Nagising ako dahil sa sinag ng araw at sa init na nararamdaman ko na nagmumula sa araw, at tuluyan kong minulat ang aking mga mata at kitang-kita ko rito ang kislap ng araw. Huminga ako nang malalim sa ganitong sitwasyon kahit naiinitan na ako sa araw. Ang akala kong hindi ko na muling makikita ang araw ay ito ngayon, nararamdaman ko at nasisilawan ako.
Pinikit ko ang aking mga mata. Ang araw na nagrerepresenta ng panibagong kabanata ng ating mga buhay, ang bagong araw para gawin at lumaban muli. Nakiramdam ako sa sarili ko at ewan ko kung bakit parang wala akong lakas ngayon, umupo ako sa aking higaan at agad akong nahilo. Sinubukan kong tumayo at nalaglag agad ako at parang may sakit ako.
Hinawakan ko ang leeg at noo ko, at napaso agad ako dahil sa sobrang init nito. Muli akong humiga at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Narinig ko ang pagbukas ng p
Kanina pa ako gising at ganoon pa rin ang sitwasyon kong nanghihina pa rin pero kahit papaano ay pakiramdam ko naman ay umayos ako nang kaunti. Ayaw ko pang tumayo dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Anong mukha pa ang ihaharap ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Alam kong maya-maya ay papasok na siya rito sa kwarto ko at ito ako nilalamon pa rin ng kahihiyan. Dahil sariwang-sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi. Pagkasabi na pagkasabi niyang si Tita pala ang kausap niya, parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na 'yon. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang mga unan ko rito at sinabi niya pa talaga ang lahat-lahat ng usapan nila ni Tita. Patuloy ang pag-flash sa utak ko ang mga pangyayaring 'yon Sinabi kasi ni Tita kay Nezoi na pumunta sa isang event para mairepresenta ang pamilya nila. Wala raw ang mga Kuya niya, mga hindi raw available k
Naging maayos na ako sa lumipas na araw at ngayon ay nabalik ko na ang sarili ko at maayos na maayos na talaga ako. Tuloy na ulit sa laban sa buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako at lumalaban sa nakakapagod na kinabukasan. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho ko sa isang fast food chain. Napagalitan pa ako at muntik na akong tanggalin dahil daw wala akong paramdam, nagmakaawa pa ako at humingi ng tawad at sinabi ko na ito na lang din ang isa ko pang pinagkukuhanan ng pera at muntik pa akong maiyak dahil hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon na walang-wala talaga ako. Sinabi ko na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapagsabi at sinabi rin ng boss ko na sa susunod, na magsabi ako para naman daw ay alam niya ang nangyayari sa akin. Kahit papaano ay sobrang bait din talaga sa akin ng boss ko, may alam din siya sa kuw
Simula no'ng pagkasilang ko sa mundong ito naging mahirap na agad sa akin ito. Hindi ako naging katulad ng ibang bata na nagsasaya sa labas ng mga tahanan nila at nakikipaglaro sa iba't ibang mga bata. Maagang namulat sa akin ang sama ng mundong ito. Noong bata ako ay naranasan kong kumain ng panis na pagkain, naranasan ko ring hindi kumain, uminom na galing sa gripo at sa poso. Ang mga magulang ko ay walang pakialam sa akin at kung minsan na nananalo si Nanay sa sugal niya at saka lang kami may makakakain. Si Tatay naman ay puro inom lang ang inatupag niya, puro bisyo. Nakulong si Tatay dahil sa paggamit ng illegal na droga, pero nagkaroon ng Parole sa kaso niya, kaya nakawala rin siya. Araw-araw rin akong pinapalo noon nila Tatay at Nanay pero inintindi ko 'yon na pinangangaralan lang nila ako. Pero kahit wala akong ginagawang masama ay patuloy pa ri
Bago muna kami pumunta sa apartment ko ay kumain muna kami, para kahit papaano ay mahismasan ang aming mga sarili. Sinabi ko rin kila Dorothy kung mayroon pa bang laman itong card na ito. Sana 'man lang kahit papaano ay mayroon pang natitira, kung wala na? Hindi ko na rin alam pa. Nasa isang Chinese cuisine kami at nag-ordered kami ng mga masasarap na alam naming putahe. Tinuruan pa naming magkakaibigan paano mag-chopstick ang mga kapatid ko at tawa kami nang tawa dahil hindi nila iyon magawa. Kaya ang nakakatawang part na sabi nila na magkakamay na lang daw sila. Pero hindi ako pumayag syempre, binigyan ko sila ng kutsara at tinidor. "Ate, saan po tayo matutulog?" tanong ni Veni habang kumakain kami. "Mayroong apartment si Ate. Nakalimutan niyo na ba?" Napakamot sa ulo si Veni at mukhang ngayon niya lang na-realize 'yon
Ang kapal ng mukha. Pero ramdam ko ang pamumula ko at naging mabilis ang tibok ng puso ko, dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti at hindi ako natutuwa roon. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga kapatid ko at mukhang alam nila ang nangyari at narinig nila ang usapan namin ni Nezoi at nakangiti rin ang mga ito. Binigyan ko sila ng masamang tingin at ang mga ito naman ay humagikgik lang. Umusog-usog kami dahil may mga taong patuloy ang pagsakay rito. Nang mapuno na kami ay nagbayad muna ako ng pamasahi namin at buti naman at hindi na nakisali si Nezoi roon at sarili niya na lang binayaran niya. Bumaba na kami sa sakayan ng tricycle dahil isang sakay pa para sa apartment ko. Nakabuntot lang sa amin si Nezoi at katabi ko si Vici rito at si Veni naman nakikipagkuwentuhan sa likod kay Nezoi at mukhang na-miss talaga nila ang isa't i
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti at kinindatan niya pa ako. Umirap naman ako sa sinabi niyang 'yon. Pinunasan ko ang kanyang mukha at pawis na pawis 'yon pero bakit parang mag gwapo siya ngayon kapag pawis na pawis siya? Nakatingin lang ako sa mukha niya at hindi ko inaalis ang tingin ko na 'yon sa kanya. Nakatitig lang din siya sa mukha ko at walang may gustong umiwas sa tinginan naming 'yon. Hanggang sa narinig namin ang hiyawan sa gilid namin at doon na ako umiwas dahil nakikita ng mga kapatid ko ang nangyari 'yon. Ramdam ko ang pamumula ko at si Nezoi naman ay tumatawa-tawa lang. "Si Ate talaga," pang-aasar sa akin ni Veni, "oo nga," dagdag naman ni Vici. Humarap ako sa kanila at sinamaan ko agad sila ng tingin. Tumingin naman ako sa gilid ko at si Nezoi na patuloy na mahinang tumatawa. "Bahala ka riyan,
Maaga akong nagising dahil ipaghahanda ko pa ang kambal ng almusal nila. 4 o'clock pa lang ay nagising na ako at agad naman akong bumangon. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko agad si Nezoi na marami na agad siyang papel sa gilid niya at nag-aaral pa rin siya hanggang ngayon. Itinaas niya ang inaantok niyang mukha at agad nagising ang diwa niya sa nakita niyang ako 'yon. "Themis..." Umiwas ako ng tingin at tumuloy sa kusina dahil kahit na nahihiya ako sa ginawa ko kagabi ay hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil sa galit ng aking puso. Nagsimula akong tumingin sa ref kung ano ang available na puwedeng lutuin. Kinuha ko na lang ang bacon at saka nag-egg at saka nag-fried rice na rin ako. Sinimulan kong magluto at may naramdaman akong presensya mula sa aking likod at naglakad ito papalapit sa akin. "Ikaw na lang ang maghugas ng mga 'to," sabi ko sa pinaka malamig
Tinulak ko agad siya nang malakas at nainis ako sa ginawa niyang 'yon. Pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ko roon. Tumatawa-tawa lang siya at saka mabilis akong tumalikod at pupunta na ako sa faculty at titignan ko na roon kung may kailangan ba sila sa aking iutos doon. Dahil may grant na ang scholarship students dito na maging isang personal assistant sa faculty at kinuha ko agad ang opportunity na 'yon at ang saya-saya lang, dahil wala na akong binabayaran sa school na ito at kumikita pa ako rito. How blessed of me having this school. Kaya kahit naging ganoon 'man ang buhay ko ay naging thankful naman ako sa school na ito. Nasa malayo na ako pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya ni Nezoi sa malayo. "I love you, my Queen!" Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon at agad akong humarap sa kanya na may nananal
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.