Naalimpungatan si Hayacinth Miller nang mag-vibrate ang phone nito na nasa bag.
Sinagot nito ang tawag galing kay Gail Galerion na naka-base sa Denmark.
"Oh, bakit ka na naman napatawag?" nakukulitang tanong nito.
"Omg, Hayacinth!" malakas na pagkakasabi ni Gail na nasa kabilang linya.
"Huwag ka sumigaw, mabibingi ako," saad ni Hayacinth kay Gail. "Ano ba 'yon? Ano kailangan mo?"
"What the hell? Kailangan ko? Excuse me! Hindi ako tulad ng dalawang plastic friend mo na lalapitan ka lang kapag may kailangan!" malakas pa rin na boses ni Gail.
Ayan ang palaging sinasabi ni Gail kay Hayacinth simula no'ng maging close si Hayacinth kanila Ylona Aband, na inuuto lang si Hayacinth nina Ylona Aband at Beyonce Amore Rleviah at nagpapauto naman raw 'to. Sa tutuusin ay tama si Gail dahil kailanman ay hindi itinuring nila Beyonce at Ylona 'to bilang isang kaibigan.
"Oo na, kabisado ko na 'yang speech mo. Ano ba 'yon? Panay tawag ka. Nagsasayang ka lang ng load, magliwaliw ka na lang diyan sa Denmark," natatawang saad nito kay Gail.
"Tumawag ako becuase sabi ni Mom, uuwi kami sa Philippines next month!" masaya at malakas na sabi ni Gail.
Napatayo 'tong gulat ang reaksyon.
"Weh?! Kailan? Baka scam 'yan?!"
Noong third year highschool lamang sila Hayacinth and Gail ay lumipat sila Gail with her mom, Catherine Galerion sa Denmark. Dahil nando'n na rin ang iba pa nilang kamag-anak at may cosmetic business din sila Erine sa Denmark, kaya napagpasiyahan nila na do'n na rin tumira.
"Of course not, I'm not scammer. Kahit tawagan mo pa si Mom," paghahamon ni Gail.
"Talaga? Tatawagan ko si Tita Erine para i-confirm 'yan, ha?"
"The hell, Hayacinth! Go ahead! Wala kang tiwala sa 'kin?!" nasaad ni Gail. "Pero sa plastic friend mo, mero'n? That's stupid!"
Wala sa oras na napakamot sa batok si Hayacinth.
"Hoy! I was joking," saad ni Hayacinth sa kaibigan.
"Then, your joke is corny."
"Hays, hindi ka mabiro. May period ka, 'no? Or bad mood ka?" pang-aasar nito kay Gail.
"Hell, I don't have period. Bad mood lang," aniya ni Gail.
Matapos ang mahabang pag-uusap nina Hayacinth at Gail ay nagpaalam na agad si Hayacinth dahil tinawag siya ng stepsister niyang si Suzzie Miller para sumabay na 'to sa haponan nila ngayong araw.
Awkward na umupo si Hayacinth sa tabi banda ng kaniyang stepsister na si Sue, hindi sila masyadong close ni Sue. Minsan lang sila magkasundo dahil sa sarcastic na ugali ng stepsister nito.
"Nagwalis ako kanina, tapos maraming naglagas na buhok sa sahig," saad ng stepmother ni Hayacinth na si Sheryl Miller. "Sue, anong oras ka natutulog?"
"Like what you said, Mom, ten o'clock at night," saad ni Sue na kumakain habang nag-ce-cellphone.
"How 'bout you, Hayacinth?" tanong ni Sheryl dito.
"A-Ah, minsan alas onse po, pero kadalasan ay ala una po," ilag na sagot nito sa stepmother niya.
May pagkastrikta si Sheryl pagdating kay Hayacinth at Sue. Pero ibinibigay ni Sheryl kay Sue ang lahat ng gusto ng anak, spoiled brat ba. Ayon ang pinagkaiba ni Hayacinth at Sue. Higit sa lahat ay ayaw ni Sheryl na bumaba ang academic grade nila dahil kahihiyan daw ang maabot ng pamilya nila.
"Then, you proud about it?" striktang tono ni Sheryl na ikinayuko ng ulo nito at umiling bilang sagot. "Madaling araw ka na natutulog, Hayacinth? You have already money to pay the hospital bill?"
Umiling ulit 'to.
"Stop that, Sheryl. Nasa hapag kainan tayo para kumain. Hindi para sa ganiyan," singit ng papa nila Hayacinth, Hixo Miller. "Sue, kumakain tayo. Mamaya ka na mag-cellphone pagtapos mo kumain."
"Kinakampihan mo ba 'tong anak mong si Hayacinth?" tanong ni Sheryl kay Hixo. "She's wrong, pinapaalalahanan ko lang si Hayacinth na tigil-tigilan ang pagtulog ng madaling araw. She already has anemia, 'di ba?"
"Hayaan mo na siya, nineteen na siya. Alam niya na pinaggawa niya sa buhay niya," saad ni Hixo.
"Kaya hindi natututo 'yan," bulong ni Sheryl sa hangin.
***
"This is yours?" tanong ni Sue kay Hayacinth at pinakita ang librong hawak nito.
Nang akmang kukunin na ni Hayacinth ang librong hawak nito ay inilayo ni Sue 'to. Kaya napangiwi na lang si Hayacinth.
"I asking you, kung sa 'yo ba 'tong poor book?" tanong ulit ni Sue.
Napahinga nang malalim 'to bago sumagot.
"Akin nga 'yan. Nakaraan ko pa hinahanap." sabay kuha nito sa libro.
"Oh, so, nahanap ko 'yang poor book mo, right? Kaya dapat may reward ako, Ate Hayacinth?" madiing sabi ni Sue sa huling salitang binitawan.
Bihira lang tawagin ni Sue si Hayacinth na ate. At kapag tinawag niya 'tong ate ay ibig sabihin may kailangan siya, ayon ang natural na gawain niya. Second year senior highschool si Sue sa strand na HUMSS sa School of Santo Tomas. Habang sa School of Philippines naman nag-aaral si Hayacinth ng first year college sa kursong Culinary Arts.
Napailing na lang 'to sa ugali ni Sue.
"Anong reward naman ang gusto mo?" nauubusan na pasensyang tanong ni Hayacinth sa stepsister.
Kung hindi niya lang 'to kadugo ay matagal niya ng binalibag 'to.
"Tulungan mo akong lusutan si Mom" bulong ni Sue. "May friend party kasi kami. So, I need to go. Kilala mo naman si Mom, masyado siyang strikta."
"Kapag ginawa ko 'yan, ako malilintikan?" sabi nito.
"No, it's kind of lies, I mean secret. So, hindi malalaman ni Mom 'to and that's my reward, 'di ba?" pamimilit ni Sue. "Please, Ate?"
"Sige, pero sa isang kondisyon."
"Hays, what kind of condition naman?"
"Kailangan kong malaman, kung saan, kailan at anong oras ang friend party mo?" tanong ni Hayacinth sa kaniya.
"Saan is sa bahay ng friend ko slash clsssmate kong si Chloe. And kailan ay sa next Saturday, exactly 8:00 in the evening."
"Ano? Alas otso ng gabi? Hindi, masyadong delikado 'yang friend party na 'yan," saad nito na ikinataray ni Sue.
"Kaya nga ako magpapatulong sa 'yo kasi nga hindi a-agree si Mom," saad ni Sue. "Tapos pareho lang pala kayo ni Mom."
"Bakit hindi ka muna kasi magpaalam kay Tita Sheryl? I'm sure na papayag si Tita Sheryl kasi ikaw naman 'yan, eh. Kumpara sa lulusutan natin siya, edi, lintik lang ang walang sabit sa 'ting dalawa," saad naman ni Hayacinth.
Padabog na pumasok si Sue sa kwarto niya. At napailing na lang din na pumasok si Hayacinth sa kwarto nito.
Puro bonding with her friends si Sue. Ilang beses na rin 'to pasikretong umalis noon para lang maka-attend sa party ng mga kaibigan niya. Pero dalawang beses na rin napagalitan si Sue ni Sheryl at Hixo dahil sa pag-alis niya na walang pasabi. Siyempre, nadamay no'n si Hayacinth, dahil bilang isang nakakatandang kapatid ay tungkulin niyang bantayan si Sue.
***
Umupo si Hayacinth sa harap ng study table niya.
"Akala ko kung saan ka na napadpad," tangang saad ni Hayacinth sa hawak nitong libro. "Tingnan mo nga naman 'tong si Sue. Ano kaya pinaggagawa niya sa sa 'yo? At nawala 'yong sticky note na nakadikit sa gitnang pahina."
Paulit-ulit nitong nilipat ang pahina para makita ang sticky note kung saan nakalagay ang information nito, para sakaling mawala ang libro ay maibalik.
"Loka talaga si Sue, tatanong-tanong pa kung sa 'kin 'to. Eh, mukha namang nabasa niya ang sticky note kaya naalis," saad nito na napailing.
Kumuha 'to ng isang sticky note at isinulat ang information nito para sakaling mawala na naman.
Sobrang halaga ng librong 'to para kay Hayacinth. Dahil binigay 'to ng taong nag-aruga sa kaniya noon na ngayon ay hindi niya na alam kung nasaan na si Lexie Miller, lola nito sa side ng papa niya. Halos kasabayan din nila Gail umalis si Lexie, pumunta 'to sa Singapore para magpagamot sa sakit niyang diabetes. Ang nakakalungkot lang para kay Hayacinth ay hindi man lang nagpaalam si Lexie sa apo bago lumisan.
"Pupunta ako sa Singapore. Tutal malapit lang naman ang bansang 'yon dito sa Pilipinas," malungkot na saad ni Hayacinth na nakatunghay lang sa libro. "Shemay, tama na ang drama."
Pinunasan nito ang luha niyang pumatak sa pisngi niya at iniligay ang libro sa loob ng tooth bag nito.
Saka kinuha ang wallet niya para tingnan kung may pang-gas pa ba 'to bukas, kasi may pasok siya bukas kahit araw ng Sabado. Paiba-iba talaga ang schedule ng culinary art student.
Tinuon na lang ni Hayacinth ang atensyon nito sa pag-aayos ng schedule at notes niya para bukas.
***
"What did I say? 'Di ba, huwag ka na mag-motor?" saad ni Sheryl ng makita si Hayacinth na akmang sasakay na sa motor nito na ginagamit niya pagpumapasok sa school.
"Hmm, mas makakatipid po kasi ako kung hindi ako mag-commute," saad ni Hayacinth sa stepmother.
"Mas makakatipid ka kung maglalakad ka. Dahil gumagastos ka rin sa pagbili ng gas, 'di ba?"
Walang nagawang tumango 'to bilang sagot.
"At lapitin sa aksidente ang motor. Baka magulat kami nasa kulungan ka na," saad ni Sheryl dito. "Lalo't nasa legal age ka na, pwede ka na makulong."
"Hmm, ngayon na lang po ako mag-mo-motor. Bukas at sa susunod ng mga bukas ay mag-commute na po ako, Tita."
"Good, don't forget na bawal gumala. Kailangan mong umuwi sa tamang oras, hindi ka pwedeng ma-late ni isang minuto," saad ulit ni Sheryl na animo nananakot. "Kung ayaw mong pagsarahan kita ng gate at main door."
Tumango na lang si Hayacinth sa kaniya bago pumara ng taxi si Sheryl at sumakay paalis.
"Bantay sarado, sana naging security guard na lang si Tita Sheryl," nasaad nito at pinaandar na ang motor.
Pagkarating ni Hayacinth sa cooking room ay naabutan niya si Ylona at Beyonce na busy sa paglilinis ng mga gamit nila.
"Oh, here you are. Good thing you're not late," nakangiting sabi ni Ylona.
"Himala, hindi ka na-late, ah," pang-aasar ni Beyonce.
'Di hamak na mas matino si Ylona Aband than Beyonce Amore. May pagka-over acting si Ylona pero masayahin naman siya. At si Beyonce naman ay may pagkamaldita na ugali, maarte pero friendly din naman siya tulad ni Sue.
"Oo, bagong buhay, eh," nasaad nito sa dalawang kaibigan. "Oo nga pala, nagbago na naman schedule natin, ah."
"Yah, it's changed again," saad ni Ylona.
"I don't know kung ano napapala nila sa pabago-bagong schedule. Ako naiirita sa kanila, eh," maarteng saad ni Beyonce at pinunasan ang kamay niya ng tissue matapos niya ring punasan ang mga garapon sa cabinet niya.
"You know, guys, that the professors probably have another plan for the collaboration project," saad ni Ylona.
"Collab ng business management student and tayong culinary student?" tanong naman ni Hayacinth.
"What do you mean?" tanong ni Beyonce. "Na mahihirapan na naman tayo ulit. Nonsense project to pass this bullshit semester!"
Dapat noong first semester ang collaboration project nila ngunit na-cancelled 'to, kaya mukhang ngayong second semester 'to ipapagawa.
"Hinay-hinay sa pagmumura," natawang saad ni Hayacinth sa kabigang si Beyonce na na-bad trip sa mga alikabok. "Gano'n talaga, walang madaling kurso at walang successful person na hindi nahirapan. Sabi nga ng iba na madali lang daw ang kursong culinary, pero sa totoo ay hindi rin."
"Shut up, Hayacinth. You're just saying that because you're smarter than us," saad ni Ylona.
"Hindi 'no. Sinabi ko 'yon kasi ayon ang nasa utak ko," defense nito.
"Ylona is correct! Mas matalino ka kaysa sa 'min, kaya hindi ka maka-get over sa sinasabi namin," saad naman ni Beyonce.
"See, we have the same mindset, Beyonce," masayang saad ni Ylona kay Beyonce.
"But we have different personality," dugtong ni Beyonce sa sinabi ni Ylona.
"Yah, I'm kind then you're cursed, it's really different."
"That's the bullshit, Ylona! Hindi ako maldita, 'no," inis na sabi ni Beyonce.
Kinuha ni Hayacinth ang uniform nito at tinupi bago ilagay sa bag, habang pinapakinggan sila Ylona na nagbabangayan.
Paglilinis ng gamit dito sa cooking room ang kailangan nilang atupagin ngayong oras, dahil tulad nga ng sinasabi ng Chef nila na si Dana Quinta na 'cleanliness is the most important thing in the kitchen'.
"Oo nga pala, Hayacinth. Mukhang paborito ka rin ni Chef Dana. Kasi nga matalino ka tapos okay na rin ang ugali mo. Hindi masama at hindi rin naman mabait, sakto lang," saad ni Beyonce.
Napangiwing umiling si Hayacinth.
"Walang favoritism si Chef Dana. College tayo, hindi kinder. Kaya hindi na uso ang favoritism na 'yan," saad ni Hayacinth sa kanila. "Isa pa, alam naman natin na si Gelo ang pinakagustong estudyante ni Chef Dana sa batch na 'to."
"Holy moly! Don't speak bad word, Hayacinth!" Biglang sigaw ni Ylona.
"Wala akong sinabing bad word," tangang saad ni Hayacinth.
"Gelo word are bad word for her, it's a curse," bulong ni Beyonce kay Hayacinth.
Gelo Cyprus is Ylona's ex girlfriend. They’ve been together for six months but just last month, they broke up and don’t know what the reason, why they broke up.
Pag-uwi ni Hayacinth galing school ay nakatayo si Sue sa pintuan ng kwarto niya na nakatingin dito.Nang akmang pipihitin na ni Hayacinth ang doorknob ng pinto ng kwarto niya ay lumapit si Sue dito. "I thought na whole day schedule mo. Mabuti na lang at half day ka ngayon," sabi ni Sue. Binalewala ni Hayacinth ang sinabi ni Sue dahil sa pagod. Pero sumunod si Sue dito ng pumasok si Hayacinth sa kwarto nito. Naupo si Hayacinth sa harap ng study table at nahiga naman si Sue sa kama nito. "I'm a ghost or you're a ghost?" tanong ni Sue. "Yuho! I'm talking to you!" Inikot ni Hayacinth ang upuan na kinauupuan niya sa way ni Sue. "Ano ba 'yon? Diretsuhin mo na ako, kung bakit ka nandito? Dahil ba sa friend party mo?" pagod na sabi nito. "Yes, tumpak! Tatawagin kitang unlucky girl kung hindi mo ibibigay ang reward ko, which is tulungan mo akong maka-attend sa friend party ko," mahabang saad ni Sue. "Seryoso k
Takbo at lakad na nagtungo si Hayacinth sa library. Today is Wednesday kaya kailangan niyang magtungo sa library upang tumulong dahil siyempre isa siyang scholar student. Tuwing Wednesday lang 'to nagpupunta para ayusin ang mga libro at linisan ang mga study table dito. "Ikaw na magpunas ng mga lamesa at upuan," saad ni Faye, scholar student din tulad nito. "Ako na mag-aayos ng mga libro." "Sige," tugon nito at binaba ang tooth bag niya at kinuha ang basahan. Kapag clean time ng library sa university nito ay sinasara ang library. Mahalaga ang library para sa tulad nilang college student pero noong elementary 'to sa isang public school ay kala mo ginto ang bawat pahina ng libro dahil parating nakasara library. Nang matapos nina Hayacinth at Faye ang paglilinis ng buong library ay sabay na silang nagpunta ng cafeteria. Hindi naman sila gano'n ka-close ni Faye dahil minsan lang sila magkausap at magkaiba sila ng kurso, nasa Business Management De
"Mag-almusal ka muna, Hayacinth," saad ni Papa, Hixo Miller.Napangiti ako ng sa unang pagkatataon ay sinabi niya 'yon. Hindi kasi kami palaging nagkakauusap ni Papa dahil sometimes lang siyang umuwi rito sa bahay dahil busy siya sa pag-assist ng wine business. Dati sabi sa 'kin ni Lola Lexxie na si Papa raw ay may malaking wine business pero nalugi raw 'yon kaya binili ng family ni Ylona ang company. Hays, ewan ko ba kung may katotohan. Dahil no'ng kinumpirma ko si Ylona, eh, salungat naman siya sa sinabi ni Lola."Hayaan mo na siya, malaki na 'yan," sabi ni Tita Sheryl.Ngumiti ako bago tuluyang umalis.Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Tita Sheryl.Hays, hindi ka pa nasanay Cinth?Nang makarating ako sa University ay dinaig ko pa ang matamlay na aso. Mas hindi maganda ang araw ko ngayon kumpara no'ng nagdaang araw.***"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Gelo na bigla na lang sumipot.Umupo 'to sa tabi ko.