Sinubukan kong itulak ang sarili ko palayo kay Gideon, pero hinigpitan lang niya lalo ang hawak niya sa akin. Nakakapagtaka. Habang pilit akong lumalayo, lalo naman niya akong hinahatak pabalik."Gideon, pakawalan mo na ako," pakiusap ko."Sumama ka sa akin sa kwarto," madiin niyang sagot."A-ano? Bakit?" Napakislot ako sa kaba nang marinig ko ang sinabi niya."Para gawin ang nakasanayan na nating gawin.""H-hindi… Ayokong pagtaksilan si Denver!" Idinahilan ko iyon kahit hindi pa naman talaga kami opisyal ni Denver. Umaasa ako na titigil si Gideon, na magpapahinto ang mga salitang iyon sa kanya.Pero nagkamali ako… Dahil kailanman, hindi niya inisip ang nararamdaman ko.Malakas siyang bumuntong-hininga, puno ng inis. Ang titig niya sa akin ay puno ng panlalamig at galit bago niya ako tanungin, "Kayo na?""O-oo… kami na," pagsisinungaling ko."Kahapon lang magkasama tayo… ngayon, nobyo mo na siya? Ang galing mo rin, ah.""Hindi na tayo dapat magkaroon ng kahit anong ugnayan, Gideon," ma
Read more