na tila walang pakialam kung may tao bang makakarinig o makakaalam sa milagrong ginagawa nila. Ayaw niyang manubok at nais niyang bigyan ang dalawa ng privacy. Maingat din siyang lumabas ng lounge bago pa man lumabas ang dalawang 'naglalaro' doon. Hindi na siya lumayo dahil hindi pa niya kabisado ang buong ospital. Naupo siya sa sahig ng hallway sa tabi ng pintuan. Kaya pa niyang magtiis. Baka balikan siya ni Phoebe at hindi siya agad nito makita. Wala din naman siyang cell phone para sana makapag-iwan ng mensahe sa kaibigan. Iniwan niya ang dala niyang cell phonesa Hamburg upang hindi magkaroon ng contact sa kanya ang mga kaibigan at kakilala na malapit din kay Stefan. Sawa na siyang marinig ang maya't mayang pangangamusta ng mga ito. Sawa na siyang marinig ang awa sa tinig ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Lalong sawa na siyang marinig mula sa mga kaibigan na nasa kanya ang simpatya ng mga ito at wala kay Stefan.
Ang mga kaibigan ni Gilliane ay mga kaibigan din ni Stefan kaya medyo dumistansya muna siya sa mga ito. Maging si Phobe na bestfriend niya ay kaibigan din naman ni Stefan pero dahil mas malapit at kilalang kilala na niya ito kaya tanging ito lamang ang kaibigang hindi niya pwedeng iwasan.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay napapitlag si Gilliane dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Isang matangkad na lalaki ang lumabas. Adidas shoes at likod lamang nito ang nasilayan niya.
Nagmamadali ang mga hakbang ng lalaking nakasuot ng doctor's white coat. She liked tall guys with good posture. Mayroong kung anong dagdag sa alindog ng isang lalaki kung maganda ng tindig nito. She hated tall men who slouched. She didn't like men who were awkward and uncomfortable with themselves. She also hated men who also stood too erect. She didn't like them too arrogant, too confident, and too stiff.The man who just left the lounge had the perfect posture. He also had the sexyman walk. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Gilliane ang lalaki ay muli siyang napapitlag nang muling bumukas ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay tumingala na siya upang makita ang mukha ng babae. Doktor din ang babae kung pagbabasehan ang suot nitong white doctor's coat. Bahagyang magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mga labi at pisngi. Malawak at kontentong ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng babae. Hindi siya nito nakita dahil tila lutang pa ang isipan nito. Maybe she was still experiencing a post-coital glow. Tila nakalutang sa alapaap na naglakad palayo ang babaeng doktor.
Napapailing na napangiti na lang si Gilliane. Nabatid niya na iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng amusement mula ng takbuhan siya ng nobyong si Stefan. Hindi niya sigurado kung ano ang eksaktong nakakaaliw sa sitwasyon, ngunit hindi na niya gaanong inisip pa. Ang importante ay nagagawa na niyang ngumiti at maaliw kahit sa simpleng dahilan.
Gilliane honestly thought everything would be easy for her if she was in an unfamiliar place. Na hindi niya na maiisip pa si Stefan. Hindi niya babalikan ng babalikan sa kanyang isipan ang mga bangungot na nangyari. Hindi niya paulit-ulit na itatanong sa kanyang sarili kung bakit hindi siya para kay Stefan at hindi na sasagi sa isip niya ang tanong kung bakit nagawa nitong maghanap pa ng iba kahit na ibinigay naman niya ang lahat dito at hindi siya nagkulang kahit kailanman bilang partner nito. Inakala niya na hindi na siya iiyak ng iiyak kada gabi at hindi na maiisip ang malaking kahihiyang nangyari sa kasal niya. Ang kahihiyan ng pamilya niya na alam niyang apektado din dahil sa pagtalikod nito sa kanya sa mismong araw pa na pinaghandaan din ng mga magulang niya. Hindi siya pinabayaan ng matalik na kaibigang si Phoebe. She had always been with her. Sinikap siya nitong aliwin at ibaling sa ibang bagay ang atensiyon niya. She and her boyfriend Jerome brought he
Nagkibit ng mga balikat ang lalaki habang pinaparaan ang hintuturo sa rim ng braso nito. "Not much. I came here for dinner. And I didn't intend to pick any girl up tonight. I actually wanted a peaceful and quiet night, I don't think picking up a girl is one of my options to find silence." "But then you walked in. You look a little familiar. Like I've seen you before or anything. Hindi ko lang matandaan or 'di ko alam kung saan at kailan tayo unang nangkita. But, really. You just look familiar that's why curiosity hits me back and throw me in front of you. " mahabang eksplanasyon nito na tila bigla siyang naguluhan. Dadalhin na sana ni Gilliane sa bibig ang wineglass ngunit nabatid niyang wala na iyong laman. Bago pa nito maisip na kunin ang wine bottle ay naunahan na siya ng lalaking kunin ito. Sinalinan nito ang kanyang baso. Kapagkuwan ay isinandal ang sarili sa upuan at nagpakumportable bago bumalik sa kanya ang mga
Lumawak ang ngiti sa labi ni Gilliane. "Ayoko namang sabihin mo na harsh ako. Or I'm a rude and a most heartless girl you've met so..." "Nice meeting you, Stranger." Hindi siya magsisinungaling. It had been nice meeting someone like him. Like a guy like him that make her smile again and forget her nightmare. Tila gumaan kahit paano ang mabigat niyang pakiramdam at nabaling sa iba ang kanyang atensiyon. Hindi rin niya sigurado kung madadama niya iyon sa sinumang lalaki o sadyang espesyal lang ang lalaking ito. Na tanging ito lamang ang nakagawa niyon sa kanya ulit, ang mapangiti siya sa mababaw na dahilan. Ang muling nakapagpangiti sa kanya at nakapagpalabas ng isang normal na tawa. Tawa na hindi kinunwari.  
"Hey, Gi. Are you going out or something? You look... Gorgeous." Nilingon ni Gilliane si Phoebe na kunot ang noo at nagmamasid sa kanyang bawat galaw sa loob ng silid. Parang kanina pa ata ito nakasunod sa kanya dahil tuwing nililingon niya ito ay nakatingin ang kaibigan niya sa mga kilos niya, tila nagtataka kung ano ang ginagawa niya. "Ahm... Yep. I saw this place when I was browsing last night. I think this place is amazing. I want to check it out." Pinagmasdan niyang muli ang kanyang mukha sa salamin at dahan-dahang nagspray ng kanyang cologne bago inabot ang makinang na purse niya na nasa ibabaw ng kama. "What place? What kind of place at saan 'yan? I can go with you. Wala naman na akong gagawin, natapos ko na 'yong pinapaayos sa akin ni Doctor Samaniego. I'll join you, mag-aayos lang din muna ako." Akma na itong tatalikod ng itinaas ni Gilliane ang kaliwang kamay. Inilingan ni Gilliane ang kaibigan. "I know you're tired, Phoebe. Ha
Ilang sandali pa ay unti-unti ring nawala ang pagkaka-ilang na nararamdaman ni Gilliane sa paligid. Naging kumportable din siya sa mga taong naroon at maingay na musika na nagsusumiksik sa tainga niya. Nasanay na rin ang kanyang mga tainga sa maingay at maharot na musika na papalit. Mas naaliw na rin siya sa paligid. Kahit na paminsan ay nababangga siya ng kung sino ay balewala na sa kanya iyon. She saw some of the guys and ladies flirt with each other. Nangingiti na lamang siya habang nakatingin sa mga ito habang hindi namamalayan kung ilang shot ng margarita na ang kanyang nainom. Hindi pa man nauubos ang kanyang inumin na hindi niya maalala kung pang-ilang order na ay may ilang lalaki na rin ang lumapit sa kanya upang makipagkilala. May ilan pa na nag-offer ng libreng inumin, o niyayaya siyang sumayaw pero tinanggihan naman niya. Nakailang lapit din sa kanya ang waiter para mag-abot ng piraso ng papel na may mga nakasulat na numero pero hin
"Sa palagay ko ay kailangan ko nang umuwi, umaga na rin," sabi ni Gilliane kay 'Gorg' matapos niyang pagmasdan ang sariling relong-pambisig. Pasado alas-dos na ng madaling araw. Paunti-unti na ring nababawasan ang mga tao sa club, marami na rin ang bakanteng upuan hindi kagaya kanina pagkarating niya. 'Yong iba namang waiter ay nag-uumpisa na ring magligpit paunti-unti.Ayaw niya ring maka-abala pa kay Gorg, alam niyang posibleng may sariling schedule ito at mga lakad. Maaaring maaga pa ito mamaya sa trabaho or commitments nito. Ayaw niyang maging dahilan siya para mabago ang everyday o daily routine nito. Hindi naman siya para magtanong dahil alam niya ang lugar niya.Wala siyang karapatan.Nasa bar na silang dalawa, napagod sa wakas sa ilang oras na pagsasayaw. Parehas silang may tangan na bote ng malamig na tubig. Pareho nilang hindi namalayan ang oras. They were too caught up in dancing. They both enjoy in dancing while talking loudly as the music control th
Ipinikit ni Gilliane ang mga mata at hinayaan ang lalaki na hagkan siya. She opened her mouth and his tongue plunged inside to play with hers. Napakapit siya sa balikat nito, bahagyang bumaon ang mga kuko. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang nadarama niya habang magkahugpong ang kanilang mga labi. Pakiramdam niya ay biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Lalong kumabog ng malakas ang kanyang dibdib kasabay ng matinding init ng kanyang katawan na reaksiyon sa mga halik nito.Ayaw niyang matapos ang mainit na mga halik na iyon.Every nerve in her body reacted to his kiss, to his touch. He was a good dancer but he was a better kisser. It was the most erotic kiss she had experienced. The best kiss she experienced.Ayaw niyang aminin sa sarili pero ito lamang ang nakahalik sa kanya ng ganoon. She was satisfied with this man's kiss. Not just satisfied, she wanted more... more of him. Ngayon niya masasabi na hindi lamang si Stefan ang makakapag
"Do you think I'd like living here?" tanong ni Gilliane kay 'Gorg' habang sinasalinan nito ng alak ang kanyang wineglass. Nais na talaga niyang maniwala na pinagtatagpo silang dalawa lagi ng tadhana at hindi lamang coincidence ang lahat. Iyon na ang ika-apat na beses nilang pagtatagpo ng lalaki.Napagpasyahan ni Gilliane na magtungo sa unang club na pinuntahan niya, kung saan sila unang nagkita noon dalawang araw makalipas ang kanilang ikatlong pagtatagpo. Nagkasabay silang dalawa sa elevator paakyat. They had decided to have dinner this time."You're not from here?" tanong ng lalaki imbes na sagutin nito ang kanyang tanong.Tumango siya. "I'm actually from Germany. I've been there since I was fifteen. Matagal na akong hindi nakakauwi rito pero seryoso ko nang pinag-iisipan ang pananatili dito ng mas matagal ngayon. Maybe two years or three? I'm not sure.But I like it here. I'm starting to like living her