"Gaga ka! Nasaan ka na?! Kanina pa ako rito, sabay ikaw nasa apartment mo pa lang? Dalian mo! Kanina ka pa on the way nang on the way, bilisan mo!" bungad sa akin ni Constraire pagkasagot na pagkasagot ko pa lang sa tawag niya.
"Ito na nga, papunta na rin ako talaga."
"Dalian mo! Ang haba na ng pila rito!" Napairap ako roon at muling inayos ang bag ko.
"Oo na, sandali! Palabas na ako ng apartment ko!" Lumabas ako ng apartment ko at naglakad-lakad upang makapunta sa terminal ng mga tricycle.
"Oh, ayan! Very good! Hihintayin na lang kita rito! Bye!" Tinignan ko ang telepono ko at tuluyan na nga ito binaba ni Constraire. Nang na roon na ako ay agad akong binatukan ni Constraire at gano'n din ang ginawa ko.
"Kanina pa ako rito, gaga ka!" Sinabunutan pa ako nang pabiro nito.
"Sorry na nga, wala pa nga akong kain. Ang sakit ng ulo ko! Tara na nga!" Pumasok kami sa loob ng gusaling ito kung saan kami mage-exam. Tumatagaktak ang pawis namin dahil kanina pa kami naghihintay rito sa labas ng hall dahil naka-schedule na kami ngayon para mag-exam, para makakuha ng scholarship mula kay Mayor. Wala pa akong kain at pagod na pagod ako mula sa trabaho at kagabi ay may raket ako at ayon nanalo ako sa isang Beauty Pageant sa baranggay namin pero hindi ko kailangan ng parangal at certificates doon, ang kailangan ko roon ay pera. Nakakuha naman ako kahit limang libo at ayos na 'yon.
Pagkatapos ng pageant ng madaling araw, pumunta agad ako sa isang fast food chain na pinagtratrabahuhan ko at nagpaalam na wala ako mamaya dahil may gagawin ako. Pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa apartment ko upang magpalit at tinanggal ang mga glitters at makeup sa sarili ko, inabot na akong siyam-siyam. Parang kakapikit ko pa lang ay tumawag na kanina si Constraire na nagpagising sa akin.
Kanina pa kami nakapila at ang daming tao! Hanggang ngayon ay naghihintay at nakatayo pa rin kami rito. Pagod na pagod na ako at ang init-init pa rito. Bumili lang ako ng malamig na tubig at agad kong ininom 'yon. Bumalik agad ako sa pila namin ni Constraire at bigla akong kinurot sa bewang ko, sinamaan ko siya ng tingin at siya naman ay ngumiti at nag-peace sign lang.
Kasama ko si Constraire dito, dahil nangangailangan din siya. Sabi niya sa akin na bumili ako ng makakain at libre niya 'yon. Nasa pila lang siya at sabi niya bumili muna ako ng pagkain namin, tumango ako at tinulak pa ako para bumili na agad at sinabi ko lamang na babalik din naman ako agad. Siksik na siksik ang mga tao rito kaya ang hirap makalabas at pasok din. Nang makabili na ako ay agad naman akong bumalik kung nasaan si Constraire at kumain kami habang naghihintay.
"Kinakabahan ako, Pravitel! Any tip nga?" tanong ni Constraire habang ngumunguya pa.
"Sa akin ka pa talaga nagtanong? Ang alam ko madadali lang daw ang mga tanong at common sense lang daw iyon," sagot ko sa kanya at binigay ko ang juice na hawak ko dahil hiningi niya iyon. Sinubo niya muna ang pagkain niya gamit ang kutsara at ngumuya-nguya at ininom ang juice na hiningi niya.
"Sana lang ha. Mahina pa naman ako lalo na sa critical thinking questions."
"Well, more on Math naman 'yan, kaya panigurado ay kayang-kaya nating maipasa 'yan."
"You never know! Ang init naman dito at ang daming tao. Ang hirap huminga!" Pinaypayan niya ang sarili niya ng kamay niya at uminom ng juice. Patuloy lang akong kumain dahil sa labis na gutom.
"Girl! Ayos ka lang ba? Namayat ka, like legit! Saka iyong mata mo parang kulang na kulang sa tulog, ang dami mo naman ata masyadong ganap sa buhay mo." Hinawakan ni Constraire ang kamay ko at nilapit niya ang mukha niya para ma-examine ang mata ko. Sinampal ko nang mahina iyon para paalisin siya.
"Ayos pa ako, alam mo naman... kailangan kong kumita, saka kaya pa naman ng katawan ko. Kaya relax ka lang d'yan," sagot ko at ngumiti sa kanya. How sweet of Constraire, kahit ang layo ng field na tinatahak namin ay ito, magkasama pa rin kami.
"Basta, don't forget to take care of yourself ha, if may problem ka, sabihan mo lang ako. Pero kapag usapan pera, hindi ako malalapitan mo ah. Thank you!" Tumawa kami roon at naghampasan pa, kaya muntik na matapon ang pagkain ko.
"Ayan! Muntik na, sinasabi ko talaga sa 'yo Constraire! Saka I can handle, though. Akong bahala, ako pa? Reyna 'to hoy, hindi agad ako matitibag," I said and gestured a hand crown above my head. Umakto pa ito na sinasamba ako at ako naman ay sinabayan siya sa trip.
"Mabuti kung gano'n, aking alipin." Tumawa kaming dalawa at nag-appear pa.
"Ang init at ang dami na ngang tao, ang iingay pa!" Nagparinig na mula sa likod namin at naglakihan ang mata namin ni Constraire at nag-usap sa mata. Humarap kami roon at nginitian ito nang pamatay.
"Maganda naman kami. Lagyan mo kaya ng aircon 'yang utak mo para malamigan, ang tanong... may laman ba 'yan?" Tumawa si Constraire doon at pumalakpak pa.
"Palaban 'tong bestie ko! Chill ka lang Ate, maa-achieve mo rin ito." Tinuro ni Constraire ang mukha niya upang iparating iyong ganda niya at nag-flip hair pa ito.
"Char!" sigaw ni Constraire at tumawa lang kami dahil inirapan kami ng babaeng nasa likod namin. Pinabayaan na namin iyon at nagpatuloy kumain at nagkuwentuhan ulit kami.
Pinapasok kami ni Constraire sa isang classroom at magkatabi kami ng upuan, maya-maya pa ay may isang tao na pumasok at mukhang siya ang magbabantay sa amin at magbibigay ng test papers at test booklets sa amin. Lumipas ang ilang minuto ay mayroon pa siyang sinabi about sa mga subjects, time, at ano ang mangyayari pagkatapos ng mga ito and eventually binigay na sa amin ang test namin at pinagsimula na rin kaming magsagot."Pst! Pst, Constraire," bulong ko kay Constraire dahil nakalimutan kong magdala ng calculator. Si Constraire naman ay focus na focus sa mga sinasagutan nito, kaya hindi makatingin sa akin.
"Ano?" bulong nito sa akin habang nagtitipa-tipa sa calculator niya, tumingin ito sa akin ngayon at tinuro ko ang calculator niya.
"Pahiram," I mouthed. Iniangat niya ang kamay niya at sinabing wait lang, tumango ako roon at nagpatuloy na siya sumagot at ako naman ay sinagutan ko muna ang ibang questions. Nang matapos na siya sa calculator ay ibinigay niya na sa akin at sinimulan ko na ang magsagot sa Math.
"We meet again my old friend... Mathematics," bulong ko at sinimulang magtipa-tipa sa calculator.
Naunang lumabas si Constraire dahil tapos na ito at sinabihan niya akong iintayin niya na lang ako sa labas at tumango ako roon habang patuloy na nagsasagot. Iyong paningin ko ay nagiging blurry na at nawawala ako sa focus, may nakita akong nahulog na dugo mula sa aking ilong at walang pakialam ko itong pinunasan.
"Wait, ano nga ang sagot dito," bulong ko habang nakapikit dahil may isang tanong akong alam ko ngunit nakalimutan ko kung ano sagot. Multiple choice naman siya at binulugan ko na lang ang letrang may pinakang malapit na sagot.
Pinunasan ko ulit ang ilong ko dahil may dugo pa rin. Ilang beses na rin nangyari sa akin ito at mamaya ko na lang iindahin. Patuloy akong nagsagot kahit na may tumutulo pa ring dugo mula sa aking ilong at palabo nang palabo ang aking mata. Nahihilo na rin ako at nakikita ko sa mga katabi ko na paunti na paunti na rin ang mga tao rito, dahil tapos na sila and that's added pressure on me.
Sumasakit na ang ulo ko at nanginginig na rin ang aking mga kamay. Nawawala na rin talaga ako sa focus kapag may mga taong unti-unting umaalis sa mga upuan nila, minadali ko ang pagsagot ko at sinisigurado ko pa rin naman na ito ay tama at common sense lang naman iyon. Pinunasan ko ang dugo na nasa papel ko at huling tanong na ako, sinagutan ko iyon at dali-dali ko itong pinasa.
"Hey, are you okay?" tanong ng nagbabantay sa amin at ngumiti lang ako at tumango.
"Yes po, nangyayari po talaga 'to sa akin. Salamat po sa concern," sabi ko at ngumiti nang matamis. Natatawa ako sa sarili ko na ngumiti pa ako ng gano'n kahit na may mga dugo-dugo ako sa kamay at ilong.
"Here, you might need this." Inilahad niya pa sa akin ang panyo niya at umiling na lang ako.
"Maraming salamat po, pero ayos na po ako. Paalam po," sabi ko at hindi ko na tinanggap ang panyo niya at lumabas na ng classroom. Nakita ko roon si Constraire na may katawagan pa at kinalabit ko siya.
"Constraire," nanghihinang tawag ko at patuloy sa pagkalabit sa kanya.
"Oo mamaya! Ang kulit mong bwisit ka! Hintayin mo 'ko!" sigaw ni Constraire sa kausap niya at ako naman ay patuloy na kinakalabit siya. Ang harot nito!
"Oh siya, sige! Mamaya na lang nararamdaman ko na ang kalabit ng isang reyna, bye!" Nagtipa-tipa pa si Constraire sa kanyang telepono at nang humarap siya at makita ako ay nagulat pa siya at inilagay niya agad ang telepono niya sa bag niya at inalalayan ako at pinaupo sa malapit na upuan.
"Anong nangyari sa 'yo?!" sigaw nito sa akin habang pinupunasan niya ang ilong ko na dumudugo.
"Wow ha, parang ngayon mo lang nasaksihan 'to. Tulungan mo na lang ako, ang sakit na nga ng ulo ko!"
"Malay ko ba, malay mo kaya may sugat 'yan dahil may sumuntok sa 'yo. Ito na mahal na reyna, tutulungan na po." Hinampas ko siya at tumawa-tawa pa ito. Nang tumigil na ang pagdurugo ay nag-decide na kaming umuwi na. Bumaba na kami at kitang-kita pa rin namin ang daming students dito na nag-aabang.
Humakhakbang lang ako kahit hindi ko na makita pa ito masyado dahil nagiging blurry na ito sa akin, Kumulog ang sikmura ko at nasusuka ako. Alam kong nasusuka na ako pero wala akong makitang kahit ano dahil ang labo na ng paningin ko, nanghihina na rin ako at nawawalan na rin ako ng lakas. Napasuka ako sa main hall ng lugar na ito at no'ng unang lumabas ay mga kinain ko kanina, nagulat ako at malinaw na nakita na dugo na rin ang sinuka ko.
Narinig ko ang mga sigawan ng mga tao rito at nandidiri sila sa nakikita nila, may iba namang lumapit agad sa amin at iyong iba naman ay tinawag ang Guard na malapit sa amin. Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Constraire sa aking likod at naririnig ko rin ang paghingi niya ng tulong, dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang paglapit ng ibang tao.
Dahil sa sakit ng ulo at pagod, nakapikit lamang ako at hindi ko maiwasang umiyak at humingi ng sorry habang buhat-buhat nila ako. Pinapaypayan pa nila ako ng mga papel, kamay, at ang pamaypay pa mismo. Patuloy nila akong hinihilot at binigyan ng hangin, may nagbigay rin ng malamig na kung ano. Nilagyan ata nila ng malamig na tubig ang isang bimpo at inilagay sa aking ulo.
Hanggang sa hindi ko na kayang malabanan pa ay tuluyan na ring naging itim ang paningin ko.
Gising na ako ngunit hindi ko pa rin minumulat ang aking mata, kinapa-kapa ko pa ang paligid ko at naamoy ko agad ang amoy ng hospital at hawak-hawak ang malamig na kumot nito. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at isang tao ang nakita ko, ang taong nagbigay sa akin ng parehong lungkot at saya. Pero puno pa rin ng galit ang aking puso sa kanya.
Emperor Nezoi Palmadez.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
:>
Nakatingin lang siya sa aking mukha nang seryoso at parang ine-examine niya ako. Wala akong lakas upang alisin ko ang tingin ko sa kanya. Nananatili lang kaming magkatinging dalawa, mata sa mata. Walang kumukurap sa amin, hanggang sa ako na ang unang sumuko at umiba ako ng tingin.Tumingin ako sa mga nakalagay sa akin, naka-dextrose ako at iba na rin ang aking suot. Napatingin ako sa gilid at mukhang narito na naman ako sa silid na ayaw na ayaw ko."Anong ginagawa ng isang cheater dito?" I asked out of nowhere while avoiding his gaze. Hindi siya sumagot at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na seryoso itong nakatingin sa akin."Ah, cheater na nga... snobber pa! Daming quality ha, gifted." Pumalakpak pa ako at ngumiti nang peke. Napipikon talaga ako rito sa lalaking 'to. Ito naman ay ngumiti lang nang nakakaloko! Itong lalaking i
Nag-stay pa ako sa hospital ng ilang araw at umabot iyon ng tatlong araw. Magsisimula na ulit ang semester namin kaya kailangan ko na ring bumili ng mga libro at kung anu-ano pang kailangan para sa shcool. Next after week pa naman iyon, kaya may oras pa ako para maghanda at may oras pa ako para sa hospital na ito. Kahit na ayaw ko sa mga hospitals, dahil narito naglalaban ang buhay at kamatayan at iyong amoy ng hospital at mga ilaw ng mga ito ay nakakatakot. Saka narito pa talaga ako sa hospital na kung saan dito ang med students ng school na pinapasukan ni Nezoi.
Isinantabi ko muna ang nangyayari sa akin at may mas mahalaga akong dapat intindihin. Kumuha lang muna ako ng panyo at inilagay kung saan tumutulo ang dugo at pinunasan na rin ang aking mga kamay dahil may dugo na rin ang mga ito. Ang magulang ko naman ay wala talagang pakialam dahil patuloy lang sila kumain at tahimik lang kumakain. Naisip ko munang hahanapin ko na lang mamaya kapag tulog na sila at umakyat muna ako sa taas upang kausapin ang mga kapatid ko kung ano ang nangyari no'ng wala ako. Nakita ko ang mga kapatid ko na magkatabing nakahiga sa maliit na higaan sa kwarto namin at naririnig ko pa ang hikbi ng mga ito. Nakita ko pang niyakap pa ni Veni si Vici upang patahanin ang isa't isa. Lalo ako naging emosyonal sa lagay naming magkakapatid. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil nawawala ang card ko. Lumapit ako at tumabi ako sa kanila at niyakap ang m
Matapos akong gamutin ng mga nurses dito ay nagbayad na rin ako agad kahit na sabi nila na hindi pa raw akong puwedeng umalis. Gusto ko na rin talagang magpahinga at umuwi sa apartment ko. Kahit pinigilan pa ako ng mga nurses dito ay talagang umalis na ako. Sumakay ako ng jeep at pumunta muna ako sa isang fast food chain at bumili ng pagkain doon. Pagod na ako. Gusto ko lang kahit isang saglit maging maligaya 'man lang ako. Bumili rin ako ng mga desserts na gusto ko at pati na rin mga junk foods. Pagkatapos kong bumili ng mga cravings ko ay dumiretso na ako sa apartment ko. Hindi ko na kaya pa ang buhay. Naging malupit na ito pagkasilang na pagkasilang ko pa lang. Ilang beses na ring sumagi sa utak ko ang sumuko na. Lalo na ngayon na wala na ang ipon ko, wala akong kuwentang Ate at anak. Wala na rin naman na akong maiiwan dito. Ang tagal-tagal ko na ring lumalaban
Naging malinaw sa akin ang lahat at si Nezoi ang lalaking narito sa aking apartment. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo na nasa aking leeg at itinapon niya ang kutsilyo at agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasigaw ako roon at siya naman ay walang pakialam. Mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib niya at ang seryoso ng mukha niya kaya natakot ako. Dinala niya ako sa kwarto ng apartment ko at saka niya ako inihiga roon at agad din siyang lumabas at ako naman ay naiwang nakatunganga lang. Iyong akala ko tapos na ang buhay ko pero ito may nagligtas at may pumigil sa akin. Ang lalaking kinasusuklaman ko pa at 'yong lalaking unang-una ko pang minahal, at ang unang lalaki rin ang bumiyak sa aking puso. Maya-maya pa ay bumalik na siya na may dala-dalang first aid kit at lumapit agad siya sa akin na madilim ang mukha kaya kinabahan ako roon. Lumayo pa ako nan
Nagising ako dahil sa sinag ng araw at sa init na nararamdaman ko na nagmumula sa araw, at tuluyan kong minulat ang aking mga mata at kitang-kita ko rito ang kislap ng araw. Huminga ako nang malalim sa ganitong sitwasyon kahit naiinitan na ako sa araw. Ang akala kong hindi ko na muling makikita ang araw ay ito ngayon, nararamdaman ko at nasisilawan ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang araw na nagrerepresenta ng panibagong kabanata ng ating mga buhay, ang bagong araw para gawin at lumaban muli. Nakiramdam ako sa sarili ko at ewan ko kung bakit parang wala akong lakas ngayon, umupo ako sa aking higaan at agad akong nahilo. Sinubukan kong tumayo at nalaglag agad ako at parang may sakit ako. Hinawakan ko ang leeg at noo ko, at napaso agad ako dahil sa sobrang init nito. Muli akong humiga at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Narinig ko ang pagbukas ng p
Kanina pa ako gising at ganoon pa rin ang sitwasyon kong nanghihina pa rin pero kahit papaano ay pakiramdam ko naman ay umayos ako nang kaunti. Ayaw ko pang tumayo dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Anong mukha pa ang ihaharap ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Alam kong maya-maya ay papasok na siya rito sa kwarto ko at ito ako nilalamon pa rin ng kahihiyan. Dahil sariwang-sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi. Pagkasabi na pagkasabi niyang si Tita pala ang kausap niya, parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na 'yon. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang mga unan ko rito at sinabi niya pa talaga ang lahat-lahat ng usapan nila ni Tita. Patuloy ang pag-flash sa utak ko ang mga pangyayaring 'yon Sinabi kasi ni Tita kay Nezoi na pumunta sa isang event para mairepresenta ang pamilya nila. Wala raw ang mga Kuya niya, mga hindi raw available k
Naging maayos na ako sa lumipas na araw at ngayon ay nabalik ko na ang sarili ko at maayos na maayos na talaga ako. Tuloy na ulit sa laban sa buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako at lumalaban sa nakakapagod na kinabukasan. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho ko sa isang fast food chain. Napagalitan pa ako at muntik na akong tanggalin dahil daw wala akong paramdam, nagmakaawa pa ako at humingi ng tawad at sinabi ko na ito na lang din ang isa ko pang pinagkukuhanan ng pera at muntik pa akong maiyak dahil hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon na walang-wala talaga ako. Sinabi ko na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapagsabi at sinabi rin ng boss ko na sa susunod, na magsabi ako para naman daw ay alam niya ang nangyayari sa akin. Kahit papaano ay sobrang bait din talaga sa akin ng boss ko, may alam din siya sa kuw
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.