Isinantabi ko muna ang nangyayari sa akin at may mas mahalaga akong dapat intindihin. Kumuha lang muna ako ng panyo at inilagay kung saan tumutulo ang dugo at pinunasan na rin ang aking mga kamay dahil may dugo na rin ang mga ito.
Ang magulang ko naman ay wala talagang pakialam dahil patuloy lang sila kumain at tahimik lang kumakain. Naisip ko munang hahanapin ko na lang mamaya kapag tulog na sila at umakyat muna ako sa taas upang kausapin ang mga kapatid ko kung ano ang nangyari no'ng wala ako.
Nakita ko ang mga kapatid ko na magkatabing nakahiga sa maliit na higaan sa kwarto namin at naririnig ko pa ang hikbi ng mga ito. Nakita ko pang niyakap pa ni Veni si Vici upang patahanin ang isa't isa. Lalo ako naging emosyonal sa lagay naming magkakapatid. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil nawawala ang card ko. Lumapit ako at tumabi ako sa kanila at niyakap ang mga ito. Sinubukan kong huwag umiyak pero naiyak na rin talaga ako.
"Ate?" tawag ni Vici at humarap sa akin.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong nito at may bahid pa rin ang sugat ang aking mga kamay at sa ulo ko, pero tumigil na ito sa pagtulo. Dahil na-pressure ko na ang pagdurugo.
"Ayos lang ako," sabi ko at ngumiti.
"Ate... ayaw ko na po rito, alis na po tayo rito." Hinila niya pa ang damit ko at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Sampung taon na ang kambal pero ito, nararanasan na agad nila ang pait ng mundo sa loob pa lang ng bahay. Dapat na ang inaatupag lang nila na makipaglaro sa ibang mga bata, maging masaya, at wala dapat iba pang iniintindi. Pero ito sila ngayon nakikita na nila ang mga ganitong bagay sa ganitong edad.
"Ako rin," mahinang sambit ko.
"Matulog na kayo at may mga pasok na rin kayo bukas. Maaga pa kayo bukas, dali tulog na," sabi ko sa pinaka masayang paraan na kaya ko. Kahit na pulang-pula ang mga mata nila ay ipinikit naman nila ang mga ito.
Tahimik lang akong umiiyak dahil ayaw kong marinig nila ako at baka magising pa sila dahil sa akin. Paulit-ulit kong pinupunasan ang aking mukha dahil sa walang tigil ng pagbuhos ng luha ko. Gusto ko lang naman makamit ang pangarap ko, gusto ko lang naman maabot ang gusto kong marating para sa sarili ko. Pero sobrang hirap.
Ang hirap ng buhay.
Nakita kong gumalaw si Veni at nagulat pa ako dahil lumipat siya ng puwesto at nasa likod ko na siya. Humarap ako sa kanya at pinunasan niya ang pisngi ko na may mga luha at mapait itong ngumiti sa akin.
"Maraming salamat po sa lahat, Ate."
Sobrang simpleng salita pero iba ang epekto sa akin. Hindi ko maiwasang umiyak pa lalo dahil sa sinabi ng kapatid ko na 'yon. Kahit noon pa 'man, sa pagsabi sa akin ng kung sino ng salamat ay sobrang nakakataba na ito ng puso para sa akin.
"Ate, tahan na. Tama na ang iyak," sabi ni Veni, pagko-comfort niya sa akin. Inayos ko agad ang sarili ko dahil ako ang panganay, dapat nakikita ng mga kapatid ko na malakas ang Ate nila at sa akin sila tumitingala at humahawak ngayon kaya kailangan malakas ako.
"Oh, ano namang nangyari no'ng wala ako?" tanong ko. Natigilan si Veni sa tanong ko at mukhang may hindi na namang magandang nangyari.
"Ganoon lang ulit, Ate. Nasanay na rin po kami." Huminga ako nang malalim. Alam ko na agad ang ginawa sa kanila nila Tatay at alam kong mali 'yon. Gusto kong magwala, gusto ko silang ipaglaban at gusto ko ring magsumbong. Pero, nakakatakot.
"Pasensya na ha. Pasensya na kung wala si Ate no'ng mga araw na 'yon, at wala si Ate upang mapalagaan at ipaglaban 'man lang kayo." Iniangat ko ang aking ulo dahil may nagbabadya na namang luhang mahuhulog.
Dahil tuwing narito ako ay hindi nahahawakan nila Tatay ang mga kapatid ko. Kaya kanina ay alam ko na agad ang ginawa sa kanila. Isa rin ito sa dahilan kaya minsan ayaw ko na lang din magtrabaho at lumabalas-labas para lang mabantayan ko 'man lang sila.
"Ano ka ba, Ate. Mas lalo po tayong kawawa kung narito ka po, wala po tayong kakainin dito at mas lalo po tayong mahihirapan."
"Pasensya ulit kung hindi magampanan ni Ate ang obligasyon ko sa inyo ha. Pasensya na rin kung wala akong magawa at hindi 'man lang ako makasumbong, pero unting tiis na lang... aalis na tayo rito, sasama na kayo sa akin. Isang taon na lang ni Ate sa kolehiyo, kakayanin na natin ang buhay. Wait niyo si Ate ha."
Hindi na rin naiwasang hindi umiyak ni Veni dahil mukhang hindi na rin niya kaya pang mamuhay rito. Hindi na talaga niya kaya pa.
"Ate, p-puwede po bang pakibilisan? Ang hirap na po k-kasi talaga..." Humagulgol na si Veni at niyakap ko siya at hinahagod ang likod niya.
"Oh, ano naman nangyari sa klase niyo? Tama na muna ang tungkol sa bahay," saad ko at pag-iiba ko ng usapan. Tumahan naman agad si Veni at mukhang nagbago ang mood niya at mukhang maganda na ang pag-uusapan namin.
"Sabay ayon, Ate! Ang ganda niya rin kasi talaga, sabay no'ng isang araw po sabay kaming kumain ng recess," kuwento ni Veni at ngiting-ngiti pa ito at hindi ko namang maiwasan na mapangiti roon. Sa public school sila nag-aaral, gusto ko 'man silang ipa-private school pero hindi ko talaga kaya.
"Ate, oo nga pala... pansin ko rin po lagi po kami binibigyan ni Nanay ng pera po. Isang daan po ang baon po namin. Noong nawala po kayo at araw-araw na po 'yon." Natigilan ako roon at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ganoong pera? Ang laki naman," sabi ko at kumakalabog nang matindi ang dibdib ko.
"Opo. At saka anu-ano rin po binili ni Nanay at sugal din po nang sugal, sabay kay Tatay naman po lagi po silang nag-iinum ng kumpare niya po. Parang ang dami po talaga nilang pera." Tumayo ako mula sa pagkakahiga.
"Sige na, matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Baba lang si Ate at may hahanapin lang ako." Tumango si Veni at tumabi na muli siya sa kakambal niya at ipinikit niya na ang mata at bago ako lumabas ng kwarto namin ay pinatay ko na rin ang ilaw rito.
Bumaba na ako at nakita kong na roon pa si Nanay at nagyoyosi pa ito. Natatakot 'man akong lapitan at muli siyang tanungin kung nasaan ang card ko at hindi ako kakapanganak lang kahapon upang hindi malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa card ko na 'yon, ang gusto ko lang naman na magsabi sila ng totoo. Buong tapang at lakas akong lumapit at muli siyang tanungin.
"Nay?" pagkuha ko ng atensyon niya at humarap ito sa akin.
"Ano na naman 'yon? Ano ba Themis? Puwede ba?! Huwag muna ngayon!" Lumayo ako sa kanya at siya naman ay nagpatuloy sa paninigarilyo niya at amoy na amoy ko iyon.
"Nay, iyong card po kasi na 'yon para po sa pangarap ko po 'yon. Matagal ko na pong pinag-iipunan iyon, bata pa lang po ako. Nay, kahit anong trabaho o raket ay pinasok ko po. Nag-beauty pageants po ako, naging waitress po, naging tagabuhat ng kung anu-ano, naging tutor po ako, nag-choreo ng sayaw, at sumali-sali sa mga kumpetisyon na may pera. Lahat po ginawa ko para lang po sa pangarap ko na pagiging abogado."
"Ano bang sabi ko?! Sabing wala nga sa akin, at saka patayin mo na iyang pangarap mo 'yan. Sa pagiging abogado? Kita mo na sobrang gulo ng politika natin ngayon? Puro mga gahaman sa pera, sa kapangyarihan... wala kang lugar na tulad mo roon!"
Kaya nga narito ako, narito ako upang maging isa sa pagbabago. Kaya ako mag-aaral ng batas para doon, para sa mga naaapi, para sa mga mahihirap—na hindi nila mapagtanggol ang mga sarili nila. Sa akin magsisimula ang pagbabago.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya 'yan, pero hindi talaga na niya ako maiintindihan. Simula bata pinapatay na nila ang pangarap ko, at ngayon ako ang gumawa ng paraan. Ako ang kumilos sa murang edad. Nilabanan ko na agad ang hirap ng mundo. Wala na ring patutunguan ang usapan namin. Naglakad ako paakyat pero tinignan ko ang nakatabing bag na nakalagay sa lamesa at pumunta ako roon, dahil may kakaiba akong nararamdaman doon.
Kay Nanay ang bag na ito at tinignan ko ang bawat parte nito at sa bulsa nagulat ako na mayroong lamang card. Binuksan ko ang zipper no'n at laking gulat ko na ito iyong card ko. Hinawakan ko ito at naiiyak dahil narito ang paghihirap ko sa buhay ko.
"Themis!" sigaw ni Nanay at agad akong humarap sa kanya. Aakmang kukunin niya ang card ko pero agad ko itong nilayo.
"Bastos kang bata ka! Ibigay mo sa akin 'yan!"
"Nay, akin ito!" Lumapit nang lumapit si Nanay at talagang desididong kuhanin ang card ko. Patuloy ang sigaw ni Nanay at ako naman ginagawa ang makakaya ko na hindi niya ito makuha.
"Ano ba?! Sobrang ingay niyo naman! May natutulog na rito!" sigaw ni Tatay mula sa itaas.
Patuloy ang nais na pagkuha ni Nanay sa card ko at na-corner na ako sa isang sulok at mayroong vase roon at nahulog ito at nawala ako sa focus at doon nakakuha ng chance si Nanay upang makuha niya ang card ko at nakuha nga niya 'yon.
"Ano bang mayroon?! May nabasag pa, natutulog na 'yong mga tao ang ingay-ingay niyo!" sigaw ni Tatay habang bumababa mula sa hagdan.
"Itong si Themis! Kinukuha ang pera ko, kanya raw 'yon... at ito ang pera natin para sa pagkain. At ayan tignan mo! Nabasag 'yong vase mo," sumbong ni Nanay. Natakot na akong gumalaw dahil lagot na ako rito.
"Ano bang mayroon sa iyo at ang tigas ng ulo mo?! Tulog na 'yong mga tao at hindi naman iyong pera kuha ka nang kuha?!" Nagulat na lang ako sa suntok ni Tatay sa akin at natumba ako sa sahig at wala na ring tigil tumulo ang mga luha ko at sila naman ay walang pakialam sa anak nila. Nakita ko ang dugo na kanina na hindi na tumutulo at ngayon naman ay tumutulo na ulit.
Iniwan na ako ng magulang ko at ito ako ay nakahiga pa rin, hindi ko na kaya pa ang buhay na ganito. Gusto ko na ring sumuko. Parang wala na talaga ang lahat. Mapait akong ngumiti at tumayo na ako. Kinuha ko ang bag ko at mayroon pa naman akong pera upang ipagamot ang sarili ko. Binilang ko na rin ang perang hawak-hawak ko.
"Kaya pa ito... ng isang linggo," bulong ko sa sarili ko habang binibilang ang perang mayroon ako ngayon. Pumunta ako sa kwarto namin at kumuha ng mga gamit at bago ako umalis ay hinalikan ko muna sa noo ang kapatid kong kambal.
"Pagbalik ni Ate, aalis na kayo rito at sa akin na kayo sasama," bulong ko at hinalikan na sa noo si Vici. Umalis na ako ng bahay at nag-chat ako kay Constraire na wala na ako sa bahay namin at mukhang tulog na siya dahil hindi na nakapag-reply.
Pumunta ako sa pinaka malapit na hospital at inasikaso ako agad ng mga nurses dito. Ginamot nila ang sugat ko at tinanong-tanong din ako kung anong nangyari sa akin at dinahilan ko na lang na aksidente lang akong nauntog sa isang matulis na bagay. Kahit naiiyak pa ako sa nangyari sa akin ngayong gabi ay pinigilan ko na lang.
Sayang. Nakakapanghinayang. Iyong one hundred fifty thousand. Iyong paghihirap ko simula bata pa lang. Biglang nawala. Naglaho.
Bakit ganoon? Bakit ang hirap ng buhay? Bakit sa akin napunta ang ganitong sitwasyon sa buhay? Gusto ko na lang din magpakasarap, gusto ko ring maging maligaya sa buhay. Si Dorothy na wala na siyang aalahanin dahil mayroon siyang supportive na magulang kaya wala na siyang gagawin pang kahit ano dahil nasa harapan niya na ang pangarap niya sa buhay.
Si Constraire, kahit na may kaya lang sila nagagawa niya ang gusto niya dahil maayos ang magulang niya sa lahat ng iyon. Si Stamim, mayaman din at kayang-kaya ang buhay kaya wala na rin talaga siyang aatupagin pa.
Hindi ko dapat naiisip ang mga bagay na ito lalo kung ang mga kaibigan ko na ang involve pero hindi ko maiwasang mainggit, dahil ang presko ng buhay nila. Simula High school wala silang iintindihin kung hindi gumawa lang ng assignments at projects nila pero no'ng panahon na iyon. Isa akong tutor sa non-English speaking children, iyong isa kong Teacher na tinulungan ako upang sumali sa mga patimpalak ng debate, impromptu speeches, at essay writing na may pera at palagi akong sali nang sali. Dahil sa pera.
Naging choreographer din ako sa mga maliit na events at naging host din ako sa mga iyon. Naging facilitator ng mga events at lahat ng opportunities na 'yon ay pinasok ko para lang may pera ako at may ipon ako. Naging utusan lang din ako, no'ng naging 18 ako ay nagsimula na ako maging waitress sa isang fast food chain at sumasali-sali rin ako sa mga pageants.
Hindi ko ring hindi maiwasang mapangiti, dahil lahat ng iyon naging achievements ko na sa buhay. Ang dami ko na ring talagang nagawa at napatunayan para sa sarili ko. Naisip ko rin ang mga taong nahalubilo ko at mga memories na nagawa namin. Sa lahat ng taong tumulong sa akin at naniwala.
You've fought hard enough and done your best, self. You've shown courage and perseverance in the face of hardship. So, thank you very much.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
:>
Matapos akong gamutin ng mga nurses dito ay nagbayad na rin ako agad kahit na sabi nila na hindi pa raw akong puwedeng umalis. Gusto ko na rin talagang magpahinga at umuwi sa apartment ko. Kahit pinigilan pa ako ng mga nurses dito ay talagang umalis na ako. Sumakay ako ng jeep at pumunta muna ako sa isang fast food chain at bumili ng pagkain doon. Pagod na ako. Gusto ko lang kahit isang saglit maging maligaya 'man lang ako. Bumili rin ako ng mga desserts na gusto ko at pati na rin mga junk foods. Pagkatapos kong bumili ng mga cravings ko ay dumiretso na ako sa apartment ko. Hindi ko na kaya pa ang buhay. Naging malupit na ito pagkasilang na pagkasilang ko pa lang. Ilang beses na ring sumagi sa utak ko ang sumuko na. Lalo na ngayon na wala na ang ipon ko, wala akong kuwentang Ate at anak. Wala na rin naman na akong maiiwan dito. Ang tagal-tagal ko na ring lumalaban
Naging malinaw sa akin ang lahat at si Nezoi ang lalaking narito sa aking apartment. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo na nasa aking leeg at itinapon niya ang kutsilyo at agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasigaw ako roon at siya naman ay walang pakialam. Mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib niya at ang seryoso ng mukha niya kaya natakot ako. Dinala niya ako sa kwarto ng apartment ko at saka niya ako inihiga roon at agad din siyang lumabas at ako naman ay naiwang nakatunganga lang. Iyong akala ko tapos na ang buhay ko pero ito may nagligtas at may pumigil sa akin. Ang lalaking kinasusuklaman ko pa at 'yong lalaking unang-una ko pang minahal, at ang unang lalaki rin ang bumiyak sa aking puso. Maya-maya pa ay bumalik na siya na may dala-dalang first aid kit at lumapit agad siya sa akin na madilim ang mukha kaya kinabahan ako roon. Lumayo pa ako nan
Nagising ako dahil sa sinag ng araw at sa init na nararamdaman ko na nagmumula sa araw, at tuluyan kong minulat ang aking mga mata at kitang-kita ko rito ang kislap ng araw. Huminga ako nang malalim sa ganitong sitwasyon kahit naiinitan na ako sa araw. Ang akala kong hindi ko na muling makikita ang araw ay ito ngayon, nararamdaman ko at nasisilawan ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang araw na nagrerepresenta ng panibagong kabanata ng ating mga buhay, ang bagong araw para gawin at lumaban muli. Nakiramdam ako sa sarili ko at ewan ko kung bakit parang wala akong lakas ngayon, umupo ako sa aking higaan at agad akong nahilo. Sinubukan kong tumayo at nalaglag agad ako at parang may sakit ako. Hinawakan ko ang leeg at noo ko, at napaso agad ako dahil sa sobrang init nito. Muli akong humiga at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Narinig ko ang pagbukas ng p
Kanina pa ako gising at ganoon pa rin ang sitwasyon kong nanghihina pa rin pero kahit papaano ay pakiramdam ko naman ay umayos ako nang kaunti. Ayaw ko pang tumayo dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Anong mukha pa ang ihaharap ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Alam kong maya-maya ay papasok na siya rito sa kwarto ko at ito ako nilalamon pa rin ng kahihiyan. Dahil sariwang-sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi. Pagkasabi na pagkasabi niyang si Tita pala ang kausap niya, parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na 'yon. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang mga unan ko rito at sinabi niya pa talaga ang lahat-lahat ng usapan nila ni Tita. Patuloy ang pag-flash sa utak ko ang mga pangyayaring 'yon Sinabi kasi ni Tita kay Nezoi na pumunta sa isang event para mairepresenta ang pamilya nila. Wala raw ang mga Kuya niya, mga hindi raw available k
Naging maayos na ako sa lumipas na araw at ngayon ay nabalik ko na ang sarili ko at maayos na maayos na talaga ako. Tuloy na ulit sa laban sa buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako at lumalaban sa nakakapagod na kinabukasan. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho ko sa isang fast food chain. Napagalitan pa ako at muntik na akong tanggalin dahil daw wala akong paramdam, nagmakaawa pa ako at humingi ng tawad at sinabi ko na ito na lang din ang isa ko pang pinagkukuhanan ng pera at muntik pa akong maiyak dahil hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon na walang-wala talaga ako. Sinabi ko na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapagsabi at sinabi rin ng boss ko na sa susunod, na magsabi ako para naman daw ay alam niya ang nangyayari sa akin. Kahit papaano ay sobrang bait din talaga sa akin ng boss ko, may alam din siya sa kuw
Simula no'ng pagkasilang ko sa mundong ito naging mahirap na agad sa akin ito. Hindi ako naging katulad ng ibang bata na nagsasaya sa labas ng mga tahanan nila at nakikipaglaro sa iba't ibang mga bata. Maagang namulat sa akin ang sama ng mundong ito. Noong bata ako ay naranasan kong kumain ng panis na pagkain, naranasan ko ring hindi kumain, uminom na galing sa gripo at sa poso. Ang mga magulang ko ay walang pakialam sa akin at kung minsan na nananalo si Nanay sa sugal niya at saka lang kami may makakakain. Si Tatay naman ay puro inom lang ang inatupag niya, puro bisyo. Nakulong si Tatay dahil sa paggamit ng illegal na droga, pero nagkaroon ng Parole sa kaso niya, kaya nakawala rin siya. Araw-araw rin akong pinapalo noon nila Tatay at Nanay pero inintindi ko 'yon na pinangangaralan lang nila ako. Pero kahit wala akong ginagawang masama ay patuloy pa ri
Bago muna kami pumunta sa apartment ko ay kumain muna kami, para kahit papaano ay mahismasan ang aming mga sarili. Sinabi ko rin kila Dorothy kung mayroon pa bang laman itong card na ito. Sana 'man lang kahit papaano ay mayroon pang natitira, kung wala na? Hindi ko na rin alam pa. Nasa isang Chinese cuisine kami at nag-ordered kami ng mga masasarap na alam naming putahe. Tinuruan pa naming magkakaibigan paano mag-chopstick ang mga kapatid ko at tawa kami nang tawa dahil hindi nila iyon magawa. Kaya ang nakakatawang part na sabi nila na magkakamay na lang daw sila. Pero hindi ako pumayag syempre, binigyan ko sila ng kutsara at tinidor. "Ate, saan po tayo matutulog?" tanong ni Veni habang kumakain kami. "Mayroong apartment si Ate. Nakalimutan niyo na ba?" Napakamot sa ulo si Veni at mukhang ngayon niya lang na-realize 'yon
Ang kapal ng mukha. Pero ramdam ko ang pamumula ko at naging mabilis ang tibok ng puso ko, dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti at hindi ako natutuwa roon. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga kapatid ko at mukhang alam nila ang nangyari at narinig nila ang usapan namin ni Nezoi at nakangiti rin ang mga ito. Binigyan ko sila ng masamang tingin at ang mga ito naman ay humagikgik lang. Umusog-usog kami dahil may mga taong patuloy ang pagsakay rito. Nang mapuno na kami ay nagbayad muna ako ng pamasahi namin at buti naman at hindi na nakisali si Nezoi roon at sarili niya na lang binayaran niya. Bumaba na kami sa sakayan ng tricycle dahil isang sakay pa para sa apartment ko. Nakabuntot lang sa amin si Nezoi at katabi ko si Vici rito at si Veni naman nakikipagkuwentuhan sa likod kay Nezoi at mukhang na-miss talaga nila ang isa't i
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.