SINISTER'S POV:
Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mapadpad ako sa poder ni Duane at dalhin niya ako sa Egypt at sa loob ng mga nakalipas na buwan na iyon ay hindi ko aakalaing mananatili ako sa bahay ni Duane. Sa iisang kwarto na kami tumutuloy dito sa loob ng kanyang bahay at sa iisang kama na rin kami natutulog. Walang araw na hindi pumapalya si Duane ng pagbibigay ng bulaklak sa akin araw-araw at tila normal na sa amin iyon. Kung kailan may nangyari na sa amin saka palang ito nanligaw na akala mo ay isang high school student. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako ay gusto ko rin namang maligawan ng isang lalaki. Duane Tyron Fullentes na ang pinag-uusapan natin dito magrereklamo pa ba ako? "Hmm... smells good..." Nahigit ko ang sarili kong hininga nang yakapin ako ni Duane mula sa likuran at saka pinaulanan ng halik ang aking balikat. "Maupo ka na nga doon. Matatapos na ito." Nagluluto kasSINISTER'S POV: "Huwag na. Ako na ang magluluto. You should stay here and take some rest." Tinanguhan ko na lamang ito at saka siya hinayaang pumasok sa kanyang walk-in closet at magpalit ng kanyang damit na pambahay. Muli akong nahiga sa kama at sa ikalawang pagkakataon, muli akong nilamon ng kadiliman dahil sa sobrang antok. *** "Sinister.... Sinister..." Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako nang makitang nasa malawak na hardin na hindi pamilyar sa akin. 'Where am I?' Bumangon ako mula sa damuhan na siyang kinahihigaan ko at doon ko nakita ang damit kong pantulog na dati kong ginagamit kapag nasa bahay ako ng parents ko. Puro damuhan ang nakikita ko kasama ang maaliwalas na kalangitan at punong kahoy na isinasayaw ng hangin. "Sinister...." Nagsalubong ang kilay ko at hinanap ang boses na iyon at sa paglingon ko sa aking likuran, bulto ng isang binatilyo ang aking nakita ka
SINISTER’S POV: Ilang ang araw akong nakaburo sa kama dahil sa sama ng pakiramdam ko at gusto akong dalhin ni Duane sa hospital ngunit ayaw kong pumayag. May ideya na ako sa nangyayari sa akin ngunit ayaw kong pangunahan ang sarili ko pero natatakot ako sa pwedeng maging resulta. Nang maging maayos ang lagay ko tumakas ako sa bahay ni Duane nang pumasok ito sa kanyang opisina at hindi niya alam na umalis ako dahil mamayang hapon pa naman siya uuwi tulad ng nakagawian nito. Paglabas ko pa lamang sa aming subdivision, agad akong pumara ng taxi at sumakay at sinabi ang lugar na gusto kong puntahan. Sa kabilang bayan ako pumunta at balak kong magpa-check up sa clinic na pagmamay-ari ng LA Medical Center. Libre lang daw ang pagpapacheck-up doon at walang hinihinging kapalit kaya iyon ang napili kong puntahan. Abot-abot ang kaba ko ko habang nakasakay sa taxi at humigpit ang pagkakakapit ko sa string bag na dala ko. Wallet lang ang laman niyon na binigay
SINISTER'S POV: Nakarinig kami ng pagtikhim ni Sav kaya naman agad kong naibaling kay Doktora Dua ang paningin ko at nahiya ako bigla dahil parang nawalan ako ng respeto sa doctor. “Sav, leave us alone please?” ani nito. Humalukipkip si Sav sa kanyang kinauupuan at napanguso pa ito. “Don’t mind me, Dua and do your thing. Isipin mo na lang na isa akong rebulto.” “As if naman bagay kang rebulto.” Bumaling sa akin ang atensyon ni doktora at saka ako nito hinarap. “Miss Creige, what can I do for you?” “Uh, nitong nakaraan kasi ay nakaramdam ako ng panghihina at pagsusuka kaya pumunta ako rito para makasigurado kung tama ang hinala ko.” Kahit nahihiya ako sa presensya ni Sav ay naglakas loob na ako lalo na’t babae naman siya at alam kong mapagkakatiwalaan siya sa ganitong usapin. “Hmm, sintomas nga yan ng pagbubuntis pero para makasigurado tayo, use this kit.” Inilapag nito sa mesa ang apat na pregnancy test. “Ayu
SINISTER'S POV: “Bumalik ka rito sa susunod na buwan upang mamonitor natin ang lagay ng baby mo. Here’s my calling card, you can call whenever you want, Sinister,” “T-Thank you, doc. U-Uuwi na po ako.” Nagpaalam na ako sa kanila at naiwan si Sav sa clinic kaya naman mag-isa akong lumabas ng clinic at naghihintay ng taxi pauwi sa bahay ni Duane. Napahawak ako sa aking tiyan at pinapakiramdaman ang buhay ng isang bata na nabuo – hindi ako sigurado kung sa isang gabi ng pagkakamali na unang pagsuko ko ng aking sarili kay Duane o noong nasa Egypt kaming dalawa. Siya lang naman ang lalaking inalayan ko ng aking sarili ngunit natatakot ako nab aka hindi niya matanggap ang anak namin. “Sinister?” Napalingon ako sa likuran ko at paglingon ko, nakita ko si Trixie kasama ang kakambal nitong si Trisha at meron silang kasamang bodyguard. As usual, buhay prinsesa ang mga ito habang ako ay naghihirap sa kamay ng mismong pamilya ko.
SINISTER'S POV:Nanglaki ang mga mata ko nang damputin ni Tita Trina at Tito Trent ang pregnancy test na tumilapon. “I-Ibigay niyo sa akin yan.” Akmang aabutin ko ang kit na nasa kamay nito ngunit agad akong pinigilan ni Kuya Troy. “B-Buntis ka?” ani ni Tita Trina at tila hindi makapaniwala sa nakikitang pula sa hawak niyang kit. “I-Ibigay niyo sa akin yan, parang awa niyo na—“ Muling dumapo ang palad ni Mommy sa mukha ko at sa pagkakataon na iyon ay tuluyan na akong nabuwal sa kinatatayuan ko at napaluhod ako sa tabi ni Kuya Troy habang hawak nito ang braso ko ngunit pabalibag nito akong binitawan at pakiramdam ko handa silang tapakan ang buo kong pagkatao gayong magkakadugo lang kami bilang Creige. “Hindi ka na nahiya! Malandi ka! Bukas na bukas ay ipapatawag ko si Mr. Wrights at itututoy ang kasal ninyong dalawa pero siguraduhin mong maaalis ang batang iyan sa sinapupunan mo kung sino ang ama ng punyetang bastardo na iyan.” Tuluyang gumuho ang
SINISTER'S POV:Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto ng aking kwarto at sa ikalawang pagkakataon, si Tito Trent ang pumasok at ito na mismo ang may dala ng pagkain mula sa fast food na paborito naming kainan noon.“Sinister, kailangan mong kumain.” Lumapit ito sa aking kama at inilapag sa bed side table ang pagkain na dala niya at natakam ako bigla dahil sa amoy ng chicken ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.“Para saan pa ang buhay ko kung pahihirapan lang ako ng ganito, Tito? I wan’t my life back but I don’t want to get married to that old man.”“Hindi ko magawang salungatin ang Mommy mo dahil kahit ako ay walang kakayahang gawin iyon. Please, Sinister, para na lang sa bata at sa’yo, kumain ka.”Tuluyan nang nakalapit si Tito sa akin at saka ako iginiya palapit sa akin kama at marahan ako nitong itinulak paupo bago niya halungkatin ang pagkain na dala niya. Wala man siyang dugong Creige ngunit siya na lamang ang kakampi ko sa
SINISTER'S POV:Naghihintay lamang ako sa balkonahe ng aming bahay dahil ipapatawag ako umano bago ako bumaba ng hagdanan upang salubungin ang mga bisita ng aking Mommy na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o iiyak na lang ako sa isang sulok.Sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko parang gusto ko na lang malagutan ng hininha ngunit may isang buhay ang nasa loob ng aking sinapupunan kaya kailangan kong lumaban at magpakatatag. Wala akong ibang makakapitan kundi ang anak ko lamang."Welcome ladies and gentlemen to the engagement party of Mr. Regal Wrights and Miss Sinister Creige, tonight let me introduce you the one and only heiress of Creige Corporation, Miss Sinister Creige."Napabuga ako ng hangin at saka ako naglakad patungo sa hagdanan at bumulaga sa akin ang dagat ng tao na nakatingala kung saan ako naroon. Nababasa ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha at pagtataka dahil hindi naman talaga ako lumalabas sa ganitong malalaking pagtiti
SINISTER'S POV: Lumalim na ang gabi na wala akong ibang ginawa kundi ang tahimik na kumain ng mag-isa sa mesa na siyang nakalaan para sa aming dalawa ni Regal. Hindi ko alam kung paano nila natatagalan ang isa't-isa sa pag-uusap gayong paikot-ikot lamang din tungkol sa negosyo ang kanilang topic. "What a pig?" umangat ang aking mukha bago ko lunukin ang leche faln na kanina ko pa binabalik-balika sa buffet nang bumulaga sa harapan ko ang kambal na si Trixie at Trisha. "What do you want this time?" Humalukipkip si Trixie sa akin na parang isa akong nakakadiring nilalang na pwede niyang duraan kung kailan niya gugustuhin. "Kawawa ka naman kung ipapakasal ka lang din sa matandang tulad ni Wrights hindi ba? Na saan na ang ipinagmamayabang mong magandang buhay kasama ang lalaking magmamahal sa'yo ng totoo? Girl, that's your only in imagination. Buti sana kung isang Duty Fullentes ang magliligtas sa tulad mong basu
SINISTER'S POV: "Kaya mo pa, Sinister?" usisa sa akin ni Saviel nang makasakay kami kay Homare at alam kong namumutla na ako. "H-Huwag mo akong kausapin!" "Hmp! Sungit nito. Kami na nga ang bahala sa anak mo at baka mahimatay ka bigla." Inirapan ko si Saviel at mahigpit ang pagkakakapit ko sa gilid ng upuan kahit na hindi pa man umaandar ay nahihilo na ako. Sa kamalas-malasan ay si Homare lang talaga ang tanging sasakyan namin pauwi ng Pilipinas. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng upuan ng unti-unti nang umaangat si Homare at mariin akong napapikit at sa pagmulat ko ng aking mata, nasa rooftop na kami ng HuPoFEL. Agad akong naghalungkat ng plastic sa compartment at gaya ng dati, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. "Ang weak mo talaga kahit kailan, Sinister. Kailan ka ba magbabago?" rinig kong sambit ni Saviel sa akin habang karga si Sin'ceré habang si Deiven ay na kay Sinji. Nang mahimasmasan ako, agad kong tiningala si Saviel na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko at
SINISTER'S POV: Hindi magkandaugaga si Saviel at Sinji sa pag-aasikaso sa kambal dahil ngayong araw ay uuwi na kami sa Pilipinas matapos ang limang taon na pagtatago ko mula kay Duty. "Bakit ba aligaga kayong dalawa?" hindi ko mapigilang magtanong dahil kanina pa sila paroo't-parito sa harapan ko habang umiinom ako ng kape sa hawak kong tasa rito sa sala ng hotel room na siyang tinutuluyan namin. Huminto si Saviel at Sinji at sabay silang napatingin sa akin. "Dapat ba mahinhing kilos lang?" takang tanong ni Saviel sa akin dahilan para masapo ko ang aking noo at ilapag sa coffee table ang hawak kong tasa at saka pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Mukha kayong sasabak sa isang dilubyo dahil dyan sa ginagawa niyo, pwede bang kumalma naman kayo?" Umupo si Sinji sa tabi ko, "oo nga naman mars. Bakit ba tayo nangangarag kung uuwi lang tayo sa Pinas?" Umangat ang isang kilay ni Saviel sa amin at saka ito pumamewang. "Hoy! Baka nakakalimutan mong iniwan mo ang mga
DUANE TYRON'S POV: "HOY! WALA ka bang balak na pumunta sa VIP room at doon magpakalunod ng alak?" sita sa akin ni Thunder nang hindi ako gumagalaw mula sa pangangalumbaba ko sa loob ng bar counter kahit na may mga customer na at si Thunder ang tumayong bar tender ngayong gabi. "Wala, kaya huwah mo akong pansinin at magtrabaho ka na lang!" balik na singhal ko rito kaya napakamot na lang si Thunder sa kaniyang batok. "Hirap sa inyong mga broken ginagawa niyong kanlungan ang alak. Bakit hindi kayo maghanap ng babae!? Ang hihina niyo!" rinig ko pang bulong nito habang inaasikaso ang isang customer. "Kung sabihin ko kaya sa asawa mo na may kabit ka?" Marahas na napalingon si Thunder sa akin at inambahan ako ng suntok. "H-Hoy, wala kang narinig at huwag mong sasabihin sa asawa ko ang tungkol doon. Busy siya sa e-sports no!" "Buti pinapayagan pa ang asawa mo na maglaro? Pinikot mo lang yata si Fumiko para patulan ka." Ngumiwi ito sa akin at ni-head lock ako bigla ngunit kahit anong g
~ FIVE YEARS LATER ~ DUANE TYRON'S POV: "HOW many times do I have to tell you that you need to revise this report!?" sigaw ko sa aking sekretarya dahil araw-araw na lang ay puro palpak na report ang binibigay nito sa akin na pati schedule ko ay hindi niya magawang ayusin. "I-I'm sorry Sir, I will work on that." "Get out before I fired you!" Kinuha nito ang folder na ibinagsak ko sa aking mesa kanina at saka ito nakayukong kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko. Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko at hinilot ang aking sintido. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko mula nang umalis si Sinister sa HuPoFEL. Tinanong ko si Luther Aqueros kung na saan ang asawa ko ngunit wala itong ideya. Nagising na lang daw isang araw si Doc Gun at nang bibisitahin nito si Sinister at ang mga bata ay wala na ang mga ito. Kahit sa CCTV ng building ay walang nakuha kahit isang footage at hanggang sa lumipas ang limang taon na wala akong balita sa mag-ina ko. Limang taon. Limang taong nag
SINISTER'S POV: SAPO ang aking bibig upang pigilan ang napipintong pagsusuka ko, hinalungkat ko ang compartment na nasa harapan ko gamit ang libre kong kamay at nang makakuha ako ng plastic ay doon ko nilabas ang sama ng loob ko dahil sa mabilisang byahe mula Pinas hanggang Hawaii nang lumapag si Homare sa rooftop ng hindi ko kilalang building at mukhang pagmamay-ari ito ng Bloodfist. "Ano ba yan Sinister!? Ilang beses ka nang nakasakay kay Homare, nahihilo ka pa rin?" Hindi ko magawang barahin si Sinji dahil abala ako sa pagsusuka. Sinong tanga ang masasanay sa ganito kabilis na sasakyang panghimpapawid kung sa land transportation pa nga lang bawal na ang high speed? Buti sana kung katulad nila ako na malakas ang resistensya na dumaan sa iba't-ibang training lalo na't delikado ang kanilang trabaho. "Hayaan mo na mars. Kapag broken kailangang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagsusuka." "Ay sabagay. Pag lasing nga tayo kailangang walang hungover para hindi tayo magsabi n
SINISTER'S POV: Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manganak ako at sa loob ng nakalipas na mga araw ay mas pinili kong palakasin ang katawan ko dahil aalis ako sa lugar na ito na malayo sa kung na saan si Duty. Akala ko ay mahal niya ako ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang pag-uusap nilang dalawa ni Luther. Hindi ko aakalain na papaikotin lang ako ni Duty sa mga kamay niya para makapaghiganti sa nanay ko at ginamit niya lang ako para punan ang hustisya na gusto niyang makuha para kay Tita Calia. Minsan napapaisip na lang ako kung ano pa ba ang purpose ko rito sa mundo at kung bakit nadadamay ako sa problema ng ibang tao? I just wanted to live my life in peace but those people around me didn't let me. Gusto kong sumbatan, saktan at awayin si Duty ngunit para saan pa? Magsasayang lang ako ng oras at panahon kung aawayin ko lang siya lalo na't inanakan niya lang naman ako at ang kambal namin ang siyang naging bunga ng isang gabing pagkakamali. Akala ko kasi ay si Duty n
DUANE TYRON'S POV:MABILIS kaming nakauwi nina Sinji at Saviel at agad akong nagpagamot kay Gun upang hindi mahalata ni Sinister na may ginawa ako. Ayoko namang humarap sa kaniya na may bangas sa mukha dahil sayang ang kagwapuhan ko kung puro sugat at pasa mula sa huling laban na ginawa ko.Kasalukuyan na akong nasa kwarto ni Sinister at nadatnan ko si Aqueros doon habang natutulog si Sinister samantalang ang kambal ay nasa incubator na nasa loob nitong kwarto na kanilang kinaroroonan."What brought you here?" lumapit ako sa kama ni Sinister at naupo sa mono block na nasa tabi nito habang si Aqueros ay nasa sofa at nagbabasa ng libro na gawa ni Saviel. Please Me, Master pa nga ang titulo at hindi ko aakalain na mahilig si Aqueros sa ganoong libro."Killing some time. How's your work?" aniya nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko dahil nanatiling nakatutok ang mata nito sa libro."Psh, Sinji ends Buenavidez life and I don't know why he's interested with Sinister,""You don't even lo
DUANE TYRON'S POV:Pagkarating namin sa ikalawang palapag kung saan naroon si Buenavidez, pinagbuksan kami ng pinto at nadatnan namin ang matanda na nakatingin pa rin sa kaganapan sa ibaba."They said you want to talk with me?" pasalampak akong naupo sa sofa kahit na hindi ako pinahintulotan na maupo. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam habang si Sinji at Saviel ay nakatayo sa likuran ko."I saw your fight and I must say you're the one I am looking for," ani nito nang hindi man lang nililingon ang gawi naming tatlo. Nanatili itong nakatingin sa ibaba habang ang mga kamay nito ay magkasalikop sa kaniyang likuran."For what?"Humarap sa amin si Buenavidez at lumapit sa coffee table at inilapag sa harapan ko ang isang maliit na envelope kaya napatingin ako rito."What's this?""See it for yourself,"Naningkit ang mga mata ko at hinablot mula sa mesa ang maliit na envelope na nilapag niya at tinignan ang laman niyon ngunit halos mawalan ako nang kaluluwa nang makita litrato ng asaw
DUANE TYRON'S POV: Napangiwi ako nang bumagsak ang lalaki sa lapag ng ring at halos hindi na ito makagalaw dahilan para magsigawan ang mga manunuod. Tila nakakabingi ang mga sigawan na iyon at pakiramdam ko ay nasa impyerno na ako. "Maghanda ka na Fullentes," tapik sa akin ni Sinji nang ilabas mula sa ring ang lalaking wala nang malay kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat sa loob ng arena at harapin ang taong mas doble pa ang laki ng katawan sa akin. Sa mundo ng fist fight, kung sino ang unang bumagsak ay siyang talo at kung sino ang mananatiling nakatayo ay siyang magpapatuloy sa laban kahit na pagod na pagod ka na hanggat hindi mo maririnig ang tunog ng bell ay hindi ka pwedeng sumuko. Ngumisi sa akin ang lalaking makakalaban ko ngunit tinignan ko lamang ito ng pailalim at sa isang hudyat ng referee, lumusob ito sa akin at inundayan ako ng suntok sa mukha ngunit naka-iwas ako agad at inundayan ito ng suntok sa kaniyang laghukan dahilan para mapaluhod ito sa sakit. Wala