Pag-uwi ni Hayacinth galing school ay nakatayo si Sue sa pintuan ng kwarto niya na nakatingin dito.
Nang akmang pipihitin na ni Hayacinth ang doorknob ng pinto ng kwarto niya ay lumapit si Sue dito."I thought na whole day schedule mo. Mabuti na lang at half day ka ngayon," sabi ni Sue.
Binalewala ni Hayacinth ang sinabi ni Sue dahil sa pagod. Pero sumunod si Sue dito ng pumasok si Hayacinth sa kwarto nito.
Naupo si Hayacinth sa harap ng study table at nahiga naman si Sue sa kama nito.
"I'm a ghost or you're a ghost?" tanong ni Sue. "Yuho! I'm talking to you!"
Inikot ni Hayacinth ang upuan na kinauupuan niya sa way ni Sue.
"Ano ba 'yon? Diretsuhin mo na ako, kung bakit ka nandito? Dahil ba sa friend party mo?" pagod na sabi nito.
"Yes, tumpak! Tatawagin kitang unlucky girl kung hindi mo ibibigay ang reward ko, which is tulungan mo akong maka-attend sa friend party ko," mahabang saad ni Sue.
"Seryoso ka? Hindi ba next Saturday pa 'yong next party mo?" tanong nito kay Sue.
"Yes, pero gusto ko i-confirm kung payag ka ba or hindi?"
"Paano kung hindi ako papayag?" tanong ulit nito.
"Edi, itatakwil kita," sagot ni Sue.
"Hindi 'yan big deal sa 'kin," saad ni Hayacinth. "Sige, ganto. Tutulungan kita bilang kapalit ng pagsauli ng libro ko. But this is the last time na tutulungan kita."
"Okay sa 'kin 'yang opinion mo, Ate Hayacinth," ngiting sabi ni Sue. "Sobrang special talaga ang friend party na 'yon. Kasi fourth grading na rin next month and birthday ni Chloe 'yon sa Saturday kaya may pa-party."
"Oo na, labas na," saad ni Hayacinth then she pointed the door.
"What the? Bakit bawal ba ako mag-stay dito sa kwarto mo, Ate Hayacinth?" tanong ulit ni Sue.
Puro siya tanong, palibhasa HUMSS student.
"Magbibihis ako, bakit manunuod ka?" pang-aasar ni Hayacinth sa stepsister nito na nandidiring expression na lumabas ng kwarto.
Sinira nito ang pintuan ng lumabas na si Sue.
Ang totoo ay hindi naman siya magbibihis. Iniisip niya kasi kung tutulungan ba si Sue o hindi.
Kung ikakasama ba o ikakasaya ni Sue ang mas pipiliin nito?
"Kung ako lang ang may hawak ng tadhana. Una pa lang ay ibabalik ko 'tong si Sue sa palda ni Tita Sheryl," saad ni Hayacinth na umupo ulit sa harap ng study table nito. "Nakitang inaayos ko buhay ko tapos guguluhin niya."
Makalipas lang ang ilang segundo ay nambulabog na naman si Sue dito.
"Are you done? Nakapagbihis ka na?" tanong ni Sue na nasa labas ng pinto ng kwarto nito.
"Shems naman, oh," masambit na lang nito at pinagbuksan si Sue ng pinto. "Wala ka bang gagawin?"
"Nothing, weekend ngayon."
"Pwes ako mero'n," saad nito kay Sue. "Busy ako ngayon, okay? Kaya pwede ba, Sue, next time ka na lang mambulabog."
"Oo, titigil naman ako if payag ka ng tulungan akong mag-escape kay Mom. Sasagutin mo lang naman, eh, yes or yes?"
Masyadong makulit si Sue, mahilig siya mamilit kahit hindi pwede. Well, Agosto siya pinanganak kaya lahat ay gusto masunod.
It's yes or no, 'di ba? Binago na ba?
"Oo na, sige na. Payag na ako, lumayas ka na," mabilis na sagot nito.
Napangiti si Sue at tinapik ang pisngi ni Hayacinth.
"Yah, sabi ko na nga ba papayag ka rin," masayang saad nito. "Don't worry, treat kita."
Matapos gawin ni Hayacinth ang file na sinend ni Ylona ay tinawag siya ni Sheryl mula sa ibaba.
"Hayacinth, may pasok ka?" tanong ni Sheryl dito kay Hayacinth ng makababa 'to sa dining area.
"Wala po. Sunday po kasi ngayon," sagot nito.
"Mabuti, pupunta kasi bukas si Wendy dito sa bahay. Kaya mabuting gumawa ka ng gawaing bahay para naman may silbi, 'di ba?"
"Opo, wala naman din po akong gagawin."
Palaging utos dito, utos diyan ang bukang bibig ni Sheryl kapag kausap 'to.
Ayaw talaga ni Sheryl sa anak ni Hixo at Helenah, kay Hayacinth. Pero pinakiusapan siya ni Hixo na tratuhin pa ring maayos ang kaniyang anak. Dahil pinakiusapan din ni Lexie ang anak niyang si Hixo na huwag pagkaitan ng pagmamahal si Hayacinth bago siya lumisan.
Kasalukuyang naghuhugas ng pinggan si Hayacinth sa kusina.
Hindi kalakihan ang bahay nila, sakto lang para sa kanilang apat. Minsan lang din umuwi si Hixo sa bahay nila dahil sa sobrang busy niya sa pagpapalago ng wine business nito.
***
Mabilis na lumipas ang oras. Monday ngayon at whole day ang schedule ni Hayacinth ngayon.
"We have on-the-job training next month, so get ready," announce ni Prof. Maricor, professor nito sa Catering Management and Control System subject. "Well, hindi tulad noong first semester na kayong mga culinary student lang ang mag-ojt, kasama ang mga business management student."
Hindi pa tapos mag-announce ang professor ay siningitan na ng mga bulungan ng ilang blockmates ni Hayacinth ang announcement ni Prof. Maricor.
"Okay, listen first!" malakas na sabi ng professor. "Dahil mero'n kayong school project, collaboration ng culinary arts and business management ay napag-meeting-an namin na dapat magkasama mag-ojt kayo. Sa isang hotel restaurant yata tayo mag-ojt, well, it's easy."
"Speaking of partner po, Prof. Maricor?" tanong ni Ylona.
"Well, about your partner naman ay kung may kakilala kayong business management student, maari niyo siyang maging partner. But if wala, bubuo kami ng partner para fair."
"Sa araw ng ojt po ba ay do'n na rin e-pe-perform ang collaboration project?" tanong naman ni Gelo Cyprus na tinarayan ni Ylona.
"Yes, dahil nahuli tayong gawin ang collaboration project kaya isasabay na lang natin sa ojt," sagot ni Prof. Maricor. "So, may katanungan pa ba kayo? Just ask me, para aware kayo."
"Nothing po, Prof. Maricor."
"Wala na po."
"Okay na po, Ma'am."
Sagot ng ilang blockmates ni Hayacinth.
"Kung wala na, I need to go in Business Management Department. So, goodbye, everyone! Work hard and smart to pass your first year college."
Kasalukuyang naglalakad na sa isang pasilyo sa Culinary Arts Department si Hayacinth, patungong cooking room nang may biglang humatak sa kaniya kung saan.
"Yow, kumusta?" tanong niya.
"Nakakagulat ka, Gelo. Ah, maayos naman, bakit?" tanong din nito rito.
Minsan na lang sila mag-usap ni Gelo simula noong nag-break up sila ni Ylona at Gelo. Close na close talaga si Gelo kanila Beyonce at Hayacinth pero nawala na ang closeness nila dahil ni pangalan ni Gelo at anino niya ay ayaw na makita ni Ylona simula noong nag-break sila. Ang sabi ni Beyonce ay nag-break sila Ylona at Gelo dahil sa personality difference at marami silang hindi napagkakasunduan.
"Kumusta na siya?" tanong ni Gelo na si Ylona ang tinutukoy.
"Bitter pa rin yata?" sagot ni Hayacinth.
Napatango lang si Gelo.
"Bakit ba? Anong dahilan?" hindi napigilang tanong ni Hayacinth.
"Lumabo," tipid na sagot ni Gelo.
"Gaano kalabo? Mas malabo pa sa tubig baha?" natatawang tanong nito na ikinatawa naman ni Gelo.
"Oo," sagot niya. "Pareho lang tayo ng mga kurso pero daig pa natin ang alikabok na mag-iwasan."
"Intindihan na lang natin si Ylona. Pero huwag ka mag-alala, kakausapin ko siya baka may pag-asa pa."
"Hindi na, Hayacinth. Gusto ko lang kumustahin siya. Oo nga pala, parang nawala yata ang pagiging mabait mo?" natatawa at pang-iibang tanong ni Gelo.
"Sus, kailan pa ako naging mabait, huh? Alagad ako ni Satanas," natatawang sagot ni Hayacinth.
"Hays, mabait ang huling Hayacinth na nakilala ko noong nakaraang buwan," saad ni Gelo. "Tinatawag ka pa ba nilang unlucky girl?"
"Sus, college na tayo, hindi na tayo grade one para sa ganiyang weirdo endearment," natawang sagot ni Hayacinth. "Uuwi na ako, baka pagsarahan ako ng pinto."
"Sige, malapit na dumilim. Hatid na kita?" pagyayaya ni Gelo.
"Hindi na, sasakay na lang ako sa LRT," pagtanggi nito at kinawayan muna siya bago tuluyang umalis.
Palubog na ang araw at saktong kakasakay lang ni Hayacinth sa train station.
"Pasensya na po," sambit nito ng mabundol niya ang isang lalaki.
"It's okay, be careful next time," saad ng lalaking nabungo nito.
Bago pa matapunan ni Hayacinth ng tingin ang lalaking nabundol niya ay naglakad na siya paalis at mabilis na sumakay si Hayacinth sa train bago pa siya maiwanan.
Nakatuon lang ang paningin ni Hayacinth sa window ng train, nakikita mula rito ang palubog na araw at ang pagsakop ng dilim sa buong kalangitan.
Iniisip nito kung paano ba siya kukuha ng partner sa Business Management Department, eh, wala naman siyang kakilala sa department na 'yon. Hindi naman kasi gano'n ka-friendly si Hayacinth not like her stepsister na si Sue.
"Four minutes late, patay," nasambit ni Hayacinth na nasa mismong tapat ng gate ng bahay nila.
Tulad ng sinabi ni Sheryl ay ayaw niyang na-la-late na umuwi galing sa school, kumbaga bawal muna ang gala. Siguro over-protective lang si Sheryl kanila Sue at Hayacinth o baka kay Sue lang talaga
Napahinga nang malalim 'to at napailing na animoy binagsakan ng langit at lupa.
"Sana wala pa si Tita Sheryl, gigisahin ako nito." sabay pasok nito sa loob.
Pero dahil suki si Hayacinth ng kamalasan ay nasa mismong kusina si Sheryl na nag-aayos ng mga bagong biling kagamitan.
Dinaig pa nito ang Ninja para makapunta sa kwarto nito na hindi nalilintikan.
"Bwesit, fifty-fifty buhay ko ro'n, ah" sambit nito ng makatungtong sa kwarto na hindi namamalayan ni Sheryl. "For the first time ay nakiisa rin ang plano."
Nagbihis na 'to ng pambahay at bumaba para labhan sa laundry machine ang uniform niya.
"Oh, Hayacinth. Anong oras ka nakauwi?" striktang tanong ni Sheryl dito.
"P-Po? Hmm, kanina pa po ako nakauwi," pagsisinungaling nito. "Saktong six thirty po."
Tinuloy lang ni Sheryl ang pag-aayos at si Hayacinth ay dumiresto na sa bathroom, nandoon kasi sa tabi ng pinto ng bathroom ang washing machine. Sila Sue kapag wala ng masuot ay nagpapa-laundry sila, sana all may pera, 'di ba?
***
"Bakit kasi hindi ka naglilinis every time or every day?" inis na tanong ni Sue na ipinapagpag ang mahabang buhok. "Eww, talaga as in yuck! Imagine that na may butiking nag-landing sa ulo ko, creepy!"
Napailing na lang si Hayacinth sa ka-over acting ni Sue.
Trespassing kasi si Sue rito sa kwarto ni Hayacinth. Eh, noong naglalaba 'to ng uniform ay nabulabog ang lahat pati kapitbahay sa lakas ng sigaw ni Sue na nasa kwarto nito. May nahulog kasing butiki sa ulo nito, eh, noong bata si Sue ay ayaw na ayaw niya sa butiki kasi kinapitan siya nito sa pisngi kaya ayon nagdulot ng takot.
"Trespassing ka kasi, alam mo 'yang mga butiki rito sa kwarto ko. Sila ang mga guardian angel ko," natawang saad ni Hayacinth na kinuha ang isang paper bag na nasa lapag.
"What? Your guardian angel?"
Tinanguan nito si Sue bilang sagot.
"Kaya huwag ka pasok nang pasok baka hindi lang butiki ang mag-landing sa ulo mo, baka pati alupihan," pananakot nito.
"Kung hindi ko lang need ng tulog, eh," mahinang saad ni Sue.
"Ano?" tanong ni Hayacinth na mukhang hindi 'to narinig.
"Nothing, ayan 'yong treat ko." sabay turo niya sa hawak na paper bag ni Hayacinth. "Kung ayaw mo niyan, itapon mo."
Umalis na si Sue tsaka tuluyan nitong nabuksan ang paper bag na may lamang isang set ng sign pen.
"Aanhin ko naman 'tong tae ng octopus?" tangang tanong nito at inilagay sa study table.
Napangiti siya dahil siguro nagbago na ng tuluyan ang trato ni Sue sa kaniya. Mas okay na ngayon ang samahan nila kaysa no'n.
Kinuha niya ang tooth bag niya at napaisip kasi wala ang libro nito na regalo ni Lexie no'n. Parang isang stand novel ang librong 'yon dahil nakasulat do'n ang mga bagay na nangyari sa female lead na inspired sa totoo niyang buhay.
She writes the book when she’s not okay, when she feels like she’s given up. Some of the scenes she wrote in that book were what happened to her mother, Helenah Miller ten years ago.
Namatay si Helenah noong 9 years old pa lamang si Hayacinth. The cause of its death was internal bleeding, mas naging complicated pa ang survival rate ni Helenah noong oras na 'yon dahil na rin sa dinadala nitong bata sa tiyan niya na pang-tatlong buwan pa lamang.
There was no miracle in the time she would have had for her to survive. Hindi na umabot sa emergency room si Helenah dahil inagawan na 'to ng buhay bago pa makarating sa emergeny room.
Ang sabi hindi aksidente ang nangyari kay Helenah according to the police station and also in the year that the painful incident na nangyari kay Helenah ay nahuli rin ang suspek na isang company driver.
Pero kahit nahuli na ang suspect na kasalukuyan pa ring nakakulong ay sa paningin ni Hixo at nina Erwin Santos
and Palestina Santos, her grandmother and grandfather on her mother's side, ay isa sa dahilan si Hayacinth why her mother and her young brother died.They said it was Hayacinth fault that her mother and young brother died dahil sa kakulitan niya, kung hindi nagpunta sa kabilang lane ang batang Hayacinth ay hindi mangyayari ang lahat.
That’s where it all started, an accident that resulted in a bad future.
Takbo at lakad na nagtungo si Hayacinth sa library. Today is Wednesday kaya kailangan niyang magtungo sa library upang tumulong dahil siyempre isa siyang scholar student. Tuwing Wednesday lang 'to nagpupunta para ayusin ang mga libro at linisan ang mga study table dito. "Ikaw na magpunas ng mga lamesa at upuan," saad ni Faye, scholar student din tulad nito. "Ako na mag-aayos ng mga libro." "Sige," tugon nito at binaba ang tooth bag niya at kinuha ang basahan. Kapag clean time ng library sa university nito ay sinasara ang library. Mahalaga ang library para sa tulad nilang college student pero noong elementary 'to sa isang public school ay kala mo ginto ang bawat pahina ng libro dahil parating nakasara library. Nang matapos nina Hayacinth at Faye ang paglilinis ng buong library ay sabay na silang nagpunta ng cafeteria. Hindi naman sila gano'n ka-close ni Faye dahil minsan lang sila magkausap at magkaiba sila ng kurso, nasa Business Management De
"Mag-almusal ka muna, Hayacinth," saad ni Papa, Hixo Miller.Napangiti ako ng sa unang pagkatataon ay sinabi niya 'yon. Hindi kasi kami palaging nagkakauusap ni Papa dahil sometimes lang siyang umuwi rito sa bahay dahil busy siya sa pag-assist ng wine business. Dati sabi sa 'kin ni Lola Lexxie na si Papa raw ay may malaking wine business pero nalugi raw 'yon kaya binili ng family ni Ylona ang company. Hays, ewan ko ba kung may katotohan. Dahil no'ng kinumpirma ko si Ylona, eh, salungat naman siya sa sinabi ni Lola."Hayaan mo na siya, malaki na 'yan," sabi ni Tita Sheryl.Ngumiti ako bago tuluyang umalis.Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Tita Sheryl.Hays, hindi ka pa nasanay Cinth?Nang makarating ako sa University ay dinaig ko pa ang matamlay na aso. Mas hindi maganda ang araw ko ngayon kumpara no'ng nagdaang araw.***"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Gelo na bigla na lang sumipot.Umupo 'to sa tabi ko.
Naalimpungatan si Hayacinth Miller nang mag-vibrate ang phone nito na nasa bag. Sinagot nito ang tawag galing kay Gail Galerion na naka-base sa Denmark. "Oh, bakit ka na naman napatawag?" nakukulitang tanong nito. "Omg, Hayacinth!" malakas na pagkakasabi ni Gail na nasa kabilang linya. "Huwag ka sumigaw, mabibingi ako," saad ni Hayacinth kay Gail. "Ano ba 'yon? Ano kailangan mo?" "What the hell? Kailangan ko? Excuse me! Hindi ako tulad ng dalawang plastic friend mo na lalapitan ka lang kapag may kailangan!" malakas pa rin na boses ni Gail. Ayan ang palaging sinasabi ni Gail kay Hayacinth simula no'ng maging close si Hayacinth kanila Ylona Aband, na inuuto lang si Hayacinth nina Ylona Aband at Beyonce Amore Rleviah at nagpapauto naman raw 'to. Sa tutuusin ay tama si Gail dahil kailanman ay hindi itinuring nila Beyonce at Ylona 'to bilang isang kaibigan. "Oo na, kabisado ko na 'yang speech mo. Ano ba 'yon? Panay tawag ka. Nagsasa