Chapter 9 Lumipas ang isang linggo at tuluyan na naming inilibing si Mom. Sa gitna ng mga puting bulaklak at tahimik na panalangin, ibinaba ang kanyang kabaong sa huling hantungan. Isang eksenang kailanman ay hindi ko inakalang kakaharapin ko nang ganito kabilis. Tahimik ang lahat. Tanging mga hikbi at paminsang sisinghot ang maririnig. Nakatayo ako sa tabi ni Dad, ngunit ni hindi ko maramdaman ang kanyang presensya. Parang magkaibang mundo kami — ako, na punong-puno ng hinanakit, at siya, na tila ba pilit na itinatago ang sariling emosyon. "Paalam, Mom," bulong ko, habang unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nang matapos ang seremonya, isa-isa nang nagpaalam ang mga nakikiramay. Ngunit ako, nanatili pa rin sa tabi ng puntod ni Mom. Pakiramdam ko, kung aalis ako roon, mas lalo kong mararamdaman ang kawalan niya. "Grace," mahinang tawag ni Dad. "Uwi na tayo." Tumingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon sa mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o may ibang bumabagabag sa k
Last Updated : 2025-03-28 Read more