All Chapters of CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Kabanata 0021

Tunay na isang pinagpala si Luciana na magkaroon ng isang nakamamanghang kagandahan ngunit kulang sa kakayahang ipagtanggol ang sarili. Ang isang inosenteng babaeng tulad niya ay siyang paboritong biktima ng mga mapagsamantalang tao lalo na ang nasa mataas na antas. Bukod pa rito, si Javier ay nagkaroon ng maraming kaaway noon, kaya’t ang bilang ng mga lalaking gusto siyang sirain ay hindi nauubos.“Hindi ko kailangan ng tulong mula sa ‘yo,” malamig na sabi ni Luciana sa kanya.Ang pag-iisip pa lang na magkaka-anak na si Maximo kay Liezel ay nagdudulot sa kanya ng pagkasuklam. Ayaw na niyang makipag-usap kay Maximo kaya naman ay tumalikod na siya para umalis na.Ngunit, pagliko pa lang ni Luciana sa isang pasilyo ng gusali, isang basong kape ang itinapon sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ito mainit at kung sakaling mainit-init ito, paniguradong paso ang kanyang nakuha.“Napakalandi mong babae ka! Ang kapal ng mukha mong manukso kay Adrian Hidalgo? Sino ka ba sa tingin mo, ha!?” gali
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0022

“Zarina, ano na?”Madilim ang mukha ni Maximo habang nakatingin kay Zarina na ngayon ay wala pa ring sinasabi. Malakas na kumabog ang puso ni Zarina dahil sa takot, ngunit tumanggi siyang umatras sa kanyang mga nagawa.“Siya ang unang nanakit sa ‘kin, Max!” singhal ni Zarina habang ang mga mata ay namumula na.“So, ang ibig mong sabihin ay siya ang nag-umpisa ng gulo sa inyong lahat?” tanong ni Maximo sa malamig at matalim niyang tono.Nagulat naman si Luciana at hindi niya inaasahan na ipagtatanggol siya ni Maximo sa kanilang lahat. Tunay ngang nakakagulat iyon sa kanya dahil hindi naman ganito si Maximo noon.“H-Hindi… Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin…” namumutlang wika ni Zarina at nagpatuloy, “Dahil gusto niyang agawin sa ‘kin ang lalaki ko!”“Ang lalaki mo?” ani Maximo sa nagtatakang ekspresyon tungkol sa sinabi ni Zarina.“Si Adrian Hidalgo ang tinutukoy ko!” tugon ni Zarina.At dahil wala naman doon si Adrian, nagdesisyon siyang magsinungaling nang walang pagdadalawang-isip. Mat
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0023

Natigilan ang lahat habang nakatingin kay Luciana matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ngunit, hindi niya iyon pinansin dahil na kay Zarina ang kanyang atensyon.“May problema ba? ‘Wag mong sabihin na hindi mo kayang magbigay ng pera para sa gagastusin sa pagpapagamot?” nakangising tanong ni Luciana sa babae.“Sino ang nagsabing hindi ko kayang magbigay? Magkano ang kailangan mo?” taas-noo na tanong ni Zarina sa kanya.“Fifty thousand,” ani Luciana at agad na binuksan ang kanyang bank account upang buksan ang QR code nito sa pag-aalala na baka magbago ang isip ni Zarina.Inilabas naman ni Zarina ang kanyang cellphone at ni-scan ang code ni Luciana saka sinabi, “Napasok na ang pera at i-check mo na baka akusahan mo pa ako na matagal magbayad.”“Natanggap ko na,” sagot ni Luciana at agad na nakita ang fifty thousand sa kanyang bank account.Agad namang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hindi na rin masama ang dalawang sampal para sa fifty thousand na pera.Bigla namang naging awkwa
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0024

“Nararapat lang sa ‘yo ito.”Matapos tingnan ang kanyang pisngi nang ilang sandali, ito agad ang sinabi ni Maximo sa kanya. Nang marinig ‘yon, halos sumabog sa galit si Luciana kay Maximo.“Sinasabi mo bang dapat lang akong masampal nang walang malalim na dahilan?” takang tanong niya sa lalaki.“Hinayaan mo lang na sampalin ka nila nang hindi lumalaban kaya nararapat lang ito sa ‘yo,” ani Maximo sa kanyang blankong ekspresyon.“Lumaban kaya ako!” sagot ni Luciana sa kanyang mataas na boses. “Pero ang dami nila. Higit pa riyan, lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang pamilya habang ako naman ay isang nalubog na sosyalita. Paano ko sila kayang matatapatan?”“Lumaban ka, tingnan natin kung sinong mangangahas na isisi ito sa ‘yo,” saad ni Maximo.Natuod naman si Luciana sa kanyang direksyon at hindi makapaniwala sa sinabi ni Maximo.‘Ano ang ibig niyang ipahiwatig? Pinoprotektahan niya ba ako?’ tanong pa niya ngunit hanggang sa isip na lamang niya iyon.Kahit ano ang gawin niya, hindi niya
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0025

Hindi na komportable si Luciana, naguguluhan, at tila desperado na siyang makaalis sa tensyon na kanyang nararamdaman ngayon. Ngunit, dahil sa takot na baka sinusundan sila ng mga paparazzi, hindi na siya naglakas-loob na gumalaw.Natatakot siya na anumang litrato ay maaaring magdulot ng isang iskandalo na makakasira sa kumpanya ng mga Guevarra.“Wala kang dapat na ikatakot,” sambit ni Maximo nang maramdaman ang kanyang panginginig, kaya’t mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay, at pinagdikit ang kanilang mga daliri.Natuod si Luciana sa ginawa nito, at ang kanyang katawan ay nakadikit na kay Maximo.“H-Hubby…” saad ni Luciana at tila ang kanyang malambing na boses ay taksil, lalo na nang mapansin niya ang reaksyon ni Maximo.“Huwag kang magsalita,” utos ni Maximo sa kanya sa malalim niyang boses.“P-Pero…” nauutal na sabat ni Luciana at bahagyang gumalaw ng kaonti dahil tila hindi siya komportable sa paraan nang pagdikit ng katawan ni Maximo sa kanya.Samantala, tila lumiliyab na
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0026

Ngunit habang dinadala siya ng kanyang mga yapak patungo sa mansyon ni Maximo ay bigla na lamang may isang malalim na boses sa kanyang kalooban ang tumawag at naghihikayat sa kanya upang lumingon pabalik at pumigil sa kaniya na umalis. Hindi na niya napigilan ang kanyang sariling kagustuhan kaya't huminto siya sa paglalakad at biglang lumingon sa kanyang pinanggalingan.“Hubby…”Ngunit, bago pa man siya matapos sa kanyang sasabihin ay mabilis nang umandar paalis ang sasakyan ni Maximo at naglaho sa dapithapon. Hanggang sa tuluyan na rin itong mawala sa paningin.Nanigas si Luciana sa kanyang kinatatayuan, puno ng pangungulila ang kanyang ekspresyon. Isang luha ang pumatak patungo sa kanyang pisngi at tahimik na bumagsak sa damuhan. Nasundan ito ng isa pa, at isa pa ulit.Tumayo siya sa gitna ng maginaw na hangin habang basang-basa ng mga luha ang kanyang mukha. Dahil lang sa isang tawag na nagmula kay Leizel ay handang iwanan ni Maximo ang lahat para lamang magmadaling makapunta agad s
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0027  

Maghahating-gabi na noong makauwi si Maximo sa kanyang mansyon.Lumabas si Manang Bettina upang salubungin siya.“Senyorito, tumawag po ang sekretarya ng matandang Guevarra. Nais niya pong dalhin niyo pabalik ang iyong asawa ngayong sabado ng gabi.”“Naiintindihan ko,” ani Maximo at sinamahan ng tango. “Kumain na ba ang aking asawa?”Naguluhan si Manang Bettina. “Umalis po siya kaninang malapit nang gumabi at hindi pa rin po bumabalik hanggang ngayon.”Natigilan si Maximo nang ilang sandali, ang kanyang utak ay nag-uunahan sa mga iniisip. Agad siyang naglakad patungo sa taas, ngunit nang makarating na siya roon ay nakita niyang wala ang mga gamit sa mesa, wala na rin doon ang mga libro at mga papeles. Nawawala rin ang ilan sa mga damit sa lagayan nito.Dumilim ang kanyang ekspresyon at ang mga matalim na features nito ay naging mas malamig at mas nakakatakot.Samantala, si Luciana ay umiinom sa studio ni Danica.Bumili si Danica ng dalawang dosenang bote ng beer at ang dalawang babae a
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0028

Nakaupo na si Luciana sa sofa habang tahimik na iniinom ang kanyang alak nang bigla na lang mag-ring ang kanyang telepono.“Hello?” sagot niya.“Luciana, ako ito.” Ang malambing na boses ni Liezel ang maririnig mula sa kabilang linya. “May tanong ako para sa ‘yo.”“Ano 'yon?” tanong ni Luciana, kuryuso siya ngunit medyo nag-aalangan.“Nais ko lang sanang itanong,” patuloy ni Liezel, ang kanyang tono ay nakakagimbal ngunit mahinahon, “Anong brand ng mga comdom ang kadalasang ginagamit ni Maximo? Alam mo ba?”Natigilan si Luciana, na noong una ay hindi niya pa ma-proseso ang tanong.“Ano?” gulat niyang tanong sa babae.“Madalas mong nakakasama si Maximo, 'di ba? Hindi mo ba alam kung anong brand o size ang mga ginagamit niya? Dito siya mananatili sa akin ngayong gabi, kaya kailangan kong maghanda nang ilan. Hindi ko lang kasi alam kung alin ang kukunin, kaya naisip kong tawagan ka na lang at tanungin…”Dahil dito, kaagad na naintindihan ni Luciana ang tunay na layunin ng tawag at ito ay
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0029 

“Hubby, umuwi ka?”“Ang pagpapasikat ay hindi makatutulong,” malamig na sambit ni Maximo, iniisip niya na sinusubukan lang siyang akitin nito, kaya't gumalaw siya upang mapahiwalay sa kanya.“Huwag kang sumama sa iba, hubby.” Ang malambot na katawan ni Luciana ay sumandal sa dibdib ng lalaki. Hinawakan niya ang mukha ni Maximo, inilapit niya ang mukha nito sa kanya at bumulong, “Hindi ba ako sapat?”Ang kanyang mga mata na bahagyang nanlalabo dahil sa alak ay umangat at tumitig sa kanya, habang ang kanyang tingin ay malumanay ngunit punong-puno ng pangungulila.“Sinusunod naman kita palagi, bakit hindi pa rin iyon naging sapat?” dagdag niya pa habang tinatalunton ng kanyang mga daliri ang mukha ni Maximo.Nagdilim ang mga mata ni Maximo, isang kurap ng iritasyon ang dumaan sa kanyang mukha. “Hindi ba't ikaw nga ang may gusto ng divorce?”“Nasasaktan ako,” bulong-bulong niya, ang kanyang mga labi ay nanginginig habang siya'y nagsasalita.Nadalawang-isip si Maximo, ngunit hindi niya kaya
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0030

Sandali munang natigilan si Maximo bago siya nagsalita.“It was you who asked me.”“I asked you?” Iniyuko ni Luciana ang kanyang ulo at sinabing, “Nag-iisa at malungkot ako. Pagkatapos makulong ng tatay ko, gusto ko ng isang tao na magmamahal sa akin…”“Hindi kita mamahalin.” Mas lalong naging malalim ang tingin ni Maximo nag sabihin ito.“Tama ka, hindi mo ako mamahalin at pumili ako ng maling tao.” Ang boses ni Luciana ay malambot na parang isang bulak at dahan-dahan siyang tumayo, tila gustong humakbang pababa sa hagdan.Hinila ni Maximo ang kamay niya. “Saan ka pupunta?”“Gusto kong makita ang tatay ko.”“Nasa kulungan siya. Kailangan mong manatili rito.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay upang pigilan ito sa tangkang pag-alis.“Nasa kulungan nga siya kaya baka na-mi-miss na niya ako. Sa lahat ng tao sa mundong ito, siya lang ang pinakatatanging may malasakit sa akin,” sabi ni Luciana.Nanigas ang katawan ni Maximo. Mabilis niyang hinila si Luciana at niyak
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status