“May ibang babae sa puso ni Maximo Guevarra na nakilala niya sa ibang bansa. Matagal niya itong itinago at wala siyang pinagkaiba sa ‘yo, Luciana.”Bigla na lamang nanumbalik sa alaala ni Luciana ang sinabi ng isa sa kaibigan ni Maximo sa kanya noon. Ngunit, noong panahon na ‘yon ay hindi niya ito sineryoso dahil inisip niya na ang babaeng tinutukoy ng kaibigan ay parte lamang ng isang nakaraan. Higit sa lahat, alam niya na wala itong panama sa kanya. Ngunit ngayon, para siyang sinampal ng reyalidad.Ang makita kung paano tratuhin ng asawa niya ang babaeng ito nang may pag-iingat, pakiramdam ni Luciana ay parang tinusok ng patalim ang kanyang puso. Tila ramdam niya ang pagdaloy ng kirot na dulot nito sa kanyang buong pagkatao.Samantala, naghanda naman si Maximo na alalayan ang babaeng kasama niya sa kabila ng ingay sa paligid ng ospital. Doon niya napansin si Luciana na nakatayo sa hindi kalayuan, kasama ni Manang Bettina. Bahagyang kumunot ang noo ni Maximo nang dahil doon.
Baca selengkapnya