Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaires Contract

The Billionaires Contract

Keira is a beautiful, smart, gorgeous, kind at mapagmahal na anak sa kaniyang mga magulang at kahit na siya ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay ay ni minsan hindi siya naging mapagmataas na tao sa kaniyang kapwa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ni minsan hindi pa sumagi sa isip nya ang pagpapakasal. Pero sa nangyari sa pamilya nya ay kinailangan nyang magpakasal sa taong hindi pa nya lubusang kilala o nakita man lang. Ito ay anak ng isang kilalang bilyonaryong Businessman at ito ay si Daniel Blake Smith. Siya ay matipuno, matangkad at seryosong tao na halos lahat ng kababaihan ay talagang magugustuhan siya. Ngunit iisang babae lang pala ang magpapabago sa kanya. May maganda kayang kahahantungan sa pagitan nilang dalawa? Ano kaya ang maaaring mangyari kapag ang dalawang tao ay pinag-isa sa di inaasahang pangyayari? Mamahalin din kaya nila ang isa't isa o iisang tao lang ang magmamahal?
9.919.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
7.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
9.718.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies

Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies

Para makabayad sa utang na loob ng adoptive parents, si Tanya Castillo ang pumalit bilang bride sa kasal na tinanggihan ng adoptive sister niyang si Tricia. Siya ang kinasal kay Sean Buenavista, ang tanyag ngunit baldado na tagapagmana ng Buenavista Company, kapalit ng limpak-limpak na perang binigay sa mga Castillo. Hindi man lang ni Tanya kilala ang asawa sa mukha dahil nanatili ito sa ibang bansa at noong susunduin niya ito para makilala na ito, hindi inaasahan na may humatak na lang sa kanya bigla na isang lalaki at hindi man gusto, may nangyari sa kanilang dalawa. At noong makauwi siya sa bahay nila ni Sean Buenavista, isang divorce paper ang bumungad sa kanya na kaagad niyang pinirmahan dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa asawa. Ang hindi alam ni Tanya ay magbubunga ng quadruplets ang gabing iyon na nakasama niya ang lalaki… Handang makipag-divorce si Sean Buenavista sa asawa niya dahil may babaeng pumukaw ng atensyon niya. He spent his night with her but after waking up, she was nowhere to be found. Pagkalipas ng ilang buwan, naiwan na lang sa kanya ang sanggol na alam niyang anak nilang dalawa ng misteryosong babae na iyon. Limang taon ang nakalipas pero bigo pa rin si Sean Buenavista na mahanap ang ina ng anak. Paano kung kailan na-realize ni Sean ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay ang ex-wife niya pala na lagi niyang gustong takbuhan? Paano rin ang gagawin niya kung divorce ang gusto nito at hindi ang makasama siya?
108.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Innocent Love

Innocent Love

Kinalimutan at nagpaubaya si Meira para sa kanyang kapatid at sa lalaki na kanyang minamahal, kasama ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Hindi alam ni Acerlon na nagka-anak sila ni Meira. Sa muling pagkikita, hindi alam ni Meira na marami na pala ang nagbago. Higit pa doon, maraming sekreto ang mabubunyag.
1013.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
1015.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
1015.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
1018.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza

Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza

Nagtungo si Rhea sa bayan ng San Nicholas upang sundan ang kanyang inang ilang buwan na niyang hindi nakakasama. Iisa ang dahilan kaya siya nagpunta roon at iyon ay ang tutulan ang nalalapit nitong pagpapakasal sa matandang lalaking karelasyon nito, si Fabian Arganza. Unang apak niya pa lang sa Rancho Arganza ay sinimulan na niya ang pananabotahe sa relasyon ng dalawa. Akala niya ay madali niyang mapapahinuhod ang kanyang ina na huwag nang ituloy ang pagpapakasal nito sa lalaking iyon. But she was wrong. Nakilala niya ang pamangkin ni Fabian--- si Sergio Arganza. Kung disidido siyang sirain ang relasyon ng kanyang ina kay Fabian ay determinado naman ang binata na pigilan siya sa kanyang mga plano. Aso't pusa... ganyan ang relasyong mayroon sila. Ngunit kumpara sa binata, siya ang nagwagi. Hindi nga natuloy ang kasal ng kanyang ina kay Fabian at iyon ay dahil sa iisang rason--- ang kasal nila ni Sergio ang mas pinaghandaan ng buong Rancho Arganza!
1018.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mistress Series: Bedroom Negotiations

Mistress Series: Bedroom Negotiations

Shein Althea
Iniwan ng Tatay ni Apple ang ina dahil sa isang kabit. Dahil dito ay isinumpa ni Apple na kailanman ay hindi siya maninira ng pamilya. Hinding-hindi niya hahayaan ang sarili na manakit ng iba. Puputi na lamang ang uwak ngunit sisiguraduhin niyang magiging isa siyang mabuting babae. May respeto at paggalang sa sarili. Ngunit, paano kung maglaro ang tadhana? Papaano kung isang pangyayari ang babago sa kaniyang isinumpa? "Papalayain ko ang Nanay mo kung papayag kang maging kabit ko?" -Judge Condrad Aguirre Tatanggi pa ba siya? Kung ang tanging paraan para matulungan ang ina ay ang manira ng pamilya? "If being with him is a sin. Then, convict me now." -Apple Santibañez @SheinAlthea
1017.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
DMCA.com Protection Status