Takbo at lakad na nagtungo si Hayacinth sa library. Today is Wednesday kaya kailangan niyang magtungo sa library upang tumulong dahil siyempre isa siyang scholar student. Tuwing Wednesday lang 'to nagpupunta para ayusin ang mga libro at linisan ang mga study table dito.
"Ikaw na magpunas ng mga lamesa at upuan," saad ni Faye, scholar student din tulad nito. "Ako na mag-aayos ng mga libro."
"Sige," tugon nito at binaba ang tooth bag niya at kinuha ang basahan.
Kapag clean time ng library sa university nito ay sinasara ang library. Mahalaga ang library para sa tulad nilang college student pero noong elementary 'to sa isang public school ay kala mo ginto ang bawat pahina ng libro dahil parating nakasara library.
Nang matapos nina Hayacinth at Faye ang paglilinis ng buong library ay sabay na silang nagpunta ng cafeteria.
Hindi naman sila gano'n ka-close ni Faye dahil minsan lang sila magkausap at magkaiba sila ng kurso, nasa Business Management Department 'to.
"Oo nga pala, business management student ka, 'di ba?" tanong ni Hayacinth kay Faye.
"Oo, hindi ko pa ba nasabi sa 'yo 'yon?" balik na tanong niya.
"Ah, nasabi muna kaso nakalimutan ko lang," saad nito. "Mero'n din ba kayong collaboration project?"
"Oo naman, bakit? Gusto mo maging partner tayo?" tanong ni Faye. "Wala ka pa bang partner?"
Umiling 'to.
"Wala pa, eh. Kaya nga balak ko ngang maka-partner ka, 'no? Wala kasi akong kakilalang business student bukod sa 'yo," saad nito kay Faye.
"Sayang kaso kasi," saad ni Faye.
"Kasi?" sambit nito.
"May partner na ako."
Napatango at napangiti na lang si Hayacinth.
"Gano'n ba? Buti ka pa mero'n, ako wala. Mahirap talaga kapag walang connections," natatawang saad nito kay Faye.
"Sorry talaga," sambit ni Faye.
"Sus, okay lang naman."
"Pero may blockmate ako, hindi ko siya close pero mukhang naghahanap din siya ng culinary student partner para sa project," mahabang saad ni Faye. "Ano, Hayacinth? Reto na kita? Hindi ka magsisisi."
Natawa sila pareho.
"Baka naman mero'n na siyang partner, kaya huwag na lang, maghahanap na lang ako."
"Wala pa siyang partner, kakasabi ko lang, 'di ba?" sabi niya na inilingan si Hayacinth. "Blockmate mo yata 'yong partner ko sa project. Niyaya niya ako and hindi ko in-expect 'yon."
Napakunot si Hayacinth.
"Blockmate ko? Sino? Ylona ang pangalan or Beyonce?" tanong ni Hayacinth.
"Si Gelo Cyprus. hindi ba, isa siya sa magaling na culinary student?" tanong ni Faye.
"Ah, si Gelo. Oo, magaling 'yon," saad ni Hayacinth.
"Ay, may ipapasa nga pala akong file," saad ni Faye at tumayo na. "Ano? Mauna na ako."
"Sige, ingat ka," saad ni Hayacinth.
"Salamat, pakikilala kita kay Hayd, bye!" sabay kaway nito.
"Kanino raw? Kay Hide or Hades?" gulo na tanong ni Hayacinth na hindi narinig ng maayos ang sinabi ni Faye dahil natuon ang pansin nito sa pag-vibrate ng phone nito.
Mabilis niyang kinuha 'to mula sa tooth bag at sinagot ang tawag mula sa unknown number.
Baka ang tumawag ay ang nakapulot ng libro nito na mukhang naiwala nito sa may LRT station.
"Hello po, saan po niyo nakuha ang libro ko?" mabilis na tanong ni Hayacinth sa kabilang linya. "Ah, hello po? hello?"
"What are you saying na nakuha ko ang libro?" tanong ng isang babae.
"Ah, sino po ba sila?" natanong ni Hayacinth. "Mukhang wrong call po kayo."
"Maybe, but did you know Hayacinth Miller?"
"Hmm, ako po 'yon," sagot nito sa kabilang linya.
"Oh, so, this is your number, Hayacinth?" patanong na saad ng babae.
"Yes po, sino po sila?" tanong ulit ni Hayacinth.
"I'm Ylona's mother. I just want to know kung buhay pa ba ang anak ni Helenah."
"Ah, nice to meet you po. Salamat sa pag-alam po na buhay pa rin ako," saad nito.
"Yah, By the way, I'm Eunice Yoon Aband, call me Yoon," saad ng babae na mother pala ni Ylona.
Ano namang sayda niya?
Kaibigan ni Eunice Yoon si Helanah noong twenty's pa lamang sila at simula noong namatay si Helenah, eh, ngayon lang ulit siya nagparamdam.
"Okay, Yoon," pilosopong saad ni Hayacinth.
"What? Yoon?" gulat na sambit ni Eunice. "I mean call me Yoon with respect," pagklaro ni Eunice dito.
"Ah, sige po, Mrs. Yoon?"
***
"Gusto mo?" sabay na inabot ni Beyonce ang milk tea kay Hayacinth.
"Hindi," iling na tanggi nito. "Bakit mo naman tinapon ng gano'n?"
Tinapon bigla ni Beyonce ang milk tea kung saan lang.
"Ayaw mo, eh. At tsaka ang pangit ng lasa, mapait," saad nito.
Humahanap kasi ng tiyempo si Hayacinth na magtanong kay Beyonce.
"Eunice Yoon Aband, why are you interested?" tanong ni Beyonce.
"Ah, Eunice pala 'yon. Nakalimutan ko name ni Tita Eunice," palusot ni Hayacinth sa katanungan nito.
Tinanong niya si Beyonce kung anong name ng mother ni Ylona dahil mula sa isang marangyang pamilya sila Ylona kaya bakit tatawag 'to sa kaniya para lang kumustahin 'to? Pero siguro trip niya lang. Pero mabuti ng inalam ni Hayacinth kung totoo bang si Eunice Yoon Aband ang tumawag, ang nakausap niya sa cellphone. Dahil baka mamaya ay doubleganger lang ni Eunice ang nakausap nito.
***
Dalawang araw na ang lumipas simula noong tumawag si Eunice Yoon na ngayon ay inimbitahan sila Sheryl sa isang dinner bukas.
"So, ano na, Hayacinth?" tanong ni Sue dito about sa friends party niya na ngayong araw na magaganap.
"Oo na, hindi ko kinalimutan," sagot nito. "Bakit ba atat ka? Eh, sabi mo mamayang gabi pa ng alas otso 'yon, 'di ba?"
"Yes, But I want to remind you about my friends party baka kasi nakalimutan mo kasi makakalimutin ka pa naman," saad ni Sue na ikinangiwi ni Hayacinth.
"Matalas ang isipan ko, 'no."
"Talaga lang, ha," pabulong ni Sue.
Napatigil sa paghuhugas ng pinggan si Hayacinth ng may maalala siya at nilinga si Sue na nakaupo sa sopa habang inaasikaso ang regalo nito para sa kaibigan niyang si Chloe.
"Nakita mo ba ulit 'yong book ko?" tanong nito kay Sue.
"Poor book mo? Bakit nawawala na naman ang diary mo?" natawang tanong ni Sue.
"Oo, baka kamo nakita mo? At hindi 'yon diary, 'no," saad nito.
"I told you makakalimutin ka. Baka nalagay mo lang kung saan," saad ni Sue.
"Hindi ko nga makita. Baka naman na sa 'yo?"
Umiling si Sue.
"Of course nope. Ayoko na rin mahawakan ang poor book mo. Sobrang luma na, wala ka bang pera pambili ng new book?" tanong ni Sue.
Hindi siya sinagot ni Hayacinth.
"Okay, no comment," saad ni Sue.
"Nandiyan ba si Tita Sheryl?" tanong nito kay Sue na ikinailing niya.
"Wala, na kanila Tita Wendy si Mom. Mamaya pa siyang ten o'clock uuwi, kaya may one hour ako."
"Iyon naman pala," saad ni Hayacinth. "Papatulong ka pa sa 'kin, eh, wala pala rito si Tita Sheryl dito mamaya kapag lumayas ka."
"Lumayas? You mean umalis?" sabay taray niya. "Siyempre, nakikiisa sa 'kin ang destiny kaya gano'n. Pero kapag naunahan ako ni Mom na makauwi, tell her na may binili lang akong project materials sa National Books Store."
"Baka sumabit 'yang palusot mo. Naku, malilintikan ka tapos madadamay na naman ako."
"How many times to tell you na secret nga lang? So, hindi malalaman ni Mom 'yon hanggang wala nagsasabi, right?"
Tinanggal ni Hayacinth ang apron bago nagsalita.
"Ewan ko sa 'yo," nasaad na lang nito.
"Kapag naging successful ang lahat later. Bibilhan kita ng brand new book sa National Books Store. Ano ba gusto mo? Parang diary style?" tanong ni Sue.
"Salamat na lang pero hindi na kailangan," saad nito sa kaniya.
"Why? Bakit mo pagtitiisan ang poor book mo? Sobrang old na 'yon tapos peach brown pa kulay na lalong nagpa-old sa book. Wala kang taste, Hayacinth," mahabang saad niya.
Napakadaldal niya.
"Huwag mo ngang laitin ang librong 'yon. Mas brand new pa 'yon sa brand new! Ipukpok ko pa sa ulo mo 'yon kapag naibalik sa 'kin 'yon," saad nito.
"Kung maibalik pa? Kung isa akong burarang babae mas burara ka pa pala sa 'kin," natawang saad ni Sue. "Saan mo ba nawala? Dito sa bahay?"
"Ewan, pero tingin ko sa LRT ko nawala. Kasi dinala ko 'yon noong nakaraang araw tapos namalayan kong wala na sa bag ko," saad ni Hayacinth sa kaniya. "Kaya nga naghihintay ako ng tawag sa phone ko, baka maibalik pa."
Nagulat 'to nang biglang tumawa si Sue. Dahilan ng pagkabasag ng platong nabitawan nito.
"Sue, naman. Bakit ka nanggugulat?" inis na tanong nito. "Nabasag tuloy."
Napatikhim si Sue at lumapit dito.
"Omg, iligpit mo na 'yan. Dispatch the evidence or else baka mapatay ka ni mom," natatawang sabi nito. "Alam mo naman na bukod sa akin ay anak niya rin 'yang mga plato."
Napailing si Hayacinth na dinampot ang kalahati ng platong nabasag.
"Hindi ka kasi nag-iingat. Be careful next time, Hayacinth," saad ni Sue at masamang tiningnan ni Hayacinth ang step-sister na nang-aasar.
"Puro ka kasi daldal," saad ni Hayacinth. "Tuloy ayan, nabasag. May pa-dispatch-dispatch ka pang nalalaman, e-dispatch kita riyan, eh."
"Kasalanan mo 'yan. Don't blame others," saad ni Sue na kinuha na ang mga gamit sa lamesa at umakyat sa itaas, sa kwarto niya.
Sinundan lang nang tingin ni Hayacinth 'to at napailing.
Napainda sa sakit si Hayacinth ng mahawakan niya ang gilid ng platong nabasag dahilan ng pagdugo ng hintuturo niya.
"Shems," nasambit nito.
Niligpit na nito ang mga bubog dahil baka malintikan siya kay Sheryl kapag nagkataon. Dahil pagdating sa gamit ay maingat 'to at responsable.
***
"Hayacinth! Aalis na ako!" Sigaw ni Sue sa labas ng kwarto nito.
Lumabas si Hayacinth ng kwarto nito matapos lagyan ng band-aid ang sugat sa hintuturo.
"Seven o'clock na tapos sasakay pa ako, kaya dapat maaga ako," saad ni Sue.
"Mag-commute ka? Gabi na tapos mag-commute ka pa? Delikado 'yon, Sue. Gaano ba kalayo 'yon?" tanong nito kay Sue na naka-dress, ready na ready na sa pagpunta sa friends party.
"Oo, siyempre mag-commute ako. At hindi naman delikado 'yon at ngayon na lang din 'to," saad ni Sue.
Napahawak sa batok si Hayacinth na animo'y na-stress ng bonggang-bongga rito kay Sue.
"Anong hindi? Delikado 'yon," madiin na saad nito kay Sue.
"Omg, kala ko okay na at tutulungan mo ako? Pareho kayo ni Ate Gail na masyadong over-acting at negative thinker," saad ni Sue.
"Sue, naman. Paano kung may masamang mangyari sa 'yo? Ako ang malalagot? Baka ilibing ako ng buhay niyan na hindi pa nakaka-graduate sa kolehiyo," inis na saad ni Hayacinth.
"Nakakainis ka! Mag-eighteen na rin ako," saad ni Sue. "Dapat nga hindi na ako nagpapaalam dahil nasa legal age na rin ako."
"Wala ka pa sa legal age, nineteen ka pa lang, huwag kang advance," saad nito.
"I don't care about age! Kailangan ko ng pumunta kasi sinabi ko na na-a-attend ako!" malakas na boses niya. "Thirty minutes na lang ako mag-stay do'n, hindi one hour, ano?"
Tiningnan lang ni Hayacinth si Sue ng may maalala 'to na palagi na lang 'tong naiipit sa complicated situation, kung saan laging may choices tulad sa pagkamatay ni Helenah na dahil sa katangahan nito ay parang nagalit ang mundo para kay Hayacinth.
Isang iglap ay nagbago ang lahat kaya hindi malayong maihintulad ni Hayacinth ang sarili kay Sue.
Pero anong magagawa niya kung mapilit talaga si Sue?
"Hoy! Ano payag ka? Thirty minutes na lang ako ro'n!" malakas na boses ni Sue na ikinabalik ng diwa ni Hayacinth mula sa malalim na pag-iisip.
"Eh, ano pa nga ba? Oo na," nasaad na lang ni Hayacinth.
Napangiti si Sue at nagmadali ng bumaba na sinundan ni Hayacinth.
"Siguraduhin mong perfect time kang makauwi para hindi tayo malintikan," saad nito na ikinatango ni Sue.
Nang makaalis na si Sue ay bumalik na siya sa kwarto niya at tinext si Sue na umuwi agad bago makauwi si Sheryl.
Ilang minuto lang ang lumipas at biglang kinabahan si Hayacinth ng may marinig 'tong ingay mula sa ibaba.
Hindi pa nga yata nakakarating si Sue sa party place tapos baka nakauwi na si Sheryl dito.
Mabilis na bumaba si Hayacinth para silipin kung sino ang dumating, si Hixo pala.
"Nasaan si Sue?" tanong ni Hixo na inaayos ang briefcase niya.
"A-Ah, nasa kwarto niya po," kabado at pagsisinungaling nito.
"Si Sheryl nakauwi na ba?" tanong ulit ni Hixo dito.
"Hindi pa po."
"Pakisabi kay Sheryl na may out of town meeting ako," saad nito. "Huwag na lang pala, text ko na lang siya."
Napatango na lang 'to bilang tugon.
Masyadong busy si Hixo, walang oras para man lang sa totoo niyang anak.
"Hays, shemay. Kala ko si Tita Sheryl na," saad nito at napahingang malalim na pumanhik na ulit sa kwarto.
***
Nagising si Hayacinth ng maalimpungatan dahil sa sunod-sunod na katok mula sa kwarto nito.
"Hayacinth! Open the door!" malakas na saad ni Sheryl kasabay nang pagkatok.
Binuksan ni Hayacinth ang pinto.
"Nasaan si Sue? May sinabi ba siya sa 'yo kung saan siya pupunta?" bungad na tanong ni Sheryl.
"Wala pa po ba si Sue?" nadulas na saad nito.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, malilintikan sila. Malapit ng mag-alas dose pero mukhang hindi pa rin nakakauwi si Sue.
"Wala pa ba? Umalis siya? Saan siya nagpunta?" strikta na sunod-sunod na tanong ni Sheryl.
"Ah, may binili lang siguro si Sue sa National Books Store," saad ni Hayacinth na pilit tinatago ang kaba sa dibdib.
"Malapit ng mag-twelve o'clock then pupunta siya sa National Books Store? Nine o'clock nagsasara ang mga mall or National Books Store."
Napahinga nang malalim si Hayacinth.
Gagawa na nga lang ng palusot si Sue, mali pa.
"Your a liar, Hayacinth. How many times to tell you na hindi kayo pwedeng umalis ng gabi? Tinulungan mo ba si Sue?" galit na saad ni Sheryl.
"Kasi importante po 'yong pupuntahan niya," nasaad na lang ni Hayacinth.
"Kapag may nangyaring masama kay Sue ikaw ang mananagot! Huwag mong idamay si Sue sa katangahan mo! Baka matulad siya kay Helenah na namatay dahil sa kamalasan mo!" Sigaw ni Sheryl at tinawagan si Sue sa phone.
Napayuko na lang 'to.
***
Nakaupo sa sopa si Hayacinth na katabi si Sue na umiiyak.
"Anong pumasok sa utak mo, Sue? Twelve twenty-five na ng madaling araw, ngayon ka lang umuwi?! Suzzie!" Galit na sigaw ni Sheryl sa anak. "Tapos uminom ka ng wine?! Kailan ka pa natutong maglasing?!"
"M-Mom, gusto ko lang namang um-attend sa friends party," saad ni Sue na parang batang umiiyak.
"Paano kung napahamak ka, Suzzie?" tanong ni Sheryl.
"Hindi naman, ah," sagot ni Sue. "At si Hayacinth ang pumilit sa 'kin."
Kusang napatingin si Hayacinth kay Sue at napangiwi.
"Sabi ko na nga ba. Ikaw lang naman, Hayacinth, ang lumilikha ng kamalasan dito!" Galit na sigaw pa rin ni Sheryl at napaupo siya ng makaramdam ng hilo.
"Hindi na talaga ako a-attend sa friends party pero Hayacinth's suggest na okay lang um-attend," pagsisinungaling ni Sue at hindi makapaniwala ang reaksyon ni Hayacinth.
Hindi talaga mapagkakatiwalaan si Sue, she's a traitor.
"Layas!" sambit ni Sheryl.
"Mom? Lalayas ako? No way!" natatakot na sabi ni Sue na naiyak na naman.
"Layas, Hayacinth!" pagklaro ni Sheryl.
"P-Po? Pero wala naman po akong ginawa, may misunderstanding lang," kabadong saad nito. "Sue, ano bang sinasabi mong pinilit kita?"
"Oo! I'm not a liar, pinilit mo talaga akong umalis," pagdidiin ni Sue.
"Umalis ka na, Hayacinth, sa pamamahay ko! Puro lang kamalasan ang dinadala mo! Pumayag na nga akong tumira ka rito! Tiniis ko ang six years na nandito ka!" Galit at madiing sigaw ni Sheryl. "Pareho kayo ng mama mo na laging sinira ang mapayapang pamumuhay namin!"
"Ano pong sinisira namin ng mama ko ang buhay niyo?" hindi napigilang tanong ni Hayacinth pero pinipigilang pumatak ang luha nito.
"Oo, bakit hindi ba?" tanong ni Sheryl. "Kaya nga binubuhos ni Hixo ang buong atensyon sa pagtatrabaho para kalimutan si Helenah. Kung hindi lang kayo nag-exist ni Helenah sana masaya ang pamilya namin na wala ka!"
"Dapat nga ako ang magalit sa 'nyo, Tita Sheryl. Kasi kami nina mama ang tunay na pamilya ni papa, hindi kayo," matapang na saad nito. "Pero inagaw niyo ang pamilyang mero'n po ako, pero hindi naman ako nagalit kahit hindi ako itinuring miyembro ng pamilyang 'to."
Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Hayacinth na iginawad ni Sheryl dito.
Hindi 'to ang unang beses na nagkaroon ng ganto sa pagitan ni Sheryl, Sue, at Hayacinth. Sanay na rin siguro si Hayacinth dahil hindi rin 'to ang unang beses na mapapalayas siya dahil sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Siguro sadyang mapait talaga ang tadhana para kay Hayacinth.
"Mag-almusal ka muna, Hayacinth," saad ni Papa, Hixo Miller.Napangiti ako ng sa unang pagkatataon ay sinabi niya 'yon. Hindi kasi kami palaging nagkakauusap ni Papa dahil sometimes lang siyang umuwi rito sa bahay dahil busy siya sa pag-assist ng wine business. Dati sabi sa 'kin ni Lola Lexxie na si Papa raw ay may malaking wine business pero nalugi raw 'yon kaya binili ng family ni Ylona ang company. Hays, ewan ko ba kung may katotohan. Dahil no'ng kinumpirma ko si Ylona, eh, salungat naman siya sa sinabi ni Lola."Hayaan mo na siya, malaki na 'yan," sabi ni Tita Sheryl.Ngumiti ako bago tuluyang umalis.Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Tita Sheryl.Hays, hindi ka pa nasanay Cinth?Nang makarating ako sa University ay dinaig ko pa ang matamlay na aso. Mas hindi maganda ang araw ko ngayon kumpara no'ng nagdaang araw.***"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Gelo na bigla na lang sumipot.Umupo 'to sa tabi ko.
Naalimpungatan si Hayacinth Miller nang mag-vibrate ang phone nito na nasa bag. Sinagot nito ang tawag galing kay Gail Galerion na naka-base sa Denmark. "Oh, bakit ka na naman napatawag?" nakukulitang tanong nito. "Omg, Hayacinth!" malakas na pagkakasabi ni Gail na nasa kabilang linya. "Huwag ka sumigaw, mabibingi ako," saad ni Hayacinth kay Gail. "Ano ba 'yon? Ano kailangan mo?" "What the hell? Kailangan ko? Excuse me! Hindi ako tulad ng dalawang plastic friend mo na lalapitan ka lang kapag may kailangan!" malakas pa rin na boses ni Gail. Ayan ang palaging sinasabi ni Gail kay Hayacinth simula no'ng maging close si Hayacinth kanila Ylona Aband, na inuuto lang si Hayacinth nina Ylona Aband at Beyonce Amore Rleviah at nagpapauto naman raw 'to. Sa tutuusin ay tama si Gail dahil kailanman ay hindi itinuring nila Beyonce at Ylona 'to bilang isang kaibigan. "Oo na, kabisado ko na 'yang speech mo. Ano ba 'yon? Panay tawag ka. Nagsasa
Pag-uwi ni Hayacinth galing school ay nakatayo si Sue sa pintuan ng kwarto niya na nakatingin dito.Nang akmang pipihitin na ni Hayacinth ang doorknob ng pinto ng kwarto niya ay lumapit si Sue dito. "I thought na whole day schedule mo. Mabuti na lang at half day ka ngayon," sabi ni Sue. Binalewala ni Hayacinth ang sinabi ni Sue dahil sa pagod. Pero sumunod si Sue dito ng pumasok si Hayacinth sa kwarto nito. Naupo si Hayacinth sa harap ng study table at nahiga naman si Sue sa kama nito. "I'm a ghost or you're a ghost?" tanong ni Sue. "Yuho! I'm talking to you!" Inikot ni Hayacinth ang upuan na kinauupuan niya sa way ni Sue. "Ano ba 'yon? Diretsuhin mo na ako, kung bakit ka nandito? Dahil ba sa friend party mo?" pagod na sabi nito. "Yes, tumpak! Tatawagin kitang unlucky girl kung hindi mo ibibigay ang reward ko, which is tulungan mo akong maka-attend sa friend party ko," mahabang saad ni Sue. "Seryoso k