Chapter 5
Pagkatapos naming maasikaso ang lahat para sa katawan ni Mommy, halos wala akong maalala sa naging proseso. Para bang lahat ay lumipas nang wala akong nararamdaman, tulala at manhid. Hanggang sa makauwi na kami sa mansion, doon ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng pagkawala niya. Tahimik akong bumaba ng sasakyan at sinundan si Dad papasok. Walang bumati sa amin. Ang mga kasambahay ay tahimik na nagbigay ng respeto, ramdam ang lungkot na bumalot sa buong bahay. Ang mga itim na kurtina at bulaklak sa bawat sulok ay nagsisilbing paalala na wala na si Mommy. Pagpasok ko sa loob, bumungad agad sa akin ang malalaking larawan ni Mommy na inilagay sa may sala. Doon, nakangiti siya — ang ngiting puno ng pagmamahal at kasiyahan. Parang kahit kailan, hindi siya nakaranas ng sakit. "Mommy..." Mahinang bulong ko habang unti-unting bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko napansin si Dad na naupo na sa isang gilid, tulala rin at walang kibo. Ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong. Pero natatakot akong malaman ang sagot. "Grace," basag ni Dad sa katahimikan, mahina at puno ng pagod ang kanyang boses. "Magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka na." Napatingin ako sa kanya, pero wala akong nasabi. Tumango lang ako at dahan-dahang umakyat sa aking kwarto. Pagkasara ng pinto, doon ko lang tuluyang pinakawalan ang lahat ng sakit. Napaupo ako sa kama at humagulgol, sinasalo ng unan ang bawat hikbi ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw. "Bakit, Mommy? Bakit mo tiniis ang lahat ng ito?" Alam ko na, alam ko na ang kataksilan ni Dad. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit nagdesisyon si Mommy na manatili. Mahal niya ba si Dad nang higit sa lahat? O dahil sa akin? Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang puso kong punong-puno ng galit at sakit. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa, pero isa lang ang sigurado ko — darating ang araw na kakailanganin kong harapin si Dad. Kakailanganin kong malaman ang buong katotohanan. At kapag dumating ang araw na iyon, wala na akong ititira pang tanong. "Madam Helen!" sigaw ni Manang Luz, kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga tuhod sa sahig. Kahit nasa loob ako ng aking silid, rinig na rinig ko ang paghagulgol niya. Hindi ko na napigilan ang muling pagpatak ng aking mga luha. Si Manang Luz ay isa sa mga pinakamatagal na kasambahay namin. Halos itinuring na rin siyang parte ng pamilya dahil sa tagal ng kanyang serbisyo. Mahal na mahal niya si Mommy, at alam kong napakabigat din para sa kanya ang pagkawala nito. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana at sinilip ang ibaba. Nandoon si Manang Luz, yakap-yakap ang isa sa mga kasambahay habang patuloy na umiiyak. Ang iba namang mga tauhan ay tahimik na lumuluha, nagpapakita ng kanilang pakikiramay. Napakapit ako sa kurtina, pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang mga taong nagdadalamhati, lalo na kung ako mismo ay halos malunod na sa sakit. "Bakit ganito, Mommy? Paano namin haharapin ang buhay nang wala ka?" Isang mahinang katok ang pumukaw sa aking atensyon. Agad akong nagpahid ng luha bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Si Dad ang nandoon, halatang pagod at namumugto rin ang mga mata. "Grace," mahinang tawag niya. "Bumaba ka na. Nandito na rin ang iba nating mga kamag-anak." Tumango ako, kahit ang bawat hakbang ay parang isang mabigat na pasanin. Habang bumababa ako ng hagdan, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. May mga pamilyar na mukha, ngunit may ilan ding hindi ko lubos na kilala. At sa gitna ng mga tao, natanaw ko siyang muli — si Marise. Nakatayo siya sa sulok, tahimik at nakikiramay. Wala siyang emosyon sa mukha, ngunit sapat na ang kanyang presensya upang magdulot ng muling pag-alsa ng galit sa dibdib ko. "Bakit ka nandito?" tanong ng isip ko. Napatingin ako kay Dad. Alam ko na nakita rin niya si Marise, pero wala siyang sinabing kahit ano. Para bang tahimik niyang tinatanggap ang lahat, kahit pa alam kong mali. Huminga ako nang malalim. Hindi pa ito ang tamang oras para magtanong, pero darating din ang araw na kakailanganin kong malaman ang katotohanan. Sa ngayon, kailangan ko munang magpakatatag. Para kay Mommy. Para sa sarili ko. "Condolences, Doc Grace," mahinang bati ng isa sa mga bisita habang dumaraan sa aking harapan. Tumango ako bilang tugon, pilit na ngumingiti kahit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. "Salamat po," sagot ko, bagamat alam kong walang kahit anong salita ang makakapawi ng sakit na nararamdaman ko. Isa-isa silang lumapit upang magbigay ng pakikiramay. Mga kaibigan ni Mommy, mga kasamahan niya sa charity events, pati na rin ang ilang mga doktor at nurse mula sa ospital. Lahat sila ay may iisang ekspresyon — lungkot at awa. Habang abala ako sa pagtanggap ng kanilang pakikiramay, muling lumitaw si Marise. Tahimik siyang nakatayo sa di kalayuan, parang nag-aalangan kung lalapit o hindi. Pero nang mahuli niya ang tingin ko, unti-unti siyang lumapit. "Condolences, Grace," aniya, pilit na may lungkot sa kanyang tinig. Hindi ko alam kung paano ako dapat tumugon. Sa harap ng mga tao, wala akong ibang nagawa kundi tumango. Ngunit sa kaloob-looban ko, nangingibabaw ang galit at pagkamuhi. Alam ko ang totoo. Alam ko kung sino siya sa buhay ni Dad. "Salamat," sagot ko nang matipid, pilit na pinipigil ang nanginginig kong mga kamay. Tumitig siya sa akin, at sa sandaling iyon, parang may gusto siyang sabihin. Pero bago pa man siya makapagpatuloy, lumapit si Dad sa aming dalawa. "Marise," bati niya, mas banayad at puno ng pagkabalisa ang boses niya. "Salamat sa pagpunta." "Alam mong nandito ako para magbigay ng respeto," sagot ni Marise, pilit ang ngiti. Pinanood ko silang dalawa. Ang paraan ng kanilang pag-uusap, ang mga tingin na nagpapakita ng isang lihim na koneksyon — lahat ng iyon ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa puso ko. Ngunit hindi ngayon ang oras para magpahayag ng galit. Hindi ngayon ang oras para humarap sa katotohanan na pilit kong isinasantabi. Ngayon, isa lang ang mahalaga — si Mommy. Sa huling pagkakataon, tiningnan ko si Marise. Hindi ko man alam kung anong dahilan ng pagpunta niya rito, pero isa lang ang sigurado ko. Darating ang araw na kakailanganin kong harapin siya at si Dad. At sa araw na iyon, wala na akong itatago pang tanong.Chapter 6Andrew POV"Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw ko habang binabato ang baso sa pader, tumalsik ang bubog sa sahig. "Hanapin ninyo ang babaeng kasiping ko noon!"Nagmamadaling nagkalasan ang mga tauhan ko, nanginginig sa takot sa bawat galit na bitaw ng mga salita ko. Pero isang tao lang ang naglakas-loob na magsalita — si Liam, ang matagal ko nang kaibigan."Tol Andrew, relax!" Mariin niyang sabi, pero alam kong pilit lang ang kalma niya. "Isipin mo na lang. Just one night stand lang 'yun!""One night stand? Putangina, Liam!" Dumagundong ang tinig ko, bumalot sa buong silid. "Hindi ito basta one night stand lang! She took something from me!"Nanggigigil akong sinuntok ang mesa, umalingawngaw ang tunog ng solidong tama ng kamao ko. Ramdam ko ang kirot pero wala na akong pakialam."Isang black book, Liam." Tumitig ako ng diretso sa mga mata niya, mabigat ang bawat salita. "Yun ang importante sa akin. Sa atin. Sa buong organisasyon."Natahimik siya. Alam niyang hindi lang basta libro ‘yon
Chapter 7Bumubulwak pa rin ang galit sa dibdib ko habang binabagtas ang kalsada. Kahit pa may mga gasgas at sira ang sasakyan ko, wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay ang makuha ang black book na ‘yon bago pa mahulog sa maling mga kamay.Hindi ako basta CEO lang. Ako si Andrew Dela Vegas, at ang pangalan ko ay may bigat sa mundong ginagalawan ko. Pero isang maling hakbang lang, at lahat ng itinayo ko ay maaaring gumuho.Napakuyom ako ng kamao. Ang babaeng ‘yon — kung sino man siya — ay naglaho na parang bula matapos ang gabing ‘yon. Paano niya nakuha ang libro? Sinadya ba niya o isa lang siyang biktima ng maling pagkakataon?Hindi. Walang ganung pagkakataon. Sa mundo ko, walang nagkakataon. Lahat ng bagay ay may dahilan.Nag-vibrate ang cellphone ko, at agad ko itong sinagot."Boss," boses ni Liam sa kabilang linya. "May nahanap kami. CCTV footage sa hotel. Hindi klaro, pero may babaeng lumabas ng kwarto mo matapos kang umalis.""Send it to me."Ilang segundo lang, natanggap k
Chapter 8Pag-off ko ng phone, agad akong napatingin sa TV na nakabukas sa harapan ko. Tumambad sa akin ang breaking news — isang aksidente na kasalukuyang laman ng balita."Breaking News: Isang malaking aksidente ang naganap kanina lamang. Ayon sa mga ulat, isang luxury car ang bumangga sa isang SUV, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng isa sa mga biktima. Kinilala ang nasawi bilang si Helen Cutanda, may-ari ng isang kilalang ospital sa lungsod. Siya ay idineklarang dead on arrival sa ospital."Napangiti ako, isang mapanuksong ngiti na walang bahid ng pagsisisi. Wala ni isang bakas ng pag-aalala sa mukha ko, kahit pa alam kong may bahid ng dugo ang mga kamay ko."Good," bulong ko, marahang umiiling.Si Helen Cutanda. Hindi ko siya direktang kilala, pero may bahagi ako sa pagbagsak niya. Isang aksidente na maaaring sinadya o nagkataon lamang — ngunit sa larong ito, walang lugar para sa mga inosente.Itinapon ko ang baso ng alak na hawak ko, marahang bumagsak ang bubog sa marmol na s
Chapter 9 Lumipas ang isang linggo at tuluyan na naming inilibing si Mom. Sa gitna ng mga puting bulaklak at tahimik na panalangin, ibinaba ang kanyang kabaong sa huling hantungan. Isang eksenang kailanman ay hindi ko inakalang kakaharapin ko nang ganito kabilis. Tahimik ang lahat. Tanging mga hikbi at paminsang sisinghot ang maririnig. Nakatayo ako sa tabi ni Dad, ngunit ni hindi ko maramdaman ang kanyang presensya. Parang magkaibang mundo kami — ako, na punong-puno ng hinanakit, at siya, na tila ba pilit na itinatago ang sariling emosyon. "Paalam, Mom," bulong ko, habang unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nang matapos ang seremonya, isa-isa nang nagpaalam ang mga nakikiramay. Ngunit ako, nanatili pa rin sa tabi ng puntod ni Mom. Pakiramdam ko, kung aalis ako roon, mas lalo kong mararamdaman ang kawalan niya. "Grace," mahinang tawag ni Dad. "Uwi na tayo." Tumingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon sa mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o may ibang bumabagabag sa k
Chapter 10 One Month Later Isang buwan na ang lumipas mula nang ilibing namin si Mom. Akala ko'y unti-unti ko nang natutunan kung paano magpatuloy, pero muli na naman akong niyanig ng isang balita na hindi ko inaasahan. Labis akong nagalit nang sinabi ni Dad na magpapakasal siya muli — at ang mas masakit pa, walang iba kundi si Marise. "Anong sinabi mo, Dad?" Halos hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap niya. "Grace, alam kong mahirap itong tanggapin," malamig na sagot ni Dad, pero ramdam ko ang bahagyang pagkailang sa boses niya. "Pero gusto ko nang mag-move on. Deserve kong maging masaya." "Masaya?" Napatawa ako nang mapait. "Kailan mo pa nasabi na deserve mo ng kaligayahan, Dad? Isang buwan pa lang si Mom sa lupa at ngayon, magpapakasal ka na sa kabit mo?" Napailing ako, pilit na pinipigil ang luha ko. "Grace—" "Alam mo ba kung anong ginawa niya kay Mommy?!" Naputol ko ang sasabihin niya. "At ikaw? Alam mo bang sinira mo ang
Chapter 11 Tahimik lang si Manang habang pinagmamasdan ako. Halatang gusto niya akong kausapin, pero hinayaan niya akong unahin ang sarili kong emosyon. Nang matapos ko nang inumin ang gatas, saka siya muling nagsalita. "Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo, Grace," malumanay niyang sabi. "Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Hindi iyon makakatulong." Napayuko ako, pilit na itinatago ang namumuong luha sa mga mata ko. "Manang… Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Dad kay Mom," mahina kong sabi, nanginginig ang boses. "At ngayon, magpapakasal siya sa babaeng sumira sa pamilya namin." Hinawakan ni Manang Luz ang kamay ko, marahan niya itong pinisil na parang sinasabi niyang nandito lang siya para sa akin. "Alam ko, anak," sagot niya. "Pero tandaan mo rin na hindi ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito. Huwag mong kargahin ang bigat ng pagkakamali ng iba." Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. "Pero, Manang… Paano ko mapapatawad si Dad? At pa
Chapter 12 Lumingon ako kay Marise. Sa kabila ng sitwasyon, nanatili pa rin ang manipis na ngiti sa kanyang labi, para bang nagtatagumpay siya sa bawat salita kong binitiwan. "At ikaw," mariin kong sabi, diretso ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na matatanggap kita sa bahay na 'to. Hindi mo kailanman mapapalitan si Mom. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo." Naglakad ako palapit, halos magtama ang aming mga mata. "Walang espasyo dito para sa mga manloloko." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking silid. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng lahat ng emosyon. Galit, poot, at matinding hinanakit. Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa kama at napahagulgol. "Mom, bakit mo kami iniwan? Paano ko haharapin 'to nang wala ka?" Alam kong simula pa lang ito. At kahit gaano kahirap, handa akong ipaglaban ang karapatan ni Mom. Hinding-hindi ko hahayaan na basta na lang nilang lapastanganin ang alaala niya. Lumipa
Chapter 1 Grace POV Isang malakas na tugtog mula sa DJ ng bar ang pumuno sa buong lugar. Andito ako ngayon, hinahayaang lamunin ng ingay at ilaw ang sakit na bumabalot sa akin. Nakangiti ako nang lihim, pero sa likod ng ngiting 'yon ay isang pusong durog at sugatan. Sino ba namang mag-aakala na sa kabila ng aking pagiging edukada at maayos na babae, ako'y pagtataksilan ng lalaking buong akala ko ay akin? "Woooo!" sigaw ko habang umiindak sa musika. Hindi ko na inalintana ang mga matang nakatutok sa akin — mga lalaking may halatang pagnanasa sa kanilang tingin. Pero wala akong pakialam. Ngayon, ako ang bida. Ako ang reyna ng gabing ito. "Sige, gumiling ka pa, Grace!" bulong ko sa aking sarili habang tumatawa ng wala sa sarili. Nararamdaman ko ang kiliti ng alak na dumadaloy sa aking sistema, binabalot ako ng kapangahasang matagal kong kinulong. Lahat ng kirot, galit, at panghihinayang ay isinayaw ko sa saliw ng musika. Sa gabing ito, wala akong pinoproblema. Walang iniiyakan
Chapter 12 Lumingon ako kay Marise. Sa kabila ng sitwasyon, nanatili pa rin ang manipis na ngiti sa kanyang labi, para bang nagtatagumpay siya sa bawat salita kong binitiwan. "At ikaw," mariin kong sabi, diretso ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na matatanggap kita sa bahay na 'to. Hindi mo kailanman mapapalitan si Mom. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo." Naglakad ako palapit, halos magtama ang aming mga mata. "Walang espasyo dito para sa mga manloloko." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking silid. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng lahat ng emosyon. Galit, poot, at matinding hinanakit. Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa kama at napahagulgol. "Mom, bakit mo kami iniwan? Paano ko haharapin 'to nang wala ka?" Alam kong simula pa lang ito. At kahit gaano kahirap, handa akong ipaglaban ang karapatan ni Mom. Hinding-hindi ko hahayaan na basta na lang nilang lapastanganin ang alaala niya. Lumipa
Chapter 11 Tahimik lang si Manang habang pinagmamasdan ako. Halatang gusto niya akong kausapin, pero hinayaan niya akong unahin ang sarili kong emosyon. Nang matapos ko nang inumin ang gatas, saka siya muling nagsalita. "Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo, Grace," malumanay niyang sabi. "Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Hindi iyon makakatulong." Napayuko ako, pilit na itinatago ang namumuong luha sa mga mata ko. "Manang… Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Dad kay Mom," mahina kong sabi, nanginginig ang boses. "At ngayon, magpapakasal siya sa babaeng sumira sa pamilya namin." Hinawakan ni Manang Luz ang kamay ko, marahan niya itong pinisil na parang sinasabi niyang nandito lang siya para sa akin. "Alam ko, anak," sagot niya. "Pero tandaan mo rin na hindi ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito. Huwag mong kargahin ang bigat ng pagkakamali ng iba." Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. "Pero, Manang… Paano ko mapapatawad si Dad? At pa
Chapter 10 One Month Later Isang buwan na ang lumipas mula nang ilibing namin si Mom. Akala ko'y unti-unti ko nang natutunan kung paano magpatuloy, pero muli na naman akong niyanig ng isang balita na hindi ko inaasahan. Labis akong nagalit nang sinabi ni Dad na magpapakasal siya muli — at ang mas masakit pa, walang iba kundi si Marise. "Anong sinabi mo, Dad?" Halos hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatayo sa harap niya. "Grace, alam kong mahirap itong tanggapin," malamig na sagot ni Dad, pero ramdam ko ang bahagyang pagkailang sa boses niya. "Pero gusto ko nang mag-move on. Deserve kong maging masaya." "Masaya?" Napatawa ako nang mapait. "Kailan mo pa nasabi na deserve mo ng kaligayahan, Dad? Isang buwan pa lang si Mom sa lupa at ngayon, magpapakasal ka na sa kabit mo?" Napailing ako, pilit na pinipigil ang luha ko. "Grace—" "Alam mo ba kung anong ginawa niya kay Mommy?!" Naputol ko ang sasabihin niya. "At ikaw? Alam mo bang sinira mo ang
Chapter 9 Lumipas ang isang linggo at tuluyan na naming inilibing si Mom. Sa gitna ng mga puting bulaklak at tahimik na panalangin, ibinaba ang kanyang kabaong sa huling hantungan. Isang eksenang kailanman ay hindi ko inakalang kakaharapin ko nang ganito kabilis. Tahimik ang lahat. Tanging mga hikbi at paminsang sisinghot ang maririnig. Nakatayo ako sa tabi ni Dad, ngunit ni hindi ko maramdaman ang kanyang presensya. Parang magkaibang mundo kami — ako, na punong-puno ng hinanakit, at siya, na tila ba pilit na itinatago ang sariling emosyon. "Paalam, Mom," bulong ko, habang unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nang matapos ang seremonya, isa-isa nang nagpaalam ang mga nakikiramay. Ngunit ako, nanatili pa rin sa tabi ng puntod ni Mom. Pakiramdam ko, kung aalis ako roon, mas lalo kong mararamdaman ang kawalan niya. "Grace," mahinang tawag ni Dad. "Uwi na tayo." Tumingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon sa mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o may ibang bumabagabag sa k
Chapter 8Pag-off ko ng phone, agad akong napatingin sa TV na nakabukas sa harapan ko. Tumambad sa akin ang breaking news — isang aksidente na kasalukuyang laman ng balita."Breaking News: Isang malaking aksidente ang naganap kanina lamang. Ayon sa mga ulat, isang luxury car ang bumangga sa isang SUV, na nagresulta sa agarang pagkamatay ng isa sa mga biktima. Kinilala ang nasawi bilang si Helen Cutanda, may-ari ng isang kilalang ospital sa lungsod. Siya ay idineklarang dead on arrival sa ospital."Napangiti ako, isang mapanuksong ngiti na walang bahid ng pagsisisi. Wala ni isang bakas ng pag-aalala sa mukha ko, kahit pa alam kong may bahid ng dugo ang mga kamay ko."Good," bulong ko, marahang umiiling.Si Helen Cutanda. Hindi ko siya direktang kilala, pero may bahagi ako sa pagbagsak niya. Isang aksidente na maaaring sinadya o nagkataon lamang — ngunit sa larong ito, walang lugar para sa mga inosente.Itinapon ko ang baso ng alak na hawak ko, marahang bumagsak ang bubog sa marmol na s
Chapter 7Bumubulwak pa rin ang galit sa dibdib ko habang binabagtas ang kalsada. Kahit pa may mga gasgas at sira ang sasakyan ko, wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay ang makuha ang black book na ‘yon bago pa mahulog sa maling mga kamay.Hindi ako basta CEO lang. Ako si Andrew Dela Vegas, at ang pangalan ko ay may bigat sa mundong ginagalawan ko. Pero isang maling hakbang lang, at lahat ng itinayo ko ay maaaring gumuho.Napakuyom ako ng kamao. Ang babaeng ‘yon — kung sino man siya — ay naglaho na parang bula matapos ang gabing ‘yon. Paano niya nakuha ang libro? Sinadya ba niya o isa lang siyang biktima ng maling pagkakataon?Hindi. Walang ganung pagkakataon. Sa mundo ko, walang nagkakataon. Lahat ng bagay ay may dahilan.Nag-vibrate ang cellphone ko, at agad ko itong sinagot."Boss," boses ni Liam sa kabilang linya. "May nahanap kami. CCTV footage sa hotel. Hindi klaro, pero may babaeng lumabas ng kwarto mo matapos kang umalis.""Send it to me."Ilang segundo lang, natanggap k
Chapter 6Andrew POV"Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw ko habang binabato ang baso sa pader, tumalsik ang bubog sa sahig. "Hanapin ninyo ang babaeng kasiping ko noon!"Nagmamadaling nagkalasan ang mga tauhan ko, nanginginig sa takot sa bawat galit na bitaw ng mga salita ko. Pero isang tao lang ang naglakas-loob na magsalita — si Liam, ang matagal ko nang kaibigan."Tol Andrew, relax!" Mariin niyang sabi, pero alam kong pilit lang ang kalma niya. "Isipin mo na lang. Just one night stand lang 'yun!""One night stand? Putangina, Liam!" Dumagundong ang tinig ko, bumalot sa buong silid. "Hindi ito basta one night stand lang! She took something from me!"Nanggigigil akong sinuntok ang mesa, umalingawngaw ang tunog ng solidong tama ng kamao ko. Ramdam ko ang kirot pero wala na akong pakialam."Isang black book, Liam." Tumitig ako ng diretso sa mga mata niya, mabigat ang bawat salita. "Yun ang importante sa akin. Sa atin. Sa buong organisasyon."Natahimik siya. Alam niyang hindi lang basta libro ‘yon
Chapter 5 Pagkatapos naming maasikaso ang lahat para sa katawan ni Mommy, halos wala akong maalala sa naging proseso. Para bang lahat ay lumipas nang wala akong nararamdaman, tulala at manhid. Hanggang sa makauwi na kami sa mansion, doon ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng pagkawala niya. Tahimik akong bumaba ng sasakyan at sinundan si Dad papasok. Walang bumati sa amin. Ang mga kasambahay ay tahimik na nagbigay ng respeto, ramdam ang lungkot na bumalot sa buong bahay. Ang mga itim na kurtina at bulaklak sa bawat sulok ay nagsisilbing paalala na wala na si Mommy. Pagpasok ko sa loob, bumungad agad sa akin ang malalaking larawan ni Mommy na inilagay sa may sala. Doon, nakangiti siya — ang ngiting puno ng pagmamahal at kasiyahan. Parang kahit kailan, hindi siya nakaranas ng sakit. "Mommy..." Mahinang bulong ko habang unti-unting bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko napansin si Dad na naupo na sa isang gilid, tulala rin at walang kibo. Ang bigat ng katahimikan sa pagitan nam
Chapter 4 "Dito ka lang, Grace. Aasikasuhin ko muna ang mga kailangan dito sa hospital!" sabi ni dad kaya tumango lamang ako. Hinayaan ko lamang ang babae nasa aking gilid at busy ito sa kaka-text sa kanyang phone hanggang umalis ito. Pero iba ang kutob ko kaya agad ko kaya sinundan ko ito hanggang nakita ko sila ni Dad nag-uusap at agad ako nakinig. "Makinig ka, wag na wag mong uulitin Ang magpakita sa aking anak!" madiing sabi nito. "Why? Ngayon pa ba na patay na ang asawa mo? Miguel, malaya na tayong dalawa!" Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatayo sa likod ng pader, patuloy na nakikinig sa pag-uusap nina Dad at Marise. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. "Malaya?" Galit at paninibugho ang nangingibabaw sa boses ni Dad. "Marise, hindi na tayo mga bata. Tapos na ang lahat noon pa." Pero imbes na matakot o umatras, ngumiti si Marise — isang mapanuksong ngiti na lalong nagpabangon ng galit sa dibdib ko. "Talaga, Miguel? Kung tapos na, bakit hindi mo