Habol habol ko ang hininga nang napabalikwas ako ng bangon. Basang basa ang mga mata at pisngi ko dahil sa mga luha. I sighed in relief when I saw Eva beside me, sleeping peacefully. Panaginip lang pala. Inilapit ko sa kaniya ang mukha at hinalikan siya. Muli akong humiga at iniyakap sa akin ang kaniyang braso. I can clearly remember how his mother and Hailey insulted me in my dreams. I sighed. Matatanggap ko ang pang iinsulto nila sa akin, 'wag lang nila idadamay ang anak ko. Kahit bunga siya ng isang gabing pagkakamali ay hindi maiaalis na anak ko siya. Anak namin siya ni Blake. Try to lay a finger on my daughter and they'll see.Kinuyom ko ang panga nang maalala ang bawat pang iinsulto nila sa akin, maging ang paraan kung paano nila ako tignan nang may halong pandidiri."Oh, ang aga mo naman?" tanong sa akin ni tita alas singko nang nagkakape ako sa kusina habang nag tatrabaho. Hindi na kasi ako muling hinila pa ng antok nang magising mula sa masamang panaginip na iyon. Kaya na
Sa ilalim ng mga malamlam na ilaw ng bar, naglakad ako at umaasa na makita si Blake. Ngunit sa kabila ng paghahanap ko sa paligid, parang wala naman siya sa lugar na ito. Namalikmata lang ba ako? Ang pait ng alak na aking iniinom ay naglalaro sa aking dila, samantalang ang pait ng pangungulila ang bumabalot sa aking puso.Naglakad pa ako muli sa paligid, tiningnan ang bawat mukha ng mga lalaking nasa paligid, umaasa na makita ang anumang bakas ni Blake. Ngunit sa tuwing isang lalaki ang tinitigan ko, parang walang katugmang pag-asa ang bumabalot sa aking puso.Ang ingay ng musika at tawa sa paligid ay tila nagpapalakas ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Eva kapag hindi ko siya matagpuan. Ang bawat minuto na lumilipas ay tila isang pako na pumupunit sa aking puso.Sa gitna ng gulo at pangungulila, isang malamig na boses ang biglang sumalubong sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Blake. Malamig ang tingin na sinalubong niya sa akin. Ang hawak na baso
Ipinikit ko ng madiin ang mga mata, tumango ako bago mahinang sumagot. Enough for him to hear the truth from me. "Y-yes-" Ngunit agad din itong nasapawan at sabay kaming napalingon sa labas ng kwarto nang marinig ang pamilyar na pambabaeng boses. "Blakey?"Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagkabog nito. That's Hailey! Memories of my dream with her and Blake's mother insulting me came rushing down. Balisa akong tumayo at umalis sa kama, wala na sa isip na wala pa rin akong saplot. Pinulot ko ang mga nagkalat na damit sa sahig at agad kumaripas ng takbo sa loob ng banyo. "Hey, what are you doing here?" dinig kong sambit ni Blake mula sa labas, marahil ay pumasok na si Hailey sa kwarto matapos kong ilock ang pinto ng banyo. Huminga ako ng malalim at mabilis na nagsuot ng damit. Nakakapasok si Hailey sa bahay niya... at sa kwarto niya? Parang tinusok ng karayom ang puso ko. I didn't know they were that close to step into one's property. Ngunit siguro ay matagal na ta
Malamyang tumayo si Blake mula sa pagkakaupo at matalim agad ang tingin na idinako sa akin.Hinawakan ko ang kamay ni Eva ng mahigpit at inilapit pa lalo sa akin. Sinubukan ko siyang itago sa aking likuran ngunit makulit ito at sinisilip ang lalaking nakatayo sa aming harapan. "Finally," bungad ni Luca, tumayo siya at nakapamewang na nakatingin sa amin. "This guy right here is waiting for you like hours, what took you so long? I'm fucking hungry!" he roll his eyes after looking at his wrist watch, agad naman siyang sinuway ni tita na tumahimik, aangal pa sa ito ngunit nilapitan na siya ni tita at kinurot sa tagiliran kaya sa huli ay nanahimik na lang. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Blake, hindi pinapansin ang nagrereklamong si Luca dahil sa pagkurot sa kaniya ni tita. Nanliit ang mga mata niya bago nagsalita. "Is she my daughter?" malamig niyang tanong, hindi pinapansin ang tanong ko. Lumunok ako at sinulyapan sina tita na sa tabi namin. Tumango ito sa akin at hinila
"Mama? What you doing?" tanong ni Eva nang nadatnan ako sa kwarto na nag aayos ng gamit namin sa maleta.Magulo pa rin ang isip ko sa kung ano ang dapat gawin. Hindi naman labag ang loob ko sa gustong mangyari ni Blake, in fact, I should be happy because finally we can be a happy family.Pero ang katotohanan na hindi ko man lang nakikilala ang kaniyang mga magulang at hindi rin nila alam na may anak kami ay sobrang nakakapag pagabag sa akin."I'm packing, baby." sambit ko at inangat ang tingin sa anak. Sumampa siya sa ibabaw ng kama at kinumutan ang sarili."Why? Are we leaving? What time will papa go home?" napangisi ako sa sunod-sunod na tanong ni Eva. Halata ang pagka antok sa kaniyang boses.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at nilapitan siya. Hinayaan ko muna ang mga nagkalat na gamit sa sahig. Sumampa ako sa ibabaw ng kama at tinabihan siya roon."I don't know, baby. Maybe he'll come here later," mahina kong sambit habang hinahaplos ang kaniyang mahaba at malambot na buhok.
Hinang hina ako at tila nanlalambot ang mga tuhod pagkatapos ng nangyari sa amin ni Blake. Binuhat niya ako mula sa pagkakaupo sa sink at ibinaba sa malamig na sahig ng bath tub pagkatapos ay binuksan ito hanggang sa umagos ang tubig sa buo kong katawan. Inayos niya ako roon at umupo rin siya sa aking likuran, ngayon ay na sa gitna na ako ng kaniyang mga hita at ang ulo ko ay nakasandal sa kaniyang mainit at matigas na dibdib."I'm sorry, I just missed you so much." malambing niyang sabi malapit sa tainga ko.Ngumiti ako at hindi sumagot. Dinama ko ang mabango niyang amoy na nanunuot sa aking ilong habang hinahayaan ang sarili na malubog sa malamig na tubig sa bath tub.Hindi ko maalala kung kailan ang huling araw na naging masaya at magaan ang puso ko ng ganito. Hindi naman nawawala ang pangamba sa akin ngunit nais ko rin naman pagbigyan ang sarili na makaramdam ng saya tulad ng pinapadama ni Blake. I'm just hoping that someday everything will be okay and we can finally do things lik
Nanatili si Blake sa pagiging tahimik at masungit ang awra. Hindi na rin ako kumibo at itinuon na lamang ang atensyon kay Eva na halatang nawiwili sa mga tanawin na nakikita.May kalayuan na sa syudad ang tinatahak naming daan, ngunit nais ko mang mag tanong kay Blake ay iniisip ko na baka hindi niya lang rin ako kikibuin kaya hindi ko na ginawa.Wala na ang naglalakihang mga gusali sa lugar na aming tinatahak. Tanging mga puno at malalaking bahay o tindahan na lamang ang nakikita ko.Manila pa ba ito?Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabyahe. Tanging manila lang kasi ang napuntahan ko maliban sa aming probinsya dito sa Pilipinas kaya hindi pa rin ako maalam sa mga lugar dito.Pumasok ang sasakyan ni Blake sa isang maganda at malawak na village. Puro naglalakihan at nag-gagandahang mga bahay ang narito. Hindi ko maiwasang mamangha, may mga moderno at old style ang mga disenyo ng mga bahay. Clearly, these houses costs a fortune! Kasalukuyan pa rin akong namamangha sa natatan
"What happened?" kunot noong tanong ni Blake nang ibaba ko ang tawag at agad na nag bihis."Naaksidente daw si papa, kailangan ko siyang puntahan. Ikaw na muna ang bahala kay Eva." sambit ko habang abala sa pag aayos ng mga gamit na kailangan kong dalhin."No, we'll come with you.""Pero malayo iyon-""Exactly. Mas mabilis kung sasakyan ko ang gagamitin natin. Pack your things, ako na ang bahala sa anak natin." putol sa akin ni Blake. Agad niya akong tinalikuran para gisingin si Eva, hindi na ako nakipag talo pa dahil mas inaalala ko ang tawag ni tita Vicky tungkol kay papa.Nagbihis ako at nag ayos ng gamit samantalang si Blake na ang nag asikaso kay Eva. Sa baba ako nag hintay matapos ko aayos lahat ng gamit naming tatlo. Hindi na rin kami nagtagal nang bumaba sila, lumabas na kami ng bahay at agad na bumyahe patungo sa Nueva Ecija.Patuloy ang tanong ni Eva sa akin kung saan kami patungo at kung ano ang gagawin namin doon ngunit wala talaga ako sa sarili para sagutin ang mga tanong