กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
101.2K viewsOngoing
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ang Makasalanang Asawa

Ang Makasalanang Asawa

WARNING! Matapos ang isang aksidente, nawala ang memorya ni Ania at kalaunan ay nagpakasal kay Bil Samonte. Nang tumira sila sa bahay ng biyenan niya, nakilala niya si Axcl, ang asawa ng hipag niya na si Fatima. Unti-unting bumabalik ang alaala ni Ania nang muli silang magsama ni Axcl sa iisang bahay at nalaman niyang si Axcl pala ang nakalimutan niyang nobyo. No’ng bumalik na ang kaniyang alaala, magkakabalikan pa kaya sila ni Axcl na lantaran siyang binabawi sa asawa niya? O magpapanggap siyang may amnesia pa rin at manatili sa pagiging asawa ni Bil?
Romance
1022.2K viewsCompleted
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ANG SENYORITONG BILYONARYO

ANG SENYORITONG BILYONARYO

Si *Amilia Guerrero* ay isang ulila na lumaki sa simpleng bayan ng San Rafael. Dahil sa kabutihan ni *Don Manuel San Sebastian*, isa sa pinakamayayamang tao sa bayan, nakapag-aral si Amilia bilang iskolar. Kilala siya sa paaralan bilang maganda, matalino, at palaban sa mga patimpalak, ngunit kahit marami ang humahanga at nanliligaw sa kanya, wala siyang pinapansin. Samantala, si *Daniel San Sebastian*, ang kaisa-isang apo ni Don Manuel, ay isang 32-anyos na binatang kilala sa kanyang yaman at kakisigan. Bagaman maraming kababaihan ang nahuhulog sa kanya, wala pa ni isa ang nakasungkit ng kanyang puso—hanggang sa makilala niya si Amilia. --- Please Read With your own risks.. Story written by: Dwivirain02
Romance
101.8K viewsOngoing
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo at tunay niyang pagkatao at kung sino talaga ang tunay niyang mga magulang. Lumaki si Glory Belle sa pamilyang puno ng pagkukunwari at kasinungalingan. Bata pa lamang siya ay napaniwala na siya ng lubusan ng pamilyang nagaruga at nagpalaki sa kaniya. Napaniwala siya ng mga ito na isa siya sa mga anak ng mga ito at hindi isang uri ng taong nagmumula sa mataas na uri ng estado sa lipunan. Lingid sa kaalaman ng dalaga, binalak ng mga tumayong magulang niya na ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Noon ay ganap na siyang dis-says anyos at isang magandang dalaga. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya! Iyon ay walang iba kundi si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan. May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Nagustuhan ng Don si Glory Belle dahil sa pagiging donselya at angking ganda na bagaman ay matagal na itinago ng pagiging iskwater kung saan nakatira ang kaniyang kinikilalang pamilya na siya din namang mismo ang nagdala sa kaniya sa kapahamakan. Kaya pa bang gamutin ng pag-ibig ang sakit na idinulot ng pagpapanggap? hanggang saan kaya niyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan?
Romance
10301 viewsOngoing
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Sino Ang Ama

Sino Ang Ama

Hindi kamukha ng tatlong taong gulang na anak kong lalaki ang asawa ko. Naghihinala, ang father-in-law ko ay kumuha ng paternity test para sa anak ko. Ang resulta ay nagpakita na walang biological na relasyon sa pagitan nila. Galit at napahiya, ang father-in-law ko ay sumabog sa galit, nagbato ng mga insulto sa akin at pinagbantaan pa na patayin kami. Ang asawa ko, galit din, ay sinampal ako ng malakas sa mukha. “Walang hiya ka! Hinayaan mo ako na palakihin ang anak ng ibang lalaki ng tatlong taon!” Habang nakatitig sa kanilang nagaakusang mga mukha, kalmado akong gumawa ng isa pang report—paternity test sa pagitan ng asawa ko at ng kanyang ama. Kinumpirma nito na sila ay hindi din biological na magkaugnay. Ang kanilang mga ekspresyon ay napahinto sa gulat. Na may maliit na ngiti, sinabi ko, “Mukhang hindi natin alam kung sino ay hindi parte ng pamilyang ito, hindi ba?”
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.4K viewsOngoing
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
Romance
101.9K viewsOngoing
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Ang Naghihiganteng Puso

Ang Naghihiganteng Puso

Parang bola kung pagpasa-pasahan ang buhay ni Stacey sa piling ng kanyang magkahiwalay na mga magulang. Ang nais lang sana niya ay umamot ng kahit konting pagmamahal sa dalawa ngunit balewala siya ng mga ito. All they think was enjoy themselves. Ni hindi naisip ng mga ito na nasasaktan na siya. So she seek attention to others. Hindi niya akalain na paglalaruan ng pinakamamahal niyang lalaki ang damdamin niya. Not until, she saw it with her own eyes and heard it with her own ears. Gustuhin man niyang sumbatan ito pero hindi niya nagawa. Wala nang mas sasakit pa sa kanya kundi ang palayasin at pagbintangan ng sarili mong ama. Scared and scarred she flew from Davao to Ormoc City and start a new life there. After ten long years, hindi niya akalaing muling tatapak sa lugar na isinumpa niya. Ano kaya ang naghihintay sa kanya?
Romance
2.6K viewsCompleted
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
123456
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status