Share

Chapter 4

"Mag-almusal ka muna, Hayacinth," saad ni Papa, Hixo Miller.

Napangiti ako ng sa unang pagkatataon ay sinabi niya 'yon. Hindi kasi kami palaging nagkakauusap ni Papa dahil sometimes lang siyang umuwi rito sa bahay dahil busy siya sa pag-assist ng wine business. Dati sabi sa 'kin ni Lola Lexxie na si Papa raw ay may malaking wine business pero nalugi raw 'yon kaya binili ng family ni Ylona ang company. Hays, ewan ko ba kung may katotohan. Dahil no'ng kinumpirma ko si Ylona, eh, salungat naman siya sa sinabi ni Lola.

"Hayaan mo na siya, malaki na 'yan," sabi ni Tita Sheryl.

Ngumiti ako bago tuluyang umalis.

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Tita Sheryl.

Hays, hindi ka pa nasanay Cinth?

Nang makarating ako sa University ay dinaig ko pa ang matamlay na aso. Mas hindi maganda ang araw ko ngayon kumpara no'ng nagdaang araw.

***

"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Gelo na bigla na lang sumipot.

Umupo 'to sa tabi ko.

Nandito ako sa garden ng university, paboritong pagtambayan kong lugar.

"Oo naman, ako pa ba," natatawang saad ko.

"Parang hindi? Ito, oh." Sabay abot niya ng coke in can. "Binili ko pa 'yan sa labas ng university bago pumasok."

"Wala bang ganto sa cafeteria?" tanong ko.

"Mero'n naman pero gusto ko lang sa labas bumili. Kasi sabi nila huwag payamanin ang taong mayaman na at huwag pahirapan ang taong naghihirap," saad nito habang umiinom ng coke.

Kumunot ang noo ko.

"Huh?" tangang saad ko na ikinatawa niya.

"Kasi 'yong mga nagtitinda sa cafeteria ay payaman na 'yan sila o baka mayaman na talaga. Kumpara sa mga nagtitinda sa bangketa na naglalako pa sa iba't ibang lugar para lang maubos ang paninda nila."

"Ah, so, tumutulong ka sa mahihirap?"

"Oo, tinutulungan ko," sagot nito.

"Kung gano'n, pwede bang humingi ng tulong?" pagbibiro ko na ikinatingin niya.

"Bakit nahihirapan ka ba?"

Tumawa ako. "Hindi naman, sakto lang."

"Baka nga mas mayaman ka pa sa 'kin, eh," natatawang saad nito.

"Hindi, ah. Obvious naman na mas malaman ang wallet mo kumpara sa 'kin," saad ko.

Tiningnan ko 'to ng may mag-sink in sa utak ko.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong nito na nasamid pa.

"Kumusta na pala kayo ni Ylona?" tanong ko rito na ikinatahimik niya.

Naging okay na kaya sila?

Shems, baka akalain niya na napaka-chismosa kong tao.

"A-Ah, hindi maayos ang break up," makungkot na saad nito. "Hindi na kami nagpapansinan, nagkalimutan na kami na naging kami."

Tinapik ko ang balikat nito.

"Because partner of love is pain," nasaad ko na lang. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Mauna na ako sa 'yo. Oo nga pala, Salamat sa free coke!"

***

"Ano po ba ang mga pwedeng work, once na makapagtapos sa business administration degree, Prof. Leigh?" tanong ng babaeng blockmate ko.

"You can be the sales manager, business consultant and financial analyst or financial director," sagot ni Prof. Leigh Maricor. "Like what I said, mero'n kayong task by partner sa business management student. Kaya paghandaan niyo 'yon, alright?"

"Yes, Prof. Leigh!" tugon ng lahat.

Tumayo na ako at iniligpit ang gamit ko matapos ang time namin kay Prof. Leigh.

Hindi ko nga alam kung bakit may new class kaming mga culinary arts students kay Prof. Leigh, eh, kasi business administration professor siya. At sabi ni Prof. Leigh kaganina, ay gagawa kami ng research sa pagitan ng culinary arts student and business management student. 

'Yon nga lang ay wala akong kakilalang taga-business management. Kaya paniguradong mahihirapan akong humanap ng matinong partner for research.

"Hayacinth!"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likuran.

Si Ylona.

"Huh! Can you please, Hayacinth, don't come closer to Gelo," galit na saad nito.

Nalilitong tiningnan ko 'to.

"Nagmamangaan ka pa. I know na may gusto ka sa kaniya. But I want to tell you na he's already mine," dugtong nito.

"A-Ano ba sinasabi mo, Ylona?" natanong ko na lang.

Bakit ba palagi ko rin na-experience ang gantong sitwayson na bigla na lang may magagalit sa 'kin at hindi ko alam kung bakit.

O, baka may ginawa talaga akong hindi nila gusto?

"Omg! You're so stupid!" Galit na sigaw niya at galit na umalis na lang bigla.

Nahihiyang yumuko ako nang nakatingin pala ang ibang tao sa 'min.

***

Kasalukuyan akong nakaupo sa study table sa kwarto ko rito sa bahay.

Nagbabasa ako ng lesson namin ngayon week dahil baka bigla na lang may pa-surprise na summative.

Kinuha ko ang book ko na nakapatong lang dito sa study table ko. Kapag may bad experience na nangyayari sa 'kin ay isinusulat ko na lang sa brown book na 'to na niregalo ni Lola Lexxie.

Sinimulan ko ng magsulat ng bad luck sa pahina fifty four. Malapit na ring mapuno ang librong 'to dahil paano bang hindi 'to mapupuno ng sulat, eh, halos araw-araw akong nagtatala.

'Ito na naman ako at magsusulat na naman sa librong 'to. Napapagod na siguro ang librong 'to, 'no? Dahil baka bukas makalawa ay butas na ang papel na 'to dahil pabalik-balik ako sa pagsusulat at pagbabasa. At ngayong araw, nagkasagutan kami ni Ylona dahil na naman kay Gelo. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa pagitan namin. Kala ko pa naman habang patagal nang patagal ang pagiging magkaibigan namin nila Ylona ay magiging close na kami sa isa't isa. Pero nagkamali ako dahil patagal nang patagal ay halos nawawala na ang closure naming magkakaibigan.'

Mabilis kong isinara ang libro at inilagay 'to sa bag ko. Saturday bukas at half schedule lang naman kami kaya maliit na bag na lang siguro ang dadalhin ko.

Biglang napadapo ang tingin ko sa bintana na nasa tabi nitong study table ko. Umaabon pala at hindi ko man lang namalayan.

***

Dinaig ko pa ang speed boat sa pagmamadali dahil late na naman ako.

Half day na nga lang kami ngayong araw tapos late pa rin ako.

Shemay talaga!

Nang dumating ako sa LRT station ay sobrang daming pasahero. Halos sumingit na ako sa iba para mabilis na makasakay sa train habang inilalagay ko ang wallet ko sa loob ng bag.

Napailing ako ng mabundol ako kaya napatingin ako sa likuran bago makasakay ng train dahil parang may nahulog ako.

Tiningnan ko ang bag ko at wala naman yatang nawawala.

Patakbo na akong nagtungo sa department ko.

Nang matapos ang schedule ko ngayong araw ay nagtungo muna ako sa library para humiram ng cooking book. Pumuwesto ako sa bandang sulok na lamesa dito sa library at tahimik na in-analyze ang book.

Kailangan ko munang tingnan kong nandito ba sa libro ang kailangan kong i-review bago ko hiramin.

Nang makalipas ang ilang minuto ay pumunta ako sa librarian.

"Hihiramin ko po 'tong book," saad ko sa librarian sabay pakita ng libro.

Inabot niya sa 'kin ang isang papel kung saan kailangan kong pirmahan 'yon. Kung anong exactly date and time kong ibabalik ang libro.

Mahigpit kasi 'tong library kaya pahirapang humiram ng mga libro. Kala mo naman mga ginto ang libro rito dahil hindi ka basta-basta makakahiram.

"Make sure na maibalik mo 'yan sa tama," saad ng Ateng Librarian.

"Opo," aniya ko.

Inilagay ko na ang libro sa loob ng bag ko at napakunot ako ng hindi ko nakita ang librong binigay ni Lola.

Halos ilabas ko na lahat ng gamit ko para makita ang librong 'yon pero wala.

Shems! Baka naiwan ko sa bahay?

Pero ang alam ko, dinala ko 'yon, eh.

Mabilis akong tumayo para makauwi na dahil baka naiwan ko lang ang mahalagang librong 'yon sa kwarto ko.

***

Nang makarating ako sa bahay ay halos halungkatin ko na ang kwarto ko para lang makita ang librong 'yon.

Pero dahil isa akong malas na nagkatawang tao lamang ay hindi ko nakita ang libro. Kaya napagpasiyahan kong magtungo sa kwarto ni Suzzie at kumatok ako sa pinto nito.

"Sue, may nakita ka bang brown book?" tanong ko rito na busy sa kaka-routine ng mukha.

Wala silang pasok ngayon dahil weekend, senior high school pa lang 'to. At mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon.

Pinagtaluhan din nila Lola Lexxie at ni Papa ang tungkol kay Sue na half sister ko. Dahil paano raw nagkaanak si Papa kay Tita Sheryl no'n, eh, matagal na raw silang walang connection at two years lang ang pagitan naming dalawa ni Sue. Ibig sabihin naging sila ni Tita Sheryl at Papa kahit no'ng buhay pa si Mama.

"Wala," saad nito. "Excuse me, aanhin ko naman ang lumang librong 'yon?"

See, may pagkabastos din siya. Ni hindi niya nga ako tinatawag na Ate kasi raw kahit sabihing half sister kami ay hindi niya raw ako ituturing nakakatandang kapatid.

As if naman na gusto ko ring maging kapatid ang isang maarteng babae.

Napailing na lang ako sa naisip ko.

Palagi kami nag-aaway niyan dahil palagi na lang kaming hindi magkasundo.

"Baka kamo nakita mo lang," saad ko. "Sabihin mo sa 'kin, once na makita mo."

"Okay, fine! Get out na!"

Napailing akong lumabas sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko.

Nasaan na ba 'yon?

Alam ko nasa bag ko 'yon. Bakit naman nawala?

Kainis naman. Pati ba naman libro, niloloko na ako.

Hinalungkat ko ulit lahat ng lugar na maaring mapaglagyan ko ng libro.

Hindi 'yon pwedeng mawala dahil ayon ang first gift na natanggap ko no'ng birthday ko at mula 'yon sa taong nag-aruga sa 'kin ng mahabang panahon.

Baka kapag nagkita kami ulit ni Lola, eh, sabihin niyang burara ako tao, ma hindi ko iniingatan ang mga bagay na ibinibigay sa akin.

Napaupo ako sa gilid ng kama at napaisip ulit sa bagay na matagal ko ng gustong malaman na kung nasaan na ba kaya si Lola Lexxie?

Kapag tinatanong ko sila Papa no'n ay hindi naman nila ako sinasagot o sinasabing hindi rin nila alam. Pero sigurado akong alam nila kung nasaan si Lola.

Napayuko ako ng maalala ko ang sinabi niya noon, na pupunta siya sa ibang bansa upang magpagamot at sabi niya babalik agad siya bago lumipas ang isang taon.

Pero halos isang dekada na ang lumipas, pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status