The Scale of Life and Death (Profession Series #2)

The Scale of Life and Death (Profession Series #2)

last updateLast Updated : 2022-01-25
By:  aa_bcdeeeCompleted
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
101Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

In a room full of people, it feels we're discrete. We feel as if we've been left behind amid a crowd of figures. What does it mean to be one of them? To be a part of the circle? We're living in their eyes, yet we do not exist in their world. We're like a spark but no blaze because we think differently. Themis Lex Pravitel, tenacious in pursuing her goals, will go to any length to get that Attorney in front of her name. She is preparing, in the courtroom. Emperor Nezoi Palmadez, a Surgeon, embodies the serious yet amusing man, and whatever he wants, he gets it. He is getting ready in the operating room. They've been playing by the Universe countless times until they found themselves serving the same land. Will they listen to their heartbeats on a stethoscope? Or top-even to their mind speaks on a scale.

View More

Chapter 1

Prologue

Profession series #2

#1 The Soar of Rocket Ship

(ONGOING)

#2 The Scale of Life and Death

Trigger warning: this story contains death and self-harm. Please be advised.

PRONUNCIATION

Themis Lex Pravitel

te-mis lex pra-by-tel

Emperor Nezoi Palmadez

em-pe-ror ne-sow-why pal-ma-des

---

Lumabas muna kami ng court dahil nagtawag ang Judge namin ng recess at balik daw kami after 15 minutes. Nagbasa lang ako ng kaso ng iba ko pang kliyente at iyong kasamahan ko naman ay nag-C.R. muna. Ito na ang huling hearing at dito na rin made-determine kung ano ang hatol sa parehong kampo. Nilipat ko ang pahina ng aking binabasa at may narinig akong bulungan mula sa tabi ko.

"Sigurado ba na tayo ang mananalo?" tanong ng kasama niya. Mga hindi ko makita ang pagmumukha, paano nakapasok ang mga ganitong itsura dito? Mga naka-men in black.

"Hindi 'ko sigurado, Boss. Pero iyong isang Judge roon ay naabot na namin 'yong pera," sagot ng isa. Bribery. Umusod pa ako lalo para malaman ko kung anong kaso ba ang hawak nila, baka mamaya ay iba iyon.

"Siguraduhin mong mananalo tayo, dahil 'yong anak ko naaksidente. Imposible na rin 'yang self-defense na iyan," bulong ng isa niyang kasama rito. Ngumiti ako, as if mangyari 'yan. Kilala ko ang Judge namin, in fact, magkaibigan pa kami no'n.

"Let's see," I whispered and smiled deathly.

Tapos na ang recess at nasa loob na ulit ako ng court. Nasa gilid lang ako nakaupo dahil mayroon akong kasamang isa pang abogado at siya ang nagsasalita roon. Sinabi ko sa kanya ang narinig kong bulungan ng dalawang tao kanina. Nakita ko ang galit sa mata nito at sinabi niyang hindi niya hahayaang mangyari 'yon kaya ilalabas niya na ang huling alas namin para siguradong kami na ang mananalo.

"With all due respect, your Honor. I have one further thing to say..." Bumukas ang pinto ng korte at pumasok ang isa sa pinagpilitan naming magsalita sa witness stand. Ang kaibigan ng babae at lalaki, isa siya sa nakakita ng pangyayari. Ngumiti kami nang wala sa oras. Umupo sa witness stand itong kaibigan nilang babae at kita ko ang nginig sa buong katawan nito.

"Please stand," the court clerk said. Tumayo ang babaeng nanginginig dahil sa tensyon at kabang sa kanyang nararamdaman.

"Do you pledge that the testimony you shall give in this court will be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God? Please say I do."

"I d-do," kinakabahang sagot nito.

"Please state your first name and last name."

"Zoria Legazpi."

Pinaupo na siya ng court clerk at inutusan pa itong isulat ang name niya sa reporter at ginawa niya iyon. Tumayo ang opposing counsel at siya ang nagtanong-tanong sa witness namin.

"You saw them fighting, right? Then what's the uncertainty?" tanong ng opposing counsel, dahil hindi sigurado ang witness namin sa mga sagot nito. Pinag-usapan na namin ito pero parang kinakabahan talaga siya at nakalimutan ang usapan namin. Narinig ko ang buntonghininga ni Irene sa unahan at muling tumingin doon, siya ang kasama kong abogado at siya ang nagsasalita roon.

"Objection, your Honor! The question is irrelevant," sabi ni Irene at tumingin kay Judge.

"The objection is sustained," sagot ni Judge, "proceed to your next question, Counsel."

"Yes, your Honor," sagot ng opposing counsel at nagpatuloy sa mga tanong.

Nagkaroon pa ng tanungan pero natapos din ito, tinanong din ako ni Judge kung may idagdag pa ako, sinabi ko lang na wala na at pinalabas na ulit kami dahil mag-uusap-usap na sila ng katabi niya pang Judge kung anong hatol ang makukuha ng kalaban namin o ng nirerepresenta namin.

Ang kasong hawak namin ay isang babaeng na nag-send ng isang picture niya na walang suot at isang video na hindi kaaya-aya kapalit lang ng pera at para daw na patunay na mahal siya ng lalaki. How sad about this generation, they called love into lust.

Paano naabot sa korte ang kaso? Dahil gusto na ng babae na makipaghiwalay sa jowa nito pero nag-blackmail ang lalaki na kapag nakipaghiwalay ito ay ilalabas niya ang mga pictures at videos na na-send nito. Nag-away sila sa tapat ng bahay ng lalaki at sinapak ng lalaki iyong babae at pinagsasampal pa ito, lumuhod ang babae at nagmakaawa na huwag ipagkalat at hindi na rin siya makikipaghiwalay, pero itong lalaki sinabunutan pa ang babae. 

Dahil sa galit at pagtitimpi na ng babae ay tuluyan na itong nagalit sa lalaki at bumawi ang babae ng sipa, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bumagsak sa isang matalim na bagay iyong lalaki, nagdugo ang ulo nito at nawalan ng malay. Dinala agad ito sa hospital at hanggang ngayon ay unconscious pa rin ito.

Mayaman ang pamilyang kalaban ng babae and yes, this is my fourth time accepting a probono client or case. Walang mababayad sa akin o sa amin, para lang madepensahan o mapresentahan ang babaeng ito. I still have my morals and principles, for me that's the essence of lawyering. Mayroon kaming footage ng C.C.T.V. camera at ayon ang ginawa na namin evidence, kitang-kita roon ang buong nangyari. Mahirap man ilaban, pero pinilit na talaga namin ang self-defense sa kasong ito.

Magaling ang kalaban naming abogado, isa ito sa kilalang abogado sa Pilipinas. Madaling mai-dismiss ang kaso pero napunta naman kami sa maayos na Judge at isa rin ako sa taong ilaban na bigyan ng hustisya ang babae.

No one should pity my women. 

"Kawawa naman iyong babae," ani Irene iyong kasama kong abogado at tinuro ang papalabas na babaeng bente dos anyos. Pinanood namin paano lumabas ng umiiyak ang babaeng nirepresenta namin at hawak kamay pa sila ng Zoria na kaibigan nila, tinawag ito ni Irene at sinabing dito muna sila sa amin.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ko sa babae at pinunasan niya ang pisngi niya dahil patuloy pa rin ang agos ng luha nito. Iyong Kasama niya naman ay nakatulala lang at kinakausap ito ni Irene, tungkol sa pinaggagawa niya kanina. Nakaupo kami sa upuan na narito at hawak-hawak ko pa ang kumpol na mga papel, dahil may iba pa akong kliyenteng inaasikaso. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"M-maraming salamat po talaga, Attorney." 

"Wala iyon. Ano man ang resulta ay hindi naming hahayaan na patawan ka ng mas malala pang parusa," sabi ko sa kalmadong boses.

"Parusa? Makukulong po ako, Attorney?!" Humagulgol lalo ang babae at agad akong nag-panic. Pinatahan siya ni Irene at sinabing kumalma ito at hindi mangyayari 'yon dahil narito kami. Ilang beses pa naming pinagaan ang loob nito hanggang sa kumalma ito at tumigil sa pag-iyak.

Pinabalik na ulit kami sa korte at tapos na ring mag-usap ang mga Judge at may hawak-hawak na iyong Judge na nasa gitna, na roon na ang kapalaran ng babae. Tumingin ako sa kabilang kampo at nakita ko roon ang mga masasamang tingin ng pamilya ng jowa ng nirepresenta namin. Tinignan ko rin ang abogado ng kabilang panig at nakangisi ito. Anong nakakatuwa?

"And now, the verdict. In this case..." Tumahimik agad ang silid at kay Judge lahat nakatingin, sasabihin na nito kung ano ang mangyayari sa parehong panig at kung sino ang panalo.

"The punishment for causing serious bodily harm will be announced. The jury reached a unanimous decision." Kumalabog nang matindi ang puso ko, kinakabahan ako para sa babae dahil na-trauma talaga siya sa nangyari. Hiniling ko rin sana na may katarungan na magaganap dito.

"To accept the defendant's self-defense allegation." Nagpalakpakan ang panig namin at naghiyawan dahil panalo kami sa kasong ito. Napabuntonghininga na lang ako at nagpasalamat na nakuha ang hustisya ng babae. Tumingin ako sa kabilang panig at nakita ko ang galit at dismaya sa mga mata nila. Tumingin ako sa magulang ng lalaki at galit na galit ang mata nito.

Who cares? Panalo naman kami.

Masaya kaming lumabas ng korte at kasama rin namin 'yong babae at 'yong Zoria hanggang ngayon ay iyak pa rin nang iyak.

"Hindi pa ba nauubos ang luha mo at ikaw?" mataray kong tanong sa kanila at natawa naman sila sa akin. Pinunasan agad nila ang pisngi nila at humarap sila sa aking nakangiti kahit mayroon pa itong sipon ay nakangiti pa rin ang mga ito.

"Maraming salamat po, Attor—" ang bilis ng pangyayari dahil may biglang bumaril sa kanya ng kung sino, nag-panic kaming lahat at agad kong inalalayan ang babae dahil bumabagsak na ito. Tumingin ako sa dugong dumadaloy mula sa kanyang sikmura, tinulungan na rin ako ng mga kasamahan ko at hinanap ng mga kasamahan ko kung sino ang gumawa lahat ng ito.

May narinig ulit kaming putok ng baril at natamaan naman no'n si Zoria. Napatili na ako roon at sinubsob ko ang mukha ko sa katawan ng babae.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Irene at nanginginig pa ang kamay nito habang inilalagay namin ang babae sa isang sulok. Ang daming dugong nakakalat kaya marumi na sa labas ng korte. Nanginginig na rin ako sa takot dahil may hawak-hawak akong taong nasa labanan ng buhay at kamatayan.

Nasa loob na kami ng ambulansya at wala pa ring malay ang babae. Ginawa na ng mga Paramedic na narito sa ambulansya ang maaari nilang gawin at may nilagay pa ng kung anu-ano sa babae. Nakarating kami sa isang pamilyar na hospital at bumaba kaming dalawa ni Irene kasabay ng mga Paramedic, pinagilid kami ng mga ito upang magkaroon ng daan at nakita kong mga nagtatakbuhan na mga nurses at papunta sa lugar namin. Kami na ni Irene ang pinapunta nila rito dahil patuloy ang paghahanap ng mga kasamahan namin 'yong bumaril sa mga ito.

Matapos nilang kunin ang babae ay agad naman kaming sumunod sa mga ito. Habang hila-hila nila ang strecher at marami ang tanong ang isang nurse at si Irene naman ang sumagot sa lahat ng iyon. Nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon dahil sa harapan ko mismo nangyari ang gano'ng bagay.

"Wala rito si Mr. Alchemiro at si Mr. Elcamiña naman ay tapos na ang shift," sabi ng isang nurse sa isa pang nurse. 

"Kailangan na ring operahan ito, dahil ang daming dugong nabawas sa kanya at kapag tumagal pa maaaring mamatay ang pasyente at malalim ang puwesto ng bala," dagdag pa nito. Ang daming ingay akong naririnig, dahil lahat ay kumikilos dahil buhay ang nakasalalay sa kanilang trabaho.

Biglang may lumabas mula sa isang pinto at hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I knew it, that's why I am familiar to this hospital.

"Mr. Palmadez!" sigaw ng mga nurse na narito. Nagkaroon ang pagasa sa silid na ito pero sa akin? Para akong nalunod bigla. Naglakad siya papunta sa puwesto namin at hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako na hindi niya man lang ako napansin dito.

"Let's get the operating room ready and go.” Kumilos nang mabilis ang mga ito at sumunod sa kanya ang mga nurse na narito.

Of course, he loves giving orders to certain people, and I am one of them.

Dinala ng mga nurse 'yong strecher kung saan na roon ang mga babae at tinulak ito sa isang room na nakalagay sa itaas na Operating Room. 

"Doc! Ligtas niyo po sila," sabi ni Irene punong-puno nang pag-alala at hinawakan pa ang kamay nito, ang landi ah. Lalo akong kinabahan nang dahan-dahan itong lumingon sa direksyon namin. Nang lumingon na siya at tumingin kay Irene at ngumiti.

"Don't worry, we will do our best," he said and gave an assuring smile. Tumingin siya sa gilid ni Irene at ako 'yon. Natigilan siya at ako naman ay tumibok nang sobrang lakas ang aking puso.

"I'll do my best, as I did my best to win her heart before." Tumalikod na siya at naglakad papalayo, si Irene naman ay ang daming tanong pero hindi ko siya masagot dahil ito ako ngayon naiwang hindi makagalaw at hindi makapagsalita.

Sa muling pagkakikita namin, parang ang hirap pa rin talaga. I'm still haunted by what happened years ago. In the last five years, nothing really change about him, but the world is.

Yes, it had been five years long and yet my heart beats for him, before.

And now? Certainly not.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
Michael Magana
great story!
2021-12-09 12:57:53
2
user avatar
Michael Magana
great story!
2021-12-09 12:57:04
2
user avatar
Marielle Masinda
This story is really amazing...... This a masterpiece...‍♀️
2021-11-03 07:46:51
2
101 Chapters
Prologue
  Profession series #2   #1 The Soar of Rocket Ship (ONGOING)   #2 The Scale of Life and Death     Trigger warning: this story contains death and self-harm. Please be advised.   PRONUNCIATION   Themis Lex Pravitel te-mis lex pra-by-tel   Emperor Nezoi Palmadez em-pe-ror ne-sow-why pal-ma-des       ---     Lumabas muna kami ng court dahil nagtawag ang Judge namin ng recess at balik daw kami after 15 minutes. Nagbasa lang ako ng kaso ng iba ko pang kliyente at iyong kasamahan ko naman ay nag-C.R. muna. Ito na ang huling hearing at dito na rin made-determine
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more
Chapter 01
   "Gaga ka! Nasaan ka na?! Kanina pa ako rito, sabay ikaw nasa apartment mo pa lang? Dalian mo! Kanina ka pa on the way nang on the way, bilisan mo!" bungad sa akin ni Constraire pagkasagot na pagkasagot ko pa lang sa tawag niya.  "Ito na nga, papunta na rin ako talaga."  "Dalian mo! Ang haba na ng pila rito!" Napairap ako roon at muling inayos ang bag ko.  "Oo na, sandali! Palabas na ako ng apartment ko!" Lumabas ako ng apartment ko at naglakad-lakad upang makapunta sa terminal ng mga tricycle.  "Oh, ayan! Very good! Hihintayin na lang kita rito! Bye!" Tinignan ko ang telepono ko at tuluyan na nga ito binaba ni Constraire. Nang na roon na ako ay agad akong binatukan ni Constraire at gano'n din ang ginawa ko.  "Kanina pa ako rito, gaga ka!" Sinabunutan pa ako nang pabiro nito.
last updateLast Updated : 2021-09-15
Read more
Chapter 02
   Nakatingin lang siya sa aking mukha nang seryoso at parang ine-examine niya ako. Wala akong lakas upang alisin ko ang tingin ko sa kanya. Nananatili lang kaming magkatinging dalawa, mata sa mata. Walang kumukurap sa amin, hanggang sa ako na ang unang sumuko at umiba ako ng tingin.  Tumingin ako sa mga nakalagay sa akin, naka-dextrose ako at iba na rin ang aking suot. Napatingin ako sa gilid at mukhang narito na naman ako sa silid na ayaw na ayaw ko.  "Anong ginagawa ng isang cheater dito?" I asked out of nowhere while avoiding his gaze. Hindi siya sumagot at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na seryoso itong nakatingin sa akin.   "Ah, cheater na nga... snobber pa! Daming quality ha, gifted." Pumalakpak pa ako at ngumiti nang peke. Napipikon talaga ako rito sa lalaking 'to. Ito naman ay ngumiti lang nang nakakaloko! Itong lalaking i
last updateLast Updated : 2021-09-15
Read more
Chapter 03
      Nag-stay pa ako sa hospital ng ilang araw at umabot iyon ng tatlong araw. Magsisimula na ulit ang semester namin kaya kailangan ko na ring bumili ng mga libro at kung anu-ano pang kailangan para sa shcool. Next after week pa naman iyon, kaya may oras pa ako para maghanda at may oras pa ako para sa hospital na ito.     Kahit na ayaw ko sa mga hospitals, dahil narito naglalaban ang buhay at kamatayan at iyong amoy ng hospital at mga ilaw ng mga ito ay nakakatakot. Saka narito pa talaga ako sa hospital na kung saan dito ang med students ng school na pinapasukan ni Nezoi.
last updateLast Updated : 2021-10-28
Read more
Chapter 04
      Isinantabi ko muna ang nangyayari sa akin at may mas mahalaga akong dapat intindihin. Kumuha lang muna ako ng panyo at inilagay kung saan tumutulo ang dugo at pinunasan na rin ang aking mga kamay dahil may dugo na rin ang mga ito.     Ang magulang ko naman ay wala talagang pakialam dahil patuloy lang sila kumain at tahimik lang kumakain. Naisip ko munang hahanapin ko na lang mamaya kapag tulog na sila at umakyat muna ako sa taas upang kausapin ang mga kapatid ko kung ano ang nangyari no'ng wala ako.     Nakita ko ang mga kapatid ko na magkatabing nakahiga sa maliit na higaan sa kwarto namin at naririnig ko pa ang hikbi ng mga ito. Nakita ko pang niyakap pa ni Veni si Vici upang patahanin ang isa't isa. Lalo ako naging emosyonal sa lagay naming magkakapatid. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil nawawala ang card ko. Lumapit ako at tumabi ako sa kanila at niyakap ang m
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
Chapter 05
      Matapos akong gamutin ng mga nurses dito ay nagbayad na rin ako agad kahit na sabi nila na hindi pa raw akong puwedeng umalis. Gusto ko na rin talagang magpahinga at umuwi sa apartment ko. Kahit pinigilan pa ako ng mga nurses dito ay talagang umalis na ako. Sumakay ako ng jeep at pumunta muna ako sa isang fast food chain at bumili ng pagkain doon.     Pagod na ako. Gusto ko lang kahit isang saglit maging maligaya 'man lang ako. Bumili rin ako ng mga desserts na gusto ko at pati na rin mga junk foods. Pagkatapos kong bumili ng mga cravings ko ay dumiretso na ako sa apartment ko.     Hindi ko na kaya pa ang buhay. Naging malupit na ito pagkasilang na pagkasilang ko pa lang. Ilang beses na ring sumagi sa utak ko ang sumuko na. Lalo na ngayon na wala na ang ipon ko, wala akong kuwentang Ate at anak. Wala na rin naman na akong maiiwan dito. Ang tagal-tagal ko na ring lumalaban
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
Chapter 06
      Naging malinaw sa akin ang lahat at si Nezoi ang lalaking narito sa aking apartment. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo na nasa aking leeg at itinapon niya ang kutsilyo at agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasigaw ako roon at siya naman ay walang pakialam. Mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib niya at ang seryoso ng mukha niya kaya natakot ako.     Dinala niya ako sa kwarto ng apartment ko at saka niya ako inihiga roon at agad din siyang lumabas at ako naman ay naiwang nakatunganga lang. Iyong akala ko tapos na ang buhay ko pero ito may nagligtas at may pumigil sa akin. Ang lalaking kinasusuklaman ko pa at 'yong lalaking unang-una ko pang minahal, at ang unang lalaki rin ang bumiyak sa aking puso.     Maya-maya pa ay bumalik na siya na may dala-dalang first aid kit at lumapit agad siya sa akin na madilim ang mukha kaya kinabahan ako roon. Lumayo pa ako nan
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more
Chapter 07
      Nagising ako dahil sa sinag ng araw at sa init na nararamdaman ko na nagmumula sa araw, at tuluyan kong minulat ang aking mga mata at kitang-kita ko rito ang kislap ng araw. Huminga ako nang malalim sa ganitong sitwasyon kahit naiinitan na ako sa araw. Ang akala kong hindi ko na muling makikita ang araw ay ito ngayon, nararamdaman ko at nasisilawan ako.     Pinikit ko ang aking mga mata. Ang araw na nagrerepresenta ng panibagong kabanata ng ating mga buhay, ang bagong araw para gawin at lumaban muli. Nakiramdam ako sa sarili ko at ewan ko kung bakit parang wala akong lakas ngayon, umupo ako sa aking higaan at agad akong nahilo. Sinubukan kong tumayo at nalaglag agad ako at parang may sakit ako.      Hinawakan ko ang leeg at noo ko, at napaso agad ako dahil sa sobrang init nito. Muli akong humiga at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Narinig ko ang pagbukas ng p
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more
Chapter 08
      Kanina pa ako gising at ganoon pa rin ang sitwasyon kong nanghihina pa rin pero kahit papaano ay pakiramdam ko naman ay umayos ako nang kaunti. Ayaw ko pang tumayo dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Anong mukha pa ang ihaharap ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Alam kong maya-maya ay papasok na siya rito sa kwarto ko at ito ako nilalamon pa rin ng kahihiyan.     Dahil sariwang-sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi. Pagkasabi na pagkasabi niyang si Tita pala ang kausap niya, parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na 'yon. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang mga unan ko rito at sinabi niya pa talaga ang lahat-lahat ng usapan nila ni Tita. Patuloy ang pag-flash sa utak ko ang mga pangyayaring 'yon     Sinabi kasi ni Tita kay Nezoi na pumunta sa isang event para mairepresenta ang pamilya nila. Wala raw ang mga Kuya niya, mga hindi raw available k
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more
Chapter 09
      Naging maayos na ako sa lumipas na araw at ngayon ay nabalik ko na ang sarili ko at maayos na maayos na talaga ako. Tuloy na ulit sa laban sa buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako at lumalaban sa nakakapagod na kinabukasan. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho ko sa isang fast food chain.     Napagalitan pa ako at muntik na akong tanggalin dahil daw wala akong paramdam, nagmakaawa pa ako at humingi ng tawad at sinabi ko na ito na lang din ang isa ko pang pinagkukuhanan ng pera at muntik pa akong maiyak dahil hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon na walang-wala talaga ako.     Sinabi ko na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapagsabi at sinabi rin ng boss ko na sa susunod, na magsabi ako para naman daw ay alam niya ang nangyayari sa akin. Kahit papaano ay sobrang bait din talaga sa akin ng boss ko, may alam din siya sa kuw
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status