Unconditional
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin?
Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon?
Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko.
Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
1.3K viewsOngoing