Falling For My Cold Lady Boss
Masayahin at palabiro si Halina Hernandez noong kabataan niya. Ngunit nang masaktan sa unang pag-ibig niya kay Goddy Vásquez, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw—naging malamig siya at natutong husgahan ang mga taong hindi ka-level ng kanyang estado. Ayaw na niyang bumaba mula sa pedestal na tinatayuan niya, lalo na para magmahal muli ng isang lalaking hindi niya kapantay.
Makalipas ang anim na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Akala niya, tuluyan na niyang nalimot ang sakit na dulot ng unang pag-ibig niya—pero nagkakamali siya. Dahil sa bawat paglapit ni Goddy, muli niyang naramdaman ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan.
Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamataas, o muli siyang mahuhulog sa isang pag-ibig na minsan nang sumira sa kanya?