All Chapters of CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back: Chapter 11 - Chapter 20

50 Chapters

Kabanata 0011

“Nagpunta po si Madam Luciana sa kanilang boutique, Boss.”Nang marinig ni Maximo ang sinabi sa kanya ni Lance ay napakagat siya sa kanyang ibabang labi at maharan siyang napapikit.“Kamusta ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan?” tanong niya kay Lance sa kalmadong tono.“Sa tingin ko ay maayos naman po ang kanyang pakiramdam nang iwanan ko siya,” sagot ng assistant sa kanya.Nagbigay lamang ng isang tango si Maximo bago muling yumuko upang magpatuloy sa kanyang ginagawa at wala na siyang sinabi pang iba kay Lance ngunit bigla na lamang nagsalita ang assistant niya.“Oo nga pala, Boss. May gustong ibigay sa ‘yo si Madam Luciana,” ani Lance nang bigla niyang maalala ang utos sa kanya ni Luciana kanina.Habang nagsasalita siya ay iniabot niya ang papel na hawak sa direksyon ni Maximo pero hindi man lang ito tumingin.“Basahin mo ang nakasulat,” utos niya sa assistant at agad naman itong tumango.“Babasahin ko na ito, Boss,” agad na tugon ni Lance habang binubuksan ang papel na kanyang haw
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0012

“Ang walang puso at basurang katulad mo ay hindi ko na kailangan sa buhay ko!”Lakas-loob itong sinabi ni Luciana kay Maximo bago niya ibinaba ang tawag.Samantala, nakatitig naman sa itim na screen ng telepono si Maximo habang nandidilim ang kanyang mga mata. Parang isang bulkan na nagbabantang sumabog sa likod ng kanyang malamig na anyo. Ilang sandali pa, sunod-sunod naman na nag-buzz ang kanyang telepono at napuno ito ng mga notification.Pagbukas niya, tumambad sa kanyang mga mata ang sunud-sunod na debit alerts. Nasa mall si Luciana at kasalukuyang bumibili ng mga gamit para sa bahay. At ang bawat alerto ng gastos niya ay lalong nagpapalalim sa kunot ng noo ni Maximo.Biglang sumagi sa isip niya ang nilalaman ng kasunduan sa diborsyo, at ang kanyang gwapong mukha ay lalo pang dumilim. Ibinaling niya ang tingin kay Lance na ngayon ay nakatayo pa rin sa kanyang harapan.“Alamin mo kung pumunta si Luciana sa Makati ngayong araw, Lance,” utos niya sa assistant na agad namang tumango.
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0013

“Ano’ng gingawa niya rito?”Takang napatanong si Luciana sa kanyang mahinang boses habang nakatingin nang diretso kay Maximo. Nagulat siya sa hindi inaasahang presensya ni Maximo. Ngunit agad din iyon napalitan ng galit sa kanyang dibdib.Ang mansyon ay binabantayan ng dalawang guwardiya na nakatayo sa harapan ng pinto at tila ba hinaharangan ang kanyang pagdaan doon.“Bakit bantay-sarado ang bahay ko? Tumabi nga kayo diyan!” pasigaw na sabi ni Luciana sa kanila.Unang lumapit si Lance kay Luciana na nakatayo sa gilid at agad na nagsalita.“Pasensya na kayo, Madam Luciana. Utos po ito boss dahil ang bahay at lupa dito ay nakarehistro sa kanyang pangalan. Mariin niyang sinabi na walang sinuman ang maaaring manirahan dito at kapag may nagpilit, ito ay ituturing na isang trespassing,” paliwanag ni Lance sa magalang niyang boses.Totoo ang sinabi ni Lance sa kanya. Hindi basta-basta ang trespassing at posibleng magresulta ito sa pagkakakulong ng isang tao.Isang malalim na hininga ang pina
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0014

Hindi akalain ni Luciana na ganoon ka-walang hiya si Maximo. Samantala, pinilit naman ni Luciana na pigilan ang nag-aalab niyang galit sa kanyang dibdib bago siya magsalita.  “Naging mag-asawa tayo nang matagal na panahon at ngayon na maghihiwalay na tayo, ni hindi mo ako iiwanan ng bahay?” ani Luciana sa kanyang hindi makapaniwalang reaksyon.Dalawang taon silang nagsamang dalawa ni Maximo. Hindi niya maiwasang mag-isip kung wala ba ‘yong halaga sa lalaki. Kailangan ba niyang umalis nang walang-wala?Maraming tanong ang bumabagabag kay Luciana ngunit mananatili lamang iyon sa kanyang utak.Isang nakakalokong ngiti ang biglang naglaro sa mga labi ni Maximo nang sabihing, “Pumayag na ba akong mag-divorce tayo, Luciana?”“H-Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo na gusto ko na makipag-hiwalay!” mariing sagot ni Luciana sa nanginginig na boses. Paano niya matitiis ang isang kasal kung saan ang asawa niya ay nagkaroon ng anak sa ibang babae?Sumilay ang pagkapilosopo sa mga mata ni Maximo, at tumaw
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0015

Nasa ikalawang palapag na si Maximo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha upang sagutin.“Hello…” aniya sa kabilang linya.“Kayo po ba ang naghahanap ng isang surrogate kapalit ng dalawang milyon?” tanong ng isang boses sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Anong surrogate ang sinasabi mo?” takang tanong pa niya at tila hindi maintindihan ang ibig sabihin ng nasa kabilang linya.“Tungkol po ito sa ad na ipinost ninyo,” sagot ng kabilang linya kaya napakunot ang noo ni Maximo.“Wala akong ipinost na ad,” malamig niyang tugon, sabay baba ng tawag. Masama na nga ang kanyang timpla, at lalo lamang itong sumama dahil sa walang kwentang tawag na natanggap niya.Halos kakababa pa lang niya sa cellphone nang muli itong mag-ring. Isa na namang tawag tungkol sa surrogacy.At dahil likas na matalas ang kanyang pag-iisip, mabilis niyang napagtanto ang sitwasyon. Agad siyang nag-utos ng isang imbestigasyon, at hindi nagtagal ay nalaman niya na si Luci
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0016

“Bahay ko ito at mananatili ako rito kailan ko gusto.”Nang sabihin iyon ni Maximo kay Luciana, bakas sa kanyang boses ang tila’y malamig niyang tono.Masamang napatitig si Luciana sa kanya, at bakas ang pagkairita sa kanyang mukha. Nang maalala niya ang estado ng kanilang relasyon, agad niya ito itinulak palayo sa kanya. Napaatras ng isang hakbang si Maximo habang ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi mabasa.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito sa kanya.“Kailangan na natin maghiwalay, Maximo,” mahina at mariin niyang sagot kay Maximo.“Sa tingin ko ay hindi ka naman seryoso sa mga binitawan mong salita. Kahapon ay nagdrama kang umalis tapos ngayon naman ay bumalik ka. Ito ba ang mukha ng isang taong gusto na makipaghiwalay?” nakangising wika ni Maximo sa kanya.Hindi na nakipagtalo si Luciana sa sinabi nito dahil alam niyang kapag nagsalita pa siya, lalo lamang nitong iikutin ang kanyang mga salita pabor sa kanya. Tahimik na lamang niyang inayos ang palda at tumalikod
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0017

Nagtataka man ay agad na pumasok si Luciana sa isang opisina ng CEO. Agad naman siyang binati ng sekretarya nito.“Miss Mendoza, maghintay po muna kayo dito nang ilang saglit. Darating na po si Mr. Hidalgo,” paliwanag sa kanya ng sekretarya at agad siyang tumango bago ito sagutin.“Walang problema,” nakangiting tugon ni Luciana sa kanya.Matapos ang sampung minutong paghihintay niya, bumukas ang pintuan ng opisina, at isang matangkad na pigura ang pumasok sa loob. Isang banayad na amoy ng mint ang biglang kumalat sa loob ng opisina, na agad nakakuha ng pansin ni Luciana.Paglingon niya, tumambad sa kanya ang lalaking tumulong sa kanya kanina upang pulutin ang mga design draft niyang nahulog sa sahig.“Ikaw?” tanong niya at halata ang gulat sa boses niya.Napangiti naman ang lalaki na ngayo’y bakas sa mukha ang kanyang kalamdo at magiliw na awra.“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon,” nakangiting sabi ng lalaki kay Luciana.Nang mapagtanto ni Luciana kung sino siya, agad niyang inayos
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0018

“Kilala mo si Mr. Hidalgo?”Nagtatakang napatingin si Luciana kay Liezel nang may napagtanto siya.“Oo naman. Magkaklase kaming dalawa sa Amerika noon,” nakangiting sabi ni Liezel at muling sinulyapan si Adrian. “Ang tagal na nating hindi nagkita, Adrian. Kumusta ka na pala?”“Heto, ayos lang naman,” sagot ni Adrian sa kanya at bahagyang nakangiti ngunit hindi mabasa ang kanyang ekspresyon sa likod ng suot niyang salamin saka nagpatuloy, “Mag-usap na muna kayo at may sasagutin lang akong tawag.”Pagkatapos sabihin ‘yon ni Adrian ay agad na siyang tumalikod habang hawak ang kanyang cellphone. Sinundan naman ni Liezel nang tingin si Adrian at nang makalayo ito, muli niyang ibinaling ang atensyon kay Luciana. Ang kanyang ngiti ay tila may halong pag-uusisa.“Mukhang maganda ang takbo ng karera mo ngayon, Luciana. Nakikipag-usap ka pa sa Sparkle Company tungkol sa isang collaboration, ha?” nakangiting saad ni Liezel sa kanya.“Mabait lang siguro si Mr. Hidalgo,” sagot ni Luciana at pilit n
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0019

Nanlaki naman ang mata ni Luciana nang marinig niya ang biglang sinabi ni Liezel kay Maximo. Tila wala namang bahid ng intensyon sa labas ang mga salitang binitawan ni Liezel ngunit sa likod nito ay parang may talim na tinatago.Mukha siyang banayad at elegante kung titignan, ngunit ang kanyang mga pahayag ay may taglay na talas na mahirap balewalain. Napagtanto ni Luciana na si Liezel Rivero ay hindi pala isang simpleng babae lamang.Tulad ng inaasahan, dumilim na naman ang ekspresyon ni Maximo matapos marinig ang sinabi ni Liezel. Ang malamig na mga tingin ni Maximo ay parang isang patalim na tila sumusugat na ngayon kay Luciana.Sa ganoong titig, hindi nagawang salubungin ni Luciana ang kanyang tingin. Samantala, dumating na si Adrian na ngayon ay binasag ang tensyon sa pagitan nilang tatlo.“Bakit nakatayo pa kayo riyan? Magsisimula na ang fashion show kaya pakiusap, umupo na kayo sa inyong mga upuan.” Utos ni Adrian sa kanilang lahat.Napabuntong-hininga na lamang si Luciana at na
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 0020

Habang nag-uusap sina Luciana at Adrian, isang modelo ang dumaan sa entablado sa kanilang harapan, at ang bag nito ay tumama sa direksyon ni Luciana.“Mag-ingat ka!” sigaw bigla ni Adrian at mabilis na hinila palayo si Luciana upang maiwasan ang bag.Natuod naman nang ilang sandali si Luciana habang ang kanyang tingin ay napako sa isang modelo na nasa entablado. Saglit na lumingon ang modelo sa kanya, at nagbigay ng isang tingin ng paghingi ng pasensya bago ito magpatuloy sa kanyang paglalakad.Sa kabila nang mabilisang interaksyon, nakilala ni Luciana ang modelong iyon at siya ay si Zarina Guevarra, ang minamahal na anak na babae ng kapatid ng ama ni Maximo. Ayon sa narinig ni Luciana na mga bali-balita, si Zarina ay pumasok sa mundo ng modeling sa ibang kumpanya nang dahil sa minamahal niyang lalaki.Bigla namang naisip ni Luciana na hindi kaya ang lalaking ‘yon ay si Adrian Hidalgo?Nang maisip ni Luciana ito ay tila bigla siyang nagukuhan. Pakiramdam niya na ang mga nangyayari ngay
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status