SINISTER'S POV:
Napailing na lamang ako at inatupag ang kaganapan sa aking harapan nagulat ang babae nang makilala ako nito. "You! You are my husband's mistress!" pambibintang nito sa akin na siyang ikinakunot ng aking noo. "Excuse me? I am no one's mistress and this is the second time you mistook me before you prick something in my arms." Napasinok pa ako matapos kong sabihin iyon kaya natakpan ko ang aking bibig dahil sa hiya ngunit ang atensyon nila ay napunta sa babae. Pumagitna si Luther sa amin at ito na mismo ang humarap sa babaeng nakaluhod sa aming harapan habang nakagapos ang parehong kamay nito sa kanyang likuran. Hinawakan ni Luther ang mukha ng babae at itinangala ito. Luther tilted his head. "She's hiding something. Bring here to Iceland immediately and the rest will go back to our country." ani ni Luther. Akala ko matiwasay akong makakauwi nang hilahin ito ng tatlong lalaki na kasama nila at nagulatSINISTER'S POV: Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mapadpad ako sa poder ni Duane at dalhin niya ako sa Egypt at sa loob ng mga nakalipas na buwan na iyon ay hindi ko aakalaing mananatili ako sa bahay ni Duane. Sa iisang kwarto na kami tumutuloy dito sa loob ng kanyang bahay at sa iisang kama na rin kami natutulog. Walang araw na hindi pumapalya si Duane ng pagbibigay ng bulaklak sa akin araw-araw at tila normal na sa amin iyon. Kung kailan may nangyari na sa amin saka palang ito nanligaw na akala mo ay isang high school student. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako ay gusto ko rin namang maligawan ng isang lalaki. Duane Tyron Fullentes na ang pinag-uusapan natin dito magrereklamo pa ba ako? "Hmm... smells good..." Nahigit ko ang sarili kong hininga nang yakapin ako ni Duane mula sa likuran at saka pinaulanan ng halik ang aking balikat. "Maupo ka na nga doon. Matatapos na ito." Nagluluto kas
SINISTER'S POV: "Huwag na. Ako na ang magluluto. You should stay here and take some rest." Tinanguhan ko na lamang ito at saka siya hinayaang pumasok sa kanyang walk-in closet at magpalit ng kanyang damit na pambahay. Muli akong nahiga sa kama at sa ikalawang pagkakataon, muli akong nilamon ng kadiliman dahil sa sobrang antok. *** "Sinister.... Sinister..." Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako nang makitang nasa malawak na hardin na hindi pamilyar sa akin. 'Where am I?' Bumangon ako mula sa damuhan na siyang kinahihigaan ko at doon ko nakita ang damit kong pantulog na dati kong ginagamit kapag nasa bahay ako ng parents ko. Puro damuhan ang nakikita ko kasama ang maaliwalas na kalangitan at punong kahoy na isinasayaw ng hangin. "Sinister...." Nagsalubong ang kilay ko at hinanap ang boses na iyon at sa paglingon ko sa aking likuran, bulto ng isang binatilyo ang aking nakita ka
SINISTER’S POV: Ilang ang araw akong nakaburo sa kama dahil sa sama ng pakiramdam ko at gusto akong dalhin ni Duane sa hospital ngunit ayaw kong pumayag. May ideya na ako sa nangyayari sa akin ngunit ayaw kong pangunahan ang sarili ko pero natatakot ako sa pwedeng maging resulta. Nang maging maayos ang lagay ko tumakas ako sa bahay ni Duane nang pumasok ito sa kanyang opisina at hindi niya alam na umalis ako dahil mamayang hapon pa naman siya uuwi tulad ng nakagawian nito. Paglabas ko pa lamang sa aming subdivision, agad akong pumara ng taxi at sumakay at sinabi ang lugar na gusto kong puntahan. Sa kabilang bayan ako pumunta at balak kong magpa-check up sa clinic na pagmamay-ari ng LA Medical Center. Libre lang daw ang pagpapacheck-up doon at walang hinihinging kapalit kaya iyon ang napili kong puntahan. Abot-abot ang kaba ko ko habang nakasakay sa taxi at humigpit ang pagkakakapit ko sa string bag na dala ko. Wallet lang ang laman niyon na binigay
SINISTER'S POV: Nakarinig kami ng pagtikhim ni Sav kaya naman agad kong naibaling kay Doktora Dua ang paningin ko at nahiya ako bigla dahil parang nawalan ako ng respeto sa doctor. “Sav, leave us alone please?” ani nito. Humalukipkip si Sav sa kanyang kinauupuan at napanguso pa ito. “Don’t mind me, Dua and do your thing. Isipin mo na lang na isa akong rebulto.” “As if naman bagay kang rebulto.” Bumaling sa akin ang atensyon ni doktora at saka ako nito hinarap. “Miss Creige, what can I do for you?” “Uh, nitong nakaraan kasi ay nakaramdam ako ng panghihina at pagsusuka kaya pumunta ako rito para makasigurado kung tama ang hinala ko.” Kahit nahihiya ako sa presensya ni Sav ay naglakas loob na ako lalo na’t babae naman siya at alam kong mapagkakatiwalaan siya sa ganitong usapin. “Hmm, sintomas nga yan ng pagbubuntis pero para makasigurado tayo, use this kit.” Inilapag nito sa mesa ang apat na pregnancy test. “Ayu
SINISTER'S POV: “Bumalik ka rito sa susunod na buwan upang mamonitor natin ang lagay ng baby mo. Here’s my calling card, you can call whenever you want, Sinister,” “T-Thank you, doc. U-Uuwi na po ako.” Nagpaalam na ako sa kanila at naiwan si Sav sa clinic kaya naman mag-isa akong lumabas ng clinic at naghihintay ng taxi pauwi sa bahay ni Duane. Napahawak ako sa aking tiyan at pinapakiramdaman ang buhay ng isang bata na nabuo – hindi ako sigurado kung sa isang gabi ng pagkakamali na unang pagsuko ko ng aking sarili kay Duane o noong nasa Egypt kaming dalawa. Siya lang naman ang lalaking inalayan ko ng aking sarili ngunit natatakot ako nab aka hindi niya matanggap ang anak namin. “Sinister?” Napalingon ako sa likuran ko at paglingon ko, nakita ko si Trixie kasama ang kakambal nitong si Trisha at meron silang kasamang bodyguard. As usual, buhay prinsesa ang mga ito habang ako ay naghihirap sa kamay ng mismong pamilya ko.
SINISTER'S POV:Nanglaki ang mga mata ko nang damputin ni Tita Trina at Tito Trent ang pregnancy test na tumilapon. “I-Ibigay niyo sa akin yan.” Akmang aabutin ko ang kit na nasa kamay nito ngunit agad akong pinigilan ni Kuya Troy. “B-Buntis ka?” ani ni Tita Trina at tila hindi makapaniwala sa nakikitang pula sa hawak niyang kit. “I-Ibigay niyo sa akin yan, parang awa niyo na—“ Muling dumapo ang palad ni Mommy sa mukha ko at sa pagkakataon na iyon ay tuluyan na akong nabuwal sa kinatatayuan ko at napaluhod ako sa tabi ni Kuya Troy habang hawak nito ang braso ko ngunit pabalibag nito akong binitawan at pakiramdam ko handa silang tapakan ang buo kong pagkatao gayong magkakadugo lang kami bilang Creige. “Hindi ka na nahiya! Malandi ka! Bukas na bukas ay ipapatawag ko si Mr. Wrights at itututoy ang kasal ninyong dalawa pero siguraduhin mong maaalis ang batang iyan sa sinapupunan mo kung sino ang ama ng punyetang bastardo na iyan.” Tuluyang gumuho ang
SINISTER'S POV:Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto ng aking kwarto at sa ikalawang pagkakataon, si Tito Trent ang pumasok at ito na mismo ang may dala ng pagkain mula sa fast food na paborito naming kainan noon.“Sinister, kailangan mong kumain.” Lumapit ito sa aking kama at inilapag sa bed side table ang pagkain na dala niya at natakam ako bigla dahil sa amoy ng chicken ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.“Para saan pa ang buhay ko kung pahihirapan lang ako ng ganito, Tito? I wan’t my life back but I don’t want to get married to that old man.”“Hindi ko magawang salungatin ang Mommy mo dahil kahit ako ay walang kakayahang gawin iyon. Please, Sinister, para na lang sa bata at sa’yo, kumain ka.”Tuluyan nang nakalapit si Tito sa akin at saka ako iginiya palapit sa akin kama at marahan ako nitong itinulak paupo bago niya halungkatin ang pagkain na dala niya. Wala man siyang dugong Creige ngunit siya na lamang ang kakampi ko sa
SINISTER'S POV:Naghihintay lamang ako sa balkonahe ng aming bahay dahil ipapatawag ako umano bago ako bumaba ng hagdanan upang salubungin ang mga bisita ng aking Mommy na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o iiyak na lang ako sa isang sulok.Sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko parang gusto ko na lang malagutan ng hininha ngunit may isang buhay ang nasa loob ng aking sinapupunan kaya kailangan kong lumaban at magpakatatag. Wala akong ibang makakapitan kundi ang anak ko lamang."Welcome ladies and gentlemen to the engagement party of Mr. Regal Wrights and Miss Sinister Creige, tonight let me introduce you the one and only heiress of Creige Corporation, Miss Sinister Creige."Napabuga ako ng hangin at saka ako naglakad patungo sa hagdanan at bumulaga sa akin ang dagat ng tao na nakatingala kung saan ako naroon. Nababasa ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha at pagtataka dahil hindi naman talaga ako lumalabas sa ganitong malalaking pagtiti