“Pinalakas mo ang apoy ko. Ngayon, ikaw ang magpapatay nito para sa akin.”Wala nang pakialam pa si Maximo sa anumang bagay at pinilit niyang magpatuloy.Bayolenteng nanginig ang katawan ni Luciana. Gusto niyang itulak palayo ang lalaki ngunit hinila nito ang dalawa niyang kamay at pina-ikot ito patungo sa kanyang likuran.Ang ulo niya ay tumama sa unan. Hinawakan siya ng lalaki mula sa likuran at hinalikan. Ang hininga nito ay malalim at mainit.Isang manipis na patong ng pawis ang lumitaw sa ilong ni Luciana. “Hindi mo pwedeng gawin ito. Mayroon ka ng Liezel kaya bitawan mo ako…”Sinubukan niya muling itulak ito palayo ngunit hindi siya makakita at ang kanyang mga pagtatangka ay iginigiya lamang siya sa maling direksyon. Aksidente niyang nahawakan ang isang parte na hindi naman dapat niya mahawakan.Nanigas siya sa pagkagulantang at ang kanyang mukha ay pumula na parang isang kamatis.“M-Maximo!” sambit ni Luciana.“Tumahimik ka,” saad ni Maximo at sinampal nito ang kanyang l
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Javier bago siya muling magsalita kay Luciana.“Siya lang ang tanging magbibigay sa ‘yo ng proteksyon. Maraming tao ang nagawan ng kasalanan ng ama mo dati at dahil sa presensya ni Maximo, hindi ka nila nagalaw. Kinakabahan ako na kung maghihiwalay kayo, malalagay ang buhay mo sa panganib. Nasa loob ako at hindi kita kayang protektahan, Luciana,” paliwanag ng kanyang ama.Tila biglang nabalot ng kalungkutan ang ekspresyon ni Luciana nang marinig iyon mula sa labi niya.“Alam kong nararamdaman mong hindi ito makatarungan pero kaya ka protektahan ni Maximo Guevarra. Hangga’t hindi niya sinasabi sa ‘yo na maghiwalay kayo, huwag ka munang umalis. Ang pagiging Mrs. Guevarra ang magpapalayo sa mga taong may balak na gawin sa ‘yo na masama. Paglabas ko dito, saka kita matutulungan na maghiwalay kayong dalawa. Pagdating ng oras na ‘yon, kaya na kitang protektahan,” dagdag na sabi ng ama sa kanya.May tila pag-aatubiling naramdaman si Luciana
‘Best Friend? Si Danica?’Napakunot ang noo ni Luciana habang nakatingin kay Maximo. Hindi niya alam kung bakit nito binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.“Anong ginawa mo kay Danica, Maximo?” tanong niya at tila nagsimula nang kabahan.“Kahapon, ipinakalat niya ang mga personal ko na impormasyon online at minura si Liezel. Kaninang umaga, pumunta sa akin si Liezel at sinabi niyang balak niyang panagutin si Danica sa ginawa nito,” sagot ni Maximo sa tanong niya kanina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luciana at sinubukang kalmahin ang sarili bago siya muling magsalita.“Nang dahil lang sa tsismis na ito ay gusto mong puntiryahin si Danica?” tanong ni Luciana sa asawa niya sa magkasalubong na kilay.“Hindi niya inisip ang epekto ng mga binitawan niyang salita, Luciana,” malamig na sabi ni Maximo sa kanya kaya napailing siya.“Gusto lang ni Danica na ipagtanggol ako at bukod pa roon, ang ginawa lang naman niya ay makipagtalo sa ilang fans online. Wala naman siya
Napakunot naman ang noo ni Luciana habang tinitingnan niya ang damit na hawak ni Maximo para sa kanya.“Matanda na ako at hindi ko na gusto ang kulay pink na damit,” seryosong sabi niya sa lalaki.“Nasa edad dalawampu’t-dalawang taong gulang ka pa lang at hindi pa nga lubusang lumalabas sa pagiging teenager, Luciana,” tugon naman sa kanya ni Maximo.Inakala naman ni Luciana na may iba siyang ibig sabihin kaya namula ang kanyang mukha nang labis.“Bakit ka namumula?” tanong ni Maximo nang mapansin ang kanyang reaksyon at bigla pa itong ngumisi na parang nalaman nito kung saan napunta ang mga iniisip niya. Seryosong napatitig si Maximo sa kanya at nagpatuloy, “Ano ang nasa isip mo, Luciana?”“Wala.” Malamig niyang tugon sa kanya.“Talaga ba? Bakit iba ang sinasabi ng mukha mo?” ani Maximo at tumawa pa ito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Kaya ka ba medyo naiinis ay dahil baka hindi kita nasiyahan kaninang umaga?”Bigla namang bumalik sa isip ni Luciana ang nangyari kanina at ku
“Subukan niyo po ang repolyo, malutong na may kaonting tamis, Madam. Mas mabuti po kung may healthy lifestyle kayong sinusunod at higit sa lahat, iwasan niyo rin po ang palaging pag-o-overtime.”Napangiti si Luciana sa sinabi ni Lance sa kanya at naisip na tama nga ito. Madalas din talaga siyang puyat na makabuo ng mga disenyo kaya hindi niya na namalayan ang oras. Higit sa lahat, nagulat din si Luciana sa pag-aalala ni Lance sa kanya kaya mas lalo siyang napangiti.“Hindi ko inakala na ang isang mukhang brusko ay magiging ganito ka-considerate. Ang swerte siguro ng girlfriend mo na ikaw ang boyfriend niya,” ani Luciana kay Lance kaya natawa ito.“Huwag niyo po akong bolahin, Madam, dahil wala akong girlfriend,” sagot ni Lance sa natatawang ekspresyon.“Wala kang girlfriend? Gwapo ka naman, anim na talampakan ang tangkad mo, at higit sa lahat ay personal assistant ka ng isang CEO. Sigurado akong malaki ang sahod mo kaya bakit wala ka pa ring girlfriend?”‘Paano mangyayari ‘yon eh, nagt
“Sandali lang…”Pigil ni Maximo sa kanya sa mababang boses nito habang ang mga daliri niyang dumampi sa leeg ni Luciana ay nagdudulot ng kilig sa balat ng babae.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Luciana at hindi niya napigilang mag-demand sa lalaki.“Bilisan mo na.” Utos niya kay Maximo.“‘Wag kang gumalaw,” ani Maximo sa matigas niyang tono. Nang dahil sa patuloy na kalikutan ni Luciana, hindi niya tuloy maayos ang pagkabit sa kuwintas.Wala namang magawa si Luciana kung hindi ang tumigil at manahimik. Samantala, si Maximo naman ay nagsisimula nang mawalan ng pasensya, kaya pinaikot niya si Luciana upang magharap sila. Ang mga mahahabang daliri ni Maximo ay mabilis na inaayos ang kuwintas, ngunit ang lapit ng distansya nilang dalawa ay siyang nagpadagdag sa bilis ng tibok ng puso ni Luciana.Nang itaas niya ang kanyang mga mata, bumulaga sa kanya ang makisig na anyo ni Maximo. Ang lalaki na bihis na bihis ay nagpapakita ng isang mala-haring awra nito, at parang isang tunay na har
“Kung gano’n bakit sinabi ng babaeng si Liezel na siya ang nandoon sa kotse?”Bakas sa mukha ni Lolo Miguel ang pagdududa nang tanungin niya iyon habang tinitignan si Maximo.“Sinadya lang niyang magpasikat,” sagot ni Maximo ng walang pagdadalawang-isip. “Malapit na ang launch ng bagong proyekto, at kailangan ng kumpanya ng publicity.”Ang galit ni Lolo Miguel ay unti-unting humupa nang marinig ang tungkol sa bagong proyekto.“So, handa na ang proyekto?” tanong nito at kay-bilis na nagbago ang ekspresyon.“Kailan ko ba kayo binigo?” tanong ni Maximo at sinabayan isang ngiti.Kaya ito ang dahilan kung bakit paborito siya ng kanyang lolo sa taglay niyang kakayahan pagdating sa kumpanya. Dahil dito, ipinagkatiwala sa kanya ni Miguel ang buong kumpanya nang walang pag-aalinlangan.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap tungkol sa negosyo, lumipat ang atensyon ni Miguel sa isa pang paborito niyang paksa. Ang tungkol sa mga tagapagmana.“Alam mo, Maximo. Hindi ka na bata kaya huwag mong sayangin a
Bilang tugon, tumango na lamang si Luciana nang mahinahon at agad nilapitan ang mesa upang ayusin ang mga kagamitan. Sa mesa naman, ramdam niya ang bigat ng atmospera sa paligid.Tahimik naman na pinagmamasdan ng pamilya ng pangalawang anak ni Miguel Guevarra si Luciana habang inaayos ang mesa, ang kanilang mga mata ay puno ng hindi maipaliwanag na panghuhusga.Tila malinaw sa kanila na hindi mataas ang pagtingin ni Giselle sa kanyang manugang, na makikita sa madalas na pagpapagawa nito sa kanya ng mga gawaing-bahay. Mga gawain na karaniwang ginagawa lamang ng mga katulong. Dahil dito, hindi rin siya tinatrato nang maayos ng iba pa.Samantala, natawa naman ang asawa ng tiyuhin ni Maximo na si Patricia at hindi na niya ito napigilan pa.“Ang sipag naman ni Luciana na kahit ano ang ipagawa mo sa kanya ay ginagawa niya na walang kahit anong pagtatanong,” nakangiting sabi ni Patricia habang nakatingin kay Luciana.Ngumiti naman si Giselle nang bahagya bago siya magsalita. “Iyan lang ang d
“Ngunit paano ang mga nakaraang alitan ng pamilya Mendoza at pamilya Guevarra?”Tanong ni Luciana at ang tinutukoy niya ay ang insidente kung saan tinakot ng kanyang ama si Maximo noon.“Sa oras na gumana ang planong ito, hindi sisihin ng pamilya Guevarra ang pamilya mo. Mula ngayon, maaari pa ring magkaibigan ang ating mga pamilya,” paliwanag ni Giselle sa kanya.Nakaramdam naman ng malaking ginhawa si Luciana sa kanyang narinig. Kung hihiwalayan niya si Maximo ay magiging malaya ang kanyang ama, at hindi na magdadala ng sama ng loob ang pamilya Guevarra. Ang kaalamang ito ay nagbigay saya sa kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon sa mga nakaraang araw.Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Luciana at sinabing, “Ma, pumapayag na ako sa hiwalayan basta mailabas mo lang ang aking ama ay agad akong sasang-ayon at hindi na makikialam sa buhay ni Maximo kahit na kailan.”Totoo ang mga salita ni Luciana at para sa kanyang ama, handa niyang isakripisyo ang lahat. Ang kalayaan na dati ay
Pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso ni Luciana nang marinig ang sinabi ng kanyang biyenan at ilang sandali muna ang lumipas bago siya nakapagsalita.“M-Ma, paano mo nalaman?” nauutal niyang tanong.“Tumawag siya sa akin kaninang umaga para sabihin ang tungkol sa kanyang dinadala,” sagot ni Giselle at isang hindi maitago na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Luciana kung saan nanggagaling ang saya ng kanyang mother-in-law at ito ay dahil nga buntis si Liezel.“Ah,” ani Luciana at pinipigilan ang sariling emosyon niya.Totoo ang balita na buntis si Liezel, at wala nang magagawa si Luciana upang baguhin ang tungkol doon.“Si Maximo ba ang ama ng bata?” tanong ni Giselle sa kanya nang diretso.“Sa tingin ko ay kay Liezel mo ‘yan itanong, Ma. Siya lang ang makakasagot sa ‘yo,” tugon ni Luciana sa kalmado niyang tono. Ang totoo niyan ay hindi niya rin alam. Bagamat sinabi ni Liezel na si Maximo ang ama, hindi pa rin ito kinumpirma ni Maximo.
Hindi sinagot ni Maximo ang sinabi ni Luciana, bagkus iba ang kanyang sinabi. “Pagbutihan mo lang ang pagiging Mrs. Guevarra, at walang makakapagpahirap sa ‘yo,” ani nito sa kanya. Samantala, bahagya namang ngumiti si Luciana sa sinabi nito sa kanya.“Pero wala akong pakialam diyan,” tugon niya kay Maximo.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Maximo habang ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Luciana. Sa ilalim ng dilim, tahimik silang nagkatitigan, at ang mga mata ni Maximo ay tila malalim at mahirap mabasa.Tila palaging nararamdaman ni Luciana na may kakaibang bahagi ng sarili niya na sumasalamin sa mga mata ni Maximo, at ito ay isang bagay na hindi niya lubusang maunawaan.“Hubby, pwede ba akong magtanong sa ‘yo?” ani Luciana sa lalaking kaharap niya.“Ano ‘yan?” tanong nito sa kanya.“Kung bibigyan kita ng pagkakataon, handa ka bang putulin ang koneksyon mo kay Liezel?” tanong ni Luciana sa kanyang nanginginig na boses at ito na ang kanyang huling pagsusumamo.Nanatili naman
Hindi pinansin ni Maximo si Liezel, at mabilis itong iniwan sa clubhouse. Sa labas, nakita niya si Luciana na nakaupo sa gilid ng daan habang ang mga mata nito ay nakatuon sa mga bulaklak sa hardin na walang kahit anong emosyon na makikita.Agad niyang nilapitan si Luciana nang walang pag-aalinlangan kaya naman ay napaangat nang tingin si Luciana at bahagyang nagulat. Walang pagdadalawang-isip, agad na hinawakan ang kanyang pulso at pinatayo siya.“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Luciana at tila naguguluhan.“Uuwi na,” malamig na sagot ni Maximo sa kanya, at hindi na nagbigay pa ng paliwanag nang itinulak siya nito papasok ng kotse upang bumalik patungo sa lumang mansyon.Naging tahimik lamang ang kanilang biyahe. Samantala, hindi na nagsalita si Luciana, at ang mga saloobin niya ay nakatago sa ilalim ng isang hindi matitinag na ekspresyon.Pagdating nila sa mansyon, nagpapatuloy pa rin ang katahimikan. Dumiretso si Luciana sa banyo at pagkatapos ay tahimik na lumabas mula roon habang
Napalingon naman si Luciana kay Maximo na nakaupo sa tabi niya at ang presensya nito ay walang kahirap-hirap na nang-aakit. Sa isang saglit, nakaramdam siya nang ginhawa.Ang pagkakaroon ng isang taong maaasahan sa kanyang likuran ay nakakapagpatibay ng loob, isang uri ng pakiramdam na hindi niya inaasahan. Ngunit agad ding niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag magpakalulong sa pakiramdam na iyon. Buntis si Liezel at hindi siya nagpapakasiguro.“Ano’ng tinitingnan mo?” wika ni Maximo sa malalim at kalmadong tono na siyang nagpagising kay Luciana mula sa kanyang mga malalim na pag-iisip.Napakurap siya nang ilang saglit dahil sa gulat at saka mabilis na nagsalita.“Ano’ng meron?” takang tanong ni Luciana sa kanya.“Pwede mo bang kunin ang cellphone ko? Nasa ibabaw ng sofa nakalagay,” sabi ni Maximo nang walang kaabog-abog.“Sige,” tugon niya at agad tumayo upang pumunta sa sofa para kunin ang telepono ni Maximo.Nang hawakan niya ito, biglang nabuksan ang screen ng cellphone at luma
Natigilan si Luciana sa kanyang narinig. Halos 10,000 lamang ang kanyang ipon at hindi niya alam kung paano bayaran ang ganoong halaga na pera na sinabi ni Alvin sa kanya.“Huwag mo sabihin na wala ka man lang ilang daang libo na pera, Miss Luciana?” nakangiting tanong ni Alvin nang mapansin ang kanyang naguguluhang reaksyon.“Imposible ‘yan,” singit ni Matthew at nagpatuloy, “Sa tulong ni Maximo ay wala lang ‘yang daan-daan na libo. Tiyak na tutulungan ka naman niya.”Namutla si Luciana nang maalalang naka-freeze ang kanyang credit kay Maximo kaya walang paraan kung paano maaayos ang kailangan niyang bayaran dahil sa laro nila kanina.“Maximo, natalo na si Miss Luciana. Hindi ba’t dapat ka nang makialam at tulungan siya?” ani Matthew habang unti-unti nang na-stress si Luciana kakaisip ng gagawin niya.Samatala si Maximo naman na nakaupo sa sofa at abala sa kanyang telepono, ay ibinaling ang tingin sa kanilang direksyon. Tumama ang tingin ni Maximo kay Luciana na ngayon ay magkasalubo
Naguguluhan naman si Matthew sa kanyang mga nakikita. Iniisip niya na dapat ay pagalitan ni Maximo si Luciana nang malala ngunit nagtataka siya.‘Bakit nga ba tila kabado si Luciana sa pagbanggit ng salitang tuturuan ng leksyon?’ takang tanong ni Matthew sa kanyang isip. Kinagat ni Matthew ang kanyang dila nang mahina bago siya magsalita upang magbigay ng kanyang payo sa kaibigan.“Alama mo, Pare, ang mga babae ay dapat pinapahalagahan, hindi dinidisiplina. Kahit na anong aspeto ay mahusay ka. Gwapo, matalino pero pagdating sa mga babae, sobra ka namang istrikto. Ang asawa mo ay asawa, hindi alipin. Paano mo nagagawang ituturing siya nang ganito?” sambit ni Matthew kay Maximo.“Ganito siya dapat tratuhin,” ani Maximo sa kanya, sq parehong ekspresyon at ibinaling niya ang tingin kay Luciana na may kahulugan.Halos masamid naman si Luciana sa kanyang iniinom nang dahil kay Matthew at Maximo. ‘Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi nagtutugma ang kanilang mga salita,’ sabi niya sa sarili na
Bahagyang tinadyakan naman ni Matthew si Alvin Salcedo dahil sa biglang sinabi nito kanina.“Ano’ng sinasabi mo? Siya ang asawa ng kaibigan natin, si Luciana Mendoza!” ani Matthew sa kanya.“Pasensya ka na, Miss Luciana, at hindi kita agad nakilala,” mabilis at taos-puso na sabi ng lalaki sa kanya.Ngumiti naman nang magalang si Luciana at sinabi, “Ayos lang ‘yon.”Nasa apat o limang lalaki sa loob ng silid na ‘yon at kapansin-pansin ang taglay na kagwapuhan ng mga ito.Samantala, inilingon naman ni Luciana ang kanyang ulo sa direksyon ni Matthew upang ito ay batiin.“Kumusta, Dr. Matthew,” sambit ni Luciana sa kanya.Agad namang tumango si Matthew bilang tugon sa kanya at kilala niya si Luciana mula sa taunang physical exam nito kaya naman ay pamilyar sila sa isa’t-isa.“Kamusta, Miss Luciana? Kamusta, Maximo? Mabuti at dumating kayong dalawa,” bati ni Matthew at agad na sinenyasan ang dalawang lalaking nasa gitna ng silid upang bigyan ng pwesto sina Maximo at Luciana.Bigla namang su
“At bakit naman ako hindi karapat-dapat sa kanya?”Nang dahil sa tanong ni Luciana, nakuha niya ulit ang atensyon ni Maximo na ngayon ay nababalutan na naman ng yelo.“Lugmok na ang pamilya mo, at wala kang pera. Sa tingin mo, sino ang karapat-dapat sa ‘yo, ha?” malamig niyang tanong kay Luciana.Tila mas lalong nasaktan ang dignidad ni Luciana nang dahil sa sinabing iyon ni Maximo pero hindi niya maikakailang totoo ang mga sinabi nito. Maski kay Maximo o Adrian ay hindi karapat-dapat sa kanya ngunit hindi naman umaasa si Luciana nang ganoon. Ang nais lang naman niya ay mamuhay nang maayos at maabot ang kanyang mga pangarap balang araw.“Bakit hindi ka na makagsalita?” muling tanong ni Maximo nang mapansin ang kanyang pananahimik. Napalabi na lamang si Luciana at nagbuntong-hininga.“Ano pa ba ang sasabihin ko? Oo na, kayo na ang nasa taas at ako na ang mababa. Ako na itong hindi karapat-dapat kahit na sino sa inyo,” malamig na sagot ni Luciana sa tanong ni Maximo sa kanya.Agad na siy