Share

The Wedding

Hamburg, Germany

"I'm very sorry, Gilliane, but I really can't do this. This is not right. I can't. I can't marry you. You're not the one. I'm so sorry for hurting you but I'm in love with someone else."

Tulala si Gilliane habang hinuhubad ni Phoebe, ang matalik niyang kaibigan, ang wedding gown sa kanyang katawan. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Stefan, ang lalaking dapat ay pakakasalan niya sa araw na iyon.

Paano nangyaring sa ganito nauwi ang lahat? The day started out great. Nagising siyang puno ng enerhiya at sabik na sabik na marating ang simabahan na pagdadausan ng kasal. Napakaganda niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili nang matapos na ang make-up artist sa kanya. It had been perfect, walang nangyaring mga aberya. Stefan was waiting at the altar when Gilliane walk down the isle. There was no indication that something catastrophic was about to happen. Nais niyang maniwala sa isang masamang panaginip lamang ang lahat at anumang sandali ay magigising na siya. Paggising niya ay matatagpuan niyang maayos ang lahat, walang kaguluhan o komplikasyon. Everything was exactly where they were supposed to be. When she wakes up, everything in her life would be perfect again. She just had to go through this nightmare. That she would wake up soon.

Gilliane refused to believe everything that happened was true. Hindi niya nais paniwalaan na tinakbuhan siya ng lalaking mahal na mahal niya sa altar. Hindi sinabi ni Stefan na hindi na siya nito mahal, na may mahal na itong iba. How could that even be a possibility? They had been together for almost fifteen years. How could he stop loving her? How could he fall for someone else? How could she not be the one?

Halos hindi niya namalayan ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata. She supposed it was okay to cry when one is dreaming. Nakakaiyak namang talaga kung iisiping nangyari iyon sa totoong buhay. Stefan left her in her dream. He ran away when they were about to exchange vows.

She was going to sleep. She was going to sleep in her dream. Paggising niya, araw na ng kanyang kasal. Ibinagsak ni Gilliane ang sarili sa kanyang kama. Paggsing niya ay magiging perpekto na uli ang lahat, iyon ang kanyang naiisip bago niya ipikit ang mga mata. Paggising niya, nakangiting mukha na ni Stefan ang bubungad sa kanya.

Ngunit mukha ni Phoebe ang unang bumungad pagmulat ng mga mata ni Gilliane. Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatunghay sa kanya. "Hey," nakangiti at banayad nitong bati. Sinikap na huwag ipakita sa kanya ng kaibigan ngunit nakita pa rin ni Gilliane ang awa sa mga mata nito. "How are you feeling?"

"Stefan?" tanong ni Gilliane. Hindi niya makakalimutan ang naging panaginip. Iniwan daw siya ni Stefan sa simbahan. Hindi natuloy ang kanilang kasal.

Hindi siya kaagad nasagot ni Phoebe. Napuno ng pag-aatubili ang mga mata ng kaibigan. Ibinuka nito ang bibig pero walang anumang lumabas na salita dito, tila nag-iisip ito ng sasabihin sa kanya habang nakatitig lang sa mga mata niya.

"Tell me," ang mariing utos ni Gilliane. Hanggang maaari ay hindi nagsisinungaling sa kanya si Phoebe.

"He... he's gone, Gilliane."

Hindi na siya gaanong nagulat. Unti-unti nang nanunuot sa kanya ang katotohanan na hindi masamang panaginip lang ang naganap. Masakit man ay totoong iniwan siya. Totoong hindi natuloy ang kasal. Ngunit hindi niya hinayaan na lubos iyong matanggap ng sarili. Umiling-iling si Gilliane. "No. No. No."

Muling ipinikit ni Gilliane ang mga mata. Hindi pa tapos ang masamang panaginip. Hindi pa siya ganap na nagigising. Nagbalik siya sa pagtulog.

Nang muling magmulat ng mga mata si Gilliane ay umiiyak na anyo ng kanyang ina ang kanyang nabungaran. Unti-unti siyang bumangon sa kama. Napakabigat ng kanyang ulo. Napakabigat ng kanyang buong katawan. Inabot siya ng ina at humahagulhol na niyakap siya ng napakahigpit.

"Ang walanghiya! Walanghiya!" wika nito sa pagitan ng paghagulhol.

"Gilliane knew something terrible had happened. Something more terrible than the fact that she had been jilted. Tumingin si Gilliane kay Phoebe na malapit din sa kama at naghihintay ng sagot sa tanong na hindi na niya kailangang sabihin pa.

Umiling ang matalik niyang kaibigan. Alam ni Gilliane na may nalalaman si Phoebe ngunit ayaw nitong dito manggaling. The news must have been so bad. Hindi niya nilubayan ng tingin ang kaibigang si Phoebe. She wanted to know.

Sa bandang huli ay napabuntong-hininga na lang ang kanyang kaibigan at sinabi sa kanya ang nalalaman.

"He's married."

Hindi kaagad naintindihan ni Gilliane ang sinabi ni Phoebe. "W-what?"

"Nagpakasal na sa ibang babae si Stefan."

"W-what? No!" Nahiling ni Gilliane na sana ay hindi na lang niya ganap na naintindihan ang sinabi nito sa kanya. "No!" Naramdaman niya ang paghigpit ng mga braso ng ina na nakayakap sa kanya ngunit nagpumilit siyang kumawala. "Hindi siya maaaeing magpakasal sa ibang babae! Sa akin siya ikakasal! You're lying to me, Phoebe! Why are you lying to me?"

"Calm down, honey," ang malumanay na tugon sa kanya ni Phoebe.

"Don't tell me to calm down!" singhal ni Gilliane.

"Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Kailan ako magigising? I can't take it anymore!"

Nang makawala si Gilliane sa ina ay si Phoebe naman ang yumakap nang mahigpit sa kanya. "It's going to be okay, honey. Everything's going to be fine."

Paano nasasabi iyon sa kanya ng kaibigan? Paano nito nasasabing magiging maayos pa ang lahat? Hindu na kailanman magiging maayos ang lahat kung hindi siya magigising sa bangungot na iyon.

"This can't happen to me. This is not happening to me!" Nagpumiglas si Gilliane. "This is not how it's supposed to be! I'm supposed to be the woman he marries. Ako! Ako na nakasama niya sa mahigit labinlimang taon!"

Gilliane was not aware she was being hysterical already. Pumalag na siya at sumisigaw. Everyone tried to calm her down. Everyone tried to hug her, restrain her. Hindi rin kasi siya aware na nagwawala na siya. She was not aware she started throwing things against the wall. She was not aware she had been crying so loud.

Hindi maipaliwanag o mabigyan ng akmang salita upang mailarawan. Ang sakit na kanyang nararamdaman. She refused to believe everything but her mind could still process the fact that Stefan married someone else. Her heart just couldn't take it. It was if someone dug a hand on her chest at it had been shredding it apart. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung paano susulong. Hindi niya alam kung paano magpapatuloy ang buhay niya ng walang Stefan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status