SINISTER'S POV:
"Huwag na. Ako na ang magluluto. You should stay here and take some rest." Tinanguhan ko na lamang ito at saka siya hinayaang pumasok sa kanyang walk-in closet at magpalit ng kanyang damit na pambahay. Muli akong nahiga sa kama at sa ikalawang pagkakataon, muli akong nilamon ng kadiliman dahil sa sobrang antok. *** "Sinister.... Sinister..." Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako nang makitang nasa malawak na hardin na hindi pamilyar sa akin. 'Where am I?' Bumangon ako mula sa damuhan na siyang kinahihigaan ko at doon ko nakita ang damit kong pantulog na dati kong ginagamit kapag nasa bahay ako ng parents ko. Puro damuhan ang nakikita ko kasama ang maaliwalas na kalangitan at punong kahoy na isinasayaw ng hangin. "Sinister...." Nagsalubong ang kilay ko at hinanap ang boses na iyon at sa paglingon ko sa aking likuran, bulto ng isang binatilyo ang aking nakita kaSINISTER’S POV: Ilang ang araw akong nakaburo sa kama dahil sa sama ng pakiramdam ko at gusto akong dalhin ni Duane sa hospital ngunit ayaw kong pumayag. May ideya na ako sa nangyayari sa akin ngunit ayaw kong pangunahan ang sarili ko pero natatakot ako sa pwedeng maging resulta. Nang maging maayos ang lagay ko tumakas ako sa bahay ni Duane nang pumasok ito sa kanyang opisina at hindi niya alam na umalis ako dahil mamayang hapon pa naman siya uuwi tulad ng nakagawian nito. Paglabas ko pa lamang sa aming subdivision, agad akong pumara ng taxi at sumakay at sinabi ang lugar na gusto kong puntahan. Sa kabilang bayan ako pumunta at balak kong magpa-check up sa clinic na pagmamay-ari ng LA Medical Center. Libre lang daw ang pagpapacheck-up doon at walang hinihinging kapalit kaya iyon ang napili kong puntahan. Abot-abot ang kaba ko ko habang nakasakay sa taxi at humigpit ang pagkakakapit ko sa string bag na dala ko. Wallet lang ang laman niyon na binigay
SINISTER'S POV: Nakarinig kami ng pagtikhim ni Sav kaya naman agad kong naibaling kay Doktora Dua ang paningin ko at nahiya ako bigla dahil parang nawalan ako ng respeto sa doctor. “Sav, leave us alone please?” ani nito. Humalukipkip si Sav sa kanyang kinauupuan at napanguso pa ito. “Don’t mind me, Dua and do your thing. Isipin mo na lang na isa akong rebulto.” “As if naman bagay kang rebulto.” Bumaling sa akin ang atensyon ni doktora at saka ako nito hinarap. “Miss Creige, what can I do for you?” “Uh, nitong nakaraan kasi ay nakaramdam ako ng panghihina at pagsusuka kaya pumunta ako rito para makasigurado kung tama ang hinala ko.” Kahit nahihiya ako sa presensya ni Sav ay naglakas loob na ako lalo na’t babae naman siya at alam kong mapagkakatiwalaan siya sa ganitong usapin. “Hmm, sintomas nga yan ng pagbubuntis pero para makasigurado tayo, use this kit.” Inilapag nito sa mesa ang apat na pregnancy test. “Ayu
SINISTER'S POV: “Bumalik ka rito sa susunod na buwan upang mamonitor natin ang lagay ng baby mo. Here’s my calling card, you can call whenever you want, Sinister,” “T-Thank you, doc. U-Uuwi na po ako.” Nagpaalam na ako sa kanila at naiwan si Sav sa clinic kaya naman mag-isa akong lumabas ng clinic at naghihintay ng taxi pauwi sa bahay ni Duane. Napahawak ako sa aking tiyan at pinapakiramdaman ang buhay ng isang bata na nabuo – hindi ako sigurado kung sa isang gabi ng pagkakamali na unang pagsuko ko ng aking sarili kay Duane o noong nasa Egypt kaming dalawa. Siya lang naman ang lalaking inalayan ko ng aking sarili ngunit natatakot ako nab aka hindi niya matanggap ang anak namin. “Sinister?” Napalingon ako sa likuran ko at paglingon ko, nakita ko si Trixie kasama ang kakambal nitong si Trisha at meron silang kasamang bodyguard. As usual, buhay prinsesa ang mga ito habang ako ay naghihirap sa kamay ng mismong pamilya ko.
SINISTER'S POV:Nanglaki ang mga mata ko nang damputin ni Tita Trina at Tito Trent ang pregnancy test na tumilapon. “I-Ibigay niyo sa akin yan.” Akmang aabutin ko ang kit na nasa kamay nito ngunit agad akong pinigilan ni Kuya Troy. “B-Buntis ka?” ani ni Tita Trina at tila hindi makapaniwala sa nakikitang pula sa hawak niyang kit. “I-Ibigay niyo sa akin yan, parang awa niyo na—“ Muling dumapo ang palad ni Mommy sa mukha ko at sa pagkakataon na iyon ay tuluyan na akong nabuwal sa kinatatayuan ko at napaluhod ako sa tabi ni Kuya Troy habang hawak nito ang braso ko ngunit pabalibag nito akong binitawan at pakiramdam ko handa silang tapakan ang buo kong pagkatao gayong magkakadugo lang kami bilang Creige. “Hindi ka na nahiya! Malandi ka! Bukas na bukas ay ipapatawag ko si Mr. Wrights at itututoy ang kasal ninyong dalawa pero siguraduhin mong maaalis ang batang iyan sa sinapupunan mo kung sino ang ama ng punyetang bastardo na iyan.” Tuluyang gumuho ang
SINISTER'S POV:Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto ng aking kwarto at sa ikalawang pagkakataon, si Tito Trent ang pumasok at ito na mismo ang may dala ng pagkain mula sa fast food na paborito naming kainan noon.“Sinister, kailangan mong kumain.” Lumapit ito sa aking kama at inilapag sa bed side table ang pagkain na dala niya at natakam ako bigla dahil sa amoy ng chicken ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.“Para saan pa ang buhay ko kung pahihirapan lang ako ng ganito, Tito? I wan’t my life back but I don’t want to get married to that old man.”“Hindi ko magawang salungatin ang Mommy mo dahil kahit ako ay walang kakayahang gawin iyon. Please, Sinister, para na lang sa bata at sa’yo, kumain ka.”Tuluyan nang nakalapit si Tito sa akin at saka ako iginiya palapit sa akin kama at marahan ako nitong itinulak paupo bago niya halungkatin ang pagkain na dala niya. Wala man siyang dugong Creige ngunit siya na lamang ang kakampi ko sa
SINISTER'S POV:Naghihintay lamang ako sa balkonahe ng aming bahay dahil ipapatawag ako umano bago ako bumaba ng hagdanan upang salubungin ang mga bisita ng aking Mommy na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o iiyak na lang ako sa isang sulok.Sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko parang gusto ko na lang malagutan ng hininha ngunit may isang buhay ang nasa loob ng aking sinapupunan kaya kailangan kong lumaban at magpakatatag. Wala akong ibang makakapitan kundi ang anak ko lamang."Welcome ladies and gentlemen to the engagement party of Mr. Regal Wrights and Miss Sinister Creige, tonight let me introduce you the one and only heiress of Creige Corporation, Miss Sinister Creige."Napabuga ako ng hangin at saka ako naglakad patungo sa hagdanan at bumulaga sa akin ang dagat ng tao na nakatingala kung saan ako naroon. Nababasa ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha at pagtataka dahil hindi naman talaga ako lumalabas sa ganitong malalaking pagtiti
SINISTER'S POV: Lumalim na ang gabi na wala akong ibang ginawa kundi ang tahimik na kumain ng mag-isa sa mesa na siyang nakalaan para sa aming dalawa ni Regal. Hindi ko alam kung paano nila natatagalan ang isa't-isa sa pag-uusap gayong paikot-ikot lamang din tungkol sa negosyo ang kanilang topic. "What a pig?" umangat ang aking mukha bago ko lunukin ang leche faln na kanina ko pa binabalik-balika sa buffet nang bumulaga sa harapan ko ang kambal na si Trixie at Trisha. "What do you want this time?" Humalukipkip si Trixie sa akin na parang isa akong nakakadiring nilalang na pwede niyang duraan kung kailan niya gugustuhin. "Kawawa ka naman kung ipapakasal ka lang din sa matandang tulad ni Wrights hindi ba? Na saan na ang ipinagmamayabang mong magandang buhay kasama ang lalaking magmamahal sa'yo ng totoo? Girl, that's your only in imagination. Buti sana kung isang Duty Fullentes ang magliligtas sa tulad mong basu
SINISTER'S POV:Nagkagulo ang mga nurse at doctor nang makita nila ang itsura naming dalawa ni Regal at saka nila kami binigyan ng stretcher at ang mga doctor at nurse na mismo ang nagdala sa akin sa emergency room nila. Naiwan sa labas ng kwarto si Regal dahil hindi ko naman kailangan ang presensya niya dahil hindi naman siya ang ama ng anak ko.Hinawakan ko ang braso ng isang doctor at saka ako naglakas loob na magsalita. "D-Doc, ang anak ko... iligtas mo ang anak ko...""You don't have to worry about it, Sinister. I'm Doc Gun, one of Saviel's friends. I know because she told me about you. Take a rest for now and let me do my job."Nakahinga ako ng maluwag dahil kaibigan pala ni Duane ang isang ito kaya naman unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at nanalangin na sana sa paggising ko ay nasa tabi ko na muli si Duane.Sobra na ang ginagawa sa akin ng pamilya ko na dapat ay nananahimik ang mundo ko mula sa bahay ni Duane kung hindi lang ako