The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney
"Bumalik ka na sa akin, Chantal.. pangako, walang anumang namamagitan sa amin ni Laurice.. kababata ko lang siya, isang kliyente.." nagsusumamo si Calvin kay Chantal.
"Ano bang akala mo, Calvin? hiniwalayan kita ng dahil lang diyan? hindi siya ang problema, ikaw! ang pagtakas mo sa ating mga alitan at ang pag ignore mo sa akin sa tuwing nagagalit ka, ang pagiging malamig mo, iyan ang problema ko sayo! Ikaw ang nagmulat sa akin, kung gaano kapangit magpakasal, kaya ngayon, natatakot na akong magmahal!" saka nagmamadaling hinila niya ang kanyang kamay palayo sa lalaki.
Nanatiling nakaluhod si Calvin. Ang kanyang malamig na emosyon ay napalitan ng lungkot.. umagos ang luha sa kanyang mga mata.
Sa loob ng maraming taon.. ngayon lang niya ulit naranasang lumuha.
Alam na niya kung saan siya nagkasala, kaya susubukan niyang bumawi, upang muling bumalik ang pagmamahal sa kanya, ng kanyang dating asawa..
Kailangan niyang lumaban, dahil may ibang lalaki na na nagpapakita ng interes dito, at mukhang tagilid ang kanyang lagay.