The Billionaires Son
“Lord pahiram ng anak ko! Please lang huwag mo
muna siyang kuhain sa akin, hindi ko kakayanin. Sobrang bata pa ng aking anak! Huhuhu!” napasandal na lang ako sa wall ng hospital at humahagulgol na nananalangin.
Bago pa ako makapagsalita ulit ay nakita ko ang Arnaldong iyun na nakatingin saming dalawa ni Regan, nakatayo lang din ito sa isang sulok malapit samin, yumuko siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakakapit ko kay Regan at lumapit ako papunta sa lugar kung nasan si Arnaldo, hinabol lang ako ng tingin ni Regan at hindi ko na napigilan ang aking sarili, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Arnaldo. Nagsusumigaw ang galit sa aking puso't isipan
Nakita kong napakapit siya sa kanyang pisngi at nagatataka siyang napatingin sakin"Hay*p ka! nakapawalang hiya mo talaga. Nagpakalayo-layo na kami ni Anthony nasundan mo pa rin kami. Wala ka ng dinala sa buhay naming mag-ina kundi puro sakuna.(pinaghahampas ko ang kanyang dibdib habang patuloy ang aking pag iyak, Sobrang galit ang aking nararamdaman, hinahayaan lang naman niya ako sa kanyang ginagawa, maya-maya ay naramdaman kong niyakap na niya ako para huminahon, ) Hindi na ako nanggulo sa buhay niyong mag-asawa kagaya ng gusto mong mangyari! kaya please lang lubayan mo na kaming mag-ina. HUHUHU" bigla naman akong nanghina at tila nawalan ng lakas ng yakapin na niya ako, pakiramdam ko ay nasa maayos akong mga kamay sa piling ng bisig nito.
"Naguguluhan ako! anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan, Una kitang nakita sa bahay namin, kasama ko sa kwarto , yun na ang una at huli nating pagkikita!" sagot sakin ni Arnaldo
1027.1K viewsCompleted